DiscoverSBS Filipino - SBS sa Wikang Filipino
SBS Filipino - SBS sa Wikang Filipino
Claim Ownership

SBS Filipino - SBS sa Wikang Filipino

Author: SBS

Subscribed: 317Played: 24,492
Share

Description

Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians. - Balitang walang kinikilingan at samu’t saring kwentong iniuugnay kayo sa buhay Australya sa wikang Filipino.
2009 Episodes
Reverse
SBS, also known as Special Broadcasting Service, is celebrating 50 years as the voice of multicultural Australia. To mark this milestone, we had the pleasure of reconnecting with one of the station’s pioneering voices. - Ipinagdiriwang ng SBS, o Special Broadcasting Service, ang ika-50 taon bilang tinig ng multikultural na Australia. Upang gunitain ang mahalagang okasyong ito, nagkaroon kami ng pagkakataong muling makipag-ugnayan sa isa sa mga nangungunang boses ng radyo.
Understanding Ahpra and its role: strengthening CALD representation, especially for Filipinos in Australia’s healthcare sector. - Alamin kung ano ang Ahpra at bakit mahalaga ito lalo na sa malaking populasyon ng mga Pinoy sa Australia na nasa health sector.
In SBS Filipino’s live radio broadcast at the FECCA 2025 National Multicultural Health and Wellbeing Conference, University of Technology Sydney (UTS) School of Public Health Adjunct Fellow Michael Camit (PhD) shared insights on health literacy and why understanding health information is key to better health outcomes for culturally and linguistically diverse communities. - Sa live radio broadcast ng SBS Filipino sa FECCA 2025 National Multicultural Health and Wellbeing Conference, ibinahagi ni University of Technology School of Publich Health Adjunct Fellow na si Michael Camit (PhD) ang kahalagahan ng health literacy o “kasanayan sa kalusugan.”
Stay informed, stay connected - SBS Filipino shares the news and stories that matter to Filipinos in Australia. - Hatid ng SBS Filipino ang mga balita, impormasyon at kwento ng mga Pinoy sa Australia.
Alamin ang pinakamainit na balita ngayong Martes sa SBS Filipino.
Sa Philippine Investment and IT-BPM Forum na ginanap noong Oktubre 24 sa Bulwagang Rizal ng Philippine Consulate General sa Sydney, ibinahagi ng mga kinatawan ng iba't ibang ahensya at kumpanya mula Pilipinas ang mga oportunidad sa investment para palakasin ang ugnayan ng Pilipinas at Australia sa larangan ng information technology and business process management (IT-BPM) industry.
Ang bayan ng Catanduanes ang isa sa mga lalawigang matinding sinalanta ng Super Typhoon Uwan (Fung-wong) nitong weekend. Labis na nag-aalala ang mga kaanak sa Australia ng mga nasa apektadong lugar, isa na dito si Nancy Rubia Simmons matapos mawalan ng komunikasyon sa kanyang pamilya.
Sa episode na ito ng Usap Tayo, tinalakay ang paghina ng Bagyong Uwan at kung paano muling ipinakita ng Sierra Madre ang mahalagang papel nito bilang panangga laban sa malalakas na kalamidad
Ilang advocates ang nanawagan na kinakailangan ng bansa ang isang pambansang imbestigasyon hinggil sa workplace racism.
Just a week after Typhoon Tino, Typhoon Uwan hit the Philippines, reigniting fear among Filipinos in Australia for their families back home. - Isang linggo lamang matapos ang Bagyong Tino, tumama ang Bagyong Uwan sa Pilipinas, muling nagdudulot ng takot sa mga Pilipino sa Australia para sa kanilang mga pamilya sa bayan.
Alamin ang pinakamainit na balita ngayong Lunes sa SBS Filipino.
Sa Trending Ngayon podcast ng SBS Filipino ngayong linggo, mainit at magiliw na pinag-uusapan ang pinakabagong palabas na Physical: Asia kung saan tampok ang walong bansa kasama ang Pilipinas at Australia na binubuo ng mga elite athlete sa paligsahan ng palakasan at resistensya.
Mula sa kanyang pagkabata sa Groote Eylandt sa Northern Territory hanggang sa lumipat sa Brisbane noong kanyang kabataan, nakagisnan ni Emily Wurramara ang parehong kultura ng kanyang inang Aboriginal at Pilipino ama, na parehong nagbigay-inspirasyon sa kanya na tahakin ang mundo ng musika.
Alamin ang pinakamainit na balita ngayong Linggo sa SBS Filipino.
Magtatanghal sa Melbourne ang OPM singer na si Jex De Castro, na kilala sa kanyang emosyonal na tinig. Sa panayam, ibinahagi niya na hindi siya nawalan ng pag-asa sa kabila ng paulit-ulit na pagsali sa mga singing competition, hanggang sa tuluyang makamit ang tagumpay.
Here are today's top stories on SBS Filipino. - Alamin ang pinakamainit na balita ngayong Sabado sa SBS Filipino.
Anindilyakwa-Filipino Visayan singer-songwriter Emily Wurramara proudly shares how her identity and music are deeply rooted in the combined cultures of her Aboriginal Australian mother and Filipino father from Negros Occidental — two cultures that shaped, nurtured, and continue to inspire her. - Lumaking mulat sa dalawang kultura ang Anindilyakwa-Filipino Visayan singer at songwriter na si Emily Wurramara. Buong pagmamalaki niyang ibinahagi na ang kanyang pagkatao at musika ay malalim na nakaugat sa pinagsamang kultura ng kanyang inang Aboriginal Australian at amang tubong Negros Occidental sa Pilipinas — dalawang kulturang sabay na humubog, nagpalaki, at patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa kanya.
Many Filipino seniors in Melbourne became digitally equipped through one-on-one tutorials with digital mentors. They were taught to become familiar with the computer, smartphone and navigate the internet. - Maraming mga seniors sa Melbourne ang tinuruang maging digitally ready noong 2018. May mga digital mentors na nag-one-on-one sa mga seniors at tinuruan silang i-navigate ang mga computer, smart phone at internet.
Cebu residents are appealing for generator sets they can use to clean up mud left behind by floodwaters. - Hiling ng mga residente sa Cebu hindi pera o pinansyal na tulong ang kailangan ngayon kundi generator sets para magamit sa paglilinis ng makapal na putik na iniwan ng baha
Alamin ang mga praktikal na paraan para sa mga Pilipino at Australyano na bawasan ang basura sa bahay, mag-recycle nang tama, at suportahan ang pambansang layunin para sa kalikasan.
loading
Comments (1)

Carol Lawrence

Exciting opportunity! https://www.autobidmaster.com/en/locations/usa/new-jersey/ , as a licensed representative of Copart in New Jersey, is extending a warm invitation to car enthusiasts to join the thrill of car auctions in the Garden State. With the chance to bid and potentially win the vehicle of your dreams, it's a unique experience worth exploring. Discover hidden treasures in New Jersey's junk yards and find something special that suits your passion for cars. Happy bidding and best of luck to all participants!

Jan 1st
Reply
loading