Discover
AltM Radio
76 Episodes
Reverse
Tinanggal na sa money laundering at terrorism financing grey list ang Pilipinas. Good news nga ba ang pag-alis sa listahan ng Financial Action Task Force? Ano ang kapalit nito?Alamin sa episode na ito ng #ALAB Analysis kasama si Inday Espina-Varona!
Malinaw na corruption issue ang ginawang insertions sa 2025 national budget. Pero ayon sa kampo ng mga Marcos, pagtatangka raw itong ilihis ang atensyon ng publiko mula sa impeachment at ibang kasalanan ng mga Duterte. Tama bang pagtingin ito? Alamin ‘yan sa ALAB Analysis kasama sina Inday Espina-Varona at Kabataan Partylist Rep. Raoul Manuel!
Impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte, bakit tila tinututulan ni Marcos Jr? Alamin sa ALAB Analysis kasama si Inday Espina-Varona at ACT Teacher's Party-list Rep. France Castro!
Isiniwalat sa Kongreso nitong October 10 ang mga detalye sa likod ng drug war ng Duterte administration. Ang tanong ng publiko, ano na ang kasunod? Sinu-sino ang ibang sangkot at mapapanagot ba sila?
Inapila ng tinatawag na Talaingod 13 ang desisyon ng korte na guilty daw sila sa kasong child abuse diumano sa mga estudyanteng Lumad. Ilan sa mga kinasuhan ay sina ACT Teachers Partylist Representative France Castro at former Bayan Muna Representative Satur Ocampo. Ano ang totoo sa kaso laban sa Talaingod 13 at sino nga ba ang dapat managot dito? 'Yan ang tatalakayin sa episode na ito ng ALAB Analysis!
Makailang beses na naglunsad ng military expedition ang US at China sa West Philippine Sea, dahilan para lalo pang tumindi ang tensyon dito. Para tuloy naiipit ang Pilipinas sa dalawang dambuhalang bansang ito. Saan nga ba tayo dadalhin ng umpugang ito?
Sa nagdaang mga linggo, naungkat ang iba’t ibang isyung dala ng paglipana ng Philippine Offshore Gaming Operators o POGOs sa bansa. Panahon na nga ba para ipagbawal nang lubusan ang POGOs?Panoorin at sumali sa talakayan sa #ALAB Analysis!
Gumugulong ang balita tungkol sa imbestigasyon ng International Criminal Court o ICC sa “War on Drugs” ni dating Pang. Rodrigo Duterte. Bakit nga ba mahalagang tutukan ang imbestigasyong ito? ‘Yan ang laman ng diskusyon kasama si si Atty. Krissy Conti, abogado ng drug war victims, sa ALAB Analysis!Sama-sama nating pakinggan ang #ALAB!
Climate change ang pinag-uusapan ng world leaders ngayon na nasa Dubai para sa ang ika-28 na Conference of Parties o COP28. Pero duda ang environmentalists kung epektibo ba ang COP28 sa pagtugon sa climate crisis. Pag-uusapan natin ‘yan sa episode na ito ng #ALAB Analysis!
Ngayong linggo, nasaksihan natin kung paanong sa kabila ng mariing pagtutol ng iba’t ibang grupo, niratsada pa rin ng Senado ang pagpasa sa Senate Bill No. 2020 o ang Maharlika Investment Fund Bill. Ang tanong: bakit ba ganoon na lang ang pagmamadaling maipasa ang panukalang ito? Makabubuti nga ba ang Maharlika sa ekonomiya?Makakasama natin ngayong gabi ang dalawang eksperto – sina dating Bangko Sentral ng Pilipinas Deputy Gov. Diwa Guinigundo at Sonny Africa ng IBON Foundation.
Mahigit 700 na ang political prisoners sa bansa. Marami sa kanila ang mabagal ang usad ng kaso tulad kay former senator Leila de Lima, na ipinakulong ng Duterte administration habang bahagi ng oposisyon. Makatwiran bang makulong ang isang indibidwal dahil sa pulitikal na paninindigan?
Uncomfortable truth: As we end Women's Month, it is just right to extol that fight of 'comfort women'--and let us be reminded of the cruelty during war.Listen to Inday Espina-Varona's interview with 'comfort women' during the World War II in this special episode of ALAB Analysis.
Palalalimin kung bakit nga ba palala nang palala ang krisis sa transportasyon Sama-sama nating pakinggan ang veteran journalist na si Inday Espina-Varona kasama sina Ira Cruz ng AltMobility PH at Ramir Mangila ng LABAN TNVS.
Sa pag-anunsyo ng International Criminal Court na ipagpapatuloy na nito ang imbestigasyon sa kasong “crimes against humanity” na nakasampa laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte at mga dating opisyal ng kanyang administrasyon kaugnay ng madugong ‘War on Drugs,’ halos sabay-sabay ang naging sagot ng mga nasa gobyerno: labag ito sa soberanya ng Pilipinas. Bakit biglang napasok ang usapin ng soberanya kahit hustisya naman ang hiling sa ICC investigation? ‘Yan ang laman ng talakayan kasama sina Atty. Krissy Conti at Atty. Neri Colmenares sa pinakabagong episode ng #ALABAnalysis!
Isa sa masasabing pinakamalagim na legasiyang iniwan ng Duterte administration ang madugong “War on Drugs.” Pero ngayong iba na ang administrasyon, maraming tanong ang namumutawi: Paano na ang hustisya para sa mga biktima at kanilang pamilya? Matitigil na ba ang mga madugong pagpatay, o tuloy pa rin?'Yan ang laman ng talakayan sa pinakabagong episode ng #ALABAnalysis, kasama sina Carlos Conde ng Human Rights Watch, Llore Pasco Benedicto ng Rise Up for Life and for Rights, at drug policy reform advocate na si Atty. Henrie Enaje.
MAALAB NA PAGBATI PILIPINAS!Balak daw ng Marcos Jr administration na ibalik ang programang Masagana 99, na sinimulan noong panahon ni Marcos Sr. Pero bakit umaalma ang mga magsasaka sa muling pagbuhay ng programang ito?Tatalakayin ‘yan sa episode ng #ALAB para ngayong Buwan ng Pesante!
"Golden age" nga ba ang Martial Law? Napapanahong pag-usapan 'yan sa 50th anniversary ng Martial Law. Samahan sina Atty Chel Diokno at ekonomistang si JC Punongbayan sa latest episode ng #AlabAnalysisSama-sama nating pakinggan ang #ALAB!
Sa panahong laganap ang fake news at historical distortion, anong papel ang ginagampanan ng sining, lalo na ng pelikula? ‘Yan ang tatalakayin natin ngayon sa #ALABAnalysis! Pakinggan at sumali sa diskusyon!
MAALAB NA PAGBATI PILIPINAS! Nakailang linggo nang nakaupo sa pwesto si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., pero ang pangakong "comprehensive all-inclusive plan for economic transformation" niya, mistulang lista sa tubig pa rin daw.'Yan ang pag-uusapan sa bagong episode ng #ALABAnalysis, kasama ang mga ekonomistang si Emmanuel Leyco at Sonny Africa.
Imeldific comeback? Samahan ang veteran journalist na si Inday Espina-Varona kasama sina Bibeth Orteza ng Concerned Artists of the Philippines at Bonifacio Ilagan ng CARMMA sa talakayan:








