DiscoverBaliwag Bible Christian Church [sermons]
Baliwag Bible Christian Church [sermons]
Claim Ownership

Baliwag Bible Christian Church [sermons]

Author: Treasuring Christ PH

Subscribed: 1Played: 1
Share

Description

Taglish gospel-centered sermons preached every Sunday at Baliwag Bible Christian Church in Baliwag City, Bulacan. Most of the sermons are preached by Ptr. Derick Parfan. For more Taglish gospel-centered resources like ebooks, study guides and articles, please visit our website, treasuringchristph.org.
282 Episodes
Reverse
Heto ang gusto ng Diyos na matutunan natin ngayon sa pamamagitan ng bahaging ito ng sulat ni apostol Pablo: Sa halip na tayo’y makibahagi sa mga gawain ng mga di-Kristiyano (mga gawa ng kadiliman), dapat na tayo’y ‘wag matitinag na magpatuloy na mamuhay ayon sa liwanag at maging matapang na ilantad ang mga gawa ng kadiliman sa liwanag ni Cristo.At para mas maging personal sa atin ang application nito, kailangang matutunan natin ang dalawang bagay: gospel-driven confession at gospel-exposing confrontation.
Ang buhay Kristiyano ay ang pamumuhay nang may paglago sa pag-ibig. Paano tayo lalago sa pagmamahal? Ang pagmamahal ng Diyos ay dapat nating tularan, at dapat ding magtulak sa atin para magpatuloy sa pagmamahal. Ang anumang karumihan ay dapat nating talikuran. Ang kaparusahan ng Diyos ay dapat nating katakutan, at dapat ding magtulak sa atin para magpatuloy sa pagmamahal. Hindi lang ito sa sarili mong paglago sa kabanalan. We have to realize na may responsibilidad tayo na tulungan ang bawat isa sa ganitong paglago.
Ang pananampalataya ay hindi lang para sa mga victories, kundi para rin sa pagtitiis sa gitna ng hirap. Sina Gideon, Barak, Samson, Jephthah, David, Samuel, at ang mga propeta ay ginamit ng Diyos para sa extraordinary victories dahil sa pananampalataya. Marami ring dumanas ng torture, pagkakulong, at kamatayan, ngunit nanatiling tapat sa Diyos. Ang tunay na pananampalataya ay hindi nakabase sa immediate success, kundi sa eternal reward na ipinangako ng Diyos. Faith perseveres through both triumphs and trials, looking forward to God’s better promises. Kahit hindi nila natanggap ang buong katuparan sa buhay na ito, nanalig sila sa Diyos na tapat.
Ang iglesia ay tinawag na haligi at saligan ng katotohanan (1 Timoteo 3:14–16). Bilang haligi at saligan ng katotothanan, ang iglesia ang nagbabantay at nagtataguyod ng katotohanan ng ebanghelyo. Si Cristo mismo at ang kanyang ginawa sa krus para sa ating kaligtasan ang sentro ng katotohanang ito. Dahil ang pananampalataya ng iglesia ay nakaugat sa katotohanan ni Cristo, dapat natin itong ipahayag, ipagtanggol, at ipamuhay.
Sa sermon na ito, tinutukan ang pananampalataya bilang driving force ng mga desisyon at tagumpay ng mga lingkod ng Diyos. Faith empowers believers to make bold choices, endure trials, and experience God’s deliverance. Kahit mahirap o risky, ang pananampalataya ay nagbubunga ng pagsunod at tagumpay.
Sa sermon na ito, binigyang-diin na ang tunay na pananampalataya ay hindi lang paniniwala, kundi may kasamang pagsunod at pagtitiis. Ginamit ang Hebrews 11:8–22 para ipakita ang journey ng mga patriarchs na nagtiwala sa Diyos kahit hindi nila nakita agad ang katuparan ng kanyang mga pangako. Faith works when it obeys, endures, and looks forward to God’s promises. Kahit uncertain ang future, ang pananampalataya ay nagiging matibay dahil nakatingin ito sa Diyos na tapat.
Ang maging katulad ni Cristo sa mga taong nakasakit sa atin ay hindi madali. Sa katunayan, imposible ito para sa atin. Pero dahil naranasan natin mismo ang kabutihan at kapatawaran ng Diyos kay Cristo, nagiging posible ito. Ito ang tinatawag na gospel-motivated transformation. So, ano motivation na dapat meron tayo dito? Pansinin natin kung paano inangkla ni Pablo ang exhortation na ito sa ebanghelyo: “…gaya ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos kay Cristo.” Ganito rin natin dapat mahalin ang iba: “as Christ loved us and gave himself up for us” (Eph. 5:2). Ito ang pinaka-powerful na motivation natin sa sanctification—ang kapangyarihan ng ebanghelyo ni Jesu-Cristo. Nahihirapan tayong magpatawad at maging mabuti sa iba dahil nakakalimutan natin ang kaligtasang tinanggap natin by grace alone.
Itinuturo sa atin ni Pablo sa vv. 17-24 ng Ephesians 4 ang ganito: Nang matutunan natin ang katotohanang nakay Cristo, nagkaroon na tayo ng bagong pagkatao; kaya dapat lang na iwanan na natin ang ating dating pamumuhay at ipamuhay ang bagong buhay na meron tayo kay Cristo. Nakilala na natin ang tamang daan. Wala na tayo sa dating daan, kaya dapat na magpatuloy tayo sa bagong daan. Ito ang bagong buhay na meron tayo kay Cristo. Ito ba ang naglalarawan ng buhay mo ngayon?
Dahil sa iba’t ibang unbiblical views tungkol sa buhay Kristiyano at tungkol sa kahalagahan ng paglagong Kristiyano, mahalagang sagutin sa Ephesians 4:15–16 ang mga sumusunod na tanong: 1. Ano ang mangyayari kung hindi tayo lalago? 2. Ano ang paglagong Kristiyano? 3. Gaano kahalaga si Cristo sa paglagong Kristiyano? 4. Gaano kahalaga ang church sa paglagong Kristiyano? 5. Ano ang layunin natin bilang mga miyembro ng church? 6. Ano ang kailangan nating gawin para sama-sama tayo sa paglago?
Ang mensaheng ito ay nagpapaalala na ang church mismo ay biyaya ng Diyos para sa ating paglago sa gospel. Si Cristo ang source ng lahat ng biyaya—para sa kaligtasan at sa pang-araw-araw na lakas na kailangan natin. Binigay niya ang mga church leaders para i-equip ang mga members, at ang bawat member naman ay tinawag para maglingkod at magtulungan. Kapag lahat ay gumagawa ng bahagi nila, ang resulta ay unity, maturity, at paglago kay Cristo. Pero kung walang growth, madaling matangay ng maling katuruan. Kaya’t ang bawat isa—leaders at members—ay mahalaga sa pagpapalakas ng buong katawan ni Cristo. *Preached by Jared Garcia, of Pines City Baptist Church in Baguio City, during the 39th Anniversary Worship Celebration of Baliwag Bible Christian Church
Merong isang Diyos, merong isang gospel, merong isang church—kaya dapat na nagkakaisa ang church. Hindi tayo ang lumilikha ng pagkakaisang ito; binabantayan natin at pinagyayaman natin ang pagkakaisang ito sa pamamagitan ng pagtataglay ng mga katangiang katulad ni Cristo. Ito ang klase ng pamumuhay na consistent sa gospel na pinaniniwalaan natin. Ito ang mensahe ng Ephesians 4:1-6.
Ano ba talaga ang "Faith"? 🤔 Sa Hebrews 11:1-7, ipinaliwanag ni Ptr. Marlon Santos na ang tunay na pananampalataya ay hindi lang basta pag-asa, kundi isang katiyakan at relational trust na nakaugat sa katapatan ni Cristo! Titingnan natin kung paano ito ipinakita nina Abel, Enoch, at Noe. Pakinggan para malaman kung anong klase ng pananampalataya ang talagang nakalulugod sa Diyos.
Alam mo ba na sobrang seryoso ang babala ng Bible tungkol sa pagtalikod kay Kristo? 😱 Tinalakay rito ni Ptr. Drin Capili kung gaano katindi ang parusang naghihintay sa mga taong sadyang nag-reject (willfully reject) sa ginawa ni Cristo (Hebrews 10:26-31). Kailangang mag-ingat! Pero teka lang—paano kung ikaw ay tunay na Kristiyano? Secure ba talaga ang kaligtasan mo? Alamin kung paano tayo tutulungan ng Diyos na magtiis (mag-persevere) at mamuhay sa pananampalataya (live by faith) sa gitna ng hirap. Huwag na huwag mong itatapon ang kumpiyansang meron ka kay Cristo!
Makikita natin sa Psalm 23 na mabuti talaga ang Diyos sa atin na kanyang mga anak. Mabuti ang Diyos araw-araw, at magpakailanman. Pero dahil madali para sa atin ang makalimot at pagdudahan ang kabutihan ng Diyos, especially sa mga panahong tayo’y lumalakad sa “libis ng lilim ng kamatayan,” paano nga ba natin palaging maaalala ang kabutihan ng Diyos?
Gaano man kahirap ang daan na nilalakaran mo ngayon o lalakaran mo balang araw—anuman ‘yang libis ng lilim ng kamatayan na itinakda ng Diyos na lakaran mo, mao-overcome natin ang anumang takot sa puso natin kung aalalahanin natin at paniniwalaan natin na si Yahweh, ang Panginoong Jesus mismo, ang kasama natin.
Ang Psalm 23 ay awit ni David, na awit ni Cristo at tungkol kay Cristo, at awit din ng bawat Kristiyano na mga tupang ang pastol ay si Cristo. Kaya, lumapit ka kay Cristo, patuloy na magtiwala sa kanya, sundin ang boses niya, at masusumpungan natin ang kapahingahan, kasiyahan, at kalakasang hinahanap natin. Sigurado ‘yan.
Ang postura ng puso natin sa paglapit sa Diyos sa prayer ay nagpapahayag kung ganito rin ba ang pinaniniwalaan natin tungkol sa Diyos. Paano ba tayo dapat lumapit kung ganito ang Diyos natin?
Kung alam mo ang gospel, kung kilala mo si Cristo, kung lagi mong naaalala kung ano ang ginawa niya para sa atin, Christ is really worth losing our life for. Jesus is our life. This is gospel ministry: ginagawa natin ito dahil kay Cristo at para sa mga taong nangangailangan kay Cristo—ako, ikaw, lahat tayo, at lahat ng tao sa buong mundo.
ang mystery ng Diyos: Ipinahayag ng Diyos ang kanyang plano ng pagliligtas na ang katuparan ay nasa kanyang Anak na si Jesu-Cristo at sa kanyang ginawa sa krus, at ito ay nakarating sa atin bilang mabuting balita na narinig natin, pinaniwalaan, at tinanggap sa pamamagitan ng gawa ng Espiritu, na siyang naglagay rin sa atin sa iglesya, ang komunidad ng lahat ng nakay Cristo.
Dito sa Ephesians 2:17–22, ipinakita sa atin ni Pablo ang di-mapaghihiwalay na koneksyon ng Trinity, ng gospel, at ng church. Putting all these together, masasabi nating merong church (universal church man ‘yan o local church) dahil sa gospel, sa mabuting balita ng ginawa ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo, at makapagpapatuloy ang church sa pagtupad ng layuning dinisenyo ng Diyos para rito sa pamamagitan lang din ng gospel.
loading
Comments