Discover
I-Listen with Kara David
29 Episodes
Reverse
Ang inaakala na simpleng sakit sa ulo na dulot ng pagbubuntis ni Teacher Jennifer Bangona, sintomas na pala ng stroke! Mas tumindi pa ang sakit ng ulo niya nang nasa paaralan siya hanggang sa kinailangan na siyang dalhin sa ospital. Dito ay dalawang operasyon na ang ginawa sa kanya nang sabay — isang brain operation at isang caeserian delivery para sa kanilang first baby.Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’
Matapos ma-demolish ang bahay noong 2003, naging tahanan nina Jude Natividad ang lansangan. Pero gaano man kahirap ang buhay nila noon ay hindi sumuko si Jude na makapagtapos ng pag-aaral.Ang batang palaboy lang noon, isa nang ganap na guro ngayon!Ang kuwento ng katapangan at pagpupursigi ni Teacher Jude, pakinggan sa 'i-Listen with Kara David.'
'Stowka' o stowaway ang tawag ni Empoy Marquez sa kanyang sarili bagong pasukin ang mundo ng showbiz. Dahil sa mga kaibigan niya... nakuha sa isang audition si Empoy na naging daan para tahakin niya ang showbiz.Pero sa pag-uusap nila ni Kara David, bakit tila naging emosyonal si Empoy sa kanyang ikinukuwento?Pakinggan 'yan sa 'i-Listen with Kara David'
Bata pa lang daw si Buboy Villar ay laman na siya ng iba't ibang singing contest sa Cebu. Nang malaman ng kanyang nanay na may isang singing contest sa Maynila ay ibinenta nila ang kanila bahay pati ang kanilang alagang manok para may pamasahe papuntang Maynila.Dahil walang kakilala sa Maynila, pansamantala nilang naging tirahan ang lansangan habang nag-o-audition si Buboy!Pakinggan 'yan sa 'i-Listen with Kara David.'
Trigger warning: Mentions of self-harm and depression.Minsan nang nag-viral online ang actress-comedienne na si Tuesday Vargas dahil sa pagbabahagi niya ng kanyang mental health struggles. Sa panayam kay Kara David, ikinuwento ni Tuesday ang karanasan niya bilang isang taong may attention deficit hyperactivity disorder o ADHD, autism at post-traumatic stress disorder (PTSD) at kung paano niya ito patuloy na napagtatagumpayan.Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’
Mula face masks, mani hanggang scrunchies o panali sa buhok -- lahat ng iyan ay naitinda na ni Tatay Ronnie sa kalsada para kumita. At sa pagiging street vendor niya ng mahigit 15 taon, napagtapos ang kanyang anim na anak sa pag-aaral!Pakinggan 'yan sa 'i-Listen with Kara David.'
Dala ng kahirapan ay kinakailangan ni Marissa Fajardo na rumaket bilang labandera noon para magkaroon ng pamasahe papasok ng unibersidad. Ang pagtitiyaga niya, nagbunga nang siya'y makapagtapos bilang guro.Ngayon, isa na siyang Alternative Learning System o ALS teacher para sa mga out of school youth. Ang nagsisilbi nilang mga classroom... minsan raw ay sementaryo, ilalim ng puno o bakanteng lote!Pakinggan 'yan sa 'i-Listen with Kara David.'
14-anyos nang unang gumamit si Fr. Flaviano Villanueva ng ipinagbabawal na gamot nang siya’y napunta sa maling barkada. Pero sa tulong ng Diyos ay nakalaya sila mula sa pagiging alipin ng droga at ngayo’y tumutulong sa mga naulilang pamilya ng mga biktima ng extrajudicial killing (EJK) dahil sa war on drugs campaign ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.Ngayong dinidinig ang kaso ni Duterte sa International Criminal Court dahil sa kanyang anti-drug campaign noon, pinag-usapan nina Fr. Flaviano at Kara David ang naging adbokasiya ni Fr. Flaviano na tulungang maghilom ang pamilya ng mga biktima ng EJK
aong 2018 nang bumida si Jo Berry sa Kapuso series na ‘Onanay’ kung saan nakasama niya ang Superstar at National Artist for Film and Broadcast Nora Aunor at Primera Kontrabida Cherie Gil. Bilang isang baguhang aktres noon, ano-ano nga ba ang paghahanda niya sa tuwing kasama sa eksena ang mga batikang aktres?Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’
Dahil sa glaucoma ay unti-unting nawalan ng paningin si Josefina Olorocisimo. Bago pa man tuluyang mabulag ay naghiwalay pa si Josefina Olorocisimo at kanyang naging nobyo ng 11 taon. Gayunpaman, nawalan man siya ng abilidad para makakita ay nagkaroon siya ng mas malalim na pananaw pagdating sa buhay, pag-ibig at paglilingkod sa kapwa. Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’
Taong 2003 nang unang magkita sina Kara David at SexBomb Aira Bermudez para sa I-Witness. Makalipas ang halos dalawang dekada, muling nagkausap at nagkakuwentuhan ang dalawa bago ang “Get, Get Aw Concert” ng SexBomb ngayong Pebrero.Ano-ano na nga ba ang nagbago sa buhay ni SexBomb Aira? Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’
Isinilang na may Down Syndrome si Krystel Go na bumida sa 2025 MMFF Best Picture ‘I’mPerfect.’ Dahil sa kanyang ipinakitang galing sa pag-arte, kinilala siya bilang Best Actress. Gayunpaman, marami ang bumatikos nang matanggap niya ang award na ito. Ang tugon niya sa mga basher, pakinggan sa ‘ ‘i-Listen with Kara David.’
Dahil sa pagsusugal at droga, naibenta na raw ni Lisandro Fajardo lahat ng ari-arian pati ang kawad ng kuryente para matustusan ang kanyang mga bisyo. Gumamit din si Lisandro ng bagong pangalan para takasan ang mga pinagkakautangan!Paano nga ba siya nakabangon mula sa pagkalulong sa sugal at ipinagbabawal na gamot?Pakinggan 'yan sa 'i-Listen with Kara David.'
Good vibes ang hatid ng komedyanteng si Chariz Solomon sa kanyang witty humor at nakakatuwang skits at banat. Pero sa likod ng kanyang mga tawa ay isang malungkot na kuwento mula sa kanyang childhood.Sa unang pagkakataon, matapang na ibinahagi ni Chariz Solomon ang naranasang pang-aabuso at hirap kay Kara David.Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’
Paalala - Sensitibo ang paksa. Maging disente sa pagkomento.Sa edad na 18 ay na-diagnose ang content creator na si Lorenz Edilbert Olleres ng pagkakaroon ng human immunodeficiency virus o HIV. Dahil sa limitadong HIV education, nakatanggap si Lorenz ng panghuhusga mula sa kanyang pamilya maging ng diskriminasyon sa trabaho noon. Ngayon, 12 taon nang undetectable ang virus sa kanyang katawan at isa nang HIV advocate si Lorenz Edilbert Olleres. Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’
Kabilang ang CrossFit athlete na si Lara Liwanag sa mga buong tapang na lumaban para sa Team Philippines sa Netflix reality competition na Physical: Asia. Dahil sa ipinamalas niyang lakas at diskarte, binansagan siya ng mga netizen bilang “Clutch Queen.”Paano nga ba nila napatumba ang bodybuilders at kapwa CrossFit athlete? At ano-ano nga ba ang nagbago sa buhay ni Lara pagkatapos mapabilang sa competition na ito?Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’
Dala ang naipon na pera, diploma at resume, lumuwas mula Eastern Samar si George Busa para maghanap ng trabaho sa Maynila. Nang mabigo na makahanap ng mapapasukan, dito siya nagsimulang matulog sa lansangan.Nagsilbing tahanan ni George ang kalye at kusina ang iba't ibang feeding program.Ano nga ba ang naging diskarte niya sa lansangan? At paano niya nahanap ang inaasam na trabaho?Pakinggan 'yan sa 'i-Listen with Kara David.'
Alam n’yo bang 18 taon nang sumasali si Miss Universe 2025 3rd Runner-up Ahtisa Manalo sa beauty pageants? At sa edad na 10, nakamit na si Ahtisa ang una niyang korona sa isang school beauty competition!Ang kanyang pinaghugutan ng lakas at pinagdaanang hirap, matapang niyang ibabahagi kay Kara David.
Wala raw naramdamang lukso ng dugo si Wilma Doesnt sa kanyang tunay na magulang nang makilala niya ang mga ito. Pagbabahagi niya kay Kara David, hindi niya naramdaman na hindi siya tunay na anak ng kanyang foster parents. Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’
Ipinanganak si Carla Dela Cruz na may 'spina bifida occulta,' isang kondisyon kung saan underdeveloped ang kanyang spine. Dahil dito, kinakailangang gumapang ni Carla para makapasok noon sa kanyang mga klase.Ang pagpupursigi at determinasyon niya... nagbunga at siya'y isa nang SPED teacher ngayon!Saan nga ba siya humugot ng lakas para matupad ang mga pangarap niya? Pakinggan 'yan sa 'i-Listen with Kara David.'























