Discover
The Linya-Linya Show
The Linya-Linya Show
Author: Ali Sangalang and Linya-Linya and The Pod Network Entertainment
Subscribed: 621Played: 6,425Subscribe
Share
© Ali Sangalang and Linya-Linya and The Pod Network Entertainment
Description
Linya-Linya founder, Creative Director and former Presidential Speechwriter Ali Sangalang hosts this pun-filled variety podcast show on Filipino life, arts & culture. With solo segments and various guests mula sa iba’t ibang linya ng buhay– matututo ka, matutuwa, at matatawa. BOOM! Best pakinggan habang naghuhugas ng pinggan. Listen up, yo!
For partnership opportunities and collaborations, please contact: [email protected]
For partnership opportunities and collaborations, please contact: [email protected]
431 Episodes
Reverse
Balik sa The Linya-Linya Show ang comedian, writer, at all-around creative na si Stanley Chi!Nagkuwentuhan kami tungkol sa paglaki niya sa isang Filipino-Chinese family, mga kultura at kaugalian, at kung paano niya pinursue ang comedy at creative work kahit medyo unconventional ito sa expectations ng pamilya at mga tao sa paligid niya.Napag-usapan din namin ang buhay-empleyado, mga karaniwang struggles ng manggagawang Pilipino, at mga practical advice niya sa pag-navigate ng trabaho at career.Siyempre, pinag-usapan din namin ang journey niya bilang comedian at creative, kung paano siya patuloy na nagre-reinvent ng sarili sa paglipas ng panahon, at pati ang running era niya ngayon!Maraming kuwentong relatable sa mga empleyado, creatives, at lahat ng patuloy na naghahanap ng paraan para umusad sa buhay at trabaho.Listen up, yo!
Balik sa Bara-Bara ang founder at president ng FlipTop Battle League at co-founder ng Uprising Records—walang iba kundi si Anygma!Ituring n’yo ang episode na ito bilang recap at reflection ni Aric sa naging takbo ng FlipTop ngayong 2026. Sa mga nakakasubaybay, alam natin kung gaano kamakasaysayan ang taong ito para sa liga—mula sa mga bagong events at tournaments, pag-usbong ng bagong henerasyon ng emcees at patuloy na paghusay ng mga OG, hanggang sa paglawak ng audience, sa mga venues man, social media, o traditional media.Napag-usapan namin ang lumalawak na recognition at appreciation sa battle rap at hip-hop culture, pati ang mahalagang papel ng hip-hop bilang boses at lunsaran ng mga hinaing tungkol sa mga nangyayari sa lipunan.Siyempre, sinilip din namin ang trabaho ni Aric behind the scenes—ang challenges, decisions, at responsibilities sa pagpapatakbo ng liga habang patuloy itong lumalaki. Hindi lang sa pag-organize ng events at pag-aasikaso sa mga emcee, kundi pati sa pag-mentor at pag-alalay sa FlipTop staff at sa kani-kanilang career at personal na buhay.Umabot din ang kuwentuhan sa Uprising Records at sa kanilang anim na album releases ngayong taon. Kani-kaninong mga album ang dapat abangan? Ano ang creative direction ng Uprising, at ano pa ang gustong maiambag ng koponan ng kamao sa Filipino music?Sa kabuuan, pinag-usapan namin kung paano pa natin mas makikilala, mauunawaan, at maa-appreciate ang battle rap, rap music, at hip-hop culture.At maiba naman, nagkuwentuhan din kami tungkol sa pagmomotorsiklo, paghahanap ng oras para sa sarili, at pagiging erpat—sakto dahil malapit na rin akong maging tatay. Hehe!Sa dami ng ginagawa, responsibilidad, at pangarap, paano nga ba napagkakasya ang lahat? At matapos ang mahigit 16 na taon ng FlipTop, ano pa ang nagtutulak kay Anygma na magpatuloy?Maraming kuwentong binalikan, realizations, at mga dapat abangan sa 2027.Tuloy-tuloy lang tayo!Listen up, yo!
After ng gender reveal, diretso kami ni Reich sa isa na namang The Linya-Linya Show episode para sa second installment ng aming Touchdown, Baby! series! 👶🏻💙This time, pinagkuwentuhan namin ang mga unang naiisip, nararamdaman, at pinaghahandaan namin ngayong papalapit na ang pagdating ng aming baby boy.Mula sa mga kailangang bilhin at ayusin sa bahay, household help, hanggang sa mga excitement, worries, expectations, at mga tanong namin bilang first-time parents.Walang experts dito—dalawang mag-asawa lang na nangangapa, natututo, at excited salubungin ang bagong chapter ng buhay namin bilang isang maliit na pamilya. Samahan n'yo kami sa isa na namang kuwentuhang puno ng pagmamahal, tawanan, at konting kaba.Listen up, yo!
Isa sa mga beterano at pinaka-recognizable na emcees sa battle rap scene—mula Bahay Katay hanggang FlipTop, Motus, SpitYoBars, at iba’t ibang liga—kasama natin ngayon si Mastafeat!Napagkwentuhan namin ang simulain niya sa GMA, Cavite, paano siya napasok sa hip hop at battle rap, at kung paano nabuo yung style na kilala sa kanya ngayon: freestyle, melodic delivery, at unpredictable humor.Binalikan din namin ang naging journey niya mula Process of Illumination at early FlipTop battles, hanggang pandemic-era performances, criticism, setbacks, paglabas sa iba’t ibang liga, at muling pagpapakilala sa sarili bilang emcee.At siyempre, nakilala rin natin si Mastafeat sa labas ng battle rap: pamilya, trabaho, acting, priorities habang tumatanda, at kung paano siya naging “Kuya Pito” para sa mas bagong generation ng emcees.Sa dami ng naging version ni Mastafeat sa paglipas ng panahon—sino nga ba talaga ang totoong Masta? At ano pa ang gusto niyang patunayan?Bagong episode ng Bara-Bara, collab podcast ng The Linya-Linya Show at FlipTop Battle League.Listen up, yo!
Nakasama ulit natin sa The Linya-Linya Show si Bianca Gonzalez—award-winning host, podcaster, author, advocate, at mom of two—and sakto, dahil malapit na rin akong maging tatay, at marami akong tanong. 😅Napag-usapan namin ang journey niya sa pagiging parent, paano nagbabago ang marriage at priorities kapag may mga anak na, paano maging mabuting partner habang nangangapa bilang parent, at kung anong klaseng tao ba talaga ang gusto nating palakihin.Napunta rin ang usapan sa mas malaking tanong: paano tayo nagpapalaki ng mga anak sa panahong ang daming uncertainty sa mundo at sa Pilipinas? Paano sila mamumulat nang hindi nawawalan ng pag-asa? At bilang mga magulang, ano ang responsibilidad natin sa mundong ipapamana natin sa kanila?Ituring natin itong reflection period (or pod, hehe), mula sa isang nanay na ilang chapters ahead sa journey na sisimulan pa lang namin ni Reich.Parents, soon-to-be parents, mga nagpaplanong magpamilya, o kahit sino ka pa—sana mapakinggan n’yo.Listen up, yo!







