Discover
Inside Seafaring Podcast
Inside Seafaring Podcast
Author: Inside Seafaring Podcast
Subscribed: 1Played: 0Subscribe
Share
© Inside Seafaring Podcast
Description
Seafarer hosts Elijah Barrios, Andrei Tolones and Faith Dayaday together with their guests talk about the different stories and experiences of the seafaring life. This podcast is intended to bring the stories of the maritime industry closer to the world - that of the seafarers, their families, and their individual communities.
Samahan niyo kami at pag-usapan natin ang malawak at nakamamanghang buhay ng pagbabarko!
Samahan niyo kami at pag-usapan natin ang malawak at nakamamanghang buhay ng pagbabarko!
33 Episodes
Reverse
Naghahanda ka na ba para sa iyong MARINA Theoretical Licensure Exam? May mga katanungan ka ba tungkol sa pagkuha ng iyong OIC License? Gusto mo ba ng tips kung paano makakapagreview ng maayos? Sagot ka namin!
Samahan niyo kami at ng aming mga bisita, sina OIC-NW Yen Caguete, OIC-NW Robert Landero, OIC-EW Rina Gervacio, at pag-usapan natin ang mga ito!
Are you also a seafarer who is thinking that seafaring is not for you? Join us in a hearty discussion with our guest, Executive Chef Francis Lacson, on his journey in deciding which way to go when faced with this exact crossroad.
Bagot ka na ba sa 'yong kabina? May mga movies and series recos kami para sa 'yo, kabaro! From murder series, comedies, and inspirational contents, we got you! Samahan niyo kami for another episode of tawanan at kuwentuhan!
In this episode, we are joined by Yen Caguete, a deck cadet and content creator with an inspiring story of perseverance and courage. Get to know a her journey in battling challenges and proving she belongs in the maritime industry.
“'Di tayo pwede mag-away dahil masyado ka nang maraming nalalaman.” (Overheard from a friend)
Join us as we talk about one of the struggles that come with seafaring: Maintaining Friendships.
Pag-usapan natin ang iba’t-ibang diskarte at pamamaraan upang mapanatiling matatag at masaya ang relasyon nating magkakaibigan kahit na libu-libong milya ang pagitan natin.
“Uy. Andito na yung bagong baba! Baka naman meron tayo diyan???”
“Kelan ka magpapainom?”
“Oh san tayo mamaya?”
Isa ka rin bang sawa nang marining ang mga katanungan na ito tuwing dating mo ng Pinas? Aba’y hindi ka nag-iisa, kabaro!
Samahan niyo kami at pag-usapan nating kung dapat nga bang manlibre ang seaman pag bagong baba.
And yes, we're back! Sorry na, mga kabaro, na busy lang!
Kilalanin natin ang isa sa mga natatanging kadete ng kanyang henerasyon. Samahan niyo kaming pakinggan ang kanyang kuwento ng hirap at tagumpay sa iba't-ibang bahagi ng buhay pagbabarko.
Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng International Women's Month, samahan niyo kaming alamin ang kuwento ng isang natatanging #Shefarer. Pakinggan natin ang kanyang mga pinagdaanan at mga pinagtagumpayan sa patuloy niyang pagmulat sa tamang pananaw at respeto sa mga kababaihan, lalo na sa mga mandaragat.
Kilalanin natin ang personal idol with fanboying moments ng ating mga hosts, si 3/O Majella Angelie Pareño-Albances.
University Pride muna tayo mga kabaro!
Better late than never! Bilang pakikiisa sa 75th anniversary ng John B. Lacson Foundation Maritime University, samahan ninyo ang ating mga hosts sa pagbalik-tanaw sa mga natutunan nila mula sa institusyong humubog at tumulong sa kanila para maging seafarers.
Sino daw sa aming mga hosts ang muntikan nang makulong? Eh yung muntikan nang mawala? Meron din daw inutusang bumili ng kambing!
Hahaha! Wala na talagang papantay pa sa adventure na dala ng shore leave moments natin sa barko. Iba’t-ibang bansa, iba’t-ibang kuwento!
Kaya samahan niyo ulit kami sa aming pagbabalik-tanaw sa pinaka hindi namin makakalimutang mga gala all over the world!
Kabaro, tara, shore leave!
In this part 2 episode of our conversation with 3/O Estinoco, he talks about his experience in two remarkable seasons of his life: him as a piracy survivor and the arduous road towards his long awaited promotion.
Have you ever questioned yourself if seafaring is really for you?
If yes, then this episode might be of help.
Join us as we listen to the stories of an amazing young officer who, in what he calls the ‘four seasons’ of his life, faced the daunting question if he is really cut-out for the sea.
In this episode, he talks about his academic struggles when he was still a maritime student and his long wait to finally be sent on board.
Napaisip ka na dn ba ng mga tanong na to?
“Ang dami kong mga damit, pano 'to magkakasya sa bagahe ko?” 👕 🧳
“Balita eh ibang lahi ang CCK dun sa barko." 👨🍳
“Baka sumabit na naman sa medical.” 🏥
“May nakalimutan pa ba ako?” 🤔
Kung isa ka din sa parating nag-iisip kung paano maging handa sa susunod na kontrata, aba kabaro! Eto na ang sagot sa mga katanungan mo.
Samahan ninyo ulit sina Elijah, Faith at Andre sa pagbahagi ng kanilang mga tips kung paano maging handa sa pagsampa ng barko. Dito lang yan sa panibagong episode ng inyong paboritong podcast!
Binagyo ka na ba sa gitna ng dagat? Napagalitan dahil sa bulilyaso? Dumiskarte para maka survive sa barko?Aba! Hindi ka nag-iisa! Samahan niyo kami at pagusapan natin ang mga iba’t-ibang pinagdaanan sa barko na nagbigay ng mga alaala na hindi makakalimutan matapos man ang ilang kontrata.
At long last! We are sailing again! Join us as we get know more about our returning host, Elijah, and our new hosts, Andrei and Faith. Listen to their stories of friendship, growth, and experiences in the maritime profession. Welcome back to Inside Seafaring Podcast!
Bringing the stories of the seafaring industry closer to the world.
Muling nagbabalik ang Inside Seafaring Podcast! Samahan niyo ulit kami at pag-usapan natin ang malawak at nakamamanghang buhay ng pagbabarko!
Mga kabaro, ito'y isang pasasalamat sa taong nagdaanan.
Kilalanin natin si Shai, isang #Shefarer, at ang kanyang naging buhay bilang isang anak ng isang Marino. Ano nga ba ang mga pinagdaraanan ng isang seafarer’s daughter? Ano ang mga mas naunaawan niya sa kanyang kabataan mula nung pasukin niya ang industriya ng kanyang ama? Samahan niyo kaming mas kilalanin pa ang isa na naman sulok ng ating industriya… on being a shefarer, and a seafarer’s daughter.
Galaw galaw mga kubyerta people!
Tara at pag-usapan natin ang mga karanasan at aral na makukuha natin sa pagtatrabaho sa Kubyerta. Kasama si Zee Gabales ng Zeefarer TV, bisitahin natin ang mundo ng pamimintura, pangangatok, at marami pang iba!
Gusto mo ba ng kuwentong katatakutan, seafaring edition? We have it for you! Sa pagdiriwang natin ng Halloween, tara at alamin ang mga nakakatakot na kuwento at karanasan sa mga barkong tila ba ay hindi na pinatahimik ng mga kaluluwang nakulong dito. Samahan niyo kami ng aming guest, Ms. Hannah Rabelas, at makinig at your own risk.























