DiscoverMaluFaith Podcast
MaluFaith Podcast
Claim Ownership

MaluFaith Podcast

Author: Neon Ansus and Dexter Banua

Subscribed: 0Played: 0
Share

Description

It is a FAITH based show that is light-hearted, inspirational and full of LAUGHTER! We promote open and honest conversation no matter where someone is in their faith journey. It is an invitation for people to rediscover the beauty of their faith while having fun.
19 Episodes
Reverse
Pagpatuloy natin ang kwentuhan at usaping worship songs mga ka-Faithful! This time, mga recent songs naman ang ating pag-uusapan. Palagay ko dito marami kang kilala. Samahan rin natin ng pagpapasalamat sa pamamagitan ng dasal sa segment natin na Line to Heaven!
Isang malaking gift talaga para sa lahat ang musika upang mas mapalapit tayo sa Diyos. Lagi tayong pinapaalalahan nito ang mga katotohanan tungkol sa Kanya. Ano nga ba ang paborito mong worship song sa inyong simbahan? Kakanta ba si Neon sa episode na to? Part 1 pa lamang to kaya Tara! Kantahan na! 
Pagpapaubaya sa Diyos. Iyan ang pinakanatutunan kong leksyon sa episode na ito kasama ang isang ina na ang tanging hiling lamang ay ang mapabuti ang kanyang mga anak. Pakinggan kung paano ba tayo magpapatuloy sa pagtiwala sa Kanya sa kabila ng mga hirap natin sa buhay? Sana kahit papaano ay may mapulot tayong aral mula sa aking bisita na si Tin Ayson.
It takes a lot of decision-making bago ka makapag-decide kung i-re-rekindle mo ba yung friendship na nabuo mo with your friends. Marami kang kailangang isaalang-alang dahil andun pa rin yung takot mo na baka masaktan kang muli. Sa episode na ito, bibigyan namin kayo ng ilang tips kung pipiliin mong mag-reconnect sa dati mong mga kaibigan and hopefully makatulong ito kahit papano. An episode that has a roller-coaster of emotion kaya makinig na dito sa MaluFaith!
Isang call center agent at servant sa Feast ang makakasama natin sa pormal na pagbubukas ng Season 2 ng MaluFaith. Pakinggan ang kanyang kwento kung paano sya patuloy na bumangon sa kabila ng lahat ng kanyang naranasan.
It is the time of the year na para sa lahat ng mga Katoliko sa buong mundo. Ang panahon ng Kwaresma o Lent. Sa espesyal na episode ngayong linggo, pag-usapan natin kung ano nga ba ang ibigsabihin nitong season na ito at anu-ano ang maaari nating gawin para paghandaan ito? Makinig na, dito lamang sa MaluFaith!
Sa Season Finale ng MaluFaith, samahan nyo kami na magbalik-tanaw sa ating mga past episodes! Balikan ang ilang lessons na ating mga natutunan at munting reflection sa kung paano tinawag ni Jesus si Matthew. Umpisa pa lang ito ng marami pang mga topic na pag-uusapan kaya ma-inspire, makitawa, makisaya - dito lamang sa MaluFaith!
Nangarap si Weng na makapunta ng Maynila upang makilala ang kanyang idolo. Ngunit sa kabila ng kinang ng kanyang pangarap, ay naroon din ang hirap at sakit na kanyang naranasan. Sa papamagitan ng sipag at patuloy na pagkapit sa Diyos, kailan man ay hindi sya nawalan ng pag-asa. Tunghayan ang nakaka-inspire na kwento ng pinakaunang letter sender ng programa dito lamang sa MaluFaith!  
Isang former DJ sa Kidapawan City si Cacharel Esber (o mas kilala bilang Eva Guava). Kung saan isa rin syang aspiring humanitarian at philanthropist. Sa episode na ito, usapang pag-ibig, second chance sa life at acceptance sa reality ng buhay ang ilan sa mga topic today! Isang wisdom-filled episode para sa inyong lahat. Dito lang sa MaluFaith!
Basehan ba ang estado ng buhay upang makapasok ka sa langit? Nasusukat ba ang pagkatao base lamang sa kung ano ang kanyang pag-aari? Bawal judgemental ha? Halina't pag-usapan natin yan dito sa MaluFaith!
EPISODE 06: "LUCKY" Me

EPISODE 06: "LUCKY" Me

2021-01-1556:12

Naniniwala ka ba sa Horoscope? O di kaya sa Feng Shui? Ano ba ang mga dahilan kung bakit na-eexcite tayo dito at tama ba na paniwalaan natin ito? Ano ba ang relasyon nito sa faith natin? Tsaka ba't ba ang dami kong tanong? Haha! Pag-usapan natin yan sa Episode 6 ng MaluFaith!
Bagong Taon Na! Ano ba ang mga pagbabagong nais mong makita ngayong 2021? Meron ka bang New Year's Resolution? Kahit ano pa yan, basta samahan mo lang ng kilos at dasal, makakamtan mo yan! Eto na ang espesyal na unang episode ng MaluFaith ngayong taon. Makinig na! 
Tuloy-tuloy ang saya ng Pasko sa MaluFaith sa Part 2 ng ating Christmas Episode! Itutuloy lang natin ang kwentuhan at pag-usapan ang iba pang mga pagkakaiba sa Pakong Pinoy kabilang ang mga nakasanayang pagkain, pasyalan at iba pa! Isa ding espesyal na prayer para sa lahat sa LINE TO HEAVEN segment. Kaya kinig na!!!
Sa isang espesyal na handog ng MaluFaith ngayong Pasko, pakinggan natin ang kwento ng isang bata na ang tanging hangad lamang ay lumigaya sa okasyong ito. Maging inspirasyon sana sya sa atin upang matuto tayong tumingin sa ilan sa atin mga kababayan na kapos sa buhay at makapagpasalamat sa lahat ng meron tayo ngayon.
Isang espesyal na episode ang hatid sa inyo ng Malu-FAITH dahil pag-uusapan natin ang mga pagbabago sa mga tradisyon, kultura at kaugalian nating mga Pinoy. Part 1 pa lang ito kaya makinig na! 
Kamustahin natin ang FAITH natin sa gitna ng pandemya. Meron bang naging pagbabago? O tuloy parin sa nakagawian? Pakinggan natin sina Neon at Dexter kung paano parin natin pananatilihin ang faith sa gitna ng krisis.
Para sa'yo, ano nga ba ang ibigsabhin ng FAITH? Ito ba ay isang pangkaraniwang salita lamang o mayroon pang ibang gustong ipahiwatig? Sa episode na ito, tinalakay nina Neon at Dexter ang kahulugan ng FAITH para sa kanila, at kung ano ang kanilang mga realization sa kabila ng mga nangyayaring hindi magagandang pangyayari sa ating paligid. Segments: Banlaw Sesh, Ano'ng Blessing Mo?, Line to Heaven. MaluFast-Talk
Simula na ng kwentuhan tungkol sa FAITH while having FUN! Samahan sina Neon at Dexter at saby-sabay tayong ma-inspire at tumawa sa pinaka-bago at pinaka malupet na podcast, ito ang MALU-FAITH!
MaluFaith Teaser

MaluFaith Teaser

2020-11-2801:29

Simple lang naman ang adhikain ng podcast na ito. Simpleng pag-uusap tungkol sa FAITH na merong tawanan at kulitan. Huwag masyadong magseryoso. Kaya mag-relax, makinig at tumawa! Ito ang MALU-FAITH!
Comments