Discover
I-Listen with Kara David

5 Episodes
Reverse
Ang simpleng inuman kasama ang kanyang mga kaibigan, nauwi sa isang mapait na karanasan para sa noo’y 18-anyos na si Phoebe Fructuoso. Tatlo sa mga taong pinagkatiwalaan niya at itinuring na mga kaibigan ang pinagsamantalahan siya nang malasing ito.Paano nga ba nahanap ni Phoebe ang boses at tapang matapos ang kanyang pinagdaanan?Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’
Taong 2024 nang ma-diagnose ang senior high school teacher na si Marivic Villacampa ng Stage 4 Triple Positive Breast Cancer. Ang isa sa mga pinagkuhanan niya ng lakas …. ang mga estudyante at kapwa guro niya. At sa kabila ng patuloy niyang paglaban sa kanser, patuloy na nagtuturo at nagbibigay inspirasyon si Teacher Marivic sa mga silid-aralan. Ngayong National Teachers’ Month, samahan si Kara David na isa ring guro, pakinggan ang kuwento ni Teacher Marivic sa i-Listen with Kara David.
Good vibes ang hatid ng content creator na si Arman Salon sa nakakaaliw niyang skits sa TikTok. Pero sa likod ng mga nakatutuwang video niya, isang seryosong Arman ang ating nakilala — isang single parent na minsang nakaranas ng pananakit dahil sa pagiging bakla.Pakinggan ang buong kuwento ni Mother Arman sa ‘i-Listen with Kara David.’
Sa murang edad ni Nestor Quilat, natuto siyang magnakaw, mandukot at manlilang para mabuhay. Nakulong siya sa unang pagkakataon dahil sa pagnanakaw ng itlog sa mga terminal ng bus. Nagawa niya ito para lang may panlaman tiyan siya. Maraming beses na nakulong at nakalaya si Nestor hanggang sa isang kaso ng pandurukot ang nagpatagal sa kanya sa kulungan. Sa loob ng piitan, paano nga ba niya nahanap ang liwanag, pag-asa at pananampalataya?Pakinggan ‘yan sa i-Listen with Kara David
Sa likod ng malalakas na tawa at mga banat, isang kuwento ng sakripisyo at patuloy na paghilom ang ibabahagi ng Island Ate ng Cebu na si Shuvee Etrata.Si Shuvee, emosyonal na ibinahagi ang kanyang mga naging sakripisyo para sa kanyang pamilya. Pakinggan ‘yan sa I-Listen with Kara David.