"Si Emperador Constantius Chlorus, na ama ni Konstantino, ay namatay sa Eboracum (York na sa modernong panahon) habang nasa kampanya silang mag-ama laban sa tribung Pikta (Picts) ng Britanya. Bago nalagutan ng hininga si Emperador Constantius inihayag niya ang kanyang suporta kay Konstantino na siya ang hahalili sa kanya sa kanyang posisyon sa pamunuan. Naghabilin din siya kay Konstantino at ipinasakamay niya dito ang pag-aruga sa kanyang maiiwanang pamilya – mga kapatid ni Konstantino sa ama na noon ay mga musmos pa. ...Maging sa huling sandali noon ng kanyang buhay, naging istratehiko ang isip at pagplano ni Constantius Chlorus. Tanto niya noon na kailangang maisulong si Konstantino para maging opisyal siyang pinuno. Malaki ang pag-asa at paggalang ni Constantius sa natatanging abilidad ni Konstantino na maging kumandante ng militar at hindi lamang siya tanyag sa mga hukbong Romano, iginagalang siya ng mga lehiyong militar dahil sa kahusayan ng kanyang pamumuno at ang kanyang sariling disiplina. Nakakahigit din ang kanyang katinikang mamuno sa mga tao. Kaya upang hindi mapasakamay sa ibang pamilya ang hirarkiya ng bahagi ng Roma na pinamumunuan niya, pinaghabilinan ni Constantius Chlorus si Konstantino na umupo ito sa kanyang mababakantehang ranggo. Dahil sa kanyang pagtiwala sa kanyang anak, naging mapayapa ang kanyang pagpanaw sapagkat sa kanyang pagsuporta sa pag-angat ni Konstantino, ito ay magbibigay daan kay Konstantino para makuha niya ang puwestong emperador sa pamunuan ng imperyo.Kabilang sa naging saksi sa paghirang ni Constantius Chlorus sa kanyang anak na siyang maging kanyang kahalili doon ay ang hari ng Alemanni na si Chrocus. Si Chrocus ay nanunungkulan noong heneral sa serbisyong Romano sa ilalim ni Constantius. Kasunod ng pagsabi ni Constantius ng hanyang habilin, at sa udyok ng mga hukbong militar iprinoklama ni Chrocus si Konstantino na Augustus o Emperador. Ang hukbong tapat kay Constantius ay kaagad sumunod kay Konstantino. ""...Nagpadala si Konstantino kay Galerius ng opisyal na mensahe tungkol sa pagkamatay ng kanyang ama at tungkol sa kanyang pagkaka-atas na Augustus. Nagpadala rin siya ng larawan niya na nakasuot ng kasuutang Augustus. Nanghiling siya ng pangilala at pagtanggap sa kanya bilang tagapagmana ng kanyang ama at itinanggi niyang mayroon siyang kinalaman sa desisyon na pagkakapa-angat sa kanya sa posisyon. Sinabi niya na ito ay pilit na ipinasakamay sa kanya at ang mga sundalo mismo ang nagpahayag na siya- si Konstantino ang kanilang Augustus. Pagkatanggap ni Galerius sa mensahe ni Konstantino, naggalaiti ito sa galit. Kamuntik niyang pinasunog ang larawan na ipinadala sa kanya ni Konstantino at maging ang mga inatasang mensahero ni Konstantino ay pinag-initan niya. Si Galerius ay siya noong mas nakakatandang Augustus kay Constantius at alituntunin na ang mga pagpapataw ng opisyo ay nasa kamay niya kaya ang kanyang pakiramdam ay hindi lamang siya sinapawan kundi inagawan pa siya ng kanyang kagampanan. Tumanggi si Galerius na tanggapin ang habilin ni Constantius na si Konstantino ang papalit sa kanyang posisyon bilang pamunuan o caesar at sa halip ay idineklara niya ang kanyang sarili na siya ang Caesar o diputado emperador. ""...Samantala, maging si Maxentius ay tumangging tumanggap sa bilin ng pumanaw na si Constantius na si Konstantino ang hahalili sa kanya. Subalit tinanggihan din niya ang pag-angkin ni Galerius ng pagiging emperador..."Listen to the podcast for the full narrative
"... Sa mga panahon ng kapanganakan ni Konstantino, ang Imperyo Romano ay pinamamahalaan ng lupon ng apat na pamunuan o tetrarkiya. Binubuo ito ng dalawang nakakatandang emperador o augustus at dalawang nakababatang diputado o caesar: ang mga ito ay sina Augustus Diocletian (Gaius Aurelius Valerius Diocletianus), Caesar Maximian, at mga nakababatang diputado’ na sina Galerius at Constantius Chlorus. Si Constantius Chlorus ay ama ni Konstantino. Sa antas ng kapangyarihan ng dalawang diputado, si Constantius Chlorus ay sumusunod noon kay Galerius.Si Emperador Augustus Diocletian, ang nakakatandang emperador na may hawak ng Asia Minor, Ehipto, Syria at Mesopotamia. Si Caesar Maximian na kasamang emperador ang may hawak ng Italia, Espanya at Aprika. Si diputado Galerius ang namuno ng Balkan at Pannonia at si diputado Constantius Chlorus ang namuno ng mga probinsiya ng Gaul at Britania.Si Constantius Chlorus ay nakatala sa kasaysayan na MARCUS FLAVIUS VALERIUS CONSTANTIUS na naging emperador na caesar magmula 293 AD hanggang 305AD. Sa sumunod na panahon siya ay naging emperador Augustus hanggang sa siya ay namatay. "Si Konstantino ay panganay na anak ni Constantius Chlorus na sa panahon ng kapanganakan niya, si Constantius Chlorus ay isangmataas na opisyal sa militar sa pamunuan ni matandang Emperador Augustus Diocletian."...Si Constantius ay naging kasapi ng Protectore Augusti Nostri sa ilalim ng Emperador na si Aurelian sa panahong 270 hanggang 275 AD). Ang Protectore Augusti Nostri ay titulong iginagawad sa marangal na lupon ng mga piling-pili na opisyal militar na matapat sa emperador at mga nabubukod tangi sa kanilang kakayahan, katapatan at mga katangian bilang sundalo.Nakilaban siya sa bandang silangan laban sa mga tauhan ng tumiwalag na Imperyong Palmyrene sa ilalim ng pamunuan ni Reyna Zenobia. Opisyal noon si Constantius Chlorus sa hukbo militar noong ang hukbo militar ni Reyna Zenobia ay pinagwagian at sinugpo ng dating naunang emperador ng Roma na si Marcus Aurelius Probus o Emperador Aurelian.Natamo niya ang ranggong tribunus sa armi at nai-angat siya sa posisyong praeses o gobernador sa probinsiya ng Dalmatia. Noong nagtapos ang kanyang termino bilang gobernador, siya ay ina-angat sa pagiging praefectus praetorio o komandante ng mga personal na guwardiya ng emperador.Sa mga sumunod na taon pagkatapos na naipanganak si Konstantino, unang anak ni Constantius - si Constantius Chlorus ay naging diputadong Augustus ng pamunuang Diocletian at siya ang naatasang namumuno sa bahagi ng Imperyo na sumakop sa Gaul at Britania. Naipanganak si Konstantino sa lugar na Naissus na ngayon ay kilala na sa pangalang Nisch, sa timog na bahagi ng bansang Serbia."...Galing sa angkang hindi maharlika si Constantius Chlorus subalit kanyang kagitingan sa militar ay katangi-tangi at ito ang nagdala sa kanya sa tugatog ng karangalan. Ang kanyang dignidad at estado sa buhay ay pangunahin ang kahalagahan. Politika ang dahilan ng kanyang pag-aasawa kay Theodora. Ito’y isang panegurong pamamaraan para mapatibay ang kanyang estado sa pamunuan. ""...Sa kanyang promosyon noong taon 293 AD bilang Caesar o Nakababatang Emperador (junior emperor) sa korte ni Maximianus, nagpalit ng Apelyido ni Constatius Chlorus. Ang kanyang buong pangalan ay naging Flavius Valerius Constantius Caesar Herculius dahil bilang alituntuning kaugnay ng kanyang promosyon, ‘inampon’ siya ni Emperador Maximianus. Please listen to the podcast for the full narrative.
"...Marahil ay naririnig na ninyo ang kanyang pagalang nababanggit. Siya ay bantog sa pangalang Dakilang Konstantino at ang kanyang buong pangalan ay FLAVIUS VALERIUS AURELIUS CONSTANTINUS.""...Itinuturing siya sa kasaysayan na Dakilang Konstantino - isang nabubukod tanging emperador na nabuhay sa kasaysayan ng sibilisasyong Kanluran.Hindi masukat ang kahalagahan ng kanyang ginampanan sa kasaysayan ukol sa pagsulong ng panampalatayang Kristiyano-Katoliko. Dahil sa kanyang mga naisagawang pagpupugay sa pananampalatayang ito, naipagpatuloy itong maisusulong ngayon at bukas sa orihinal nitong wagas. Walang kinaibhan ngayon ang Romano Katoliko sa kanyang wagas bilang panampalataya kung ihambing sa nagdaang panahon. Malaki ang kinalaman ni Konstantino na naisulong ito sa kanlurang bahagi ng mundo kung saan ito lumakas at nagkaroon ng katatagan mula sa panganib at nadalang naipalaganap sa ibang sulok ng daigdig. Dahil dito itinuturing siyang santo na kapantay ng apostoles ng ortodoksong katoliko. Si Emperador Konstantino ay nagtatag at nag-iwan ng kanyang pamana sa katauhan sa Ikatlong siglo ng Anno Domini o sa pangatlong daan sa kapanahunan ng Panginoon (3rd century Anno Domini). Nakaukit siya sa kasaysayan ng sibilisasyong Kanluranin sa taguring Dakilang Kostantino (Constantine the Great) bilang pangilala sa kanyang isinagawang mga hakbang na nagbigay ng matibay na katuturan at paggabay sa naging direksiyon ng kasaysayan ng sibilisasyon sa Yuropa na hangga ngayon ay patuloy na nagbibigay impluwensiya sa mga kultura at mga sosyedad sa iba-ibang bahagi ng mundo.Siya ang namunong emperador sa buong Imperyo Romano mula 306 AD hanggang 307 AD/CE) . Maliban sa kanyang ginampanang mahalagang papel sa pagtatag ng Dinastiyang Konstantino at pagsulong ng Imperyo Romano, si Konstantino ay pinagpalaan din ng pagkakataong banal na maglinglod sa pananampalatayang Kristiyanismo sa pamamagitan ng kanyang pagpatigil sa pag-usig at pagmalupit sa mga Kristiyano. Ito ay dahil magmula sa unang siglo, ang mga mananampalataya ni Hesukristo ay pinagmamalupitan at pinarurusahan ng mga Romano dahil ang mga Romano noon ay may relehiyong nagpapaniwala ng mga iba-ibang bathala. Kaya sinusugpo nila ang mga tagasunod ni Hesus. Nagpatuloy ang pag-alipusta ng mga Romano sa mga naniwala kay Hesus pagkatapos na siya ay ipinako sa krus at pinatay. Nangyari ang pagpatay kay Hesus sa panahon na ang Herusalem ay nasa pamamahala ni Gobernador Ponsio Pilato. Si Pilato ay gobernador noon sa ilalim ng pamunuan ng Imperyong Romano sa kamay ng nakaupong caesar na si Emperador Tiberius Claudius Nero o Nero.""...Gayunpaman, ang Imperyo Romano ang siyang kinikilalang pondasyon ng Sibilisasyon sa Kanluran. Malalim ang kanyang ugat sa kaisipan at kulturang kanluranin at napakahalaga ang kanyang epekto sa modernong sosyedad sa larangan ng batas, gobyerno, lenguahe, arkitektura, inhenierya, stratehiyang militar, relihiyon, sining at akademya. Maraming sistema at konsepto sa buhay na pinondar at binuo ng mga Romano ay ginagamit pa rin hanggang ngayon, kabilang na rito ang mga kalendaryo, sistema sa batas at pagplano ng mga syudad."Please listen to the podcast for the complete narrative
Unang KabanataMay isang tulay na bato sa Ilog ng Tiber sa hilagang bahagi ng Roma sa Italya na tinawag na Ponte Milvio o sa Latin ay Pons Milvius. Sa panahong Imperyo Romano, ang tulay na ito ay mahalaga sa Roma hindi lamang sa pang-ekonomiya kundi gamit ito ng militar sa mga estratehiko nitong operasyon at kampanya. Dito naganap ang tinatawag sa kasaysayan na “Labanan sa Milvia” na nangyari noong ika 312 AD. Ang tulay na batong ito ay itinayo ni Consul Gaius Claudius Nero noong taon 206 BC noong pinagwagi-an niyang sinupil ang armi ng Carthaginia sa Digmaan sa Metaurus. Sa sumunod na siglo, sa taon na 109 BC, nagpatayo ng panibagong tulay na gawa sa bato si Censor Marcus Aemilus Scaurus para palitan ang luma na kanyang pinagiba. Noong dumating ang taon na 63 BC, dito nahuli ang ang komunikasyon tungkol sa pag-alsa ng Sabwatang Catilino na pinamunuan ni Lucius Sergius Catilina para pabagsakin ang ang Senadong Romano. At muli, sa pagkakataong ito, gaganap ang makasaysayang tulay na ito ng mahalagang bahagi sa patutunguhang direksiyon ng kasaysayan ng sibilisasyong kanluranin.Takipsilim na at ang araw ay dahan-dahan nang lumulubog sa likud ng malayong bundok. Pahaba nang pahaba ang anino ng mga burol sa pinagkampohan nilang liblib na Romanong pook, habang ang sinag ng araw ay kumukulimlim na nang kumukulimlim. Ika beynte siyete ng Oktubre, sa taong (312) at si Konstantino ay nagkukunot noo sa pagkabalisa habang siya’y nakatayo sa dulo ng kanyang kampo militar. Malayo ang kanyang tingin, nakatuon ito sa bahagi ng teritoryo ng Imperyo. Malalim ang kanyang isip. Kailangan siyang managumpay sa parating na pagsubok na kanyang susuutin kung mapanatiling buo ang imperyo. Ang kanyang bahaging pinamumunuan sa Imperyo ay ang York (sa bahaging Inglatera ngayon). Ang Roma ay nasa pamumuno ni Maxentius na sa kanyang pakiwari ay kuntento sa makalumang estilo ng pamunuan. Isa pang nakakapagpakunot-noo kay Konstantino tungkol sa wagas ni Maxentius ay ang napamalitang lumalalang pagiging mabagsik na tirano nito sa mga mamamayan. Subalit ang katotohanan, ang hindi naipapakitang lihim niyang kinimkim na katwiran ay ang kanyang tahimik subalit malwalhating ambisyon – na kung masugpo niya si Maxentius, mapapalawak ang kanyang otoridad. Kaya marami ang mga nakataya sa kanyang pakikipagkumpronta kay Maxentius. Karagdagan pa niyan, naniniwala si Konstantino sa pagkakaroon ng makabagong estilo ng pamumuno ang imperyo....Taimtim siyang nananalangin, nagsusumamo na tulungan siya sa kasalukuyang pagsubok na naipaharap sa kanya sa mga sandaling iyon.Sa malayo, may sinag na lumitaw sa kanyang paningin at kumurap siya sa kanyang pag-aakalang siya’y namamalikmata. Subalit luminaw ang kanyang pagtingin sa pangitain, isang krus ang lumalagablab sa itaas ng lumulubog nang araw at may kasamang animo anino ng pigurang nasisinag na nambuo ng krus. Ang mga letra lumitaw ay Chi-Rho o Chrismon - pinagsamang Letra na Ekis at Pa at ang Ekis (X) ay pinang-ibabawan ng letrang Pa. Kumurap siya at nagkunot -noo. Pinag-lalaruan yata siya ng kanyang isip. Letra nga ba ang mga iyon o kanyang guni-guni lamang iyon. Tumingin siya muli at ang ulap na nagpormang mga letra ay unti-unti nang nagkupas. Namangha siya at napatahimik. Nagulat din nang husto ang mga sundalo militar na kasama niya dahil nasaksihan din nila ito. Ayon sa ibang mga mananaliksik sa kasaysayan, ang pangitain ni Konstantino na pormang krus ay tinaguriang ‘Pangitaing Krus’....Please listen to the podcast for the full narrative of this chapter
POST HOC AT PAGBALIK SULYAP(PAGKATAPOS NG PANGYAYARI) Sa nakaraan: Naipaalam kay Gaius Octavianus (Octavian) ang pagkamatay ng kanyang impong na si Julius Caesar at dahil nasa Appolonia siya (modernong Albanya) na nagtatapos ng kanyang pag-aaral sa militar at akademya noong natanggap niya ang balita, siya’y nagpasyang iwanan ang kanyang pag-aaral at nagtungo sa Italya.“…Samantala, sa tanghalang teatro sa modernong panahon na pinagtampokan ng mga gawa ng manunulat at makatang Ingles na si Shakespeare sa ikalabinlimang siglo, naging bantog ang talumpating iniugnay nito kay Marcus Antonius at Brutus. Ayon sa mga manunulat ng kasaysayan at akademiko ang mga talumpating kinatha ni Shakespeare na kanyang iniugnay ay kathang itinakda para sa tanghalan at ibinatay niya ito sa mga ulat na isinulat ni Plutarch. Narito and dalawang talumpating ito na pinabantog na literaturang klasiko.TALUMPATI NI (MARCUS ANTONIUS) MARK ANTONY SA LIBING NI CAESAR“Mga kaibigan, mga kababayan, pahiram ng inyong mga pandinig;Ako’y naparito upang ilibing si Caesar, hindi upang purihin siyaAng masamang gawa ng mga tao ay buhay maging wala na sila;Ang kabutihan ay malimit na nakalibing kasama ng mga buto nila;Kaya hayaan nang ganyan ang kay Caesar. Sikagalang-galang na BrutusAy sinabihan kayo na si Caesar ay naging ambisyoso:Kung magkagayun nga, ito’y matinding pagkakamali,At pinanagutan nang masaklap ni Caesar ito.Dito, sa kapahintulutan ni Brutus at lahat sila –Dahil si Brutus ay isang kagalang-galang na ginoo;Kaya silang lahat, lahat sila ay mararangal na ginoo–Pumarito ako upang magwika sa burol ni Caesar.Siya ay aking kaibigan, matapat at sa aki’y makatwiran:….”TALUMPATI NI BRUTUS SA BUROL NI CAESAR“Magtiyaga kayo hanggang sa huli. Mga Romano, kababayan at mga mangingibig! Pakinggan ninyo ako sa aking katwiran, at tumahimik kayo upang mapakinggan ninyo: Paniwalaan n’yo ako sa aking dangal, at bigyang galang ang aking dangal, at nang makapaniwala kayo; hatulan ninyo ako sa inyong karunungan, at gisingin ang inyong mga sentido, nang maging higit kayong mabuting husgado. Kung mayroon mang isa sa pagtitipon na ito, sinumang matalik na kaibigan ni Caesar, sa kanya ay isasabi ko, na ang pagmamahal ni Brutus kay Caesar ay hindi kukulang ng sa kanya. At kapag ang kaibigang iyan ay magtanong bakit naghimagsik si Brutus laban kay Caesar, ito ang aking kasagutan: Hindi sa minahal ko ng kulang si Caesar, kundi higit kong minahal ang Roma. Pipiliin n’yo ba na buhay si Caesar at mamatay kayong lahat na busabos, kaysa namatay si Caesar, at nang lahatay mabuhay nang malaya? Dahil sa minahal ako ni Caesar, paghinagpisan ko siya; Dahil sa siya’y pinagpala…”“….Sa pagkamatay ni Caesar, hindi naibalik ang Res Publika Romana. Ito ang panahon ng sibilisasyong Klasiko Romano kung saan hawak ng Roma ang otoridad sa buong Mediterranea sa pamamagitan ng mga alyansa, kasunduan at paggabay sa mga kaalyadong rehiyon na mayroong sariling malayang pamahalaang.Sa halip ay nangyari ang inihula ni Caesar noong minsan na sinabi niya: “Higit na mahalaga sa Roma kaysa akin na kailangan akong mabuhay. Kung may mangyari sa akin, hindi magtatamasa ang Roma ng kapayapaan.”…
EIDUS MARTIAE 44 BC(EIDES OF MARCH)SALAGIMSIM NA MADILIM SA KALAGITNAAN NG MARSO (ANG PAGTATAPOS)Si Caesar ay ginawaran ng Senadong Romano ng sampung taong termino bilang diktador noong Setyembre ng taon 46 BC. Subalit noong dumating ang Pebrero ng taon 44 BC, siya ay hinirang na diktador nang panghabambuhay o dictator perpetuo.Habang lumawak at lumakas ang kanyang kapangyarihan, naging kapansin-pansin noon sa mga ibang opisyal na Romano na hindi maipapabalik ni Caesar ang Roma sa dati nitong maluwalhating estado bilang isang republika na gaya ng naipangako. Nagdesisyon ang senado na bawiin ang ibang mga kapangyarihang iginawad nito kay Caesar. Malakas pa rin noon ang paniwala ng mga mayayaman at maimpluwensiyang mga nobilidad sa senado ng Roma na hindi tatanggi si Caesar sa kanilang pagbawi ng ibang mga kapangyarihan sa kanya. Subalit ang katotohanan niyan, sa panahong iyon ay hindi na iniintindi ni Caesar ang kaisipan at mga mungkahi sa kanya ng senado. Habang marami sa mga senador ang gustong magbalik sa gobyernong may mga alituntuning batas, ang kay Caesar ay ang kanyang sariling kahusayan ang siya lamang ang mayroong kakayahang magbigay sa mga tao sa imperyo ng kapayapaan at kasaganaan. Ayon sa isang mananaliksik sa kasaysayang Romano, nais ni Caesar na dominahan ang Roma dahil sa kanyang makasariling paniniwala na ipinagtatanggol niya ang mga kapangyarihan ng mga tribuno na sa kanyang panalig ay sila ang totoong kumakatawan sa mga pangkaraniwang mga mamamayan. At isa pa, mahalaga sa kanya ang kanyang personal na ranggo at karangalan.Kahit noong pinalaki niya ang senado, ang tingin ni Caesar ay lalo lamng naharangan ang pagkakaroon ng mga kakailanganing reporma ang Roma. Ito ay hindi sinang-ayunan ng mga opisyal na kaisipang-Optimates ang panalig. Sa mga Optimates, ang senado ng Roma ang namaggawa sa Roma na mahusay at malaya. Bagaman ninanais ni Caesar ang mga kapangyarihan ng isang hari, ayaw naman niyang matawag na hari at bagaman ang titulong “panghabambuhay na diktador” o “dictator perpetuo” ay lumalabag sa saligang-batas ng Roma, naniniwala siya na nagsisilbi ito para sa kabutihang publiko.Nag-umpisa siyang magpalakad ng maraming repormang sibiko at mga pagbabago sa lipunang Romano na kanyang ipinasimulan at lahat ito ay may malaking epekto sa lahat ng aspeto sa araw-araw na takbo ng buhay Romano. Bagaman ang mga repormang ito ay namagpabantog sa mga plebeyo o mga karaniwang mamamayan, nagsimulang mataranta at magnerbiyos ang karamihan sa kanyang mga kaaway at maging ang kanyang mga kaibigan.“…Gitna ng Marso. Mayroong nakatakda noong sesyon ng senado at ang mga miyembro ng senado ay sabik na naghihintay sa pagdating ni Caesar. Dumating si Decimus sa bahay niya at hinimok siyang tumuloy sa senado. Napanagumpayan ni Decimus na baguhin ang isip ni Caesar at pumayag itong pumunta sa Senado kahit sabihin lamang na ipagpaliban ang pagpupulong. Walang kamalay-malay noon si Caesar na 60 senador ang sumali sa sabwatang patayin siya at sila ay naghihintay sa kanya doon. Lahat ay may nakahandang punyal. Sinamahan siya ni Decimus sa Senado at naiwasan nitong makatagpo si Mark Antony na kung nakatagpo niya ay maaring nagbunyag sa kanya ng planog pananaksak na naghihintay noon sa kanya. Karaniwan noon na ang pagpupulong sa Tanghalang Romano o Forum Romano subalit ipinapagawa uli ni Caesar ang rostrum sa mga tiyempong iyon kaya ang mga kasabuwat ay nagkita-kita sa bahay ng Senado ni Pompey sa loob ng Teatro ni Pompey. Mayroon nong naisasaganap na mga palarong gladyador sa teatro…”
“…Tumangging makipagdigmaan si Gnaeus Pompeius laban sa hukbo ni Caesar sa lantad na kapatagan bilang pagsunod niya sa payo sa kanya ni Labienus kaya napilitang nagpatuloy ng kampanyang digmaan si Caesar sa taglamig. Sa unang bahagi ng taon KUWARENTA’Y SINGKO BAGO KAPANAHUNAN NG PANGINOON (45 BC), ang partidong panig kay Caesar sa mga mamamayan sa Ategua ay nagmungkahi na isuko na lamang nila ang siyudade kay Caesar subalit noong nalaman ng mga sundalo sa garison ng mga Pompeyano, binitay nila ang mga pinuno ng mga mamamayang Ategua na maka-Caesar. Pagkatapos ng insidenteng ito, nagtangkang lumabas ang garisong Pompeyano at tagusin nila ang depensang itinayo ni Caesar sa paligid ng bayan subalt sila ay napa-urong na napabalik. Hindi naglaon ay sumuko ang siyudad kay Caesar habang ang garisong Pompeyano ay nakulob sa loob ng bayan. Ilan sa mga katutubong kaalyado ng mga Pompeyano ay bumaliktad at tumakas na nagpunta kay Caesar. Sumakop doon si Caesar at pagkatapos ay nagpatayo siya ng kampo nang malapit sa kampo ng mga Pompeyano pagtawid ng Ilog Salsum. Mabilis na sumalakay si Gnaeus Pompeius at nagitla si Caesar. Umatras si Caesar sa lugar ng Sorecaria at doon, binarahan niya ang isa sa mga linyang daanan ng suplay ng mga Pompeyano. Nagkaroon ng mga maraming mga sagupaan at sa kung anong kadahilanan noong ika pito ng Marso na nagwagi ang hukbong Caesar, marami sa mga dating Pompeyano ang biglang nag-alisan sa kanilang hukbo at pumunta kay Caesar. Dahil dito, napuwersa si Ganeus Pompeius na bitawan ang kanyang taktika ng pag-antala at nanghamon siya ng labanan. Pinakalas niya ang kampo niya doon at dinala niya ang kanyang hukbo sa bayan ng Munda.”“…At habang nagaganap ang labanan, nakitaan ng paghina ang hukbo ni Caesar. Subalit kagaya ng isa ringpangyayari sa isang digmaan sa nakalipas sa Gaul, kagyat na isinubo ni Caesar sa kanyang sarili sa harapan habang nagsusumigaw siya sa kanyang mga sundalo. “Nasaan ang kahihiyan ninyong dadalhin ninyo ako para lamang ialay sa mga lalaking ito!” Sa suot niya noong pula, kitang kita siya ng kaaway at itinuon sa kanya ang mga misil na apoy. Sa tanang buhay niya, ito ang saglit na ang pagkasalba ng kanyang buhay ay ga-iglap lamang subalit kay Caesar ang kanyang dignitas ay mas mahalaga kaysa kanyang buhay kaya wala siyang pag-alinlangan na isinubo niya ang lahat sa kanya dahil ang kagawaran sa kanya ay ang Roma.”Please listen to the podcast for the full narrative of this chapter.
“…Sa ibaba ng kampo ni Scipio ay ang bayan ng Tegea kung saan ay naglagay si Scipio ng kanyang garisondoon na may apat na raang kabayo. Nagkahamunan ang lupon ni Scipio at ang hukbo ni Caesar kung saan maraming mga tauhan sa panig nis Scipio ang nalagas.”“…Dumating si Caesar sa sadyang lugar at natagpuan niya ang armi ni Scipio na nakapormasyong handa sa digmaan sa unahan ng mga hukay ng mga pagkubli-an. Ang mga elepante ay naipuwesto sa magkabilaang kanan at kaliwang tagiliran. Bahagi ng kanyang hukbong sundalo ay abalang nagtatrabaho na nagpapatibay sa kanilang kampo. “…Pagkakita ni Caesar sa gayak na ito ng kaaway, pinag-ayos niya ang kanyang armi sa tatlong hanay, inilagay niya ang pansampu at pangalawang lehiyon sa kanang tagiliran, ang pangwalo at pangsiyam na lehiyon sa kaliwang tagiliran, panlimang lehiyon ang nasa gitna, at dinepensahan niya ang kanyang tagiliran ng limang pangkat at sila ang nakapuwestong katapat ng mga elepante. Inilagay niya ang kanyang mga mamamana at funditores sa dalawang gilid at pinaghalo niya ang magaang impanterya at kanyang kabalyerya.”“…Isa-isang pinuntahan mismo ni Caesar ang bawat ranggo para palakasin niya ang kalooban ng mga beterano, nagpapaala-ala sa kanila tungkol sa kanilang mga nagdaang pagwawagi, at binubuhayan niya sila ng motibasyon sa kanyang mga magandang pangusap. Inudyukan niya ang nga bagong rekluta na wala pang karanasan na gayahin ang kagitingan ng mga beterano at pagsikapan ang tagumpay para makakamit ng kahit kaunting pangalan, luwalhati at kabantogan.”“…Ang kabalyerya ni Scipio na nakatakas sa digmaan ay patungo din doon sa Utica at sila ay naglakbay sa daan patungo doon. Dumating sila sa bayan ng Parads subalit tinanggihan silang papasukin doon ng mga nakatira doon dahil narinig na nila ang pagkapanalo ni Caesar at kaya tinatanggihan nilang mangkanlong ng mga takas sa panig na natalo. Pinuwersa ng kabalyeryang Scipio ang mga lagusan sa bayang ito, nagsindi sila ng malaking apoy sa gitna ng plasa (forum) at ipinaghahagis nila ang lahat na mga binihag nilang mga nakatira doon nang walang pinili- matanda, bata, babae, lalaki at doon sila naghasik ng nakakagimbal na pagngalit at malagim na paghiganti.”“…Marami sa ibang nakatakas ang nagpunta sa Utica. Pinulong ni Cato ang mga ito kasama ang tatlong daan pa na nagbigay kay Scipio ng pera para ipagpatuloy ang digmaan at inudyukan silang palayain nila ang kanilang mga alipin at kaugnay sa mga ito, depensahan ang bayan. Subalit noong nakita niya na bagaman nagtipon ang mga ito, ang kadamihan ay nangingilabot at determinadong tumakas, pinagbigyan niya sila at binigyan niya sila ng kanyang mga bapor para makalarga silang umalis. Siya mismo, pagkatapos niyang maayos ang lahat nang malinis at maingat, at inihabilin ang kanyang mga anak sa quaestor na si Caesar, matiwasay niyang inihanda ang kanyang kilos na naaayon sa kanyang prinsipyo.”“…Gustong magmadali si Caesar na tahakin ang layong apatnapung milya mula Thapsus tungong Utica sapagka’t kinasabikan niyang mahuli si Cato.Subalit dumaan muna siya sa bayan ng Usceta kung saan nakaimbak ang malaking kantidad ng mais, mga sandata, mga tunod at iba pang gamit sa bakbakan na binabantayan ng ilang mga tauhan. Sinakop niya ito at tumungo siya sa Adrumetum at inalam niya ang mga nakatago at nakaimbak doong pera, mga probisyon at mga kagamitang pandigmaan. ““…Samantala, noong tumakas si Haring Juba na kasama ni Petreius, patago-tago sila sa mga nadaanan nilang mga pook at naglakbay lamang sila sa gabi hanggang nakarating sila sa Numidia. Dumating siya sa Zama, ang kanyang karaniwang tirahan, kung nasaan nakatira ang kanyang mga asawa at mga anak, at kinaroroonan lahat ng kanyang mga kayamanan at mga mahalagang bagay na kanyang pag-aari…”Please listen to the podcast for the full narrative
POSCAST 21Sa nakaraan, sinundan ni Caesar ang mga kaaway niyang Optimates sa Aprika. Pagdating niya doon, nagkaroon ng labanan ng ‘tugisan’ kung saan ang magkabilang panig ay nagtaktikahan.May mga menor na mga sagupaan habang ang magkabilang kampo ay nagpatuloy na nagpalakas ng kanilang mga hukbo sa iba-ibang pamamaraan. Naging labanan ito ng patibayan na kung saan ang hukbong Optimates na sa mga tiyempong ito ay nakakalamang sa kanilang probisyon, ay pinagsikapannilang patagalin ang alitan. Ang kanilang taktika ay unti-unti nilang pawalain ang mga probisyon ni Caesar at walain ang kanyang mga pagkukuhanan ng mga kakailanganin ng kanyang hukbo at sa gayun ay mapapahina ang kakayanan ng mga mandirigma nito.Nagkaroon ng bagyo at ilang mga bapor ni Caesar ang pansamantalang nagkanlong sa isang look na nasa kabila ng imus ng kanilang destinasyon.Natiktikan sila ng mga kaaway at sinunog ng mga ito ang mga barkong may lamang probisyon ng kampong Caesar. Nalaman ni Varus ang nangyari at sinamantala niya ang pagkakataon. Dala niya ang kanyang plotilya at sinalakay niya ang mga bapor sa iskwadron ni Caesar at nabihag niya ang dalawang malalaking bapor.“.. Nabahala nang labis si Caesar sa isinasagawang taktikang ng mga kaaway; dahil sa kadalas niyang sumabak na kasama ang kanyang kabalyerya, kapag walang suporta ang impanterya, nakita niyang wala siyang kalaban-laban sa kabalyerya ni Scipio na suportado ng kanyang magaang impanterya: at dahil sa wala siyang palatandaan kung gaano kadami ang lehiyong puwersa ng kaaway, ipinagpalagayniyang marami pang darating na mas malalaking problema kapag magsama-sama na ang mga iyon at naisip niya na magiging kalula-lula ang ibubunga nitong kagitlaan.Karagdagan pa nito, ang bilang at ang laki ng mga elepante ay lalo lamang nanagdagdag ng alinlangan at kilabot sa mga sundalo…”“…Dahil sa kanyang pag-alala’t pag-iingat, naging mas marahan ang mga galaw ni Caesar at naging mas malalim ang kanyang pag-iisip, kaya nabago nang kapuna-puna ang kanyang kaugaliang pagkaliksi at bilis. Hindi naman ito kataka-taka. Noong nakaraang mga taon ng digmaan sa Gaul, ang kanyang mga tauhan sa hukbo noon ay nasanay sa pakikipagtunggali sa malawak, mapatag at maluwag na kapaligiran.Sila’y kumakalaban sa nakikita at hindi mandarayang kalaban na nasusuklam sa mapaglinlang na katusuhan at minamahalaga ang kanilang sariling kagitingan at katapangan…”“…Dumating si Caesar sa Sarsura at sinakop niya ang bayan kahit naroon ang garison ni Scipio na ipinapabantay nito kay P. (Publius) Cornelius. Hindi na nagawang lumaban si Cornelius subalit isang beteranong tauhan ni Scipio ang nagmatigas na lumaban at siya’y napaslang. Ibinigay lahat ni Caesar ang nakaimbak doon na mais sa armi at sa sumunod na araw, nagtungo ang buong hukbo sa bayan ng Tisdra. Sa Tisdra, naroon ang malakas na garison ni Scipio na pinamunuan ni Considius kasama ng kanyang mga gladyador.” “…Pagkatapos na nakaabanse ang hukbo ni Caesar at sumulong na nagpahagibis ang mga tauhan sa kanilang mga kabayo, sinimulan ni Placidus (sa kampo ni Scipio) na pahabain ang kanyang harap para mapaligiran niya ang hukbo ni Caesar. Bilang katugunan, pinakawalan ni Caesar ang tatlong daang lehiyonaryo niya para umalalay sila sa kabalyerya samantalang si Labienus ay walang tigil sa kapapadala niya ng kahalili ng kanyang kabalyerya na nasugatan o nahapo na…”
Podcast 20 ( Sa Uzita)“….Mula ika a-uno ng Enero, nagdatingan ang karagdagang mga tauhan sa hukbo ni Caesar. Noong ika kuwatro ng Enero, nagkasagupaan ang kampo ni Caesar at ng mga Optimates. Ang puwersang Optimates ay pinamunuan ni Titus Labienus. Sa nangyaring bakbakan, nasugatan ng mapanganib si Heneral Petreius sa kampo ng Optimates. Maraming mga nabawas sa puwersa ni Caesar subalit napabalik niya ang kanyang mga tauhan sa kampo at nakabawi sila. Pagkatapos nito, nagbalikan ang magkabilang panig sa kani-kanilang kampo.Pinatibay ni Caesar ang kanyang kampo sa Ruspina nang higit na matibay. Dinagdagan niya ang mga guwardiya. Nagpalagay siya ng dobleng pandepensang hukay; isa mula Ruspina hanggang sa dagat. Isa ay magmula sa kanyang kampo hanggang sa dagat upang maseguro niya ang komunikasyon at pagdaloy ng suplay at probisyon nang walang panganib. Nagpakuha siya ng maraming mga tunod na gamit sa digmaan, mga armas at kasangkapang gamit sa digmaan at sinandatahan niya ang iba sa hukbo ng mga mandaragat, gayundin ang mga tauhan niya mula sa tribung Gaul, mga taga Rhodes at iba. Naglagay din siya ng mga sandatahang tropa na kasama ng kabalyerya. Pinalakas niya ang kanyang armi sa pagdagdag niya ng mga mandirigmang taga Syria at mga bihasang mamamanang taga Iturea. Nalaman niya na noon na susugpon ang hukbo ni Scipio na binubuo ng walong lehiyon at tatlong libong kabalyerya sa napagsamang puwersa nina Labienus at Petreius...”SA UZITA“…Mayroong malapad at malalim na lambak na matarik na palusong ang kanyang tagiliran at ito ay dadaanan ni Caesar bago siya makarating sa burol na kanyang pakay na okupahan, at sa likud nito ay makapal na kakahuyan ng mga matatandang punong olibo. Kabisado ni Labienus ang kapaligiran ng kakahuyan at alam niyang dadaan si Caesar sa lugar na iyon kaya naghanda siyang mangtambang kasama ng kanyang magaang impanterya at bahagi ng kabalyerya. Kaalinsabay nito, nagpalagay siya ng mga kabayo sa likuran ng burol na ang plano niya ay kung bigla nilang makatagpo ang impanterya ni Caesar, maari silang biglaang umabanse mula sa likud ng bundok. At sa gayun, malulusob si Caesar sa parehong harapan at likuran niya at mapaligiran ng panganib sa lahat ng dakoat dahil hindi siya makakapag-atras o makakapagsulong, siya ay madali na lamang paslangin ng hukbong Optimates.Walang kahina-hinala noon si Caesar sa plano ni Labienus na tatambangin siya at pina-una niyang pinapunta ang kanyang kabalyerya.”“…Habang nagaganap noon ang nasabing sagupaan sa pagitan ng kampo ni Caesar at ang panig ng Optimates sa Uzita, dalawang lehiyon – ang pangsiyam at pangsampu ay dumating sa Ruspina na lulan sa barkong galing Sicily. Noong napansin nila ang mga barko ni Caesar na nakahilerang nakahinto sa may bandang Thapsus, at sa pag-aakalang baka barko iyon ng kalaban na naka-estasyon doon upang harangan sila, nagpasya silang tumigil sa laot; at noong lumaon dulot sa pagdating ng malakas na hangin na namaghahagis sa kanila sa alon, at dahil sa kanilang pag-kauhaw at kagutuman, doon na lamang sila dumating sa kampo ni Caesar….”Please listen to the podcast for the full story.
“… Pagkatapos niyang mai-ayos ang pamunuan, sinundan ni Caesar ang lupon ng mga Optimates sa Aprika upang minsanang resolbahin ang oposisyon sa kanyang pamunuan.Lumapag siya sa Hadrumentum, sa may silangang pampang ng modernong Tunisia sa Aprika….Abalang -abala sa panahong iyon ang grupong Optimates sa kanilang pagpapalaki ng kanilang hukbo at sa kanilang pakikipag-alyado sa mga bayan. Nakuha rin nilang kaalyansa ang hari ng Numidia na si Haring Juba at may malaking hukbo ng mga mandirigmang Numidia.Sa kabilang panig, dahil nag-aalanganing maniwala ang mga tao sa probinsiyang Aprika na totoong naroon si Caesar nang personal, bagaman alam nila na mayroong mga tenyenteng legatus siya na nagdatingang kasama ng kanyang puwersa,.”“…Kaagad siyang nagpadala ng sulat sa Sicily, kay Allienus at Rabirius Posthumus, ang mga praetor doon, para sabihan silang madaliin nilang ipadala ang naroroong kasama ng kanyang hukbo. Ipinagdiinan niyang gawin ito sa pinakamadaling panahon at hindi na dahilan pa ang taglamig o ang pagkakaroon ng malakas na hangin. Kinailangan na itong gawin en punto,….”“.., Bagaman pinagtabuyan siya ng ilang beses, nagpursige si Virgilius na nanghabol hanggang sa nahagip niya ang isa sa mga bapor ni Caesar.”“…Sa kabilang dako, kaalinsabay ng mga nangyayaring pagmamasiran at paghahanda ng kampong Caesar at Kampong Optimates sa Ruspina ng paghaharapan, abala din ang kaalyado ng mga Optimates na si Nakababatang Cato. Si Cato ay kumandante ng puwersang Optimates sa Utica at doon ay araw-araw siyang nangangalap ng mga bagong kaanib ng kanilang hukbo. Nangunguha siya ng mga Libertini, Aprikano, mga alipin na nasa edad ng pagiging mandirigma at kaagad niyang ipinapadala ang mga ito sa kampo ni Scipio.”“…Sa kapatagan na pinagkayarian ng naganap na labanan, ay may isang malaking bahay na may apat na torre at ito ay bumara sa paningin ni Labienus kaya’t hindi niya nakita na hinarangan siya ng kabalyerya ni Caesar. Kaya wala siyang kamuwang-muwang sapagdating ng kabalyerya ni Caesar hanggang sa napansin niya na siya ay nilulusob mula sa kanyang likuran; bagay ito na nakasindak sa kabalyeryang Numidia at kaagad na nagtakbuhan ang mga itong lumayas. Ang mga kabalyeryang galing Gaul at mga Aleemanni na humarap sa mga sumugod na kabalyerya ni Caesar ay napaslang lahat. Nakita ito ng mga lehiyon ni Scipio na nakahilera sa pormasyong pandigmaan saharap ng kampo at sa nakita nilang pagkawasak ng kabalyerya ni Labienus, sila’y nagtakbuhan para tumakas. Kasama si Scipio, lahat ng lehiyon nito ay nagtakasan mula doon. Nagpatunog si Caesar ng hudyat para bumalik ang kanyang kabalyerya at inutusan niya lahat ang mga ito na magkubli sa kinubkob nilang pangdepensa. Tiningnan ni Caesar ang kapatagang nakaganapan ng sagupaan at doon, nagkalat ang nagdagsaang mga napaslang na tauhan ng kaaway.”“…Pinalabas niya ang kabuu-an ng kanyang armi at pinagporma niya sila ng apat na hanay. Pinagawa niya ang unang hanay na kabalyerya at sinuportahan ito ng mga elepante na may mga tore sa kanilang mga likuran. Sa pag-aakala ni Caesar na lumapit si Scipio na ang pakay niya ay makipagbakbakan, nagpatuloy siya sa kanyang kinaroroonan na hindi malayo sa bayan. Kay Scipio, ang bayan ang siyang sentro ng kanyang harapan at pinalayo niya ang kanyang dalawang tagiliran at ang kanyang mga elepante ay kitang-kita ng armi ni Caesar…”
“…Mula sa Turkiya, bumalik si Caesar sa Roma upang isaayos ang kanyang otoridad at resolbahin ang mga ibang mga kumplikadong mga problemang pulitika doon. Kabilang sa salimuot na kanyang kailangang tugunan ay ang panganib ng kawalang katatagan na dulot ng patuloy na pag-organisa ng mga kapanig dati ni Pompey na mga Optimates na nagtungo sa Aprika. Ang oposisyong ito ay pinamunuan nina Nakababatang Cato at iba pang mga malalakas na opisyal. Hinarap ni Caesar ang hamon ng pakikipag-isa sa pamamagitan ng pag-uusap muna upang maseguro ang katatagan ng gobyernong Romano. Ito ang dahilan kung bakit niya sinundan ang lupon ng mga Optimates sa Aprika).Lumapag siya sa Hadrumentum, sa may silangang pampang ng modernong Tunisia sa Aprika.Ang Hadrumentum na ito ay siya ngayon ang lugar na Hammeim (HAMIM) na bahagi ng Susa sa Tunisia. Mayroon dala si Caesar na tatlong libo at limang daang lehiyonaryo at sandaan at limampung kabalyerya……Ang lugar ng Ruspina ay sa ngayon nasa lugar ng Henchir Tennir na may limang kilometrong layo mula sa modernong siyudad ng Monastir sa Tunisia. Ang Ruspina ay may layong humigit kumulang sa limampung milya magmula sa Hadrumentum. “Pansamantalang humingi ng bakasyon ang tenyente ni Caesar na si L. Plancus para makipagkita kay Gaius Considius Lungus ang kumandante ng lehiyong kaalyado ng mga Pompeyano at kasaping Konserbatibong Rebublikano na may hawak ng Hadrumentum. Sinabi ni L. Plancus na sisikapin niya, hangga’t maari, na makausap niya si Considius para makipag-ayos siya dito. Nagpadala ng sulat si Plancus kay Considius sa isang bihag nila. Bago pa man tinanggap ni Considius ang sulat, tinanong niya kung kanino galing iyong sulat at noong sinabi ng mensahero na galing iyon kay Caesar, nagsabi si Considius na walang ibang heneral sa armi ng Romano kundi si Scipio- si Quintus Caecillus Metellus Pius Scipio lamang. Pagkatapos pinapaslang niya ang mensahero sa harap niya at ang sulat na dala, hindi niya binasa o binuksan man lamang kundi ipinadala niya ito kay Scipio sa isang pinagkakatiwalaan niyang partisano.Naghintay ng isang gabi at isang araw ng kasagutan si Caesar at noong wala siyang natanggap na kasagutan, minabuti niyang hindi magtagal doon at baka lulusob mula sa kanyang likuran ang mga kaaway at kukubkubin sila doon. Ayaw pa niya noong masabak sa labanan dahil hindi sapat ang kanyang puwersa, at isa pa mga baguhan pa ang mga ito.”“..,Nagsimula silang sumugod mula sa likuran. Biglang kaagad huminto ang lehiyon ni Caesar at biglang sumalakay ang kanyang kabalyerya sa mga moro. Nagtakbuhan ang mga moro na tauhan ng mga Optimates subalit pabugso-bugso silang sumusulpot na sumasalakay bagaman sila’y napapatakbong paalis kapag sinusugod sila ng kabalyerya ni Caesar. Nagpatuloy silang alerto bagaman na-obserbahan niya na habang palayo sila nang palayo, nawawalan naman ng gana ang mga taong Numidia sa kanilang pasulpot-sulpot na pagsalakay.” “…Nagdatingan ang mga kasama ng kanyang armada nang hindi sinasadya at nag-ulat sa kanya na ang iba nilang mga kasama ay nagtungo sa Utica dahil hindi sila sigurado kung saan sila maglalayag. Pinapunta niya ang mga kabalyerya sa mga bapor para maiwasan ang pagdarambong ng mga ito sa bayan at nagpadala siya ng tubig inumin para sa kanila doon.” “…Nagpadala si Caesar ng sulat at mga mensahe sa Sardinia at mga karatig probinsiya na nagbibigay ng mga kautusan na pagkabasa nila sa sulat ay dapat silang magpadala ng mga kalalakihan, mais at mga kagamitang pandigmaan. Pagkatapos niyang naipababa ang mga kargamento sa mga bapor ng armada, pinapunta niya ito sa Sicily sa pamunuan ni Rabirius Posthumus upang kuhanin ang pangalawang lupon at kargamento….”Please listen to the podcast for the whole story.
Labanan sa Zela( “Vino, Vidi, Vici”- “Ako’y Dumating, Tumingin, Nanagumpay” )“…Marahil ay naalimpungatan si Caesar mula sa kanyang mataga-tagal ding pagtigil at indulhensiya sa kaharian ng Ehipto at sa piling ni Cleopatra. Sa kanyang pagtigil doon pagkatapos na umupo sa pamunuan si Cleopatra, siya’y nalibang sa karangyaan, piyesta, maluhong paglayag sa Ilog Nile at ibang wagas ng pagtamasa ng karangyaan ng mga monarkiya. Sa pag-alis ni Caesar, nag-iwan siya sa Alexandria ng tatlong lehiyon para tumulong sa pamunuan ng Ehipto kung kinakailangan. Inilagay niya si Cleopatra kasama ng kanyang nakababatang kapatid na si Panglabing-apat na Ptolemy Philopator bilang mga pamunuan ng Ehipto. Nagtungo si Caesar sa Turkiya at naglakbay siya ng humigit kumulang ng apatnapung araw sa pagdaan niya sa Syria, Cilicia at Cappadocia para makarating siya sa Pontus na kaharian ni Pangalawang Pharnaces.Batay sa panulat ni Aulus Hirtius na tenyente ni Caesar: “Noong dumating sa Syria si Caesar na galing sa Ehipto, at nalaman niya na ang gobyerno sa Roma ay masama ang pagkakapamahala, inisip niya na kinailangan niyang unahing ayusin ang estado ng mga probinsiya na madadaanan niya. Ito’y inasahan niyang maisasagawa niya sa Syria, Cilicia at Asya dahil ang mga probinsiyang ito ay walang digmaang kinakasangkutan. Sa Bithynia at Pontus, talagang inasahan niya ang mas malaking kaguluhan doon dahil natanto niya na nagpatuloy pa rin si Pharnaces sa kanyang kapangahasang manakop at malamang na hindi siya titigil kaagad dahil nakatikim na siya ng pagwagi.”“…Paglapit niya sa rehiyon ng Pontus sa bandang Timog na bahagi ng Itim na Dagat o Black Sea, at nakarating siya sa unang bahagi ng probinsiya ng Galatia, doon, sinalubong siya ni Deiotarus. Si Deiotarus ay siyang pinuno sa probinsiyang iyan at nanghingi siya ng tawad kay Caesar dahil sa pag-alalay niya dati sa puwersa ni Pompey doon sa nangyaring bakbakan sa Pharsalus. Noong natalo ang puwersang Pompey sa digmaan sa Pharsalus dalawang taon na noon ang nakakaraan, bumalik si Deiotarus sa Asia Minor. Nabawasan ang teritoryo ni Deiotarus dahil sa kanyang pagkatalo sa bakbakan na nangyari sa Nicopolis sa nakalipas na dalawang taon at dahil sa reklamo ng ibang mga ibang mga prinsipe sa Galatia…”“…Kagaya ni Deiotarus, pinuntahan din ni Ariobarzanes si Caesar at nanghingi ng patawad sa kanyang dating pagsuporta kay Pompey. Pinatawad siya ni Caesar at nagutos siyang magdala si Ariobarzanes ng mga suplay at hukbo na maisanib sa kanyang dalang hukbo para kalabanin ang arming Pontus ni Pharnaces. Habang siya’y nasa Syria, may mga sugong dumating kay Caesar na pinadala ni Haring Pangalawang Pharnaces, para makiusap kay Caesar na huwag siyasanang darating doon na kaaway dahil susunod naman siya sa lahat ng kanyang kautusan. Ipinangako ni Pharnaces ang lahat subalit iniwas niyang binanggit ang kanyang mga isinagawa sa mga digmaan. Nakuha ni Caesar ang pahiwatig nito, at kagaya ng kanyang kinasanayang gawi sa mga hindi diretsahang pangausap kundi mga alanganing paramdam, niresolba niyang pinagpasyahan ito sa madaling panahon. Ang tanging panglutas dito ay digmaan.Dumating si Caesar sa Pontus at pinulong niya lahat ng kanyang puwersa na samasama. Hindi lamang ang bilang ng puwersa na natipon ang malaki kundi pagdating sa disiplina ang mga ito ay bihasa na. Ang pang-anim na Lehiyon na binuo ng mga beterano na dala niya magmula Alexandria ay naroon bagaman nabawasan na at kulang-kulang na ito sa sanlibung sundalo. May mga ilang pangkat na binuo ng mga‘vexillationes’ o ad hoc at pansamantalang yunit ng hukbo na itinatatag sa krisis ng pangangailangan. Ang mga mandirigmang ito sa armi ni Caesar ay mga nakaligtas na sundalo sa armi ni Domitius Calvinus sa nakaraang labanan…”Please listen to the podcast for the full story.
“Habang si Caesar ay nasa Alexandria, marami sa mga dating opisyal ni Pompey, na noong nawala na ang kanilang pinuno, sila ay nagpuntahan kay Caesar upang sumuko. Tinanggap ni Caesar sila ng mabuti…. Ang astang ito ni Caesar ay malaki ang kahalagahan at maraming dulot na mga epektong wagas namakakasagot sa kanyang mga pakay na gawin. Ang wagas ng pagkamatay ni Pompey ay nagdulot ng malaking aral at babala sa kanya. Sa sitwasyong nahaharap sa kanya noon sa Ehipto, kailangan niya ang lehiyon na magiging matapat sa kanya at matapat sa pagiging Romano. Ang mga taga Ehipto ay kaiba sa mga Romano at mayroon silang sariling pinuno nakanilang pinaglalaanan ng kanilang katapatan at kabayanihan. …Sa panahong iyon sa Ehipto, ang mga pangyayari doon ay nasa puntong nakakapagbigay ang mga ito kay Caesar ng pagkakataong mapapakinabangan niya.Ang Ehipto noon ay nasa alanganin sa kanyang pamunuan. Nasa kalagitnaan noon ang hidwaan ng pamilya na pamunuang monarkiya sa Ehipto.Nangyayari ang paligsahan para sa pamunuan at ito ay sa pagitan ng magkapatid na Panglabingtatlong Ptolemy(XIII) na noon ay labin-tatlong taong gulang lamang at ang kanyang nakakatandang kapatid na babae na si Cleopatra….Ang magkapatid na ito ay mga anak ng namatay na paraon ng Ehipto na si Ptolemy XII o Haring Auletes. Bago namatay ang paraon noong taon 51 BC, naghabilin siya na dapat pakasalan ni PTOLEMY XIII na kanyang anak na lalaki ang kapatid nitong nakakatanda na si CLEOPATRA para pareho silang mamuno sa Ehipto. …Si Panglabingtatlong Ptolemy ay sumusuporta sa tradisyon ng pamunuang Ptolemy dahil sa impluwensiya ng kanyang mga taga-payo at rehente. Samantala, si Cleopatra ay nagsikap na paglapitin ang pamunuang Ptolemy at ang masa ng mga mamamayang Ehipto. Pinag-aralan ni Cleopatra ang lengguaheng Ehipto maliban pa sa lengguaheng Ebreo at lengguaheng Ethiopia. Nakikisali siya sa mga seremonya sa relihiyong Ehipto at ang kanyang pangitain sa pamunuan ay hindi katugma ng mga pamamaraan ni Ptolemy at ng kanyang mga tagapayo.Sa taglagas ng taon 48 BC sa udyok ng kanyang rehente at mga taga-payo pinagtangkaang ipapatay ng nakababatang Panglabingtatlong Ptolemy (Ptolemy XIII) ang kanyang kapatid na si Cleopatra. ““.. . Alam ni Caesar na ang Ehipto sa panahong iyon ay mayamang bansa at interesado siyang makaalam ng mapaghahanapan ng yaman na pambayad sa mga utang niya at pangsuporta sa kanyang kampanyang militar laban sa mga natitirang lupon ng mga optimates na nagpuntahan sa Aprika at doon ay nagsisimulang mambuo ng lupon. …Nagpasya si Caesar na mamamagitan siya sa hidwaan nina PTOLEMY XIII at ni Cleopatra sa pamunuan ng Ehipto bago siya bumalik sa Roma. Magmula sa kanyang tirahan sa may palasyo sa Alexandria, idineklara ni Caesar ang kanyang sarili na taga-garantiya sa pagkakasaganap ng mga huling habilin ni Haring Auletes. Pinatawag ni Caesar si Ptolemy at si Cleopatra upang mag-usap-usap sila tungkol sa hinaharap ng Ehipto. Bagaman pilit sa kalooban, pinadala ng mga taga-payo ng palasyo ang binatilyong Hari, si Panglabingtatlong Ptolemy. Matigas ang kalooban ng panig ni Ptolemy na tumungo sila sa Alexandria na ang pakay ay paalisin doon ang hukbo ni Caesar. Ayon sa ibang mananaliksik, nagpadala muna si Cleopatra ng tauhan niyang makipag-usap kay Caesar subalit pagkatapos noon naisip niya na mas mabuti kung siya ang pupunta mismo. Nangako naman si Caesar na pauunlakan niya siya ng lihim na pakikipanayam. Subalit pinaharangan ni Ptolemy si Cleopatra na makapasok sa Alexandria kaya siya ay nanatili sa labas ng siyudad. Alinsunod sa kautusan ni Ptolemy pinagbawalan siyang pumasok ng mga galit na mga sundalo at malupit na mga mamamatay taong nagsusuporta kay Panglabintatlong Ptolemy. Nagplano si Cleopatra kung papaano siya makapasok doon…
PART 15 SI POMPEY(ANG PAGTAKAS NI POMPEY)Pagkapuwersang pinasok ng mga tao ni Caesar ang mga pandepensang trinsera ng kampo ni Pompey, nagulat ito. Kaagad niyang hinubad ang kanyang kasuotang heneral. Sumakay siya sa kanyang kabayo at parang sibat siyang lumabas sa likurang lagusan ng kampo. Sumunod na nag-takbuhan ang kanyang lehiyon.Nagtungo siya sa direksiyon ng bayan ng Larisa.“…Alerto at mailap siyang nag-oobserba habang siya’y malalim na nag-isip. Malalim, na kagaya ng nakasanayan niyang gawin sa laon ng tatlumpu’t apat na taong nasanay siya na siya ang nagwawagi, nanunugpo at nagiging kapangyarihang namumuno sa lahat subalit sa pagkakataong, sa unang pagkakataon sa kanyang katandaan, ay mararanasan niya ang pagkatalo at sapilitang pagtakas. Naisip niya kung papaano na sa laon ng isa at kaisa-isang oras lamang ay nahugot sa kanya ang kapangyarihang nakamit niyang bunga ng mga nakaraang maraming digmaan at alitan – siya, na kani-kanina lamang ay guwardiyado ng napakakisig na porma ngimpanterya at kabalyerya at ngayon ay tumatakas nang napakawalang kahala-halaga at isang napakababa…”“…Nagpahinga siya sa isang maliit na kubo ng mangingisda at doon siya nagpalipas ng magdamag. Sa madaling araw, sumakay siya sa sasakyang ilog at dala niya ang kanyang mga kasama na mga libertini, mga mamamayang Romano na dating mga alipin na napalaya sa prosesong ‘manumission’ at nabigyan ng karapatang mamamayang Romano). Sinabihan niya ang kanyang mga katulong na bumalik sila kay Caesar, na huwag silang matakot. Namaybay siya sa ilog hanggang sa nakakit siya ng malaki-laking “corbitae” o barkong pangkalakal na makakakayang maglayag sa karagatan. Namukhaan siya ng kapitan na si Peticius…”Sa Ehipto: … Inatasan nila si Achillas na siyang magplano at maneguro na ang plano aymaisaganap. Kinuha ni Achillas ang isang sundalong romano na kasalukuyan noong naninilbihang mersenaryo ng garison na Gabiniani ng hukbong Ptolemy. Siya si Lucius Septimius na minsan ay tribuno ni Pompey. Ang isa pang taong kinuha ni Achillas ay si Salvius, isang senturyon at kasama nila ang tatlong taga-silbi at sakay sa maliit na sasakyang pang-tubig, nagtungo sila sa bapor ni Pompey na nakatigil sa malapit sa pampang at naghihintay ng kasagutan. “Sa oras na iyon, lahat ng mga maimpluwensiyang Romanong kasama ni Pompey na naglayag ay umakyat sa bapor na kinaroroonan ni Pompey at nagtataka sila sa nangyayari kung bakit pinaghihintay sila ng matagal…”“…..Binati niya si Pompey sa salitang romano at nagbigay galang siyang tumawag dito ng imperator. Nagsaludo kay Pompey si Achillas at nagsalita ng Griyego. Inalok niya si Pompey na lumipat sa bangka dahil ang mababaw na bahagi ng pampang ay malawak, na ang ilalim ng dagat ay buhangin at hindi sapat ang kalalim ng tubig doon para sa bapor….”“…Pagkatapos siyang magpaalam at yumakap kay Cornelia, nag-utos na si Pompey ng dalawang senturyon na maunang umakyat sa bangka bago siya, sa tabi ni Philip, isa sa kanyang libertini at kanyang tagasilbi na si Scythes. Habang inuunat ni Achillas ang kanyang kamay kay Pompey, lumingon ito kay Cornelia at sa kanyang anak at binigkas niya ang mga taludtod mula kay Sophocles:“Whatever man unto a tyrant takes his way,His slave he is, even though a freeman when he goes.”“Anumang taong magagawang pilitin ng isang mapaghari, Alipin siya nitokahit taong malaya siya sa kanyang pupuntahan.”….
PART 14 DYRRHACHIUM AT PHARSALUS Pagkatapos masugpo ni Caesar lahat ang mga kaanib ni Pompey sa mga lugar na sinugod niya sa Hispania, nagpa-silangan siya para tumawid siya sa Dagat Adriatiko noong Enero ng 48 BC.Samantala, habang nangangalap ng mga karagdagang hukbo si Pompey, si Caesar ay patawid sa Adriatico subalit siya’y naudlot at naharang siya sa Gresya kasama ang pitong lehiyon ng hukbo. Ang iba sa kanyang armi ay naiwan kay Mark Antony sa Brundisium. Habang naglilikom sila ng mga suplay, tinangka niyang kubkubin at okupahan ang Dyrrachium subalit umurong siya noong naunang dumating doon sa siyudad si Pompey. Sa bandang Abril, nakarating si Mark Antony at ang kanyang hukbo para maalalayan si Caesar laban kay Pompey. Nangyari ang labanan ng dalawa sa Dyrrhachium o Epidamnus (48 BC) sa dalampasigan ng Adriatico at tinagurian na ngayon na siyudad ng Durres sa Albania). Tinangkang hamunin ni Caesar si Pompey ng sagupaan subalit hindi siya pinansin ni Pompey dahil ang estratehiya noon ni Pompey ay ang pagurin niya ang hukbo ni Caesar sa gutom. Nagtangka muli sa Caesar na dakipin ang Dyrrhachium. Malakas ang posisyong depensa ni Pompey sa Dyrrhachium dahil sa likuran niya ay dagat at sa harap niya ay mga bundok…Samantala, ang kampo ni Caesar ay nasa mataas na lugar sa looban kaya kinailangan niyang paghanapin ang kanyang hukbo ng kanilang pagkain at pangangailangan. Nag-umpisa si Caesar ng pagpagawa ng doble-harang sa paikot ng pinagkampuhang lugar ni Pompey para maharangan si Pompey sa kanyang pagpahagilap ng pagkain para sa kanilang mga kabayo at hayup na dala….“Pagkatapos ng kanilang pag-urong mula sa Dyrrhachum, nagtungo si Caesar sa bandang Timog at nagpasilangan sa siyudad ng Appolonia. Panandaliang huminto ang hukbo ni Caesar doon at para gamutin ang mga nasugatan sa kanyang mga tauhan, bayaran niya ang kanyang armi, palakasin ang loob ng kanyang mga kaalyado at iwanan ang kanilang mga kuwartel…” “Dumating siya sa Aeginium at kinatagpo niya doon si Gnaeus Domitius Calvinus. Pagkatapos na magka-ugnay ang puwersa ni Caesar, nagtungo sila sa Thessaly at sa mga lugar na hindi pa napuntahan ng mga nandarambong na mga Romanong armi. Sa tiyempong ito, nakatagpo niya ang marami sa mga nawala at naligaw niyang mga hukbo. Samantala, ang kampo ni Pompey ay nagpapakalat na ng mga balitang nang-uunsiyami sa hukbo ni Caesar na tinalo nila kakaraan lamang. Kaya maraming komunidad na nadaanan nila ang malabnaw na maki-isa sa hukbo ni Caesar ang tingin ng mga ito sa hukbo ni Caesar ay mahina sila. Hindi sila pinapasok ng siyudad ng Gomphi dahil ayaw ng mga mahistrado doon na umalalay sa isang hukbong baka lamang matalo sa digmaan…”“…. Subalit sa sumunod na mas malaking bakbakan sa Pharsalus,…Maraming mga kaanib ni Pompey ang sumuko kay Caesar kasali na rito sina Marcus Junius Brutus at Cicero. Samantala, tumakas papuntang Ehipto si Pompey at doon humingi siya ng tulong sa hari doon at permiso na doon siya muna tumigil at magkanlong (refuge). Si Haring Ptolemy ng Ehipto ay dating kliyente ni Pompey kaya napagpasyahanni Pompey na doon siya humingi ng tulong. Lingid sa kaalaman ni Pompey, sa halip na tutulungan siya nito, napagdesisyonan na ng korte ni Ptolemy na ipagkanulo nila si Pompey dahil sa takot ni Ptolemy kay Caesar pagkatapos nilang malaman na natalo si Pompey kay Caesar sa nakaraang bakbakan ng Pharsalus…..”Please listen to the full podcast for the complete narrative.
MASSALIA AT APRIKA (UTICA AT BAGRADAS)“Samantala, habang nasa Hispania na abala sa Ilerda si Caesar, ang mga taga Massilia na noon ay kinubkob ng hukbo ni Caesar sa pamumuno nina Gaius Trebonius at Decimus Junius Brutus Albinus ay nagtipon ng kanilang mga sasakyang pangkaragatan sa otoridad ni Domitius.Naglagay siya sa mga ito ng mga mamamana, mandirigmang taga Gaul at mga desperadong Romano na dala niya mula Italia at pinagsilbi niya ang mga ito na mga marino. Namuno si Decimus Brutus ng Kampong Pompey ng mas kakaunting mga bapor subalit ang mga nakasakay doon ay karamihan ay silang pinakamagagaling na mga sundalo sa lehiyon ni Caesar. Nakahanda silang makipagbakbakan ng husto na gamit ang kanilang ga armas. Malakas ang kanilang loob dahil nasa kanila rin ang mga kagamitang kakailanganin sa pagbihag at pagsakay sa mga barko ng kalaban.”“…SAMANTALA SA ROMA ini-nominar ng praetor doon na si Marcus Lepidus si Caesar upang maging diktador. Agad na nagkumpirma ang senado. Ipinaalam ito kay Caesar na noon ay nasa Massilia at kaya noong natapos ang pagkubkob sa Massalia at sumuko na ang kabayanan, tumungo sa Roma si Caesar. Sa mga panahong ito, alam na ni Caesar ang nangyaring sakuna sa kanyang dating legatus na inatasan niyang kumandante ng hukbong sasakop sa Sicily at tutungo sa Aprika na si Gaius Scribonius Curio.” “…Si Curio ay tribuno ng mga plebeyo sa nakaraang taon at siya ang nagmungkahi na upang maresolba ang hidwaan noon sa senado dapat ay pareho sina Caesar at Pompey na alisang ng hukbo at kung hindi ay ideklara silang parehong kaaway ng publiko. Dapat hindi kay Caesar lamang ibigay ang kondisyon na iyon. Hindi pumayag ang senado, bagkus ay pinagbotohan nilang alisan si Caesar ng hukbo. Kasabay ng pangyayaring ito ang pagtapos noon ng pagkatribuno ni Curio at siya ay tumuloy sa Ravenna, sa may pampang ng Ilog Rubicon para makisugpon kay Caesar. Kasama si Curio noon sa hukbo ni Caesar sa nangyaring digmaan laban sa tribung Gaul sa Corfinium kung saan si Curio ay nagdala doon noon ng dalawampu’t dalawang pangkat ng narekluta niyang sundalo sa hukbo. Pagkabigay ni Caesar kay Curio ang tatlong lehiyon para sakupin ang Sicily siya ay tumuloy siya sa Aprika..” “…Nagtungo si Curio sa Sicily sa Abril. … Dahil sa kakulangan ni Curio sa karanasan sa digmaan, ipinadala sa kanya ni Caesar bilang legatus niya, si Gaius Caninius Rebilius na beterano at maasahan sa labanan at sa panahong iyon ay magmumula sa Brundisium….”“…Nalaman din ni Curio ang pagdating ng hari na ang kanyang armi ay mga dalawampung tatlong milya lamang ang layo nito sa kanya kaya iniwan niya ang Utica at nagpunta siya sa Castra Cornelia na ginawa niyang kampo.”“…. Nagpadala ng madali-ang mensahe si Curio sa Sicily at hiningi niya na ang kanyang mga opisyal doon ay kaagad na magpadala ng dalawang lehiyon at ipadala rin ang kabalyerya na ipinaiwan niya doon.”“…may mga tumiwalag sa kabilang kampo sa Utica na nagpunta sa kanya at nagbalita tungkol sa parating na puwersa ng mga Numidia. Ipinagpilitan nila na si Haring Juba ay wala roon at sa katunayan ay nasa malayo pa siya, nasa isang daan at dalawampung milya ang layo niya sa kanila sa malapit sa Leptis at siya’y abalang nagreresolba ng pag-alsa doon. Sinabi nila na ang dumarating na hukbo na pinamunuan ni Surra ay kakaunti lamang sila. Inutusan ni Curio ang kanyang kabalyerya pagdating ng dilim na hanapin nila kung nasaan nagkampo itong si Saburra. Nagbilin din siya na hintayin siya at ang hukbo doon dahil susunod sila. Nag-iwan siya ng ka-apat ng kanyang puwersa sa kampo sa kamay ni Marcius Rufus at noong bago magbukang liwayway, nagpunta si Curio sa Ilog ng Bagradas…”Please listen to the podcast for the complete story in this chapter (13)
Part 12 Imperio Romano-Julius CaesarLabanan sa Brundisium, Massalia at Ilerda49 BC, Marso BRUNDISIUM“Noong ika siyam ng Marso (49 BC), nakarating si Caesar sa Brundisium (siyudad ng Brindisi sa pampang ng Calabria sa Karagatang Adriatiko) na ngayon, at nalaman niya na naipadala na ni Pompey ang karamihan ng kanyang armi patawid sa Dagat Adriatiko patungong Epirus sa Gresya. Nakapagpabakwit na rin siya ng maraming mga senador at opisyal na paalis doon at naghihintay siya noon ng sasakyang babalik para silang mga naiwang panghuling sumakay ay tumungo na rin doon. Pinatibay niya nang husto ang pagguwardiya sa siyudad.Kaagad na kinubkob at binarikadahan ni Caesar ang siyudad at pinasimulan niyang barikadahan ang bunganga ng lawa.Nagpatayo siya ng pantalan sa magkabilaang panig ng may haba na nagpahanggang sa pinakamalalim na bahagi ng tubig kung saan sila maaring makapagtayo. Nagpagawa siya ng mga balsa na naka-ankla sa kalaliman ng tubig at nakahilera mula sa isang pier hanggang sa kabila. Nagtayo siya ng tore sa mga balsang ito at pinaguwardiyahan niya ng mga sundalo. Sinigurado niyang lahat ng sulok ay walang malulusutan….”“… siya’y umasa pa rin noon na si Pompey ay aatras at makikipag- ayos ng kasunduan. Nagpadala siya ng mensahe kay Pompey para sila mag-usap ng harapan subalit hindi siya sinagot nito. Magpagayunman, inutusan ni Caesar si Gaius Caninus Rebilus na makipagkita sa isa sa mga tauhan ni Pompey na si Lucius Scribonius Libo at kumbinsihin nito si Libo na noon ay kaibigang malapit ni Rebilus, na mag-organisa siya ng ng pag-uusap nina Caesar at Pompey para hangga’t maari ay maiwasan ang digmaan. Ang sagot noon ni Pompey ay anumang negosasyong ganoon noon ay imposibleng mangyari dahil wala ninuman sa mga nahirang na konsul ng pamunuang Roma ang naroon upang mapatnubayan nila ang pag-uusap nila. Tinanggap ni Caesar ang kasagutang iyon ni Pompey na ang katuturan nito ay wala na talagang pagkakataon o pag-asa pa ng usapang kapayapaan. Sapagka’t natanto niya na pinag-isahan na siyang pinagsarhan ng ano mang pakikipag-usap, panindigan niya nang isulong ang kanyang pakikipaglaban. Kaya lalo na niyang pinabilis ang pagkubkob sa siyudad ng Brundisium….Ang sasakyang pandagat na hinintay ni Pompey ay bumalik bago natapos ang mga trabahong ipinagagawa ni Caesar na pangbalakid sa pinaglagiang siyudad ni Pompey. Naging mabagal ang trabaho ng mga manggagawa ni Caesar dahil hindi huminto ang hukbo si Pompey mula sa loob ng siyudad na nagpadala ng mga bapor at mga balsa para guluhin ang mga ito. Kay hindi natapos ang mga trabahong pangharang na pinapagawa ni Caesar bago bumalik ang sasakyan para kay Pompey….”“…. PAG-ALSA NG SIYUDAD NG MASSILIANaglakbay siyang (si Caesar) tungong Hispania subalit naantala siya sa puerto ng Massilia (siyudad na ng MARSEILLES ngayon sa Timog ng Pransiya).Noong dumating si Caesar doon nakita niyang sarado at naharangan ang malaking pintuan sa pader na pumaikot sa siyudad at batay sa tala ng kanyang intelihensiya, naghanda ang mga mamamayan ng matagalang pagkubkub at nakipag-ayos ng tulong mula sa isang katutubong tribung galit kay Caesar. Naki-anib na noon ang mga mamamayang Massilia sa panig ng mga Optimates ng Senado na kaanib ni Pompey.Noong nagkagulo ng pamunuan at senado sa Roma sa Enero, ang mga kabataang Aristokratong Massiliote sa Roma ay pinabalik sa Massilia ng Roma para magdala sila ng mensahe. Noong paalis na sila sa Roma, binigyan sila ng instruksiyon ng senado at kasama si Pompey na sabihin nila sa kanilang pamunuan sa Massilia na nararapat nilang kalimutan nang isipin ang nakaraang kagandahang loob sa kanila ni Caesar…..”Please listen to the podcast for the full story in this chapter.
Sa nakaraan, nasugpo na ni Caesar ang boong katribuhang katutubo sa Malayong Gaul kung saan siya namalagi bilang pro konsul o gobernador ng dalawang termino magmula taong (50BC). Nai-ayos niya na ang otoridad ng Pamunuang Roma doon at siya’y tinatawag na ng senado at pamunuang Roma at pinapabalik na siya bilang pribadong mamamayan. Pinagbibitiw na rin siyang kumandante ng hukbo ng mga lehiyon na kanyang pinalaki sa Gaul. Tinanggihan ang kanyang hiling na pagkandidatuhin siya bilang konsul in absentia dahil kailangang pupunta siya sa Roma bilang pribadong mamamayan kung gusto niyang kumandidato. Alam ni Caesar na manganganib siya na babalik bilang pribadong mamamayan na wala siyang hukbong suporta. Marami ang magtatangka sa kanyang buhay. May mga pulitiko na gustong magpabagsak kay Caesar dahil sa kanyang panagumpay sa Gaul. Subalit, noong sabihan siyang bitawan niya ang hukbong tapat sa kanya samantalang si Pompey ay hindi papayag na tiwalagin ang nasa kanyang hukbo, bagkus ay malamang na ipapasa pa ng senado kay Pompey ang pangkalahatang pagka-kumandante, ito ay nagbantang panganib kay Caesar. Ito ay dahil si Pompey ay pumanig na sa partidong republikano ng mga Optimates.Mula sa kinaroroonan ni Caesar sa Cisalpina, maingat siyang nagbalak at iniwasan niyang mabagabag. Sa kanyang isipan, siya ay naiipit at nasusukol sa pagdesisyon.Ang pakiwari niya ay hinuhubaran na siya ng oportunidad at karapatan. Walang ibinigay sa kanya ng pamunuan na pamaraang garantiya ng kanyang kaligtasan.Kung susunod siya sa utos ng senado, buhay niya’y lubusang manganib. Kung sasalungat siya, siya ay tataguriang rebelde na lumabag sa batas. Malalim siyang nag-isip. Ipinadala niya si Gaius Scribonius Curio sa senado sa Roma para ibigay nito ang kanyang mensahe at ang ipinabalik na kasagutan ay bagay na hindi niya maubos maisip. Hindi lamang tinanggihan ang kanyang proposisyon idineklara na siyang kaaway ng publiko mula a-siyete ng buwan.Iniwasan niyang magkaroon ng suspetsa ang mga tao na ang hukbong kanyangdala ay mayroong susuungin na maisasaganap. Dala ni Caesar ang isang pangkat ng hukbo na tapat sa kanya, ang Lehiyong Gemina na Panglabingtatlo na nanilbihan sa ilalim niya sa mga labanan sa Gaul. Ang lehiyon niyang ito ay una niyang binuo noong taon ng 57 BC at subok na niyang isa ito sa mga pinakamapagkakatiwalaan at maa-asahang lehiyon sa arming Romano.Nagpahinga siya at ang kanyang hukbo sa Ravenna, siyudad na daungan at base ng armadang Romano at bandang hilaga ng Ilog ng Rubicon. Pinulong niya ang kanyang mga tauhan at siya’y nangag-usap sa kanila. Ang katugunan ng mga sundalo ay ang kanilang pangakong manatili silang tapat sa kanya.Naglakbay sila sa gabi at sa unang gabi minalas sila dahil ang kanilang mga sulo ay namatayan ng siga. Nagkandaligaw ang mga ito hanggang sa lumiwanag at nakakita sila ng isang magsasaka na siyang nagturo sa kanila ng daan. Nakarating sila sa tamang daan at nagpatuloy na sila sa pampang ng Rubicon na kung saan naroon ang kanilang mga naghihintay na kasama.Tutuloy ba sila o hindi. Kung tutuloy sila, ito’y magiging tanda ng paghimagsik laban sa Roma dahil nasa alituntunin ng Romanong batas noon na ang pagtawid sa Rubicon na may kasamang hukbo ay itinuring na ‘pagtataksil.” Labag ito sa batas ….Kung magpatuloy siyang tumawid sa Italia kasama ng kanyang hukbo, sa kabila na inutusan na siya ng Roma na tiwalagin niya ang kanyang armi at bumalik na siya sa Roma, ito ay ituturing ng Roma na deklarasyon ng digmaan at aksiyon ng pag-aalsa…..Kapag may digmaan, maraming mga buhay Romano ang masasangkot, mawawasak at malalagas…Pls listen to the podcast for the whole story in this chapter.
Part 10 - Uxellodunum“Si Caesar ay nanatiling abala sa teritoryong Gaul na kanya noong hinati ng tatlong bahagi - Gallia Celtica, Gallia Belgica at Galla Aquitania. Noong dumating ang tagsibol sa taong 51 BC, sumuko na sa mga Romano ang mga katutubong Belgae. Ang pagkawasak ng. tribung ito ay nasa puntong malayo nang mangyari na maghimagsik silang muli.Subalit mayroon noong dalawang pinuno ng tribu sa Timog-Kanluran ng Gaul – sinaDrappes ng tribung Senones at Lucterius na pinuno ng mga Cadurci na patuloy noong umaalsa at naglalakbay na nanghihimok ng mga taong sumali sa kanya. Si Lucterius ay dating kasama ni Vercingetorix na nagpatuloy sa pagpalaganap ng resistansiya kahit noong nsumuko si Vercingetorix. Siya ay may katangi-tanging lakas ng loob. Nakapagtipon noon ni Drappes ng mga patapon at mga desperadong lumaban na katutubo na napulot niya kahit saan kasama na ang mga tulisan. Nanatili silang mailap at noong inokupahan nila ang bayan ng Uxellodunum sa taas ng Ilog Dordogne, malapit sa pook na Vayrac sa Pransiya, kanilang lalongpinatatag ito.Ang bayan ay pag-aari ng tribung Cadurci, mga katutubo ng rehiyonng Quercy sa lugar na sa ngayon ay tinatawag nang Cahors sa Pransiya.Matibay ang oppidum na ito, at bawat bahagi ng bayan na ito ay nakasanggalang sa pinakamapanganib at matataas na mga bato. Kahit ito ay hindi maguwardiyahan,mahirap akyatin ito ng sino mang manlupig. Magpagayunman, ang mga tao ay may saganang mga probisyon.Matibay ang proteksiyon ng opidum ng Uxellodunum dahil halos buong kabuuan ng burol na kinalugaran nito ay napaligiran ng ilog. Isa pa,ang mga pader na itinayo ng mga Cadurci ay lubos na napakatibay.Isang bahagi ng kutang-bayan na ito ay protektado ng bundok na nanghahadlang sa anumang pagpasok ng anumang kaaway mula doon.Ipinasa-kamay noon ni Caesar kay Legatus Gaius Caninius Rebilus kasama ng dalawang lehiyon ng sundalong Romano ang mga umaalsang senones at Cadurci.Ang mga sundalong Romano ay sabik noong magsimulang sumabak muli sa aksiyon dahil sa pagnasa nilang maulit ang nangyaring pananagumpay nila sanakaraang bakbakan sa Alesia. Sinundan ni Caninius Rebilus sina Drappes at Lucterius sa Uxellodunum.Pagdating doon ni Rebilus, nagkampo sila sa mataas na lugar sa may gilid ng oppidum upang makapaneguro sila na ano mang pagtatangkang pag-eskapo ng mga tribu mula sa kutang bayan ay masusugpo nila. Sa paraang ito, ang layunin ay ang lubusang masarhang makulob ang bayan.Ang pinuno ng mga Senones na si Lucterius ay beterano na sa labanan at isa siya sa mga nakatakas sa nakaraang digmaan sa Alesia kaya alam niya ang epekto ng kagutuman sa loob ng kinubkob na lugar.Kaya nagpasya siyang mag-organisa ng pansamantalang pagpuslit na kasama si Drappes at hukbong tribu mula sa kampo para mangolekta sila ng pagkain at probisyon. Pansamantala silang nag-iwan ng dalawang libong mandirigmang tribu. Pumuslit sila sa kadiliman ng gabi. Ang mga katutubong Carduci na nakatira sa mga karatig na pook ay nagbigay ng mga pagkain at probisyon sa mga rebeldeng sundalong tribu. Ginawa nila ang pangolekta ng ilang gabi hanggang nakaipon sila ng malaking kantidad ng mais. Pagkatapos silang makalikom ng probisyon para sa mga tao sa bayan, nagkampo sina Drappes at Lucterius sa puwestong mga sampung milya ang layo mula sa bayan dahil ang balak ay mula doon, dadalhin nila ang suplay na mais sa loob ng bayan nang unti-unti.Pinaghatian nina Drappes at Lucterius ang trabaho: ang pangkat ni Drappes ang nagbantay sa kampo, si Lucterius ang nagdala ng komboy ng hayup na nagkarga ng bagaheng mais tungo sa bayan. Pagkatapos na nag-atas si Lucterius ng toka ….”