Hey Ati Podcast

Ang podcast na 4% tao, 96% kuda.

Ep 36 Tough Ten Post-pandemic Travel Destinations

Pag tapos na tayong mag-isip ng bagong pangalan para sa lockdown— ECQ, GCQ, NCR+ Bubble chuchu, at pag finally inayos na ang handling ng pandemic dito sa bansa makakalabas rin tayo safely. So, let’s flashforward together ~for the last time~ Ati Gang. Pag-usapan natin ang ating Tough 10 Post-pandemic destinations!

03-29
01:23:41

Ep 35 Tough Ten 90s Memorabilia

It's official, kung 90s kid ka, matanda ka na ngayon. But that doesn't have to be a bad thing di ba? Andami nating magandang alaala mula sa pagkabata, kaya dito sa episode na to, hawak kamay at kapit bisig nating balikan yon, as the Ati Gang brings you the Tough 10 90s Memorabilia! 3% Tao 96% Kuda tayo with the special participation of Ati Myra, representing the land of chewing gum: Texas! Tuloy ang chika sa Ati Gang socials: @HeyAtiPodcast sa FB, Twitter, at IG. Sali na rin kayo sa Ati Gang Facebook group para sa visual aids. Visual aids?! Haha!

03-02
01:06:11

Ep 33 Tough Ten Movies About Romance & Love

Nakiki-bandwagon kami sa Valentines kaya this week, films about love and romance ang kudaan. Major SPOILER ALERT Ati Gang ha kasi may mga chika kaming mga ending at plot twists sa mga romcom at love-themed movies na baka di nyo pa napapanood. Salamat, as usual, sa mga Ati Gang na tumulong bumuo ng episode. Enjoy the chika.

02-13
59:23

Ep 32 Tough Ten Sexual Awakening Stories

Bridgerton made us thirsty! Char lang. Isang Ati Gang ang humingi ng mas mapusok na version ng #TamisNgUnangLandi, at sino naman kami para humindi? So eto ang katas ng unang piga. Char! Sali na sa Ati Gang Facebook Group para makasama sa pabuo ng Tough 10 every week!

02-01
49:36

Ep 31 Tough Ten Things You Want to Happen in 2021

Di naman masama maging hopeful di ba? So pag-usapan natin ang Tough Ten Things na gusto nating makita ngayong 2021! Tapos pag-usapan na rin natin kung tama bang My Sassy Girl si Toni? Hahahaha! Sali na sa Ati Gang Facebook Group para sa mga visual aids ng glory hole and many many others! Samahan nyo kami at kumpletuhin ang 96% kuda: @HeyAtiPodcast on Spotify, Google Podcasts, and Apple Podcasts. Taralets!

01-25
51:34

Ep 30 • Tough 10 Comebacks sa Reunion Attacks

Pag inatake ka ng mga insensitive comments sa family reunion, should we fight fire with fire? Or dadaanin natin sa wit? Bawal ang ngiti-ngiti lang Ati Gang, reunion bardagulan na ito! Kung triggedt ka pa rin after ng episode, tuloy ang kwentuhan sa ating official Facebook Group: Ati Gang Follow na rin sa FB, IG, at Twitter: @HeyAtiPodcast

12-15
57:43

Ep 29 • Tough 10 Noche Buena Hits

Surprisingly, ‘di kasama ang manok na tinola. So sorry dun sa Ate na nagluto non sa sikat na kanta. We promise you, maaalala nyo ang Cathedral Window sa episode na ito, Ati Gang. Kaya tara na! Kainan na! Follow @HeyAtiPodcast sa IG, FB, at Twitter. At ituloy natin ang chikahan sa ating FB Group: Hey Ati

12-08
59:11

Ep 28 • Tough 10 Worst Christmas Gifts

Dahil last weekend na ng November, at malapit na tayong mamili ng Christmas Gifts para sa mga mahal natin sa buhay, ka-trabaho, at nga kaibigan, this week nilista namin ang mga worst gifts received ng mga Ati Gang para alam na natin kung ano ang hindi dapat bilhing pang-regalo. Sali na sa chika! Don’t forget to join our Official Facebook Group: Ati Gang At i-follow ang ating socials: @HeyAtiPodcast sa Facebook, Instagram, & Twitter, para tuloy ang kudaan. Tara, Ati!

11-30
53:49

Ep 27 • Tough 10 Celebrity Rivalries

Tabi-tabi muna yung mga bagong celebrities kasi this one is for the Titos and Titas. Sa unang salang ng Ati Gang sa Season 3, pag-uusapan natin kung kaninong camp tayo: Nora vs. Vilma, Eheads vs. Rivermaya, UMD vs. Streetboys, at marami pang iba! Also, don’t forget to join our Official Facebook Group: Ati Gang At i-follow ang ating socials: @HeyAtiPodcast sa Facebook, Instagram, & Twitter, para tuloy ang kudaan. Tara, Ati!

11-22
57:59

Ep 26 • Celebrity Deaths

Sa ating Season 2 Finale, we are paying tribute to some of icons & celebrities and the impact they left sa buhay ng natin Ati Gang. Sali na sa kwentuhan at reflection in the very special episode. PS: Magbe-break lang din muna kami for a few weeks, mga Ati. Feel free to listen to our past episodes para makahabol sa kudaan. Thank you, Ati Gang!

10-04
01:25:52

Ep 25 Misreading Signs

Ang kabaliktaran ba ng pagiging “assumera” ay “giving the benefit of the doubt”? Napahamak ka na ba for misreading signs? Or dahil mali ang basa mo, mas napabuti pa ang kinahinatnan? Sino si Ms. VERA ELAINE CLAIRE DE LOS REYES Y MINDO DE VARONA at bakit pang-telenovela ang haba ng pangalan nya? Yan at madami pang chika ang aming sinagot at napag-usapan kasama ang aming extra-special “Thai celebrity” guest. Sali na kudaan Ati Gang! Feel free to comment sa aming FB, IG at Twitter @HeyAtiPodcast

09-20
01:32:03

Ep 24 • Hindi Tayo Pwede

Bago namin binasa ang inyong mga responses sa tanong na “paano hindi umiyak kung na-fall ka sa taong hindi ka kayang mahalin pabalik”, eh isang malupit na unpacking & untucking moment muna ang naganap sa dalawang Ati natin. Sali na sa kudaan this week para updated ka sa epic backstory nila Ati Joreen at Ati Rich!

09-07
01:23:28

Ep 23 • Galawang Pandemic (Part 3)

Part 3, as in last na to, ng inyong mga responses Ati Gang sa tanong na “what activities can you suggest to manage stress & anxiety during this 5 month-long Community Quarantine?” Ibang level ang happiness namin at pasasalamat sa lahat ng mga Ati na nagpadala ng mga entries! Salamat Ati and please stay safe & healthy.

08-30
01:21:37

Ep 22 • Galawang Pandemic (Part 2)

Part 2 ng inyong mga responses Ati Gang sa tanong na “what activities can you suggest to manage stress & anxiety during this 5 month-long Community Quarantine?” Super THANKS Ati Gang!

08-23
49:16

Ep 21 • Galawang Pandemic (Part 1)

Ito ang Part 1 ng inyong mga responses Ati Gang when we asked the question, “what activities can you suggest to manage stress & anxiety during this 5 month-long Community Quarantine?” Maraming salamat sa responses nyo Ati Gang!

08-16
01:11:48

Ep 20 • Org Life

Bilang “Back-To-School” na ang madaming estudyante this week, nag-reminisce kami ng aming mga memorable experiences nung nasa student organizations pa kami nung college. Kasama ang isa sa mga masusugid nating Ati Gang na si Mr. Kirby Tardeo, na kumareer sa pagiging member ng maraming orgs sa UP Los Banos, pinag-usapan namin ang mga learnings at take-aways from those orgs na bitbit namin magpa-hanggang ngayon. Join us sa chika and don’t forget to follow us: @HeyAtiPodcast on FB, Instagram, and Twitter.

08-09
01:21:59

Ep 19 • Landian Playbook

Kailan mo masasabi na nilalandi ka? Paano ka nag-react? Ano ang mga landi moves mo? Naging successful ba? Ano ang pinaka cringe-worthy landi experience mo? Yan ang mga tanong na sinagot namin habang binabalikan ang mga kaharutan at kalandian ng nakaraan. Sali na sa kudaan Ate Gang. Kung may kwento ka pang idagdag or reaction sa mga na-share namin, let us know sa aming Facebook, IG at Twitter pages sa @HeyAtiPodcast

07-19
59:21

Ep 18 • SOGIE and the Transgender Experience (Part 2)

Pop quiz! Ano ang ibig sabihin ng SOGIE? Meron ka ba nito? Ano ang ibig sabihin ng cis? Ano ang chromosomes na meron ka? Chz! Andaming tanong. Thankfully, nasagot naman natin ang mga yan sa episode na to with the helo of our special guest, Ms. Naomi Fontanos, a Senior Research Associate of the UP Center for Integrative and Development Studies (UPCIDS) in UP-Diliman. She also shares with us the struggles of the Trans Community here in the Philippines and talks about how we can all contribute to a better society where people have respect for each individual no matter what their SOGIE is. Marami pang pwedeng pag-usapan. Marami pang tanong, kung meron kayong gustong idagdag, tara na sa @HeyAtiPodcast IG, Facebook, at Twitter. Mars! Tara!

07-05
45:08

Ep 17 • SOGIE and the Transgender Experience (Part 1)

Pop quiz! Ano ang ibig sabihin ng SOGIE? Meron ka ba nito? Ano ang ibig sabihin ng cis? Ano ang chromosomes na meron ka? Chz! Andaming tanong. Thankfully, nasagot naman natin ang mga yan sa episode na to with the helo of our special guest, Ms. Naomi Fontanos, a Senior Research Associate of the UP Center for Integrative and Development Studies (UPCIDS) in UP-Diliman. She also shares with us the struggles of the Trans Community here in the Philippines and talks about how we can all contribute to a better society where people have respect for each individual no matter what their SOGIE is. Marami pang pwedeng pag-usapan. Marami pang tanong, kung meron kayong gustong idagdag, tara na sa @HeyAtiPodcast IG, Facebook, at Twitter. Mars! Tara!

07-05
38:42

Ep 16 • Love and Pride (Part 2)

Happy Pride, Ati Gang!❤️💛💚💙💜 This week sasamahan tayo ng aming Uncles who have been together for 32 years and married for 4 years. As in married! Ang saya di ba?🏳️‍🌈 Samahan nyo kami as we listen to their story.😊 Lezgow! Follow us: @HeyAtiPodcast on IG, FB, and Twitter

06-28
38:52

Recommend Channels