DiscoverTagalog Spoken Poetry
Tagalog Spoken Poetry
Claim Ownership

Tagalog Spoken Poetry

Author: Riel’s brainfart @ Tiktok and Instagram

Subscribed: 12Played: 88
Share

Description

Tagalog spoken words made by Riel
8 Episodes
Reverse
Minahal para palayain

Minahal para palayain

2025-10-0101:51

Ngayon alam ko naAlam ko na hindi lahat ng bagay ay mananatili at magtatagalHindi lahat ay maari kong ikipkip sa aking mga palad para ipag damot sa mundoDahil ang iba ay dumating lang para dumaanDumaan para magbigay ng konting saya, ng konting kilig, ng konting dilig sa buhay mong pakiramdam mo’y nanuyot naDumaan para mag silbing alalay sa mga panahon na ayaw mo naDumaan para bigyan ka ng pag-asa na maniwala muli na pwede paPwede kang mag mahal uliYun nga lang, dumating lang sila para dumaanKung kayat kahit gaano man kahigpit ang iyong mga hawakAy walang tamang timpla ng halik o yakapAng makakapigil sa mga yapak na papalayo lagi ang tapakPero bakit?Bakit pa sila dumating para lang dumaan?Bakit pa sila nagpakilala kung kakalimutan lamang?Bakit?Marahil, siguro, para doon lang silaSa mga sandali, saglit, at pansamantalaPara sa mga iilang kabanataPara sa iilang pahinaHanggang doon lamang silaNgunit gayunpamanAy masaya akoDahil ngayon ay alam ko na..Alam ko na na may dumating lang para dumaanDumaan hindi para ikipkip sa aking palad at ipagdamot sa mundoDahil dumaan sila para mahalin koMahalin ng pansamantalaAt palayain ng pang matagalanMusic: Bensound.com/free-music-for-videosLicense code: LLPR18QB3CQ94PRRArtist: : Benjamin Tissot
Music by: Bensound.com/royalty-free-musicLicense code: WSAE4PLGNUQIMNJQArtist: : Benjamin Tissot
Sirang plaka

Sirang plaka

2024-08-1902:25

A Filipino take on Phil Kaye's poem, Repetition
Kumusta ang puso mo

Kumusta ang puso mo

2021-06-2600:58

Minsan akong tinanong “kumusta ang puso mo?” Hindi ko naulinigan ang mga talata pero napatigil ako ng hindi ko sinasadya “Kumusta ang puso mo?” ang ulit niya huminga ako ng malalim at hinahanap ang tamang salita kombinasyon ng mga letra habang nakatitig sa araw na siyang paidlip na “Ito patuloy na tumatanda” ang tugon ko Napatingin siya sa akin Kung kayat nagsimula akong ikwento ka, ang dating tayo, ang kwento nating dalawa, at kung gano katagal na kitang patuloy na minamahal… “Ito patuloy na tumatanda”
Higit

Higit

2021-06-2600:47

Patawad Patawad kung ang hilig kong tingnan ang mga bagay ng higit sa kung ano sila Katulad na lamang ng isang tilas na ang tingin ko ay paru parong dumapo sa sanga o isang rosas na sa paningin ko ay natagpuan ko sa malawak na hardin o ang mga salita na hindi lamang sila titik sa aking pandinig, kundi mga himno na yumayapos sa akin tuwing gabi Kaya patawarin mo ako dahil sa tuwing titingnan kita ay hindi ko nakikita ang ikaw nakikita ko ang pagibig ang tayo ang bukas Patawad
loading
Comments