Kapuso Mo, Jessica Soho Podcast

Ang Sunday habit ng pamilyang Pilipino, may podcast na!

DOH Sec. Herbosa, nagpaliwanag sa 400 health center na 'di napapakinabangan | Kapuso Mo, Jessica Soho Podcast

DOH SECRETARY TEODORO "TED" HERBOSA, SINAGOT ANG ISYU PATUNGKOL SA 400 OUT OF 600 HEALTH CENTERS NA HINDI UMANO NAPAPAKINABANGANKamakailan, naging usap-usapan ang tungkol sa mga ipinatayong 400 out of 600 health centers na hindi umano napapakinabangan. Sa panayam ni Jessica Soho, ibinahagi ng Department of Health (DOH) Secretary na si Dr. Teodoro "Ted" Herbosa ang kanyang mga nalalaman patungkol sa isyung ito.Ang ilan sa mga nakikitang solusyon ni Dr. Herbosa upang mas maging maayos ang healthcare system ng bansa, ibinahagi niya rin sa #KMJS. Panoorin ang video.

11-24
47:24

PH Healthcare system, nasa ICU na ayon kay Dr. Tony Leachon | Kapuso Mo, Jessica Soho Podcast

HEALTHCARE SYSTEM SA PILIPINAS, NASA ICU NA AT MALAPIT NANG MAMATAY, AYON KAY DR. TONY LEACHON. MAHIGIT P130 BILLION NA PARA SA HEALTHCARE SYSTEM NG MGA PILIPINO, KINUHA RAW NG GOBYERNO?! Ang Internist at Cardiologist na si Dr. Anthony “Tony” Leachon, kilala sa pagiging kritikal at matapang na tagapagsulong ng reporma sa sistemang pangkalusugan ng ating bansa.Sa panayam sa kanya ni Jessica Soho, inisa-isa niya ang ilan sa mga isyung kinakaharap ng Kagawaran ng Kalusugan kabilang na ang tinatawag niyang ‘Undas Hospital’ o ospital na nawawala na parang kaluluwa na counterpart aniya ng flood control scandal ng DPWH.Kung ang ating bansa ay isang pasyente, nasaan na nga ba tayo?

11-18
55:45

Ang mapapait na karanasan ni Eman Pacquiao bago pasukin ang boxing | Kapuso Mo, Jessica Soho Podcast

ANAK NG PEOPLE’S CHAMP AT DATING SENADOR MANNY PACQUIAO NA SI EMAN PACQUIAO, IKINUWENTO ANG ILANG MAPAPAIT NA KARANASAN NG KANYANG KABATAAN BAGO PASUKIN ANG LARANGAN NG BOXINGAng bagong mukha ng boxing at anak ng ‘People’s Champ’ Manny Pacquiao na si Eman Pacquiao, nakapanayam ni Jessica Soho. Dito, ibinahagi niya ang ilang mapapait na karanasan sa kanyang buhay bago sumalang sa industriya ng boxing.Kumusta kaya ang relasyon ni Eman sa kanyang ama?

11-10
36:45

Kuya Kim, emosyonal na ibinahagi ang mga alaala ni Emman Atienza | Kapuso Mo, Jessica Soho Podcast

KUYA KIM, EMOSYONAL NA IBINAHAGI ANG MGA ALAALA NG YUMAONG ANAK NA SI EMMANNitong Oct. 24, marami ang nagulat nang ianunsyo ni Kuya Kim Atienza at ng kanyang asawa na si Felicia ang pagpanaw ng kanilang bunsong anak na si Emman.Sa pag-uwi ng mga abo ni Emman sa Pilipinas, nakapanayam ni Jessica Soho si Kuya Kim.Emosyonal niyang ibinahagi ang pinagdaraanan ng kanilang pamilya at maging ang masasayang alaala niya sa kanyang bunsong anak.Ang buong panayam, panoorin sa video na ito ng Kapuso Mo, Jessica Soho Podcast.Para sa mga nais kumonsulta o humingi ng tulong sa mga eksperto tungkol sa usapin sa mental health, tumawag sa mga sumusunod na hotline:National Center for Mental Health Crisis HotlineSmart: 0919-057-1553Globe: 0917-899-8727Tawag Paglaum - Centro Bisaya0966-467-96260939-936-54330939-937-5433Hopeline Philippines (Natasha Goulbourn Foundation)02-8804-46730917-558-46730918-873-4673In Touch: Crisis Line0919-056-07090917-800-11230922-893-8944#KMJS

11-03
39:50

Father Eugene, ibinahagi ang ilang nakakakilabot niyang karanasan sa exorcism | Kapuso Mo, Jessica Soho

FATHER EUGENE, IBINAHAGI ANG ILANG MGA NAKAKAKILABOT NA DIUMANO'Y PAGSAPI NG DEMONYO SA ISA SA MGA MAGKAKAIBIGANG NAGLARO RAW NG SPIRIT OF THE GLASS!Si Father Eugene David na isa sa mga exorcist ng Saint Michael Center for Spiritual Liberation and Exorcism, nakapanayam ni Jessica Soho para sa #KMJSMulto. Sa panayam, ibinahagi niya ang ilan niyang nakakakilabot na mga karanasan sa pagsagawa ng eksorsismo.Ano-anong aktibidad nga rin ba ng mga tao ang maaaring maging instrumento ng demonyo upang maghasik ng kadiliman sa mundo?Ang buong kuwento ng kanyang pakikipagbuno sa kampon ng kadiliman para matulungan ang mga sinasapian, panoorin sa video.

10-27
01:04:22

Ate Gay, mas naniniwala na may himala dahil sa pag-impis ng bukol | Kapuso Mo, Jessica Soho Podcast

KOMEDYANTENG SI ATE GAY, MAS NANINIWALA NA RAW NGAYON NA MAYROONG HIMALA DAHIL SA PAG-IMPIS NG KANYANG BUKOL SA LEEG NA DULOT NG STAGE 4 CANCERAng komedyanteng si Ate Gay, ibinahagi kamakailan na mayroon siyang stage 4 cancer. Sa kanyang pagbahagi ng kuwento sa #KMJS, napakaraming anghel raw ang tumulong sa kanya upang malabanan niya ang kanyang sakit. Katunayan, ang 10cm na bukol sa kanyang leeg, unti-unti nang umimpis.

10-23
46:39

Diokno reveals where unprogrammed appropriations may be going | Kapuso Mo, Jessica Soho Podcast

AKBAYAN REPRESENTATIVE CHEL DIOKNO, ISINIWALAT KUNG SAAN POSIBLENG NAPUPUNTA ANG UNPROGRAMMED APPROPRIATIONS FUNDAprubado na ng Kamara ang 6.7 trilyong pisong panukalang 2026 National Budget.287 ang bumoto na sumang-ayon sa panukalang ito habang 12 ang bumotong ‘no,’ kanilang na si Akbayan Rep. Chel Diokno.Ang isa sa sinabi niyang dahilan ay ang 243 billion na halagang inilaan para sa unprogrammed appropriation funds. Bakit nga ba siya tutol dito? Saan ba dapat napupunta ang perang ito?At ngayong mahigit isang buwan na ang lumipas mula nang buksan ang imbestigasyon kaugnay ng maanomalyang flood control projects, ang tanong ng mga tao— bakit tila wala pa ring napapanagot?

10-20
49:51

Honasan, bakit sinabi na nakadikit na sa ating kultura ang korapsyon? | Kapuso Mo, Jessica Soho

DATING SEN. GRINGO HONASAN, NA MINSAN NANG SINUBUKANG PABAGSAKIN ANG GOBYERNO, BAKIT SINABI NA NAKADIKIT NA SA ATING KULTURA AT SISTEMA ANG KORAPSYON?Sa idinaos na kilos-protesta nitong Setyembre, may ilang mga retiradong heneral at opisyal ng Armed Forces of the Philippines na diumano’y kaalyado ng mga Duterte ang nanghimok sa Chief of Staff ng AFP na mag-withdraw ng suporta sa administrasyon.Ano nga ba ang masasabi rito ni Gringo Honasan na minsan ding nanguna sa ilang kudeta laban sa administrasyon ni Pangulong Cory Aquino? Panoorin ang video.

10-13
31:35

Lacson, ibinunyag ang isyu sa ‘congtractors’ at anomalya sa budget | Kapuso Mo, Jessica Soho Podcast

SEN. PING LACSON, IBINUNYAG ANG NALALAMAN TUNGKOL SA ‘CONGTRACTORS’ AT MAANOMALYANG INSERTIONS SA BUDGETBago nagbitiw sa pwesto bilang chairman ng Senate Blue Ribbon Committee, nakapanayam ni Jessica Soho si Sen. Ping Lacson.Ang mga nalalaman ni Lacson kaugnay ng insertions sa maanomalyang infrastructure projects, kanyang isiniwalat!May nalalaman din nga ba si Pang. Bongbong Marcos sa mga insertions na ginagawa ng mga senador sa ilang budget deliberations?

10-06
30:03

Dizon, nagsisisi ba na naging DPWH Sec; Magalong, bakit nagbitiw? | Kapuso Mo, Jessica Soho Podcast

VINCE DIZON, NAGSISISI BA NA NAGING KALIHIM NG DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS? MAYOR BENJIE MAGALONG, BAKIT NAGBITIW BILANG SPECIAL ADVISER NG ICI O INDEPENDENT COMMISSION FOR INFRASTRUCTUREDPWH SEC. VINCE DIZON, BAGUIO CITY MAYOR BENJIE MAGALONG, SINAGOT ANG MGA ALEGASYON TUNGKOL SA KANILA Nakapanayam ni Jessica Soho si Baguio City Mayor Benjamin Magalong bago siya nagbitiw sa puwesto bilang special adviser ng Independent Commission for Infrastructure. Nakapanayam niya rin si DPWH Secretary Vince Dizon. Sa pagkakadawit ng pangalan nina Rep. Zaldy Co at Rep. Martin Romualdez sa maanomalyang flood control projects, ano na rin nga ba ang estado ng imbestigasyon tungkol dito? Ang ilang isyu na kanila ring kinakaharap, sinagot nila sa #KMJS.

09-29
23:40

Cong. Kiko Barzaga, sinagot ang mga paratang ng ilang mambabatas | Kapuso Mo, Jessica Soho Podcast

CONG. KIKO BARZAGA, SINAGOT ANG ILANG PARATANG SA KANYA NG ILANG MAMBABATASAng Cavite’s 4th District Representative na si Cong. Kiko Barzaga, nakapanayam ni Jessica Soho. Sa kanyang full interview, sinagot niya ang ilang paratang sa kanya na pagiging isang nepo baby at hindi siya mentally fit na maging isang mambabatas.Isa si Cong. Kiko Barzaga sa mga mambabatas na kabilang sa henerasyong Gen Z. Ano kaya ang kanilang magiging ambag sa pamahalaan? Sila na nga ba ang magsisimula ng tunay na pagbabago?

09-22
25:00

Mayor Vico Sotto, ipinahayag ang saloobin sa isyu ng korapsyon | Kapuso Mo, Jessica Soho Podcast

MAYOR VICO SOTTO, IPINAHAYAG ANG KANYANG SALOOBIN SA MAG-ASAWANG DISCAYA AT SA ISYU NG DIUMANO KORAPSYON SA GOBYERNOSi Mayor Vico Sotto, nakapanayam ni Jessica Soho.Ipinahayag niya ang kanyang mga saloobin patungkol sa mga isyu ng mga Discaya at ang mga alegasyon ng korupsyong kinasasangkutan ng mga ito,May pag-asa pa nga ba tayong makaahon sa korapsyon?Ang FULL INTERVIEW ni Mayor Vico Sotto panoorin sa Kapuso Mo, Jessica Soho Podcast.

09-15
53:38

Will Ashley, ibinahagi ang pagkawala ng kanyang ama - FULL INTERVIEW | Kapuso Mo, Jessica Soho

Ang binansagang 'Nation’s Son', 'Kaldag King', at 2nd Big Placer' sa PBB Collab Edition na si Will Ashley, aminadong "Mama's Boy"! Ang kanya kasing ama, pumanaw na noong siya'y bata pa.Sa panayam ni Jessica Soho, ibinahagi rin ni Will kung paano siya nagsimula sa kanyang showbiz career at kung paanong pirming nakasuporta sa kanya ang kanyang ina.

09-11
41:56

Cong. Tiangco, sinabing ‘sinindikato’ ang buong gobyerno | Kapuso Mo, Jessica Soho Podcast

“SININDIKATO NA ANG BUONG GOBYERNO.”‘Yan mismo ang mabigat na pahayag ni Cong. Toby Tiangco sa panayam niya kay Jessica Soho kung saan ibinunyag ni Tiangco kung paano na-manipula ang budget sa Kongreso.Dito rin niya ikinuwento ang kanyang personal na relasyon kay Speaker Martin Romualdez at kung bakit hindi na sila nag-uusap ngayon.Naniniwala rin si Tiangco na kailangang magpaliwanag si Cong. Zaldy Co sa bilyon-bilyong inilaan nitong pondo sa iba-ibang proyekto.Panoorin kung paano nagkaroon ng insertions, ghost projects at kung paanong tila naging negosyo ang pambansang budget sa KAPUSO MO, JESSICA SOHO PODCAST.

09-09
35:20

Mendoza & Magno expose alleged corruption in gov't projs | Kapuso Mo, Jessica Soho Podcast

DATING COA COMMISSIONER HEIDI MENDOZA AT DATING FINANCE UNDERSECRETARY CIELO MAGNO, ISINIWALAT ANG DIUMANO KATIWALIAN SA ILANG PROYEKTO NG GOBYERNONagpapatuloy ang Special Report ng #KMJS sa usapin ng mga diumano maanomalyang proyekto ng gobyerno at kung paano raw nagagawang makapangurakot ng ilan ng bilyon o trilyong piso. Jessica Soho, nakapanayam sina dating COA Commissioner Heidi Mendoza at dating Finance Undersecretary Cielo Magno. Gaano nga ba kalala ang korapsyon sa ating bansa? Panoorin ang uncut interview sa KAPUSO MO, JESSICA SOHO PODCAST.

09-04
43:06

Shuvee Etrata, emosyonal na ibinahagi ang kanyang nakaraan | Kapuso Mo, Jessica Soho Podcast

Mula sa paggawa ng TikTok videos at pagsali sa PBB Celebrity Collab Edition, ang “Island Ate ng Cebu” ay isa na ngayong hinahangaang breakout star.Sa panayam ni Jessica Soho, hindi napigilan ni Shuvee na mapaluha habang ikinukuwento ang sakit at hirap na pinagdaanan niya bago marating ang tagumpay bilang breakout star ng taon.Panoorin ang uncut interview ni Shuvee sa KAPUSO MO, JESSICA SOHO PODCAST.

08-29
36:40

Magalong, ibinunyag ang umano’y anomalya sa gov’t projects | Kapuso Mo, Jessica Soho Podcast

MGA PERANG KINURAKOT, SA CONDO NA NILALAGAY DAHIL 'DI NA KASYA SA VAULT?!MAYOR MAGALONG,  IBINUNYAG ANG UMANO’Y ANOMALYA SA MGA PROYEKTO NG GOBYERNOMalaking porsyento ng bilyones na nakalaan para sana masolusyunan ang problema sa baha, napupunta lang daw sa kickback?! Sa isang panayam ni Jessica Soho kay Mayor Benjamin Magalong, isiniwalat ni Magalong ang mga umano'y anomalya sa mga proyekto ng gobyerno.Ang uncut version ng naging rebelasyon ng alkalde kaugnay ng isyung ito, tampok sa unang KAPUSO MO, JESSICA SOHO PODCAST.

08-28
32:58

Recommend Channels