DiscoverAng Banal Na Biblia
Ang Banal Na Biblia
Claim Ownership

Ang Banal Na Biblia

Author: Zeres Vitto

Subscribed: 0Played: 1
Share

Description

Ang dakila at banal na biblia ay ibinigay ng Dios sa tao para ihayag na may Dios na lumalang sa kanila at sila ay nasasa ilalim ng banal na kautusan Niya. Ito rin ang nagpapahayag ng pinasimulan ng tao, ng paglalang ng lahat ng nasa langit at lupa, ng plano sa kaligtasan sa kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang Bugtong na Anak - ang Dios na Anak ng Dios, ang Manlalalang, ang Manunubos na si Jesus, ang Punong Pari sa templo sa langit, ang Hari ng mga hari, at Panginoon ng mga panginoon.

Sapagkat ang pangalawang pagbalik ni Jesu-Kristo ay malapit na, at ang katapusan ng palugit sa tao ay mangyayari bago S'ya dumating, kailangang ang tao ay manumbalik sa Panginoon, tanggapin si Kristo bilang tagapagligtas, ikumpisal ang mga kasalanan at itakwil ito, binyagan sa pangalan ng Ama, Anak, at Espiritu Santo, at sundin ang Kanyang mga utos, upang hindi sila mawalay sa Kanya at hindi maagaw ng iba ang kanilang putong.

Ilang mga bagay na lamang ang natitirang kailangang mangyari: ang panggaling ng sugat ng hayop (Papa Romana), ang pagbabatas ng pangingilin ng linggo simula sa Estados Unidos ng Amerika, ang pagtatatak sa mga anak ng Dios, ang pagsasara ng pinto ng awa sa kabanal-banalang dako sa templo sa langit, ang pagbuhos ng pitong huling salot, ang pagdating ni Kristo at mga anghel sa himpapawid, ang pagkamatay ng mga hindi naligtas sa sinag ng kaluwalhatiaan ni Kristo, ang pagbuhay ng mga ligtas na patay at pag-agaw sa kanila sa lupa kasama ng mga buhay na ligtas upang salubungin si Kristo sa himpapawid, ang seremonya ng scapegoat kung saan ang mga kasalanan na nilinis sa templo sa langit ay ipapatong sa ulo ni Satanas, ang isang libong taon na gugugilin ng mga naligtas sa langit sa paghuhusga ng mga hindi naligtas at ni Satanas at ang kanyang mga anghel; at pagkatapos ng isang libong taon ay ang ikatlong pagdating ni Kristo kasama ang mga anghel at mga ligtas, ang pagbangon ng mga patay na hindi naligtas, ang pagsunog sa mga makasalanan at kasalan sa lawa na apoy na may asupre; at pagkatapos ay ang paglalang ng bagong langit at bagong lupa kung saan si Kristo at ang mga nilalang ay maninirahan magpakailanman.

Ang problema ng kasalanan ay pitong libong taon bago puksain. Sa bagong daigdig na lalalangin ng Panginoon para sa mga sumusunod at nagmamahal sa kanya ay hindi na muling mananagumpay ang kasalanan. Ito ang daigdig na dapat nating paghandaan. Ang buong biblia ang ating giya para maabot natin ang lugar na ito.

Pagpalain nawa ng Dios ang makatagpo nito, ang makinig, at ang sumunod sa Panginoon.

- Zeres Vitto

154 Episodes
Reverse
1 Genesis - Tagalog

1 Genesis - Tagalog

2024-07-1404:53

Ang kasaysayan ng Paglikha, nilikha ng literal na anim na araw ang langit at lupa at lahat ng nangarito, ang bawat araw ay may gabi at umaga, nilalang ang tao sa wangis ng Dios
2 Genesis - Tagalog

2 Genesis - Tagalog

2024-07-1403:50

Ang Halamanan ng Eden, ang paglalang ng babae, ang Sabbath ng Panginoon, ang institusyon ng pagkakasal sa pagitan ng lalaki at babae
3 Genesis - Tagalog

3 Genesis - Tagalog

2024-07-1404:16

Nagkasala ang tao, inihayag ng Dios ang kaparusahan sa tao at kay Satanas, ang pangako ng pagtubos sa Genesis 3:15, pinalayas sa Eden ang tao
4 Genesis - Tagalog

4 Genesis - Tagalog

2024-07-1404:25

Si Cain at Abel, pinatay ni Cain si Abel, ang tatak ni Cain, ang dalawang uri ng lahi ng tao sa angkan ni Cain (anak ng tao) at angkan ni Set (anak ng Dios)
5 Genesis - Tagalog

5 Genesis - Tagalog

2024-07-1503:19

Ang lahi (genealogy) ni Adan hanggang sa pagdating ng baha
6 Genesis - Tagalog

6 Genesis - Tagalog

2024-07-1503:19

Ang kasamaan ng mgabtao ay lumala kaya binigyan aila ng Dios ng 120 taong palugit (probation) bago dumating ang baha. Ang mga anak ng Dios (linya ni Set) at ang mga anak ng tao (linya ni Cain) ay nakipagpangasawahan. Nagpasya ang Dios na lipulin ang kanyang nilikha sa baha na kanyang ipapadala. Pinagawa si Noe ng barko para maligtas sya at ang kanyang pamilya, pati ang mga hayop at mga ibon na isasakay sa barko. Ang barko ay may sukat na 135 metro x 22 metro x 13.5 metro. Ito ay may 3 palapag, isang pinto sa gilid. Pinag-ipon din sya ng pagkain nila at ng mga hayop.
7 Genesis - Tagalog

7 Genesis - Tagalog

2024-07-1502:41

Pumasok sa barko si Noe at ang kanyang pamilya. Pumasok din ang mga hayop at mga ibon, tig-iisang pares ng marurumi ant tig-pipitong pares ng malilinis. Ang isang pares ay babae at lalaki. Sinara ng Dios ang pinto ng Barko. 7 araw ang lumipas bago bumuhos ang ulan noong ika-17 araw ng ika-2 buwan. Umulan ng 40 araw at 40 gabi, nabuksan ang mga bukal sa lupa. Natabunan ang buong mundo ng tubig na lagpas ng 7 metro sa taluktok ng bundok. 600 taon si Noe ng pumasok sa barko. Nagsimulang bumaba ang tubig pagkatapos ng 150 araw.
8 Genesis  - Tagalog

8 Genesis - Tagalog

2024-07-1503:06

Ika-17 araw ng ika-7 buwan sumadsad ang barko sa mga bundok ng Ararat (hindi Yung modern day Ararat mountain kundi sa mountain ranges ng Ararat). Eksaktong 150 days or 5 months (30 days per month). Ng ika-27 araw ng ika-2 buwan ay binuksan ng Dios ang pinto ng barko at lumabas si Noe, ang kanyang pamilya, at ang mga hayop at mga ibon. Sila ay nasa loob ng barko ng 1 taon at 17 araw or total na 377 araw. Naghandog si Noe sa Panginoon at nangako ang Panginoon na hindi na Nya uling lilipulin ang mundo sa baha. Si Noe ay 600 taon ng pumasok sa barko at 601 taon ng lumabas sa barko.
9 Genesis  Tagalog

9 Genesis Tagalog

2024-07-1503:51

Pinahintulutang kumain ng karne sina Noe, pero ipinagbawal na kumain ng karneng hindi inalisan ng dugo. Ang pagpatay ng hayop sa tao at tao sa kapuwa tao ay may sympathy na buhay rin ang ibabayad sapagkat ang tao ay nilikha sa wangis ng Dios. Nakipagtipan ang Dios na hindi na Nya lilipuling muli ang mundo sa pamamagitan ng baha at ang bahaghari (rainbow) ang patinga ng tipan na ito. Sinumpa ni Noe ang lahi ni Ham sa anak nyang si Canaan dahil tiningnan nya ang kahubaran ng kanyang ama. Pinagpala ang linya ni Shem at ni Jafet.
10 Genesis - Tagalog

10 Genesis - Tagalog

2024-07-1505:15

Ang mga angkan ni Jafet ay nanirahan sa mga baybay dagat at mga pulo. Ang mag angkan ni Ham ay kumalat sa Sinar, Asiria, Egipto, Canaan, Filistia, Sidon, Gerar, Sinai, Sodom, Gomorrah, Zeboim, at Adma. Ang mga angkan ni Shem ay kumalat sa Mesha hanggang Sefar. Sa panahon ni Peleg naghati-hati ang lupa. Dating ay iisa at buo ang lupa bago nahti-hati at nagkaroon ng mga isla.
11 Genesis - Tagalog

11 Genesis - Tagalog

2024-07-2304:09

Tore ng babelPasimula ng mga wikaLahi ni ShemSi Abraham ay nasa linya ng lahi ni Shem
12 Genesis Tagalog

12 Genesis Tagalog

2024-07-2303:35

Tinawag ng Panginoon si Abram na umalis sa Haran patungong Canaan at pinangakuan na pagpapalain at gagawing malaking bansa. Si Abram ay 75 taong gulang. Sinama nya si Sarai, ang pamangking si Lot at ang kanilang sambahayan.Nangibambayan si Abram sa Egipto. Kinuha ni Faraon so Sarai para gawing asawa dahil dinaya nila siya sa pagsabing sila ay magkapatid. Sibalot ng Dios si Faraon at ang buong palasyo dahil kay Sarai kasa sya ay ibinalik kay Abram. Pinaalis ni Faraon si Abram sa Egipto.
13 Genesis - Tagalog

13 Genesis - Tagalog

2024-07-2302:37

Idadagdag.
14 Genesis - Tagalog

14 Genesis - Tagalog

2024-07-2304:50

Idadagdag.
15 Genesis - Tagalog

15 Genesis - Tagalog

2024-07-2303:20

Idadagdag
16 Genesis - Tagalog

16 Genesis - Tagalog

2024-07-2302:41

Idadagdag
17 Genesis - Tagalog

17 Genesis - Tagalog

2024-07-2303:55

Idadagdag
18 Genesis - Tagalog

18 Genesis - Tagalog

2024-07-2305:52

Idadagdag
19 Genesis - Tagalog

19 Genesis - Tagalog

2024-07-2305:54

Idadagdag
20 Genesis - Tagalog

20 Genesis - Tagalog

2024-07-2703:03

Idadagdag
loading
Comments