DiscoverDear LOVE
Dear LOVE
Claim Ownership

Dear LOVE

Author: Love Radio Manila

Subscribed: 7Played: 37
Share

Description

Ang mga istoryang kukurot, kikiliti, at magpapakilig sa natutulong mong puso!
74 Episodes
Reverse
See omnystudio.com/listener for privacy information.
Kahit no'ng bata pa lang ang magpinsang Cedes at Jethro, walang katapusang bangayan ang nangyayari sa kanila dahil sa magkaiba sila ng ugali. Habang tumatanda na sila, nagkakapikunan pa rin naman pero isang araw, ang pikunan ay napunta sa halikan.See omnystudio.com/listener for privacy information.
Ang magkapatid na sina Cecilia at Gemma ay parating nagbabangayan simula pa no'ng bata pa sila pero napagbabati naman ng kanilang nanay. No'ng napagdesiyunan ni Cecilia makipagtanan sa kanyang nobyo, panay ang iyak ng nanay nila. Pagkamatay ng kanilang nanay, nadiskubre ni Gemma na napakairesponsable at palaasa ng kanyang Ate Cecilia.See omnystudio.com/listener for privacy information.
Bata pa lamang si Marie, ramdam na niyang hindi siya ang paboritong anak. Ultimo ice candy, pinagdadamot pa sa kanya ng nanay niya para dalawa raw ang kainin ng kapatid niya. No'ng labasan na ng grades, ang kapatid niyang si Cathleen puro line of 7 habang siya puro line of 9. Proud na proud ang nanay niya kay Cathleen samantalang pagdating sa kanya, walang kaimik-imik.See omnystudio.com/listener for privacy information.
Si Trixie ay hiniwalayan ng kanyang jowa. Napapansin ng mga katrabaho niya na naiiyak na lang siya bigla-bigla. No'ng tumama ang pandemya, tinamaan din siya ng trangkaso at matinding pagod. Napagdesiyunan niyang bumalik sa probinsya pero wala ring tumanggap sa kanyang trabaho ro'n.See omnystudio.com/listener for privacy information.
See omnystudio.com/listener for privacy information.
Si Nene ay isang makulit na anak kaya lagi siyang pinapagalitan ng kanyang ina. Pati ang best friend niyang si Sheena ay sinasabihan siya na 'wag makipagkaibigan sa mga bulakbol. Isang araw, nagpaalam si Nene na gagawa lang daw ng project sa bahay ng kaibigan, pero makikipagtalik pala siya sa kanyang jowa.See omnystudio.com/listener for privacy information.
Si Jackie ay nagkaroon ng lihim na relasyon sa kanyang best friend na si Kai no’ng college pa sila. Kalaunan, naghiwalay sila dahil pareho raw silang babae at nag-asawa si Jackie ng lalaki. Pagkalipas ng ilang taon, muling nagtagpo sina Kai at Jackie ngunit gumuho ang mundo nila nang atakihin si Kai ng aneurysm.See omnystudio.com/listener for privacy information.
Si Ellen ay napalaki nang maayos ng ina kahit dalawang dekada itong nag-abroad. Kahit kailan, hindi nakilala ni Ellen ang ama niya. Kuwento ng kanyang nanay na masyadong matapobre ang pamilya ng ama kaya iniwanan niya na ito. Isang araw, napagdesisyunan ni Ellen na magpakita na sa kanyang ama.See omnystudio.com/listener for privacy information.
Si Bambi ay nagtapos ng college with Latin Honors habang ang asawa niyang si Lyle ay hindi nakapagtapos. Ayaw na ng mga kaibigan ni Bambi kay Lyle noon pa dahil puro yabang lang ito. No'ng may pamilya na sila, napilitan mag-resign si Bambi sa trabaho kahit pa triple ang sinasahod ni niya kaysa sa mister. Nagrereklamo kasi si Lyle na 'di raw siya naaasikaso.See omnystudio.com/listener for privacy information.
Si Nikki ay isang bulakbol na estudyante. Engineering ang kinuha niyang kurso pero nahihirapan siya sa kursong ito. Nangongopya lamang ito kay Molly kaya napalabas sila ng propesor sa klase. Sa loob-loob ni Nikki, ayaw naman talaga niya ang kursong kinuha niya. Pinili niya lang mag-engineering dahil gusto ng mga magulang niya.See omnystudio.com/listener for privacy information.
Si Janine ay may lalaking best friend na si Jed. 'Di na talaga sila mapaghiwalay kahit no'ng mga bata pa sila. Nagkahiwalay ang dalawa no'ng nag-college na sila pareho. Nalaman ni Janine na nagka-girlfriend na si Jed na ikinalungkot niya dahil may lihim na pagtingin ito kay Jed.See omnystudio.com/listener for privacy information.
Si Anne ay subsob sa trabaho dahil siya ang breadwinner ng kanyang pamilya. No boyfriend since birth siya dahil sa ka-busy-han asikasuhin ang pamilya. No'ng dumating na ang birthday ng nanay niya, puro binata ang imbitado para ireto kay Anne. Dito nakilala ni Anne ang soon-to-be husband niyang si Ken.See omnystudio.com/listener for privacy information.
Mag-best friends mula pagkabata sina Meng at Gay. Si Meng lang ang takbuhan ni Gay kaya lahat ng kadramahan nito, alam ni Meng. Marami ring ginagawang kalokohan si Gay na parating niyang pinagtatakpan hanggang sa pinapagalitan na rin si Meng ng nanay niya. Matiis pa kaya ni Meng ang best friend niya? See omnystudio.com/listener for privacy information.
Alam ni Tanya na may crush sa kanya ang katrabahong si Edward. No'ng una, ayaw niya pa kay Edward pero kalaunan, unti-unti na rin silang nagkamabutihan. Isang araw, nakasalubong ni Tanya at si Libie, ang matalik niyang kaibigan. Nalaman ni Tanya na pinsan ni Libie si Edward at matagal na raw siyang may ka-live-in.See omnystudio.com/listener for privacy information.
Si Anne at ang kanyang Nanay Linda ay napaka-close sa isa’t isa. Kilalang kilala ni Nanay Linda si Anne inside and out. Matibay ang relasyon nilang mag-ina at talagang maalaga sila sa isa’t isa. Isang araw, ‘di na lang umuwi si Nanay Linda at natagpuan na pakalat-kalat sa labas. No’ng dinala siya sa doctor, nalamang may Alzheimer’s Disease na pala ang Nanay Linda.See omnystudio.com/listener for privacy information.
Si Salve ay isang byudang matanda. Ang kasama niya lang sa kanyang bahay ay ang kasambahay niyang si Nena. No'ng dumating ang trabahador niyang si Ed, naging malapit sila sa isa't isa. Kalaunan, nagkahulugan na sila.See omnystudio.com/listener for privacy information.
Napakasipag at napakamasunurin na anak ni Aileen. Pinagsabay niya ang kanyang pag-aaral at pagtrabaho para mairaos ang sarili at ang kanyang nanay. No'ng makatapos na si Aileen ng college at may full-time job na, kinukuha lahat ng nanay niya ang kanyang sweldo pero nagagalit pa rin ang nanay niya dahil ang liit daw ng kinikita.See omnystudio.com/listener for privacy information.
Si Aling Milagring ay isang senior citizen na umalis na sa kanyang condo para malapit sa anak niya. Samu't saring ingay at gulo ang nangyayari sa pinaglipatan niyang barangay kaya napakarami lagi nitong reklamo sa kapitan. Unti-unti na siyang hindi nagugustuhan ng mga kapitbahay niya ngunit ang gusto lang naman ni Aling Milagring ay tahimik na kapaligiran.See omnystudio.com/listener for privacy information.
Ang nanay ni Crystal ay napakahigpit sa kanya. Ultimo pagbaon ng pera, pinagbabawalan siya. Pagtungtong niya ng high school, kahit gustong-gusto niya sumali ng JS prom, 'di pa rin siya pinayagan dahil puro kalandian lang naman daw ang ginagawa do'n. No'ng college na si Crystal, tinago niya ang relasyon niya kay Brent sa nanay niya. Kalaunan, nabuntis si Crystal.See omnystudio.com/listener for privacy information.
loading
Comments 
Download from Google Play
Download from App Store