DiscoverThe Linya-Linya Show
The Linya-Linya Show
Claim Ownership

The Linya-Linya Show

Author: Ali Sangalang and Linya-Linya and The Pod Network Entertainment

Subscribed: 1,940Played: 25,237
Share

Description

Linya-Linya founder, Creative Director and former Presidential Speechwriter Ali Sangalang hosts this pun-filled variety podcast show on Filipino life, arts & culture. With solo segments and various guests mula sa iba’t ibang linya ng buhay– matututo ka, matutuwa, at matatawa. BOOM! Best pakinggan habang naghuhugas ng pinggan. Listen up, yo!

For partnership opportunities and collaborations, please contact: [email protected]
428 Episodes
Reverse
Isa sa mga beterano at pinaka-recognizable na emcees sa battle rap scene—mula Bahay Katay hanggang FlipTop, Motus, SpitYoBars, at iba’t ibang liga—kasama natin ngayon si Mastafeat!Napagkwentuhan namin ang simulain niya sa GMA, Cavite, paano siya napasok sa hip hop at battle rap, at kung paano nabuo yung style na kilala sa kanya ngayon: freestyle, melodic delivery, at unpredictable humor.Binalikan din namin ang naging journey niya mula Process of Illumination at early FlipTop battles, hanggang pandemic-era performances, criticism, setbacks, paglabas sa iba’t ibang liga, at muling pagpapakilala sa sarili bilang emcee.At siyempre, nakilala rin natin si Mastafeat sa labas ng battle rap: pamilya, trabaho, acting, priorities habang tumatanda, at kung paano siya naging “Kuya Pito” para sa mas bagong generation ng emcees.Sa dami ng naging version ni Mastafeat sa paglipas ng panahon—sino nga ba talaga ang totoong Masta? At ano pa ang gusto niyang patunayan?Bagong episode ng Bara-Bara, collab podcast ng The Linya-Linya Show at FlipTop Battle League.Listen up, yo!
Nakasama ulit natin sa The Linya-Linya Show si Bianca Gonzalez—award-winning host, podcaster, author, advocate, at mom of two—and sakto, dahil malapit na rin akong maging tatay, at marami akong tanong. 😅Napag-usapan namin ang journey niya sa pagiging parent, paano nagbabago ang marriage at priorities kapag may mga anak na, paano maging mabuting partner habang nangangapa bilang parent, at kung anong klaseng tao ba talaga ang gusto nating palakihin.Napunta rin ang usapan sa mas malaking tanong: paano tayo nagpapalaki ng mga anak sa panahong ang daming uncertainty sa mundo at sa Pilipinas? Paano sila mamumulat nang hindi nawawalan ng pag-asa? At bilang mga magulang, ano ang responsibilidad natin sa mundong ipapamana natin sa kanila?Ituring natin itong reflection period (or pod, hehe), mula sa isang nanay na ilang chapters ahead sa journey na sisimulan pa lang namin ni Reich.Parents, soon-to-be parents, mga nagpaplanong magpamilya, o kahit sino ka pa—sana mapakinggan n’yo.Listen up, yo!
Ano ba talaga ang lagay ng edukasyon sa Pilipinas—at saan tayo magsisimulang mag-ayos?Kasama natin sa episode si Karol Mark Yee, Executive Director ng EDCOM II, para pag-usapan ang Philippine education system: bakit mahalaga ang foundational learning, ano ang sinasabi ng data, ano ang progress na nakikita natin, at paano natin masisigurong ang mga report at roadmap ay mauuwi sa totoong pagbabago.Napag-usapan din namin kung paano siya nananatiling hopeful sa kabila ng bigat ng trabaho, at kung ano ang puwedeng gawin ng ordinaryong Pilipino para makatulong.At siyempre, pinagkuwentuhan namin ang BOOKsan ang Kinabukasan—project ng Linya-Linya, EDCOM II, Caritas Philippines, at Alay Kapwa na naglalayong maghatid ng books at reading spaces sa mga batang nasa underserved communities.Dahil minsan, isang libro lang ang pagitan ng isang bata at ng mas malawak na mundo.Kung gusto ninyong tumulong, puwedeng mag-donate, magbasa pa tungkol sa campaign, at bumili ng Linya-Linya × BOOKsan ang Kinabukasan collab shirt para makatulong sa fundraising:Website: https://edcom2.gov.ph/booksan/Facebook: https://www.facebook.com/share/1coZR7zoDM/?mibextid=wwXIfrCollab shirt: https://linyalinya.ph/products/linyalinyaxedcom2xcaritasphxalaykapwa?_pos=1&_sid=3bc779a24&_ss=rListen up, yo!
Isa sa pinakasolid na battle emcees, at isa rin sa pinakasolid kakwentuhan—ang back-to-back FlipTop Isabuhay Champion, rap artist, at content creator, mula Canada para sa inyo: BATAS!Nag-catch up kami tungkol sa buhay niya ngayon sa Canada: mga naging trabaho, kumusta ang work ngayon, at kung paano nagbago ang pananaw niya bilang bagong erpat.Napag-usapan din namin ang mga trip niya outside battle rap—vinyl records, collecting and listening to music, beatmaking—at kung paano niya patuloy na kino-connect ang sarili sa hip-hop kahit nasa bagong lugar, habang bina-balance ang passion, trabaho, at pamilya.Bilang isa sa mga emcee na naabutan ang simula ng FlipTop at dumaan sa iba’t ibang era ng liga, ibinahagi rin ni Batas ang POV niya sa evolution ng battle rap, sa patuloy na paglago ng hip-hop culture at community, at kung may gutom at gigil pa ba siyang bumalik sa battle stage.At siyempre, pinag-usapan din namin ang linyang matagal nang tumatak sa marami at ngayon ay bahagi na rin ng Linya-Linya × Batas collab:“Libre ang mangarap. Magastos mabigo.”Ano nga ba ang ibig sabihin nito para kay Batas ngayon?Ito ang Bara-Bara, collab podcast ng FlipTop at Linya-Linya.Listen up, yo!
Papasa na yatang full-length film—umabot nang mahigit tatlong oras ang naging kuwentuhan namin ni Direk Jerrold Tarog sa The Linya-Linya Show. 😅Napag-usapan namin ang curiosity, ang saya ng pagiging weird, geek at nerdy, experimentation, at kung paano nabubuo ang isang pelikula sa tulong ng buong village ng creatives behind the scenes. Pinag-usapan din namin ang directing bilang collaboration, hindi dictatorship; AI sa film industry; ang halaga ng daydreaming at pagtunganga; pagbabalik-tanaw sa kasaysayan; at kung paano i-navigate ang social media, negative comments, bash at hate.Pero higit sa filmmaking, napunta rin ang usapan sa mas malalaking tanong tungkol sa pagiging creative, pagiging mabuting tao, at kung ano ba talaga ang halaga ng mga kuwentong pinipili nating gawin at ipamana.Sakto ngayong Philippine Film Industry Month, at bahagi rin ng Linya-Linya × Directors’ Guild of the Philippines, Inc. collaboration.Maraming salamat kay Direk Jerrold sa pagiging open, humble, at generous sa pagbahagi ng thoughts, process, knowledge, at mga pangarap niya para sa Philippine cinema.Pakinggan ang buong episode ng The Linya-Linya Show.Listen up, yo!
loading
Comments