DiscoverThe Banyo Show
The Banyo Show
Claim Ownership

The Banyo Show

Author: Adrian

Subscribed: 0Played: 0
Share

Description

Hali na't makisaya kasama ang The Banyo Show with Adrian! Tayo'y maglalakbay sa mga kwentong puno ng tawa at emosyon habang tayo'y nakaupo sa kakaibang lugar – ang banyo!

New Episode Every Saturday, 8PM!!!
email: thebanyoshow@gmail.com
18 Episodes
Reverse
Maligayang buwan ng bading pa rin sa ating lahat! Sa episode na ito, ating pag-uusapan ang malaking impluwensya ng relihiyon at simbahan sa ating kabaklaan. Ito ba ay kalaban o kakampi sa ating laban tungo sa kasarinlan at kalayaan sa kasarian? Queerness vs Religion o Queerness and Religion? Kaya naman, tutok na sa The Banyo Show! #SOGIEEqualityNow email: thebanyoshow@gmail.com
Bakla, bakla, saan ka nagmula? Sa episode na ito, ating babalikan ang mahahalagang pangyayari sa ating kasaysayan na humubog sa kung ano at saan ngayon ang sangkabaklaan. Mula noon, hanggang ngayon, bading ang lugar mo ay sa pakikibaka. Ang ating panawagan dito sa banyo #SOGIEEqualityNOW email: thebanyoshow@gmail.com
Mahiwagang salamin, kelan niya ba aaminin kanyang tunay na pagtingin? Pak! Hindi niya pala inamin kase wala naman siyang gusto sa’yo. Ganon, ang rejections. Sa pag-ibig, acads, friends, at family, hindi talaga mawawala ang rejections. Dumadaloy na ‘yan sa dugo mo, ika nga. Pinanganak kang rejected, mamamatay kang rejected. Kaya ngayon pasok ka muna sa - The Banyo Show! P.s. Pasensiya sa 3 hours late upload dahil nakalimutan ko hindi pala naka draft ang episode na ‘to. Sorry na. email: thebanyoshow@gmail.com
Hoy! Halika, usap tayo. Eme. Sa episode na ito, pag-usapan natin ang mga pangyayaring humubog sa ating pagkatao noong taong 2020. Mula sa trending na mga kdrama hanggang sa pagkamulat natin sa bulok na gobyernong ito. Jusq, daming nangyari. Pakinggan na ‘yan sa - The Banyo Show email: thebanyoshow@gmail.com
Salamin, salamin sa dingding, pwede mo bang sabihin kung Never Have I Ever? Bogsh! For our last episode, sasagutin natin ang mga nagbabagang never have i ever questions balagadam balagadum. Bakit parang ambabantot ng mga tanong? Kaya naman, pasok na dito lang sa The Banyo Show! P.s. Sorry na po sa very late last two episodes na season ender. Enjoy mwah!
“Each time a woman stands up for herself, without knowing it possibly, without claiming it, she stands up for all women.” - Maya Angelou Sa buwan ng Marso, ating ginugunita ang International Women’s Month. Ngayon, higit kailan ay ating pinag-iigting ang mga nagawa at mga tagumpay ng mga kababaihan. Ngunit, marapat lamang na huwag nating makalimutan ang tunay na diwa ng buwang ito - ang pagpapalakas ng boses ng kababaihan laban sa diskriminasyon at anumang paraan ng pang-aabuso sa lahat ng sulok ng ating lipunan. Kaya naman, mula rito sa banyo, ang panawagan - #AbanteBabae
What’s up my super-duper fabulous and machong madlang people!!! Ang mga noon-time shows ay isang malaking parte sa buhay ng mga Pilipino. Maraming kwento at emosyon ang kaakibat neto. Kaya naman, for todei’s vidyo, ating pag-uusapan ang ating paboritong noontime show, ang It’s Showtime! Sabi nga nila, makikilala mo ang isang tao base sa kanyang favorite showtime moments. Oh edi, introduce yourself dito sa - The Banyo Show!
Bilang ngayon ay buwan ng mga puso, ating isasabuhay sina Direk Tonet at Direk JP ng Ang Walang Kwentang Podcast dahil tayo ngayon ay magbibigay ng advice sa mga suliraning pag-ibig. Mapapa-communication is the key ka nalang talaga, dito lang sa The Banyo Show!
Kapangyarihan ng araw! Taglay ay liwanag! Kambal na lakas! Kami ang Super Twins!!! ICONIC! Hali ka na, bukas na ang lagusan! Sa episode na ito, ating babalikan ang mahiwagang mundo ng mga fantaserye na humubog sa ating mga katauhan. Sila ang dahilan kung bakit tayo bakla ngayon at syempre, ang dahilan kung bakit buong-buo ang ating childhood. Binuhay nila ang ating pantasya at binigay sa atin ang pagkakataong rumampa. Kaya pasok na. Dito lang sa The Banyo Show!
Walang Diyos Sa Gabi (Mallari, 2023). Isa ang relihiyon sa malimit na pinag-uusapan sa hapag-kainan o sa mga family gatherings. Ngunit dito sa Banyo, ‘yan ay ating tatalakayin sapagkat naniniwala tayo na ang relihiyon ay isa sa mga bagay na humubog kung ano na tayo ngayon. Higit pa dyan, naniniwala tayo na maaaring punahin ang ilan sa mga paniniwala ng isa’t isa lalo na kung ito ay nakakaapekto sa iba. Ikaw anong say mo?
Dumarami ang mga tala tuwing kapaskuhannn~~~ eme!!! Tuwing dumarating ang holiday season, marami tayong mga bagay na inaabangan at isa na rito ang Metro Manila Film Festival. Kaya naman sa episode na ito, ating busisiin ang ilan sa mga pelikulang kabilang sa MMFF 2023 plus may pa-bonus pa. Kaya naman, hali na sa The Banyo Show at Mabuhay ang Pelikulang Pilipino. P.s. Sorry hindi nakapag-upload last week. Na-busy lang po hehe. Kaya itong sa’yo, dalawang episodes pakikinggan mo tonight! Enjoy!
Yes, Ted! Nagbabalik tayo! Live na live po tayo via satellite with no commercial breaks kasama pa rin ang mga ina ko, mga ina n’yo, at mga ina nating lahat; ang mga balitang inaaaa~ na sina Dannah at Grace. Ang iingay, GRABE!. Kaya naman, ito na ang Part 2. Sa dalawang episodes na ito, kinumusta natin sila at hinimay natin ang kani-kanilang mga buhay pag-ibig, buhay estudyante, buhay chismosa, at buhay ina. Kingina. Dito lang yan sa The Banyo Show. P.s. Sorry hindi nakapag-upload last week. Na-busy lang po hehe. Kaya itong sa’yo, dalawang episodes pakikinggan mo tonight! Enjoy!
Yes, Ted! Live na live po tayo via satellite with no commercial breaks kasama ang mga ina ko, mga ina n’yo, at mga ina nating lahat; ang mga balitang inaaaa~ na sina Dannah at Grace. Ang iingay, GRABE!. Kaya naman, hinati natin ito sa dalawang parts. Sa dalawang episode na ito, kinumusta natin sila at hinimay natin ang kani-kanilang mga buhay pag-ibig, buhay estudyante, buhay chismosa, at buhay ina. Kingina. Dito lang yan sa The Banyo Show. Like for Part 2. Eme No copyright infringement intended.
Wala tayo ngayon sa banyo, kundi nasa dalampasigan. Ating babalikan ang mga mahahalagang kaganapan ngayong taon at kung paano nito hinubog kung ano na tayo ngayon. Ang mga alon ng dagat ang nagsasabi sa atin na magpatuloy sa agos ng buhay, habang ang mga ulap naman ang nagpapakita sa atin ng dami ng bagay na dapat nating ipagpasalamat. KIMIII. OA. Basta makinig nalang kayo.
Beep, beep! Sa episode na ‘to, ating bibigyang pansin ang ating mga kababayang jeepney at PUV drivers. Bakit iph-iphaseout ang kanilang kabuhayan? Anong epekto nito sa ating mga commuters at ano ang ating magagawa? Mula sa banyo tungo sa kalsada - ang panawagan #NoToPUVPhaseout
Oh, eto ka na nga! Bumalik na siya from far away after sa kanyang first sem, eto na! Sa episode na 'to, isisiwalat kung bakit ngayon lang ang first episode, eh december na! Sorry na po. Samahan nyo po ako sa pagbabalik-tanaw sa mga pangyayari ngayong sem na ito, opo and everything in between habang tayo ay nasa kakaibang lugar - ang banyo.
SEASON 2 TRAILER

SEASON 2 TRAILER

2024-05-1800:49

Mabuhay! May nagbabalik! Ang nag-iisang tagapangalaga ng brilyante ng banyo para sa ikalawang yugto ng pinakabonggang podcast! Abangan ang mga pasabog sa Season 2 ng The Banyo Show!
Hali na't makisaya kasama ang The Banyo Show! Tayo'y maglalakbay sa mga kwentong puno ng tawa at emosyon habang tayo'y nakaupo sa kakaibang lugar – ang banyo!
Comments