DiscoverTula ng Pusong Iniwan
Tula ng Pusong Iniwan
Claim Ownership

Tula ng Pusong Iniwan

Author: RR Timoteo

Subscribed: 1Played: 3
Share

Description

Mga tula at kwentong di maletrahan ng pusong iniwan.
4 Episodes
Reverse
Maraming lakas ang inipon ko Makalimutan lang ang ngiti mo. Maraming lakas ang inipon ko Makalimutan lang ang amoy ng iyong pabango. Na naglalakbay sa ilong Patungong puso. Amoy na kayang pakiligin Kayang pasayahin Kayang alipinin Bawat taglay kong angkin. Maraming lakas ang inipon ko Mawala lang sa isip ang tinig mo. Tinig na kayang payapain Bawat problemang malalim — Sa pera Sa trabaho Sa pamilya Sa sarili. Mabisang pampigil ang yong tinig Sa maraming beses kong tangkang pag-alis. Maraming lakas ang inipon ko Wag ko lang hanap-hanapin Ang higpit ng yakap mo. Yakap na tila laging nagsusumamo, Na kita’y pawalan At hayaang maglaho. Mahal, Patawarin mo ako, At umabot tayo dito. Maraming lakas ang inipon ko Maalis lang sa isip ko ang ‘yong mga pangako, Na walang iba kundi tayo Na bawat hapunan Laging magkasalo, Na bubuo tayo ng sariling mundo. Haaaaaaaaaay! Ngayon ko napagtanto Di pala lahat ng kwento Maligaya ang dulo. Maraming lakas ang inipon ko Wag lang magbalik muli: Ang ngiting bumihag sa’king puso Ang di malimutang amoy ng pabango Ang di mawala-walang mayuming tinig Ang hinahanap-hanap na yakap At mga pinangakong pangarap. Mahal, Maraming lakas ang inipon ko Masabi lang ang "paalam".
Your mom called me

Your mom called me

2021-01-0808:02

Nagpapasalamat ako, sa kabila ng mga nangyari, patuloy kong nararamdaman kung gaano kalaki ang tiwala sa akin ng mga magulang mo, na kung papipiliin lang daw sila, ako ang pipiliin nila. Hindi sa pinipilit kong maging tayo ulet, nakakataba ng puso marinig ang mga taong pinaka-nagmamahal sayo, ako ang mahal hindi yung bago mo. Sana, matutunan rin nilang mahalin ang mahal mo. Ingat ka!
May mga gabing gusto kitang kantahan, gaya ng dati kapag di ka makatulog.
Kagabi, nagsinungaling ako sa’yo Hindi totoong busy ako. Papaano magiging busy ang isang taong Maghapon nakabantay sa telepono? Nagaantay, Umaasa. Umaasang babalik sa dating gawi Ang lambing ng ‘yong tinig At marahang ngiti sa bawat hinto ng hininga. Nagsinungaling din ako Nang sinabi kong okay na ako. Hindi ako magiging okay. Walang okay na taong ulit-ulit babalikan Ang mga naipong larawan Ng kamay na magkahawak At balikat na magkaakbay. Ng pagkaing di maubos-ubos, Ng masunuring tuwalyang sang linggong pinagsaluhan, Ng halimuyak niyong pabango, Ng gusto mong tamang timpla ng kape, (Di masyadong matamis, Di masyadong matapang) Sakto lang. Gaya ng aking pagkatao, Di masyadong matamis, Di masyadong matapang, Sakto lang. Nagsinungaling din ako, nang sabihin kong "kaya ko pa" Mahirap kayaning lumaban mag-isa. Bumibigay ang lahat sa kawalan ng pahinga. Gaya ng pagbigay ng tuhod ng tsuper sa maghapong pasada, Ng pagbigay ng nilakaran mong kawayang tulay, Ng pasensyang nasasagad sa palagian mong di pag-uwe sa bahay, At nang tuluyang pagbigay ng di mapigil-pigil na damdamin. Damdaming di natatakpan ng tawanan, Ng masarap na higop ng mainit-init pang sotanghon, Ng halamang nadidiligan ng malulungkot na salitang kinikimkimkimkim. Damdaming di na paawat pa sa ngiti mo’t bango. Gaya ng pagbigay ng isip sa mga tanong na di masagot-sagot, Bumibigay ang lahat sa kawalan ng pahinga. Bumibigay ang puso sa kawalan ng pag-asa. Bago ako tuluyang bumigay, magsasabi ako ng totoo, Ikaw ang laman ng puso Iba man ang piliin mo.
Comments 
Download from Google Play
Download from App Store