Baka Naman with Papa Q

Masayang mga personalidad, makabuluhang kwentuhan na pampa-good vibes. Try nyo pakinggan. Baka naman... :D

Episode 18 - New Year's resolution na effective at madaling ma-achieve

Natupad ba ang mga new year's resolution mo o hanggang simula ka lang? Kinapos sa effort at will power, ganern. Meron ako isang natupad na resolution na madali and proven effective para ma-improve ang mental health. Baka naman gusto mo i-consider na isama sa self-improvement checklist mo. #newyearsresolution #mentalhealth #bakanaman

11-29
09:34

Episode 17 - Bakit nakakalusot pa rin ang mga bagyo kahit binabantayan ng PAG-ASA?

Bakit nakakalusot pa rin ang mga bagyo kahit binabantayan ng PAG-ASA? Yan ang isang valid na (joke) tanong sa tuwing sinasalanta ng typhoon ang Pilipinas. May paliwanag si veteran comedian Leo Martinez, with his iconic Batanguenio accent. #PAG-ASA #LeoMartinez #bagyo #typhoon Balitiktikan Episode with Leo Martinez: https://www.facebook.com/mulatmedia/videos/877647933121623 Sic O'Clock News: https://www.facebook.com/mulatmedia/videos/1157733674591158

11-21
17:46

Episode 13 - Weng Baduria on Children's Ministry Service

FINALLY! Nakapagkwentuhan din kami ng aking former officemate na si Ms. Rowena "Weng" Baduria, who currently serving as Children's Ministry Director of Glorious Light Baptist Church in Caloocan City. Napag-usapan namin ang kanyang rewarding experience in serving the children's ministry sa kanyang community church as a way of serving God, ministering to children, and giving back sa blessings ni Lord throughout her life. For more info about Glorious Light Baptist Church, please check and follow their official page: https://www.facebook.com/gloriouslightbaptistchurch Please support their Children's Ministry content "BiblExkwela": https://www.youtube.com/@gloriouslightbaptistchurch1992

08-04
01:01:36

Episode 12 - Jun Urbano a.k.a. Mr. Shooli

Bahagi ng interview namin kay the late great Jun Urbano, na isang icon ng Philippine entertainment industry, sa online show before na Balitiktikan during the height of the COVID-19 pandemic. It was an honor na maka-usap ang isa sa mga comedy heroes ko during my younger years. RIP Mr. Shooli. Special thanks to Mulat Media, Ms. Sophie Quintanar-Mara, Direk Mel Bacani, and Ms. Rona Manio. You can watch the full interview here: https://shorturl.at/hkmp7

01-04
42:50

Episode 10 - Tony Y. Reyes: On Pinoy Comedy, Working with TVJ

Sa second part ng ating interview with the legendary director, tunghayan ang kanyang pananaw tungkol sa estado ng comedy sa Pilipinas at ilan sa mga unforgettable stories behind the scenes ng mga comedy films na kanyang dinirek.

08-12
28:05

Episode 9 - Tony Y. Reyes: Pinoy Comedy Icon

Tumugon si "Box Office Director" Tony Y. Reyes sa tanong na "Baka naman?!" at pumayag na magbahagi ng kanyang kwento kung paano siya nagsimula sa showbiz at ang kung paano niya ginagamit ang kanyang talento sa pagtulong sa mga nangangailangan.

05-06
26:38

Episode 7 - Not a fan of samgyupsal

Yung kumain ka sa labas pero parang di ka rin kumain sa labas. Gano'n ang samgyupsal experience. Plus, a portion of my interview with the first Filipino hair and blood painter Elito Circa a.k.a. Amangpintor.  Alamin ang kanyang malalim na dahilan sa likod ng kanyang kakaibang sining.

10-15
38:33

Episode 6 - Usapang muntikan + tips para sa mga gustong mag-artista

Dapat pa bang maging laman ng mga balita ang isang pangyayari na "muntik" lang? At bakit nga ba walang pusit sa Squid Game? Plus ilang payo para sa mga pangarap maging artista mula kay seasoned actress at producer na si Malou Crisologo (excerpt from our Balitiktikan episode available on www.mulatmedia.com)

10-01
19:28

Episode 5 - DJ Meli Cyrus: Palaban pa rin ang FM Radio

Ngayong panahon na namamayagpag ang internet, may mga nagsasabing malapit nang malaos ang traditional media, kasama sa mga yan ang radyo. Pero ang sabi ni Mia Babaran a.k.a. DJ Meli Cyrus ng Radyo Natin FM, "I don't think so" (Tarayyy!). At meron din siyang ilang tips para sa mga nais magsimula ng career sa broadcasting. 

09-03
47:42

Episode 4 - Kwentuhan with chess legend Eugene Torre

Chess player ka man o hindi, siguradong makakahugot ka ng inspirasyon with this interview with Asia's First Chess Grandmaster and World Chess Hall of Famer Eugene Torre. Tunghayan ang mga challenges na kanyang pinagdaanan sa kanyang matagumpay na career at kung bakit patuloy pa rin siyang nagsusumikap na makapagbigay ng karangalan sa Pilipinas. I had the chance to interview him in 2019 after ng launch ng first ever Eugene Torre Cup chess tournament organized by the Mapua Filipino-Chinese Alumni Association, Inc. Special thanks to the organization's chair that year, Mr. Edmond Aguilar, for making this dream interview possible.

08-20
01:02:42

Episode 3 - DJ Sexy Romie part 2 - Catching up and more laglagan with my good friend

Kung sa panahon ngayon kami mag-aaply as radio DJs ni DJ Sexy Romie, malamang kami ay mangangamote. At alamin itong gustong-gustong ipagawa ng mga fans na, sa totoo lang, ay nakakailang para sa mga radio announcers. 

04-26
46:43

Episode 2 - Catching up with DJ Sexy Romie (Love Radio - Santiago City)

Nang dahil sa lockdown, nagkaroon ng chance na makapag-bonding with my college friend and former co-DJ sa Love Radio Santiago na si DJ Sexy Romie (Romi Joyce Gabbac Villa). Bondingan na may kasamang laglagan!

04-22
31:07

Episode 1 - Direk Jojo Nadela (GMA 7) Direk na, certified plant-tito pa!

Si Direk Jojo ang sakalam (malakas). Kinaya ang lahat (nag-working student, construction worker) para maabot ang pangarap na maging isang direktor. Pero bukod sa determinasyon at passion, may isang mahalagang bagay na dapat taglayin ng isang tao para kayanin ang mga pagsubok sa buhay.

04-22
01:05:16

Episode 19 - Totoo bang Tirah-Tirah ang apelyido ni Dulce a.k.a. "Asia's Timeless Diva"?

BAKA NAMAN WITH PAPA Q EPISODE 19: Totoo bang Tirah-Tirah ang apelyido ni Ms. Dulce a.k.a. "Asia's Timeless Diva"?Napanood ko days ago sa Eat Bulaga si Ms. Dulce. Wala pa ring kupas ang husay! Tapos naalala ko nung moment na yun itong pagkakataon na itinanong ni Ms. Rona Manio yung tanong na matagal nang nasa puzzle sa isip ko. Kung sya nga ba yung inspiration dun sa kantang Dulce Tirah Tirah ganern. :D

09-13
21:29

Episode 16 - This is it, Pancit!

Tulad ng buhay ng tao, ang pansit ay makulay at masarap. Sabi for long life daw pero minsan parang hindi naman. Tara, pag-usapan natin yarn. #pansit #foodie #pinoy

11-09
12:30

Episode 15 - BINI fans 'triggered' sa presyo ng Grand BINIverse Concert!

KASADO na ang Grand BINIverse concert ng patok na P-Pop group BINI. Pero imbes na ma-excite, umalma ang mga fans (a.k.a. Blooms) dahil sa taas ng presyo ng tickets. Sana lang daw ay BINI-biro lang sila ng organizers sa ticket prices. #BINI #Blooms #BINIverse #Ppop Jim Rohn's official YouTube channel: https://www.youtube.com/@jimrohnchannel Listen to Jim Rohn's lecture on "The Real Truth of Being Silent here: https://www.youtube.com/watch?v=xQW345N2zhU&t=354s Please follow Papa Q's official FB page: https://web.facebook.com/thepapaQ

08-14
31:26

Episode 14 - Congratulations Carlos Yulo, my friend! Baka naman!

Super winner ang "Golden Boy" ng Pinas sa 2024 Olympics na si Carlos Yulo. Nanalo na ng 2 gold medal, para pang tumama sa lotto sa laki ng pa-bonus na matatanggap niya. Baka naman! Credits to Pastor Ruther Urquia / Bible Ninja. Watch his full discussion on Philippians 4:13 here: https://web.facebook.com/watch/?v=513587713427342 Please follow my page: https://web.facebook.com/thepapaQ

08-10
20:58

Episode 11 - Ruther Urquia of Bible Ninja

Comedy with a purpose, pwede ba yun? Why not, Chocnut? Tara pakinggan natin ang kwento ni Ruther Urquia, ventriloquist, comedian, and the host of Bible Ninja. Special thanks to Ms. Sophie Mara, Direk Mel Bacani, Mulat Media: https://www.facebook.com/mulatmedia Check out Bible Ninja episodes, content here: https://www.facebook.com/ruthertv

12-18
37:47

Recommend Channels