DiscoverBarangay Love Stories
Barangay Love Stories
Claim Ownership

Barangay Love Stories

Author: Barangay LS 97.1 Manila | GMA Network Inc.

Subscribed: 41,730Played: 553,897
Share

Description

These are the weekly stories of love, life and hope (ang mga kuwento ng buhay, pag-ibig at pag-asa) from the listeners of Barangay LS 97.1 FM. Listen to Papa Dudut as he reads the letters of our 'Kabarangays' heartfelt experiences. The dramatization will bring you closer in feeling the joy, pain and everything in between of love & life. Siguradong relate-much ka dito. Thank you for making this podcast NUMBER 1 in the Philippines.
581 Episodes
Reverse
Nakakasabik nga namang gumawa ng bagay na kakaiba pero asahan ang pangit na resulta kapag alam nang mali pero ipipilit pa. Pakinggan ang kwento ni Marialyn sa Barangay Love Stories.
Nakakalungkot isipin ang katotohanan na nagsasama-sama lang ang ibang tao kapag namatayan. Pakinggan ang kwento ni Maureen sa Barangay Love Stories.
Walang babae ang gustong maging number two, pero minsan dahil magaling mambola ang ibang lalaki, hindi nila mapigilang umasa na balang araw, magigiging priority rin sila. Ganyan ang nangyari kay Jamie, sa hindi inaasahang pangyayari, ginawa siyang kabit ni Paolo na asawa pala ng bagong kaibigan niya. Ayaw ni Jamie makasira ng pamilya kaya sinimulan niyang layuan ang mag-asawa pero si Paolo, habol pa rin nang habol sa kanya. Pakinggan ang kwento ni Jamie sa Barangay Love Stories.
Takot sa kamatayan ang jowa ni Mildred kaya sobra ito kung mag-alala kapag hindi siya nakakapag-update. Minsan, nakakalimutan ni Mildred ang takot na iyon ni Lulu at nagagawa niya pang magbiro tungkol sa mga disgrasya at kamatayan. Pero sa sobrang pangangamba ni Lulu, natatakot na rin ang mga tao sa paligid niya. Pakinggan ang kwento ni Mildred sa Barangay Love Stories.
Sa panahon ngayon, madali na lang ang komunikasyon at madali na rin makahanap ng karelasyon. Kaya mas lalong ingatan ang puso, huwag agad bibigay sa konting pagsuyo. Pakinggan ang kwento ni Iboy sa Barangay Love Stories.
Ang tao na hindi marunong magpahalaga ay walang kasiyahan kahit anong putahe ang ihain sa kanila. May edad na si Imelda pero hindi niya pinigilan ang sarili niyang mahumaling sa katrabaho niyang mas bata sa kanya. At nakuha niya pang iwan sa nanay niya ang kanyang mga anak para lang makipag-live in sa bago niyang jowa. Pakinggan ang kwento ni Imelda sa Barangay Love Stories.
Masakit sa puso kapag nagmahal ka ng tao na sa simula pa lang ay alam mong hindi na magiging iyo. Tulad ni Shaun na matagal nang gusto si Meredith pero kahit pa sinubukan niyang ligawan ang dalaga, may tinitibok na pala ang puso nito. Kaya wala na siyang nagawa kun'di ang pagmasdan si Meredith na maging masaya sa piling ng lalaking pinili nito. Pakinggan ang kwento ni Shaun sa Barangay Love Stories.
Dahil sa bugso ng damdamin, madaling napapayag si Menggay na makipag live-in kay Jason. Pero huli na nang ma-realize niya na mali pala ang napasukan niyang relasyon dahil imbes na magtulungan sila ni Jason, siya lahat ang sumasagot sa kanilang mga gastusin bahay. Sa kabila ng napakaraming red flags ng kanyang jowa, hindi agad umalis si Menggay hanggang isang araw, si Jason pa mismo ang nagpaalis sa kanya sa bahay na tinuring niya na sanang tahanan. Pakinggan ang kwento ni Menggay sa Barangay Love Stories.
Walang may gustong makaranas ng pagpapasakit lalo pa kung magulang mo mismo ang magpapahirap sa'yo. Sa kasamaang palad, ang pamilya nina Dionna ay dumanas ng pagmamalupit sa kanilang padre de pamilya. Dumating ang panahon na dinemanda nila ito at nilayasan. Pero nang pinagdudusa na ng panahon ang tatay nila, nagawa pa rin siyang tulungan nina Dionna. Kaso ang kanilang ama, parang hindi pa rin talaga nagtatanda. Pakinggan ang kwento ni Dionna sa Barangay Love Stories.
Nasanay na talaga ang iba sa ating mga kababayan na iasa sa kanilang mga anak ang pag-ahon nila sa kahirapan. Kaya nagkaroon ng hinanakit si tiya Luz kina Carissa dahil ito ang nagsakripisyo para iahon ang kanilang mag-anak noon. At bilang kapalit, si tiya Luz naman ngayon ang sa kanila'y magpapasakit. Pakinggan ang kwento ni Ito sa Barangay Love Stories.
Minsan, hindi naiiwasan ang pagkakaroon ng tampuhan at alitan sa pinagtatrabahuhan. Buti na lang ay may Desirey sina Dina at Domeng na handang makinig at umintindi sa kanilang kwento. Pero mahirap pagbatiin ang mga taong naubos na ang tiwala sa iba. Pakinggan ang kwento ni Desirey sa Barangay Love Stories.
Konduktor ang mag-asawang si Ito at Nene. Tulad ng iba, nahihirapan man sila sa buhay ay masaya naman sila kapag nagsasama-sama lalo pa't nakakilala sila ng anghel sa lupa sa katauhan ni lola Gertrude. Pakinggan ang kwento ni Ito sa Barangay Love Stories.
Marami sa ating mga kababayan ang umibig sa banyaga at nagkaanak ng mga mestizo o mix-blood na tinatawag ng iba na foreignoy. Bagama’t foreigner ang kanilang hitsura, marami sa kanila ang lumaking may pusong Pinoy tulad ni Alejandro. At tulad ng inaasahan, nang mag-aral siya sa Pilipinas, nagi siyang usap-usapan lalo’t artistahin talaga ang itsura niya. Hindi nagtagal at niligawan siya ng kaklase niyang si Rica. At ang mahiyaang foreignoy, napasagot ng dalaga. Pakinggan ang kwento ni Alejandro sa Barangay Love Stories.
Isusubo na lang sa sarili, ibibigay pa sa mga anak dahil gawain 'yan ng magulang para mapanatili ang ngiti at maibsan man lamang ang kanyang pag-iyak. Pakinggan ang kwento ni Manny sa Barangay Love Stories.
Ang buhay mo ay parang isang pelikula na ikaw ang bida. Maaaring alam mo ang bawat kabanata nito pero hindi mo pa hawak ang wakas ng istorya. Kaya huwag magpagapos, maaari pang mairaos ang karanasang masalimuot. Pakinggan ang kwento ni Brent sa Barangay Love Stories.
Matagal nang magkarelasyon si Patrice at Jay, nasa punto na rin sila kung saan gusto na nilang magpakasal pagbalik ni Jay galing ibang bansa. At kahit pa nagkaroon sila ng malaking pagtatalo, napatawad pa rin nila ang isa’t-isa. Hanggang sa magkaalaman na ng mga sikreto. Sa kasalanang nagawa ni Patrice, napatawad siya ni Jay. Pero ang sikreto ni Jay, hindi sigurado si Patrice kung mapapalampas niya iyon. Pakinggan ang kwento ni Patrice sa Barangay Love Stories.
Si Jaq ay isang babae na may pusong lalaki. At nang makilala na niya si Krissa - ang babaeng gusto niyang ligawan, problema naman ang dala ni Inno na kuya ni Krissa. Wala namang kaso kay Krissa ang kasarian ni Jaq pero hindi niya rin talaga bet si Jaq. Lalo’t hindi rin naman boto si Inno kay Jaq dahil si Inno, nagugustuhan na rin pala ni Jaq. Pakinggan ang kwento ni Jaq sa Barangay Love Stories.
Iwanang bakante ang puso para sa taong karapat-dapat at huwag sa tao na hindi alam kung paano maging tapat. Pakinggan ang kwento ni Laarni sa Barangay Love Stories.
Walang tao ang gustong maghirap sa buhay lalo na ang nanay ni Coleen. Kaso imbes na magulang ang magtaguyod sa malaki nilang pamilya, kay Coleen nila nakita ang pag-asa. At para sa batang Coleen na nais lang makitang masaya ang kanyang nanay, napilitan siyang gayahin ang ginagawa ng kanyang pinsan na sustentado na dahil sa pakikipag-video call sa mga banyaga. Guminhawa nga ang kanilang buhay kahit papaano pero nang mag disiotso na si Coleen, ninais niya namang makabalik sa pag-aaral pero ito'y ikagagalit pala ng kanyang nanay. Pakinggan ang kwento ni Coleen sa Barangay Love Stories.
Ang work bestie ni Frances, super galing gumawa ng kwento kaya kahit mga bagay na hindi niya ginagawa naibibintang sa kanya ng mga katrabaho nila. At pati ang lalaking bet sana ni Frances, nagbago bigla ang pagtingin sa kanya. Pero maniwala ka man o hindi sa karma, asahang babalik ang lahat ng ginagawa, mabuti man o masama. Pakinggan ang kwento ni Frances sa Barangay Love Stories.
loading
Comments (195)

Che Dasalla

CHERRY LYNN DASALLA LIKE AND SUBSCRIBE TO MY UTUBE CHANNEL

Mar 31st
Reply

Che Dasalla

hello

Mar 31st
Reply

Che Dasalla

LIKE AND SUBSCRIBE TO MY UTUBE CHANNEL CHERRY LYNN DASALLA

Mar 23rd
Reply

Amari Totemo

wala kang kwentang lalake. tandaan mo yan

Nov 13th
Reply

Delleva Lanuevo Ayha

Pag nahuhuli ang mga lalake na nag loloko ang isasagot wala lang yun! Tsk tsk, alam ng x nya yun nilalapitan pa, wala daw balak saktan ang partner nila pero lumalapit parin sa x at nakikipag chat o tawagan tapos buburahin, pero sasabihin na wala lang yun... Kahit may nangyayari na sa kanila ng x nya wala pa rin yon? Hmmmm naku!

May 7th
Reply (1)

Marciano Paroy Jr.

so moving...

Nov 9th
Reply

Delleva Lanuevo Ayha

HINDI YAN KASALANAN NG KABIT KASALANAN YAN NG NANGABIT!

Jul 1st
Reply

Christopher Victoriano

Nᴀᴋᴀsᴜʙᴀʏʙᴀʏ ᴘᴏ ᴛᴀʟᴀɢᴀ ᴀᴋᴏ sᴀ ʙʟs ᴘᴏᴅᴄᴀsᴛ. ᴘᴀsᴛ ᴛɪᴍᴇ.

Apr 21st
Reply

Daynn Zshekiah

l l

Feb 8th
Reply

Delleva Lanuevo Ayha

Ganitong ganito yun ie.... Yung tipong umaabot ka sa punto na napapraning ka na, yung di mo naman naiisip bigla nalang papasok sa utak mo ng walang pakundangan ang lahat ng ginawa nya sayo....yung pinipilit mong kalimutan para maayos lahat pero di mo talaga magawagawa... Yung di na natahimik ang buhay mo kahit na kilan, ito yun! 💔

Dec 3rd
Reply

ID23655476

Relate😢😢😢😢

Oct 26th
Reply

Solomon Miccrom

Sana mahanap niya ung mga bata.

Sep 28th
Reply

GMEC

Naiyak ako sa kwento na ito masyadong nakakadurog ng puso ang nangyari sa pag-iibigan ni Zoren, Joana at Jaime.

Sep 22nd
Reply

GMEC

Nakakabigla, nakakalungkot, nakakadurog.

Sep 15th
Reply

GMEC

Lupet ng twist ng kwento tomboy pala si Zac. Kaya pala lagi syang iniiwan dahil hindi nya maibibigay ang kaligayahan ng mga babae na gusto nila. Nakakaiyak naman sobra dahil sa nangyari sa kanya.

Sep 9th
Reply

GMEC

May pagkakatulad din sila ni Kristine ( BLS-episode last April 10, 2016 ) namatay din yung one true love nila dahil sa mga hindi sinasadyang pagyayari. Parehas silang naging duwag sa pagmahahal, sinayang ang mga pagkakataon at sa huli naiwan ng nag-iisa.

Sep 2nd
Reply

GMEC

One of the best episodes ng Barangay Stories, kung saan sa sobrang pagkacurious ko hinanap ko pa si Sir Quizo. Literal na pinagtapo sila ni Kristine pero hindi tinadhana. 5 years na ang lumipas pero nakaDL parin sakin ang istorya nila di nakakasawang pakinggan. Kumusta na kaya si Kristine ngayon ?

Aug 30th
Reply

Rochelle Blas

Alam nio PO ba pamagat Nung pinakasalan Nia Yung girl n nbuntis Nia tapos namatay din Ang boy ...SA beach wedding panga gustong kasal Ng girl d Lang ntuloy dhil my taning n buhay Ng boy

Aug 29th
Reply

Georgia Andrea

kasaket naman

Aug 24th
Reply

Cristopher Brewster

Tanginang istorya to. Hahahaha

Aug 9th
Reply