Discover
Philippine Sports History

Philippine Sports History
Author: Philippine Sports History
Subscribed: 3Played: 57Subscribe
Share
© Philippine Sports History
Description
Pagbibigay Pugay sa Atletang Pilipino. Philippine Sports History - Ang natatanging Pinoy podcast para sa kasaysayan ng Philippine Sports.
Support our Podcast:
https://anchor.fm/philippine-sports-history/support
Follow us on Our Social Media Accounts:
Facebook: https://www.facebook.com/PhilippineSportsHistory/
YouTube: https://www.youtube.com/philippinesportshistory
Instagram: https://www.instagram.com/philippinesportshistory/
Twitter: https://twitter.com/PhSportsHistory
Website: https://phsportshistory.com/
Patreon: https://www.patreon.com/philippinesportshistory
#PhilippineSportsHistory
Support our Podcast:
https://anchor.fm/philippine-sports-history/support
Follow us on Our Social Media Accounts:
Facebook: https://www.facebook.com/PhilippineSportsHistory/
YouTube: https://www.youtube.com/philippinesportshistory
Instagram: https://www.instagram.com/philippinesportshistory/
Twitter: https://twitter.com/PhSportsHistory
Website: https://phsportshistory.com/
Patreon: https://www.patreon.com/philippinesportshistory
#PhilippineSportsHistory
40 Episodes
Reverse
Si John Riel Casimero ay pinanganak noong February 13, 1990 sa Ormoc City, Leyte. Sa edad na disisyete anyos, pumasok na si Casimero sa professional boxing kalaban si Lobert Bayo noong June 3, 2007. Pagkaraan ng isang taon sa pro boxing ay nabigyan agad siya ng oportunidad na lumaban sa national at regional title belts kalaban si Rodel Quilaton at Thai boxer na si Veerapol kung saan nya nakuha ang mga titulong Filipino Flyweight title at WBO Asia Pacific Flyweight title.
http://phsportshistory.com/
Bago pa maging isa sa pinakamahusay na pound for pound boxer ang tinaguriang The Matrix na si Lomachenko, nagtala muna ito ng impresibong record na 396 wins at 1 loss bilang amateur boxer. Ang natatanging talo niya sa kanyang amateur career ay nagmula pa noong 2007 AIBA World Boxing championship ng matalo siya sa Gold Medal match kalaban ang russian boxer na si Albert Selimov at tanghalin bilang silver medalist sa Featherweight division. Dito ay minsan niyang nakasabay ang ating pambato na si Harry Tañamor na naguwi din ng silver medal para sa Light Flyweight division at iba pang boxers na nagsimula sa AIBA kagaya nina Nordine Oubaali, Raushee Warren at Amnat Ruenroeng. Mula sa pangyayari na un, hindi na muling natalo si Loma na nagbunga naman ng dalawang Gold medals noong 2008 at 2012 Olympic Games.
http://phsportshistory.com/
Kapag napaguusapan kung sino nga ba sa mga pinoy boxers ang may pinakamatagal na record na pagiging champion ay nangunguna diyan ang pangalan niDonnie "Ahas" Nietes. Siya lang naman ang bumasag sa dating record ni Flash Elorde na pitong taon na pagiging kampeon sa super featherweight division. Pero bago yan ay atin munang talakayin ang boxing history ni Donnie Nietes.
https://phsportshistory.com/
Kapag napaguusapan kung sino ba ang may pinakamalupit na boxing resbak mula sa mga pagkatalo ng mga pinoy boxers ay nangunguna jan ang pangalan ni Malcolm Tuñacao. Siya lang naman ang bumawi sa titulo na WBC at lineal flyweight title ng ating pambansang kamao nung siya ay matalo kontra kay boonsai sangsurat. Pero bago yan ay atin munang talakayin ang buhay ni Malcolm Tuñacao.
https://phsportshistory.com/
Kapag napaguusapan ang top 5 PBA players of all time ay hindi mawawala ang greatest power forward sa kasaysayan ng liga na si Alvin Patrimonio. Siya lang naman ang pangalawang player na naging back to back MVP at naging four time MVP sa kasaysayan ng PBA. Pero bago yan ay atin munang kilalanin kung paano nagsimula si The Captain.
https://phsportshistory.com/
Kapag napaguusapan kung sino ba ang greatest PBA player of all time ay hindi mawawala sa diskusyon ang nagiisang El Presidente na si Ramon Fernandez. Dahil siya lang naman ang all time leader in scoring, rebounding, blocks, free throws made at minutes played sa kasaysayan ng PBA. Ngunit atin munang alamin kung sino nga ba si El Presidente.
Kapag sinabing Rookie MVP, ang unang papasok sa ating isipan ay walang iba kung hindi si Benjie Paras. Siya lang naman ang number 1 draft pick ng kupunangFormula Shell noong 1989 PBA draft kung saan siya ang rookie of the year at Most Valuable player ng season na iyon. Pero bago yan ay atin munang talakayinkung sino si Benjie Paras sa loob at labas ng hard court.
Si Eugenio Torre o mas kilala bilang Eugene ay tubong Ilo-ilo kung saan sya pinanganak noong November 4, 1951. Alam nyo ba na ang kanyang interest sa paglalaro ng Chess ay namulat ng siya ay nakikipaglaro sa kanyang tatlong nakakatandang kapatid? Bilang nakakabatang kapatid ay binibigyan pa siya ng partida kung saan aalisin ang isang opisyal na katulad ng rook o queen para maging patas ang laban ngunit kinalaunay nakakasabay na ang batang eugene sa kanyang mga kapatid kung saan nadiscover ang kanyang potensyal sa Chess.
Si Rafael Nepomuceno o mas kilala bilang Paeng ay isang Filipino bowling champion na pinanganak sa Quezon City noong January 30, 1957. Siya ay anak ngisang bowling coach na si Angel Nepomuceno at ng asawa nito na dating Miss Philippines na si Teresa Villareal.
Si Lydia De Vega ay miyembro ng Gintong Alay Track and Field na nilagdaan ni Pangulong Marcos noong 1979. Siya ay tubong Meycauayan, Bulacan kung saan sya ay pinanganak noong December 26, 1964.
Si Carlos Matute Loyzaga o kilala bilang Caloy ay isang Filipino basketball player na pinanganak sa Maynila noong August 29, 1930. Siya ang pangapat sa mga anak ni Joaquino Loyzaga Sr. at Carmen Matute kung saan ang ama nya ay naging kakampi pa ni Paulino Alcantara sa Far Eastern Championship games para sa Football at nakilala bilang isa sa mga miyembro na tumalo sa Japanese Football team sa score na 15 to 2.
Si Francisco Guilledo o kilala bilang Pancho Villa ay mula sa Ilog, Negros Occidental na pinanganak noong August 1, 1901. Anim na buwan simula ng siya aypinanganak ay iniwan na sila ng kanyang ama kaya sa murang edad pa lang ay kailangan nya na magtrabaho para tulungan ang kanyang ina sa pagaalaga ng mga kambing ng isang maharlikang pamilya sa kanilang bayan.
Sino nga ba si Luisito Espinosa? Totoo ba na minsan siyang naloko ng boxing promoters dahil sa pera? Ano nga ba ang nangyari sa kanya pagkatapos ng kanyang boxing career?
Sino nga ba si Bogs Adornado? Totoo ba na naimbitahan sya para ma-draft sa NBA? Anong nangyari sa kanya pagkatapos ng kanyang PBA Career?
Sino nga ba si Onyok Velasco? Nadaya nga ba siya noong 1996 olympics para sa unang gintong medalya para sa Pilipinas? Bakit hindi siya nag professional boxing pagkatapos nya sa olympics?
Sino nga ba si Skywalker?
Si Avelino Borromeo Lim Jr. o kilala bilang Samboy Lim
ay isang former PBA player na pinanganak sa Maynila noong April 1, 1962
Kinse anyos palang sya noon nung nadiscover sya ng Colegio de San Juan de letran
nang makita nila si Samboy na naglalaro sa Phil Am Life Homes sa Quezon City.
Siya ay naglaro para sa coach na si Larry Albano kung saan nya tinulungan ang
Letran Knights ng magkaroon ng NCAA grandslam title noong 1982 hanggang 1984. Siya
ay consistent MVP contender simula nung pagapak nya palang sa NCAA, kung saan naging
katunggali pa nya ang kanyang mga teammates na sina Jerry Gonzales at Romeo Ang bago
nya makuha ang 1984 NCAA MVP.
Bago sya maging professional basketball player ay naimbitahan muna sya maglaro para
sa NCC squad para irepresenta ang pilipinas sa Jones Cup, SEA Games at Asian Basketball
Championships bago tuluyang madisband ang kupunan kasabay ng pagbagsak ng Marcos
government. Ito ay pagmamayari ni Danding Cojuangco at karamihan ng kanyang mga player
dito ay pinasok nya sa kanyang kupunan sa PBA na San Miguel Beermen.
Sa kanyang international games bilang manlalaro ng Pilipinas ay nakakuha sya ng
dalawang ginto mula sa FIBA Asia at Silver at Bronze naman mula sa Asian Games.
Sino nga ba si the beast?
Si Calvin Abueva ay isang Filipino basketball player na
pinanganak sa Angeles City, Pampanga noong February 4, 1988
Siya ay nagaral ng kolehiyo sa san sebastian college sa maynila.
Sa ilalim ng pamamahala ni coach ato agustin ay
Tinulungan nya ang San Sebastian na talunin ang powerhouse team na San Beda
para makuha ang kampeonato
Masasabi rin na isang NCAA legend itong si Calvin Abueva dahil sa huling
dalawang taon nya bilang San Sebastian Stags nagaaverage sya ng double double
figures na 20 points at 15 rebounds per game
Naging MVP na sya kahit 3rd year palang sya sa college at matuturing na shoo-in
na para sa kanya ang pangalawang MVP award para sa kanyang senior season
ngunit sa di inaasahang pangyayari ay nadisqualify sya pagkuha ng kahit anong
individual award nung season na un dahil sa pagsuntok nya sa lyceum player
na si Vence Laude na nagpawalang bisa ng kanyang mvp candidacy.
Bago sya nagpadraft sa PBA ay naglaro muna sya sa PBL para sa NLEX road warriors
kung saan natulungan nya itong makakuha ng tatlong sunod na kampeonato.
Sya ay naging second overall pick ng 2012 PBA Draft kung saan naman naging
1st pick ang the Kraken ng PBA na si June Mar Fajardo
Sino nga ba si The Bull?
Si Nelson Asaytono ay isang former PBA player na
pinanganak sa San Teodoro, Oriental Mindoro noong January 25, 1967
Siya ay naglaro noon para sa University of Manila para sa coach na si Loreto Tolentino
Bago sya maging professional basketball player ay naimbitahan muna sya maglaro
para sa RP Youth team noong 1986 kasama sina Benjie Paras at Paul Alvarez
kung saan nakakuha sila ng silver medal para sa ABC Junior Championships.
Pagkatapos ng kanyang college career at pagrepresenta para sa RP Youth team
ay naglaro muna sya ng tatlong taon sa PABL sa kupunan na Magnolia Ice Cream.
Kung saan nanalo sila ng tatlong championships sa ilalim ng pamamahala ni Derrick Pumaren.
Noong 1989 ay napagpasyahan nya ng magdeclare sa PBA draft pagkatapos ng kanyang
successful amateur career. Siya ay napili bilang 2nd overall pick ng Purefoods franchise
kung saan naman naging number 1 pick ang Rookie MVP na si Benjie Paras.
Nakita ng mga PBA Analyst at teams na malaki talaga ang potential ni Nelson Asaytono
dahil mas nauna pa syang napili kesa kay Bong Alvarez, Dindo Pumaren at Ato Agustin.
Para maempasize ko lang ang kanyang basketball skills, sa taas na 6'4 na kadalasang
forward o center sa PBA ay masasabing all around player tong si asaytono dahil sa
kanyang outside shooting, shot creation, passing ability at isama mo pa ang kanyang
high leaping ability na maikukumpara kina vergel meneses at samboy lim.
Sino nga ba si Jawo o si Robert Jaworski? Sa kanya ba nagsimula ang never say die attitude ng Ginebra? Siya ba ang oldest player to play in PBA? Balikan natin ang isa sa pinakasikat na manlalaro sa kasaysayan ng PBA. Alamin ang kanyang basketball journey kung bakit siya tinawag na Living Legend o Big J. #NeverSayDie #LivingLegend #BigJ #Jawo
Sino nga ba si Gabriel "Flash" Elorde? Ginamit nya ba ang Balintawak Eskrima sa Boxing? Siya ba ang unang Asian Boxer hall of famer? Tunghayan natin ang pangatlong episode sa ating series na Forgotten Filipino Athletes. Siya ang Filipino boxing icon noong 1960s at isa sa pinakamalaking boxing brand sa Philippine Sports History. #FlashElorde #LauraElorde #ElordeBoxingGym