Discover
Panaghoy: Mga Kwentong Kababalaghang Nakaukit Sa Kasaysayan
Panaghoy: Mga Kwentong Kababalaghang Nakaukit Sa Kasaysayan
Author: PodHub
Subscribed: 1Played: 0Subscribe
Share
© PodHub
Description
Ang Panaghoy ay isang koleksyon ng mga kuwentong kababalaghan mula sa iba't ibang trahedyang nangyari sa kasaysayan ng Pilipinas. Mula sa mga makasaysayang lugar at pangyayari, kikilabutan ka sa mga horror stories na likha ng kathang-isip.
Samahan si Camille Peng sa pagtuklas ng mga Panaghoy ng nakaraan. Abangan ang mga bagong episode tuwing Biyernes, 6:00PM.
Samahan si Camille Peng sa pagtuklas ng mga Panaghoy ng nakaraan. Abangan ang mga bagong episode tuwing Biyernes, 6:00PM.
10 Episodes
Reverse
Napili ni Russel, isang paranormal expert, na kausapin ang mga kaluluwang naiwanan sa Heritage Hotel dahil sa madilim nitong kasaysayan ngunit kakontian ng tala. Ngunit sa hindi inaasahan, may mga kababalaghang babago sa proseso ng pagtuklas ng mga elemento rito.
Isang historical researcher si Bela na sobrang abala sa trabaho. Kaya simula nang ma-assign siya sa isang proyekto, palagi siyang dinadalaw ng isang alaalang hindi kaniya. Alaala ng isang lugar na hindi niya pa napupuntahan ngunit pamilyar na pamilyar sa kaniya.
Mahilig magexplore ng mga kakaibang lugar si Emma, isang nurse, kasama ang kaniyang barkada. Ngunit sa pagpunta nila sa isang abandonadong ospital, may kinuha siyang hindi dapat ginalaw pa. Makuha pa kayang makatakas ni Emma sa kababalaghang kaniyang mararanasan?
Nang masunog ang TX Factory, isang resignation letter ang natagpuan sa loob ng isang drawer. Isinulat ito ni Rosalina, matagal nang staff sa factory. Sinasalaysay nito ang mga premonisyong kaniyang nakita dahilan para magbitiw siya sa kaniyang trabaho.
May kakaibang nahagip sa litrato ni Gela, isang grad-waiting student mula sa DLSU. Ito ang magdadala sakanya para malaman ang malagim na nakaraan sa kapilyang madalas nila puntahan.
Iba't ibang kababalaghan ang nararamdaman ni Maria bilang saleslady sa Dar Mall. Hanggang sa mahuhukay ang isang katotohanan mula sa kaniyang nakaraan na magpapatunay sa kakaiba niyang karanasan.
Nang magbakasyon si Jelai sa Bulacan, hindi niya inasahang tanaw mula sa kanilang tinutuluyan ang Bahay na Pula. Nakakikilabot na karanasan ang kaniyang naramdaman at humantong ito upang mahanap niya ang isang bibliya.
Anak ng isang Museum Coordinator sa Malinta Tunnel si Amil. Nang makita niya ang isang batang babae na naglalaro sa lagusan, pinakinggan niya ang mga kwentong bitbit nito tungkol sa kasaysayan ng lugar na iyon.
Isang liham ang natuklasang nakabaon sa pundasyon ng Manila Film Center. Ang nagsulat nito? — si Mia, isang performer sa The Amazing Show, para sa kaniyang amang nawawala. Sinusundan nito ang mga kababalaghang kaniyang naranasan habang inaabot ang kaniyang pangarap.
Ang Panaghoy ay isang koleksyon ng mga kuwentong kababalaghan mula sa iba't ibang trahedyang nangyari sa kasaysayan ng Pilipinas. Mula sa mga makasaysayang lugar at pangyayari, kikilabutan ka sa mga istoryang likha ng kathang-isip.













