DiscoverBarangay Love Stories
Barangay Love Stories
Claim Ownership

Barangay Love Stories

Author: Barangay LS 97.1 Manila | GMA Network Inc.

Subscribed: 36,396Played: 454,901
Share

Description

These are the weekly stories of love, life and hope (ang mga kuwento ng buhay, pag-ibig at pag-asa) from the listeners of Barangay LS 97.1 FM. Listen to Papa Dudut as he reads the letters of our 'Kabarangays' heartfelt experiences. The dramatization will bring you closer in feeling the joy, pain and everything in between of love & life. Siguradong relate-much ka dito.
399 Episodes
Reverse
Episode 397: "Bilbil"

Episode 397: "Bilbil"

2024-09-2301:02:15

May mga tao pa ring mahilig mangutya dahil sa panlabas na itsura pero si Johanna, wapakels sa mga taong ganoon. Mataba si Johanna at confident siya sa kanyang sarili. Kaya nang makilala niya ang total package na si Dennis, feeling niya naman ay may pag-asa siya sa gentleman at super-duper bait na binatang ito. Pakinggan ang kwento ni Johanna sa Barangay Love Stories. 
Episode 396: "Parang Bida"

Episode 396: "Parang Bida"

2024-09-1601:07:47

Sa panahon ngayon hindi na issue ang edad sa pagtupad ng mga naudlot na pangarap. Malapit na maging senior citizen si Carlota at isa sa mga goals niya ay ang makapagtapos ng college. Pero first day pa lang ng pasukan ay nagkaproblema na agad siya nang harangin siya ng security guard ng university. Pakinggan ang kwento ni Carlota sa Barangay Love Stories. 
Episode 395: "Crossroads"

Episode 395: "Crossroads"

2024-09-0901:06:53

Part 4 of 4 Sa wakas ay malalaman na nga ni Grace kung kanino niya nakuha ang sakit niyang HIV. At sa patuloy na pagbuti ng pakiramdam niya, mukhang bubuti ring muli ang relasyon sa pagitan niya at ng isa sa mga ex niya. Pakinggan ang kwento ni Grace sa Barangay Love Stories. 
Episode 394: "Detour"

Episode 394: "Detour"

2024-09-0201:00:20

(Part 3 of 4) First love ni Patrick si Grace pero hirap siyang patawarin ang dalaga dahil ginamit, niloko, at iniwan lang siya nito. Ang pangako ni Patrick sa sarili, hinding-hindi na siya makikipagkita kay Grace kahit kailan. Pero si Grace, pursigido ring makita si Patrick para malinawan na siya kung may sakit rin nga ba ang binata tulad niya. Pakinggan ang kwento ni Grace sa Barangay Love Stories. 
(Part 2 of 4) Nang malaman ni Grace na may sakit siya, naging misyon niya na ang pagbibigay awareness sa ibang tao tungkol dito. At dahil sa misyon na iyon, kailangan niyang makipagkita sa mahangin niyang ex boyfriend na si Roan. Nais niya kasing hikayatin ito na magpa-check sa doctor para makasigurado siya na hindi niya ito nahawaan o hindi si Roan ang nakahawa sa kanya. Pakinggan ang kwento ni Grace sa Barangay Love Stories. 
Episode 392: "No Entry"

Episode 392: "No Entry"

2024-08-1901:00:091

(Part 1 of 4) Ang pag-ibig ay nasa paligid lang pero madalas mahirap hanapin ang pag-ibig na nakalaan para sa iyo. Nakailang heartbreaks na si Grace kaya ang daily mantra niya sa life, 'Boys, No Entry'. Wala na sana siyang balak masilayan ni anino ng mga lalaking dumurog ng puso niya pero isang sakit ang pipilit sa kanyang makipagkita ulit sa kanilang lahat. Pakinggan ang kwento ni Grace sa Barangay Love Stories. 
Episode 391: "Broken Home"

Episode 391: "Broken Home"

2024-08-1201:03:011

Sa panahon ngayon, parang privilege na ang pagkakaroon ng isang buong pamilya. Isa sana iyan sa mga pangarap ni Liezel. Pero imposible nang mangyari iyon kaya siya na lang ang bubuo ng sarili niyang pamilya kasama ang mga taong mahalaga sa kanya at pinahahalagahan din siya. Pakinggan ang kwento ni Liezel sa Barangay Love Stories. 
Episode 390: "Paruparo"

Episode 390: "Paruparo"

2024-08-0501:01:331

Walang naghanda kay Jea at sa mga kapatid niya na makita ang mama nila na unti-unting dinadaig ng sakit na nilalabanan naman nila. At kahit pa walang planong bumitaw si Jea sa paggaling ng mama nila, kailangan niyang magdesisyon kung hanggang kailan siya magiging matigas para sa kanyang pamilya. Pakinggan ang kwento ni Jea sa Barangay Love Stories. 
Biyuda na si Bella pero hindi naman naging mahirap ang buhay niya kasama ang kanyang unico hijo dahil sa pensyon ng yumao niyang mister. Bilang lalaki sa kanilang pamilya, protective si Max sa kanyang nanay Bella. Ngunit sobra-sobra ata ang pag-iingat ni Max dahil mahigpit siya sa lahat ng gustong manligaw sa kanyang ina. Pakinggan ang kwento ni Bella sa Barangay Love Stories.
Minsan hanggang imagination na lang ang kasiyahan na inaasam-asam mo. Tulad ni Winnie, para sa kanya pangarap na lang ang pagkakaroon ng lalaking magmamahal sa kanya. Matupad man o hindi ang pangarap na iyon, ayos lang dahil tanggap na niya ang kanyang kapalaran. Ngunit nagbago ang ikot ng mundo nang muli niyang makita ang unang bully niya na siya ring childhood crush niya. Pakinggan ang kwento ni Winnie sa Barangay Love Stories. 
Episode 387: "Bucket List"

Episode 387: "Bucket List"

2024-07-1501:01:331

Mahirap lumaki sa mahirap na pamilya. At mas humihirap ito kapag may taong katulad ni Emma na gustong humila sa iyo pababa. Pero si Allen, pipiliin pa ring magpatuloy nang masaya upang tuparin ang lahat ng nasa bucket list niya. Pakinggan ang kwento ni Allen sa Barangay Love Stories. 
Kahit gaano pa kayaman si Cedrick, hindi nito maitatago ang mabaho niyang pag-uugali. Simula nang mamasukan si Benny kina Cedrick, hindi nakakalimot ang kanyang amo na kutyain ang kanyang itsura. Kailan ba dapat pumalag ang taong tinatapakan na pati pagkatao? Matiisin si Benny pero mukhang mahahanap na niya ang dahilan para maging mabuti na rin sa sarili niya. Pakinggan ang kwento ni Benny sa Barangay Love Stories. 
Araw-araw bumubuo ng alaala ang bawat tao. Sinasariwa kapag mag-isa, kinakapitan minsan kung nanghihina na. Ngunit ang mga alaala ni Cora, unti-unti nang naglalaho. Sa kabila nito, handa ang asawa niyang si Geraldo na ingatan ang mga alaalang ito kahit pa mapanakit ang mga ito. Pakinggan ang kwento ni Geraldo sa Barangay Love Stories. 
Episode 384: "Paglaon"

Episode 384: "Paglaon"

2024-06-2401:07:19

Masarap kapag nakasama mo hanggang sa pagtanda ang pinakamamahal mong kaibigan. Pero masakit naman kung magtatago ng damdamin hanggang sa pagtanda niyo. Sa abroad na tumanda si Ysang ngunit nanatiling matatag ang komunikasyon nila nina Mona at Atong. May sakit si Mona kaya uwing-uwi na si Ysang at sa kanyang pag-uwi, tatlong kahilingan ang pinakiusap ni Mona. Pakinggan ang kwento ni Ysang sa Barangay Love Stories. 
Episode 383: "Stage 4"

Episode 383: "Stage 4"

2024-06-1758:39

Ang relasyong nabuo dahil sa kasinungalingan ay mahirap magtagal maliban na lamang kung totoo na ang pagmamahal. Nang malaman ni Dex na hindi pala sa kanya ang batang ipinaako sa kanya ng asawa niya, sobra siyang nasaktan. Kaya bilang ganti, pinahirapan niya rin si Queen hanggang sa mawala ang galit niya. Pakinggan ang kwento ni Dex sa Barangay Love Stories. 
Episode 382: "Stage 3"

Episode 382: "Stage 3"

2024-06-1055:46

Matapos mapilitan si Dex na pakasalan ang babaeng nabuntis niya raw, hindi agad nawala ang galit, muhi, at inis na nararamdaman niya. Matagal pero natutunan rin ni Dex na pagkatiwalaan ang asawa niyang si Queen. At nang maging maayos at masaya na ang kanilang pamilya, mabubunyag ang sikreto ni Queen na wawasak kay Dex. Pakinggan ang kwento ni Dex sa Barangay Love Stories. 
Episode 381: "Stage 2"

Episode 381: "Stage 2"

2024-06-0353:48

Hindi inaasahan ni Dex na babalikan siya ng babaeng isang gabi niya lang nakasama. Nagbabagong buhay na si Dex sa piling ni Kate pero dahil sa isang pagkakamali, mapipilitan siyang magpanggap na boyfriend ng babaeng kanyang nabuntis. Pakinggan ang kwento ni Dex sa Barangay Love Stories.
Episode 380: "Stage 1"

Episode 380: "Stage 1"

2024-05-2852:061

Past is past. Pero may nakaraan na hindi basta-basta lulubay kay Dex lalo pa't nagi siyang pakawala nung kabataan niya. Kung kailan naman siya nag-decide na magbabago na ay saka naman siya hahabulin ng buhay na sinusubukan na niyang kalimutan para sa babaeng gusto niyang pakasalan. Pakinggan ang kwento ni Dex sa Barangay Love Stories.
Episode 379: "Masidhi"

Episode 379: "Masidhi"

2024-05-2101:06:41

Maayos ang pagsasama nina Paulina at Dado. Pero dahil may mga pangarap sila na hindi matupad dala na din ng kakulangan sa pera, may mga nangyari na hindi tama para sa isang relasyon. Pakinggan ang kuwento ni Pauline sa Barangay Love Stories.
Episode 378: "Alaga"

Episode 378: "Alaga"

2024-05-1301:08:352

Dalawa na lamang sa buhay ang mag-lolang sina Lola Mia at Patrick, pero kailangan munang iwan ni Patrick ang lola niya para magtrabaho sa barko. Kaya si Ramona, ang newly-hired caregiver ni lola, ang naging bagong kasangga ni lola. At kay Ramona niya rin naikwento ang nakaraan niyang hindi niya maisabi sa pinakamamahal niyang apo. Pakinggan ang kwento ni Ramona sa Barangay Love Stories. 
loading
Comments (191)

Delleva Lanuevo Ayha

Pag nahuhuli ang mga lalake na nag loloko ang isasagot wala lang yun! Tsk tsk, alam ng x nya yun nilalapitan pa, wala daw balak saktan ang partner nila pero lumalapit parin sa x at nakikipag chat o tawagan tapos buburahin, pero sasabihin na wala lang yun... Kahit may nangyayari na sa kanila ng x nya wala pa rin yon? Hmmmm naku!

May 7th
Reply (1)

Marciano Paroy Jr.

so moving...

Nov 9th
Reply

Delleva Lanuevo Ayha

HINDI YAN KASALANAN NG KABIT KASALANAN YAN NG NANGABIT!

Jul 1st
Reply

Christopher Victoriano

Nᴀᴋᴀsᴜʙᴀʏʙᴀʏ ᴘᴏ ᴛᴀʟᴀɢᴀ ᴀᴋᴏ sᴀ ʙʟs ᴘᴏᴅᴄᴀsᴛ. ᴘᴀsᴛ ᴛɪᴍᴇ.

Apr 21st
Reply

Daynn Zshekiah

l l

Feb 8th
Reply

Delleva Lanuevo Ayha

Ganitong ganito yun ie.... Yung tipong umaabot ka sa punto na napapraning ka na, yung di mo naman naiisip bigla nalang papasok sa utak mo ng walang pakundangan ang lahat ng ginawa nya sayo....yung pinipilit mong kalimutan para maayos lahat pero di mo talaga magawagawa... Yung di na natahimik ang buhay mo kahit na kilan, ito yun! 💔

Dec 3rd
Reply

ID23655476

Relate😢😢😢😢

Oct 26th
Reply

Solomon Miccrom

Sana mahanap niya ung mga bata.

Sep 28th
Reply

GMEC

Naiyak ako sa kwento na ito masyadong nakakadurog ng puso ang nangyari sa pag-iibigan ni Zoren, Joana at Jaime.

Sep 22nd
Reply

GMEC

Nakakabigla, nakakalungkot, nakakadurog.

Sep 15th
Reply

GMEC

Lupet ng twist ng kwento tomboy pala si Zac. Kaya pala lagi syang iniiwan dahil hindi nya maibibigay ang kaligayahan ng mga babae na gusto nila. Nakakaiyak naman sobra dahil sa nangyari sa kanya.

Sep 9th
Reply

GMEC

May pagkakatulad din sila ni Kristine ( BLS-episode last April 10, 2016 ) namatay din yung one true love nila dahil sa mga hindi sinasadyang pagyayari. Parehas silang naging duwag sa pagmahahal, sinayang ang mga pagkakataon at sa huli naiwan ng nag-iisa.

Sep 2nd
Reply

GMEC

One of the best episodes ng Barangay Stories, kung saan sa sobrang pagkacurious ko hinanap ko pa si Sir Quizo. Literal na pinagtapo sila ni Kristine pero hindi tinadhana. 5 years na ang lumipas pero nakaDL parin sakin ang istorya nila di nakakasawang pakinggan. Kumusta na kaya si Kristine ngayon ?

Aug 30th
Reply

Rochelle Blas

Alam nio PO ba pamagat Nung pinakasalan Nia Yung girl n nbuntis Nia tapos namatay din Ang boy ...SA beach wedding panga gustong kasal Ng girl d Lang ntuloy dhil my taning n buhay Ng boy

Aug 29th
Reply

Georgia Andrea

kasaket naman

Aug 24th
Reply

Cristopher Brewster

Tanginang istorya to. Hahahaha

Aug 9th
Reply

Reynmhar Tamayo

2021 and still listening 🥰

Jul 22nd
Reply

유동건

Nasan po yung part 2?

Jul 22nd
Reply

Ayha Lanuevo Delleva

❤️❤️❤️

Apr 19th
Reply (1)

Ayha Lanuevo Delleva

💔💔💔 hindi ako papayag sa ganyan,,,susubukan kong lumabas sa mga bagay na nakasanayan ko! baka may nag aantay saakin sa labas na magandang buhay!💔💔💔

Apr 11th
Reply