Discover
Sabihin Mo Sa'kin
Sabihin Mo Sa'kin
Author: Fr. Franz Dizon
Subscribed: 0Played: 0Subscribe
Share
Β© Fr. Franz Dizon
Description
Sabihin Mo Sa'kin is formerly "Ang Hindi Madaling Sabihin" Podcast. In this podcast, Fr. Franz Dizon (Content Creator of "Sa Madaling Sabi" listens and responds to stories sent by followers of SMS. Let us listen and resonate with each other's stories. Inspired by the word of God, let us Share the Message of Salvation!
9Β Episodes
Reverse
πππ ππππ’π‘π’π§ ππ¨ ππβπ€π’π§
ππ π | ππ§π ππ₯ππ§π¨ ππ’π²π πππ«π ππ'π²π¨
May mga bagay na gusto nating gawin at pinapangarap nating makamit, kaya isinasama natin ang mga ito sa ating mga plano sa buhay. Ngunit paano kung ang bagay na gusto mo ay hindi pala nakalaan para sa'yo dahil may iba pa siyang plano?
πππ ππππ’π‘π’π§ ππ¨ ππβπ€π’π§
ππ π | πππ¬ππ²π πππ«π¨ πππ₯π’?
Ang kasiyahan ng tao ay may iba't ibang dahilan. Pero paano kung ang nagdudulot ng kasiyahan, may kaakibat na problema? Papasok ka pa rin ba sa isang RELASYON kung nasa PROBLEMADONG sitwasyon?
πππ ππππ’π‘π’π§ ππ¨ ππβπ€π’π§
ππ π | πππ’ππ’π ππ§ π¨ ππ-ππππππ?
May mga pagsasamahan na nabubuo sa pagkakaibigan, ngunit hindi lahat ng pagkakaibigan ay nauuwi sa pagmamahalan. Paano mo haharapin ang sitwasyon kapag FRIEND lang pala ang turing niya sa'yo?
Tunghayan sa episode na ito ang kwento ng ating ka-SMS na nagbahagi ng kanyang personal na karanasan tungkol sa nararamdaman niya para sa kanyang kaibigan.
=================
βAng mga bagay na hindi madaling sabihin, ngayon ay pwede mo nang ishare sa akin."
Ito ang SMS Sabihin Mo Sa'kin.
Para sa mga nais magbahagi ng kanilang kwento, magtanong, o humingi ng payo kay Fr. Franz, pakisagutan ang Google Form na link na ito.
ππΌπΌπ΄πΉπ² ππΌπΏπΊ ππΆπ»πΈ:
https://docs.google.com/.../1FAIpQLScRszvN2Q6y7J.../viewform
#SMS
#SabihinMoSakin
#SaMadalingSabi
EP 1 | May Favoritism nga ba ang Diyos?
Pinili tayong lahat ng Diyos, at iyon ang dahilan upang tayo ay maging masaya. Pero bakit parang may mga taong tila mas pinipili Niya? Bakit may mga tao na tila mas binibigyan ng pabor o biyaya ng Diyos kumpara sa iba? May favoritism nga ba ang Diyos o mas may magandang plano lamang siya para sa bawat isa sa'tin?
Mayroon bang hangganan ang pagtulong sa kapwa?
Hindi baβt bilin ni Jesus na anumang gawin natin sa mga kapatid nating aba ay ginawa rin natin sa Kanya?
Subaliβt paano kung ang bulsaβy salat na? Pagtulong baβy dapat na ituloy pa?
Halos magkaugnay ang Episode natin ngayon at Episode 4. Mula sa obligasyon sa pamilya at kung paano ito nakakaapekto sa buhay ng magkasintahan, pag-uusapan natin ngayon ang tungkulin sa kapwa lalo na sa mga nangangailangan.
Sa Episode na ito, pakinggan natin ang hinaing ng isang follower ng Sa Madaling Sabi Page na isang Baranggay Captain. Sa kanyang tanggapan marami ang dumudulog para humingi ng tulong sa maraming bagay. Ngayon, bigyan naman natin siya ng pagkakataon na idulog ang isang hamon na kaakibat ng kanyang paglilingkod.
Kasama natin sa podcast na ito na ang isa sa mga batchmates ko sa AYLC 2011. Sa murang edad, naging Alkalde na siya ng kanyang bayan ng New Lucena, Ilo-ilo... Si CHRISTIAN DOLIGOSA SORONGON.
Kasal na lang ang kulang. Pero paano kung mayroong kalabisan? Labis na pag-ako sa obligasyon ng pamilya ng minamahal? Itutuloy pa ba ang kasal? Bago magtapos ang "wedding month" of June, pag-usapan natin ang mahalagang paksa tungkol sa pag-aasawa at buhay pamilya. Kasama ko sa podcast na ito si Fr. Franz Joseph Aquino o Fr. Chong-chong, ang aking kaibigan at co-host sa "BTW: Breaking The Word" online show.
Ang pagmamahal ay unang nararanasan sa mga kapamilya, Pero paano kung itoβy nauwi sa romansa? Kailan nga ba masasabing ang pag-ibig ay mali o tama? Kasama ni Fr Franz Dizon si Fr Ritz Darwin Resuello upang talakayin ang mga bagay na kaugnay ng relasyon sa pagitan ng dalawang magpinsan ayon sa lente ng pananampalataya at batas ng Simbahan (Canon Law).
Simpleng tanong na walang simpleng sagot. Nagmamahalan pero pareho ng kasarian. May mali nga ba? Nasaan ang kasalanan? Paalala: makinig muna bago magsalita. Sa episode na ito, kasama ni Fr. Franz ang isa sa mga aminadong bahagi ng "LGBTQ+ community", si "Mary" para sagutin ang tanong ni "Alex", isang 'lesbian' na follower ng SMS.
"Hindi lahat ng karanasan o nararamdaman, madaling sabihin." Most of the time, the most profound thoughts cannot be expressed by words. But sometimes, we opt not to verbalize our throughts for fear of judgement. In this first episode, Fr. Franz explains the title of the podcast. He also gives a preview of the upcoming episodes for the month of June.












