DiscoverYour Honor
Your Honor
Claim Ownership

Your Honor

Author: Chariz Solomon, Buboy Villar

Subscribed: 401Played: 999
Share

Description

Welcome to the House of Honorables. Hindi ito Senado. Hindi rin ito Kongreso. Pero may hearing din dito. Kada session, may isu-subpoena na celebrity resource persons sina Madam Chariz Solomon at Mr. Buboy Villar para imbestigahan ang kahit anong isyu natin sa life. Lahat papatulan. Walang mahahatulan. Masayang hearing lang. ‘Yan ang Your Honor!

New episode drops every Saturday night.

This vodcast is produced by GMA Network’s YouLol Originals. Subscribe to @YouLolGMA on YouTube to access all Kapuso comedy content.
51 Episodes
Reverse
Akala ni Lovely Abella na mayaman si Benj Manalo bagong naging sila dahil anak siya ni Jose Manalo. Pero mali pala siya. Kaya napatanong si Lovely: papakasalan ko ba talaga ‘to? Marami na silang pinagdaanang money problems, kaya sila ang ating tatanungin: kailan nakakasira at kailan nakakatibay sa isang relasyon ang pera?
Pinatibay ng bullies ang ating resource person, ang sikat na comedian at influencer na si Pipay. Imbes na magtanim ng galit, ginamit niya ang panlalait bilang sandata sa pagpapatawa. Pero ano ba talaga ang magandang atake sa bullies? Dapat ba silang patulan o dedmahin? Pakinggan ang hatol ni Pipay sa isa na namang masaya at malamang chikahan sa Your Honor. #YourHonor #YouLOLYourHonor #YouLOLOriginals
Sinabihan ka na ba ng tropa mo: “Nagkajowa ka lang, nagbago ka na”? Napansin din ito ni Mr. Vice Buboy sa kanyang BFF na si Ruru Madrid nang maging sila ni Bianca Umali. Pero for the better o for the worse kaya ang pagbabago ni Ruru? Alamin ‘yan dito sa makulit na namang hearing sa 'Your Honor.' #RuruMadrid #YourHonor #YouLOLYourHonor #YouLOLOriginals
15 years nang asawa ni Pepito si Elsa, samantalang 34 years nang married sina Manilyn Reynes at Aljohn Jimenez. Talagang kabisado na ni Manilyn ang galawang mag-asawa. Naniniwala kaya siya na sa relasyon, dapat 50/50? Pagdating sa pera, love, at atensyon, mas okay ba talaga kung pantay ang hatian? For sure may opinyon ka, kaya sama na sa hearing! #ManilynReynes
Boring na, pa-fall pa. Face card lang, walang personality. Guilty ba rito ang RaWi? Sinubpoena sa 'Your Honor' ang 'PBB' housemates na sina Will Ashley at Ralph de Leon para imbestigahan ang problema ng mga pogi. Pero hindi lang pogi problems ang mabubuking, pati feelings! At may panawagan pa sila sa kanilang future girlfriend. #WillAshley #RalphDeLeon #RaWi #YourHonor #YouLOLYourHonor #YouLOLOriginals
Matagal ka ba maka-move on? Shout out sa’yo! Maghaharapan sina Kokoy de Santos at Analyn Barro para imbestigahan kung babae ba o lalaki ang mas matagal maka-move on. Si Analyn ba na nahuli ang kanyang jowa na may kasamang iba? O si Kokoy na muntik nang may nakasuntukang aktor dahil sa babae? #KokoyDeSantos #AnalynBarro #YourHonor #YouLOLYourHonor #YouLOLOriginals
From Bahay ni Kuya, nasa House of Honorables na si Shuvee Etrata! Mula sa Bantayan Island, Cebu, grabe raw ang culture shock niya pagdating sa Manila, to the point na gusto niyang bumaba sa EDSA! Mula sa presyo ng mga bilihin hanggang sa style ng panliligaw, alamin kung paano nag-adjust ang Island Ate ng Cebu. #ShuveeEtrata #YourHonor #YouLOLYourHonor #YouLOLOriginals
Hearing is back! At si Michael V. ang unang sinubpoena. Alamin kung paano sumakses ang comedy genius at parody king mula sa kanyang simpleng buhay sa tenement. Ang kwento ni Bitoy ay patunay na ang sakses ay hindi lang dapat sa imagine mo, may kasamang sipag, diskarte, at minsan suwerte ‘yan! #YourHonor #YouLOLYourHonor #YouLOLOriginals
Bago ang muling pagbubukas ng regular hearing sa June 21, kilalanin ang bagong chair ng House of Honorables. Samahan sina Chariz Solomon at Buboy Villar sa isang masayang laglagan sa 'Guilty or Not Guilty' game. Sino ang nag-send ng sexy photo sa jowa habang naka-Zoom meeting siya? Sino ang na-jebs sa salawal noong bata pa? Alamin ‘yan sa special session ng 'Your Honor.' #YourHonor #YouLOLYourHonor #YouLOLOriginals
Magbabalik na ang paborito nating session! Panoorin ang mga bagong isyung pag-uusapan sa hearing ng House of Honorables kasama sina Madam Cha at Mr. Buboy tuwing Sabado sa 'Your Honor!'For more 'Your Honor' Full Episodes, click the link below: https://www.youtube.com/playlist?list=PL_UmNDDvymmAh9yIHcNSWANk5hQpWyefW
Nagmahal. Nasaktan. Nag-Grindr! #NoFilter sina DJ Onse at Inah Evans sa pagkuwento ng kanilang buhay pag-ibig. Alamin mula sa kanila kung paano nga ba lumandi, kiligin, at umibig ang mga bakla. #LoveWins #YourHonor #YouLOLYourHonor #YouLOLOriginals
‘Di nga? Kasi kung si James Caraan ang tatanungin, lamang pa rin ang may histura. Pero si Ryan Rems, marami na raw ang napasagot gamit lang ang patawa. So, ano ba talaga? Nakakapogi nga ba ang sense of humor? Alamin ang mga nakakatawang hirit ng ating resource persons mula sa The Koolpals dito sa hearing ng 'Your Honor.'
Kung si Vice Chair Buboy ay binansagang batang kanal, aminado naman si Boobsie na minsan siyang naging bakaw sa Navotas. Sumama na sa masayang kuwentuhan tungkol sa ating makukulit na childhood memories. Mga batang kalye, represent! #YourHonor #YouLOLYourHonor #YouLOLOriginals
Ang bilis talaga ng panahon! 15 years na ang 'Pepito Manaloto.' At 15 years older na rin sina Mosang, Arthur Solinap, at Janna Dominguez kaya mas bet na nila ang early bedtime kaysa umagahin sa inuman. Relate ba, mga tito at tita? Ihanda na ang pamahid at sumama sa kuwentuhan tungkol sa mga legit tito at tita problems. #YourHonor #YouLOLYourHonor #YouLOLOriginals
Bago pa nabuo ang ToRo family, mala-reality show na ang buhay ng Fowler sisters: mula sa agawan ng crush hanggang sa inggitan sa baon. Paano nga ba mag-away ang magkapatid na parehong palaban? Panoorin ang nakakaaliw at nakaka-inspire na session kasama sina Toni at Mari Fowler. #YourHonor #YouLOLYourHonor #YouLOLOriginals
Sa hearing na ito, marami ang guilty! Bawal tumawid, pero tatawid. Bawal umihi, pero iihi. Bawal magpaloko, pero kayo pa rin. Bawal bumoto ng korap, pero iboboto pa rin. Masarap daw kasi ang bawal. Bakit kaya? Alamin ‘yan sa laugh trip na kuwentuhan kasama si Pooh. #YourHonor #YouLOLYourHonor #YouLOLOriginals
Walang filter na usapan tungkol sa sex at virginity ang hearing na ito. Ang tanong ni Madam Chair, big deal pa ba kung hindi ka na virgin sa panahon ngayon? Sumama na sa mainit pero malaman na chikahan kasama ang sexy stars na sina Robb Guinto at Yen Durano. #YourHonor #YouLOLYourHonor #YouLOLOriginals
Birthday ni Mr. Vice Chair, kaya sinubpoena ni Madam Chair ang kanyang best friend na si Jelai Andres. Pero surprise! Hindi lang si Jelai ang dumating, nandito rin ang girlfriend ni Buboy. At ang surprise revelation ng birthday boy: may baby na sila! Alamin ang buong kuwento sa new session ng 'Your Honor.' #YourHonor #YouLOLYourHonor #YouLOLOriginals
Choice daw ni Kakai Bautista na maging single at 47. Walang dating app, walang pinaglalaanan ng oras at pera, at higit sa lahat, walang stress! Just pure peace of mind! Pero talaga nga bang masaya maging single? O ineechos mo lang ang sarili mo? Pag-usapan natin ‘yan dito sa bagong hearing ng 'Your Honor'! #YourHonor #YouLOLYourHonor #YouLOLOriginals
Ano ba ang mga pinag-uusapan ng mga lalaki kapag sila-sila lang? Mabubuking ang mga sekreto ng mga kalalakihan sa bagong session ng Your Honor. Walang lusot ang mga resource persons na sina Sef Cadayona at Jayson Gainza sa kamandag ni Madam Chair. Pati si Mr. Vice Chair nadamay pa!
loading
Comments 
loading