Suggested Rants ng Pinoy

Madalas, mahilig tayo umangal. Pero pano kung meron ng ibang aangal para sa'yo? Join Jet, Jolo, and Raffy incessantly rant about life and everything in between. Uploads once a week. Rant on! wanna talk to us? email us at suggestedrantsngpinoy@gmail.com

S2 E4: Not Just a Love Survivor

Lintik na pag-ibig, parang kidlat! Parang tama nga ng kidlat ang nadama ng aming special guest sa episode na ito nung siya ay nasawi sa pag-ibig. Buti at pinalad siya kaya naman ngayon ay matatawag ng Love Survivor. From humble beginnings in the province, bantay sa tindahan at simpleng tumatambay sa kanto. To finding fame through what can only be described as a perfect alignment of the stars. Join us on this rollercoaster of an episode that tackles old school vhs porn, mga kapitbahay na manyak, finding and losing love, God's plan, and what redemption truly means. Tagay para sa lahat ng mga survivors! 

09-19
01:27:27

S2 E3: Ballot Crisis

Sawang-sawa na tayo sa angal ng mga tao pero may ginagawa ba tayo bukod sa pag puna? Dapat aksyon! Malapit na matapos ang registration period para sa 2022 elections kaya meron kaming guest para talakayin kung paano mag rehistro. Ang hindi bumoto, panget.

09-12
01:11:07

S2 E2: Chaos Between Thy Legs

First time ever for the SRP boys to have a guest and we have someone who has 2 wheels and a lens to grace the podcast. Kwentuhan with alexmotovlog and hear what it takes to go on smooth rides without having a real-life gastrointestinal accident during land trips. Still afraid of getting that bike of your dreams? Start ka muna dito sa podcast. 

09-02
01:29:13

Musta? hehe.

Musta? Ayos lang. Ayos ka lang? Daming mga nakakabadtrip na nangyari sa mundo e no pero buti na lang meron ding mga maayos naman. Congrats sa mga atleta natin! idol namin kayo! Ang layo e no? haha. ganyan muna. Magkwentuhan muna tayo. Kahit ano lang, kahit saan mapunta. Para kang napatambay sa kanto tas nakita mo yung tropa mo tas biglang nauwi sa inuman — olympics, luto, itlog at kung anu-ano pa. Basta, halos lahat ng mga namimiss natin sa dati nating buhay. Gayunpaman, kailangan nating umabante pa rin at tanggapin ang kung anong ibato sa atin. Kaya ito kami, ika nga ni tito douglas --- I (we) shall return!

08-26
01:18:24

Ep12: Aaaaand Cut!

Cynthia Villar, Tito Jhun, Wet Wipes, Rendon Labador. Magkakaibang pangalan, magkakaibang dating. Pero ano ba ang pagkakapareha nila lahat? Bago ka pa magisip ng kung ano, sasabihin ko na. Lahat sila ay natalakay sa nakaraang 11 episodes na nailabas namin. 11! Biruin mo yun, ang nagsimula bilang isang outlet para sa mga saloobin na hindi namin mailabas ay nakapag bunga ng 11 episodes na sa suma total ay 1,103 na minuto o kaya naman 18.38 na oras. Sapat na para makarating ka sa US, may sobra ka pa na 2 oras. Napakadaming napagusapan sa totoo lang. Karamihan ay kalokohan pero may mga seryosong bagay din naman. Kalokohan man o seryosohan, nawa'y kahit pano ay may napulot kayo sa amin. Kung wala naman, ayos lang din. Wala naman kaming paki e. Sa mga tumangkilik at nakinig, maraming salamat (kahit wala nga kaming paki). Ngunit kami muna ay (ayon sa mga artista o sikat na mga tao) mag-hiatus. Sa ngayon pataasin niyo muna play count ng mga nakaraan naming episodes at tangkilikin niyo na rin itong bago. Dito binalikan namin ang aming pagsisimula, pumili ng "highlights" at sinagot ang tanong na: kami ba ay magbabalik? Gusto niyo malaman ang sagot? Puwes, play mo na idol!

07-12
01:30:24

Recommend Channels