Tatayhood

Join us in navigating the life of dads from different sides of the world. Sabay sabay tayong manghula at magdiscover ng wonders ng buhay pamilya at parenting sa perspective ng mga tatay. Tatayhood is on Spotify or wherever you get your podcast

# 143 Marriage Stages: Bakit ang Daming Natitigbak sa Stage 3?

 Kung may 6 stages ang marriage, bakit parang karamihan nauuntog at napapagod sa Stage 3: Frustration? Sa episode na ‘to, binubusisi namin ni Ingo ang bawat stage—mula Fantasy hanggang Legacy—with real‑life tatay stories, quick self‑checks, at mga praktikal na tools na pwedeng i‑apply ngayong linggo. Kung nasa Stage 3 ka ngayon, di ka nag‑iisa—merong paraan para makatawid.

09-22
47:55

#142 -Saan Nagtatapos ang Pagiging Magulo, at Nagsisimula ang ADHD?

Narinig na nating lahat ang tungkol sa "malikot" o "makulit" na bata, pero paano kung higit pa pala 'yun?Sa episode na ito, pinag-usapan namin kasama si Teacher Fiji, isang neuroaffirming specialist, ang mga senyales ng ADHD sa mga bata at matatanda. Aalamin natin kung paano makakaapekto ang kundisyong ito sa pang-araw-araw na buhay, ang kaugnayan nito sa autism, at kung paano makakatulong ang tamang pag-unawa at suporta.Makakatulong ang episode na ito para mas maintindihan kung saan nagtatapos ang pagiging magulo, at nagsisimula ang ADHD.

09-15
01:03:18

#141 - Papa Canned Thoughts: Baha ng Pondo

DPWH tea time: may proyekto ba o project folder lang? Isang mabilis na Papa Canned Thoughts lang

09-07
45:32

#140 - Nawawala ba ang Pagkatao Ko Pagkatapos ng Pagiging Tatay?

Mga Papa, ramdam niyo rin ba minsan na parang nawala ang dati n’yong sarili nang naging tatay kayo? Sa episode na ito, sina Tristan at Ingo ay magbabahagi ng personal na karanasan sa pagbabalanse ng trabaho, pamilya, at dating pagkatao. Tatalakayin nila ang identity shift mula sa “ako” tungo sa “kami,” pati ang mga paraan para hindi tuluyang mawala ang sarili—mula sa simpleng hobby hanggang sa pagbibigay ng oras para sa me-time. Puno ng tawa, hugot, at realizations, alamin kung paano lumalawak—hindi nawawala—ang pagkatao ng isang tatay.

09-02
43:36

#139 - GEN Z Things : Laging Connected, Pero Bakit Laging Malungkot?

Mga Papa, bakit nga ba laging online ang Gen Z pero parang mas malungkot pa rin? Sa episode na ito, sina Tristan at Ingo ay kwentuhan tungkol sa stress, burnout, social media pressure, at hirap ng adulting ng mga anak natin. Pero reminder din: hindi kailangan laging may sagot—minsan sapat na ang pakikinig, presence, at pagiging safe space para sa kanila.

08-27
47:56

#138 - Si Nanay sa Home, ako sa decision

Sa episode na ito ng Tatayhood, tatalakayin natin ang mahihirap pero mahalagang desisyon: ilalagay ba si Nanay sa aged care para sa kaligtasan niya, o ipipilit na kami na lang ang mag-aalaga? Paano kung ikaw mismo may cancer at piliin mong huwag nang magpa-treat, para mas mapili ang ginhawa kaysa gamutan? Pag-uusapan natin ang love vs. logistics, autonomy vs. safety, at paano maglatag ng plano nang walang guilt-tripping—para sa mas mapayapang pamilya.

08-21
46:34

#137 - Dear Papa: Masama ba akong anak?

Masama ba ‘kong anak kung piliin ko na ang sarili kong buhay?”Sa episode na ‘to, dissect natin ang guilt, boundaries, at utang na loob—paano bumukod nang may respeto at hindi nauubos ang mental health. Real talk, practical scripts, at loving-but-firm na tipsThis episode is brought to you by GameZone, real player, real game.

08-14
44:36

#136 Anong Dapat Kong Maramdaman?

Paano kung may namatay sa pamilya mo… pero hindi ka sure kung dapat kang malungkot?Sa episode na ’to, kwento ni Tristan ang pagkawala ng kapatid niya — isang taong kadugo niya, pero hindi niya talaga nakasama o naging malapit habang lumalaki.Pag-usapan natin 'yung awkward at mabigat na tanong na: “Anong dapat kong maramdaman?”Minsan, hindi sapat na “pamilya” lang. Minsan, mas malalim ang tanong kesa sa sagot.Samahan n'yo kami, mga Papa, sa isa na namang real talk na usapang tatay.

08-07
55:06

#135 - Homework o Homewreck?

This episode is brought to you by GameZone, real player, real game.Mga tatay, ito na naman tayo sa laban ng homework—hindi lang sa hirap ng tanong, kundi sa pasensya, antok, at pressure. Sa episode na ito, tatalakayin natin ang mga epic na tutor moments, mga pagkakamali, at konting tawa sa likod ng stress. Kasi sa dulo, hindi lang ito tungkol sa sagot—kundi sa relasyon ng tatay at anak.

07-31
49:20

#134 - I customize ko kaya anak ko

This episode is brought to you by GameZone, real player Sa episode na ito ng Tatayhood, tatalakayin natin ang usapin ng gene editing gamit ang CRISPR, matapos kumalat ang larawan ng umano’y pagtanggal ng “extra chromosome” ng Down Syndrome. Kung kaya na ng agham na baguhin ang disenyo ng Diyos, dapat ba nating gawin? Kasama ang talakayan tungkol sa pananampalataya, pagiging magulang, at ang halaga ng bawat buhay — perpekto man o may kapansanan. Sa huli, ang tanong: Totoo pa ba ang unconditional love kung binabago natin ang anak natin bago pa siya ipanganak?#JeremiahOneFive #TatayhoodTrigger #FaithAndScience

07-24
42:55

#133 - Parenting sa Panahon ng iPad

Sa panahon ng touchscreen tantrums at YouTube babysitters, paano nga ba tayo magulang?sa episode na ito, binasa namin ang kwento ng isang tatay na akala niya kulang sa disiplina ang anak—pero baka kulang lang pala sa pansin.Pag-usapan natin ang free pass sa gadgets kapag may bisita, meltdown ni Robert, at ang magic ng simpleng koneksyon.Sama na sa usapan kung saan real talk ang parenting, may konting guilt, maraming tawanan, at ‘yung tipong, “Oo nga no, ako rin eh.”This episode is brought to you by GameZone, Real Player, Real game.

07-16
55:47

#132 - Taena, Tatay Na 'Ko?!”

Bago ka pa makapagsabi ng “last game,” may umiiyak na sa crib at may diaper na kailangang palitan. Sa episode na ito, nagbalik-tanaw sa unang sabak sa pagiging tatay—mula sa akala mong chill na gabing may PlayStation hanggang sa walang tulugang bantay-baby shift.Pag-uusapan natin ang mga surpresang hindi tinuro sa baby book:Bakit hindi mo na natapos ang paborito mong video gameAng emotional rollercoaster ng pagiging bagong amaKung bakit parang ikaw ang may postpartumAt ang ultimate survival tips ng isang bagong tatay na walang manual (at kulang sa tulog)Kung first-time dad ka, nagbabalak maging isa, o gusto mo lang tumawa sa trauma ng iba—this one’s for you. Hindi ka nag-iisa, papa. Welcome to the club.

07-14
43:18

#131 - Dear Papa: Love at Red Flags

Paano turuan ang anak tungkol sa love, red flags, at self-worth? Sa episode na ito, usap tayo kung paano maging safe space para sa anak, paano sila matutong mag-set ng boundaries, at paano haharapin ang heartbreak nang matatag.This episode is brought to you by GameZone - Real player, real game!

07-09
35:11

#130 - Papa Canned Thoughts : Buhay o Awa

May Patreon parin kami.www.Patreon.com/PapaPatreonSa episode na ito, sina Tristan at Ingo ay humaharap sa isa sa pinakamabigat na tanong sa buhay-magulang: Anong gagawin mo kung nalaman mong may kapansanan ang sanggol sa sinapupunan? Dapat bang ituloy ang pagbubuntis, o may pagkakataong dapat pag-isipan ang pag-terminate? Isang bukas, emosyonal, at walang paghusgang talakayan mula sa lente ng pagiging tatay.

07-07
46:16

#129 - Papa Canned Thoughts: Biktima o Kapabayaan?

Papa Canned Thoughts muna tayo ulit mga papa! sa episode na ito, napag-usapan namin yung 3 day old na baby na naipit sa Motor. Kapabayaan ba ito o biktima lang sila ng sistema?

07-03
39:26

#128 - Bare minimum lang ba binibigay mo?

This episode is brought to you by Gamezone, real player, real game.In this Tatayhood episode, Tristan and Ingo dive deep into the silent struggle of giving the bare minimum in a relationship. Bakit nga ba may mga tatay na parang checklist lang ang pagmamahal? From missed anniversaries to emotional absence, let’s unpack the real cost of doing “just enough” bilang asawa at ama.

06-26
47:56

#127 - PWD binugbog sa bus

In this Tatayhood episode, we talk about the heartbreaking incident of “Mak-mak,” a person with autism who was mauled inside an EDSA Carousel bus in Makati last June 9, 2025. Viral video showed several individuals punching and kicking the helpless PWD while the bus staff failed to intervene. The DOTr responded by suspending the driver and conductor for 90 days and grounding 10 units of the bus company. Authorities continue to search for the suspects. As fathers, how do we protect our children with special needs in a world that can be cruel? Let’s reflect, react, and demand accountability

06-25
01:03:43

#126 - Father’s Day: The Most Chill Holiday Ever

Bakit nga ba parang walang masyadong eksena tuwing Father's Day? Sa episode na ‘to, binusisi namin kung okay lang ba ‘yung simpleng kain, konting tahimik, at walang pa-surprise. Kasi minsan, sapat na ‘yung tahimik—basta may kuryente.

06-19
37:57

#125 - Balik eskwela ang mga makukulit na bata

Tristan at Ingo talk about the struggles and preparations of Filipino dads for the new school year—tuition, uniforms, baon, at emosyonal na suporta. Paano nga ba maghanda bilang tatay sa balik-eskwela? Practical tips, kwento, at pagmumulat sa tunay na papel ng ama tuwing pasukan.

06-18
43:09

#124 - Malaki nga sahod mo nag gagamot ka naman . . .

This episode is brought to you by GameZone. Real player, real game.Sino ba naman ang tatanggi sa trabahong malaki ang sahod? Pero sa episode na 'to, pag-uusapan natin ang mga panganib na hindi nakikita agad sa likod ng mataas na kita — tulad ng matinding stress, burnout, kakulangan sa oras para sa pamilya, at unti-unting pagkawala ng sarili.Maririnig mo ang mga kuwento ng ilang tatay na tinanggap ang high-paying job, pero kalaunan ay nabaon sa trabaho, napalayo sa pamilya, at nawalan ng sigla sa buhay. Akala nila'y “for the family,” pero ang totoo, sila mismo ang nawawala.Tatalakayin din natin kung bakit ang hirap talikuran ang ganitong trabaho — dahil ba sa pride, pressure, o dahil sa kulturang glorified ang pagiging busy? At paano mo malalaman kung sapat na ang pera kung kapalit naman ay kapayapaan ng isip at oras sa mga mahal mo?Kung ikaw ay isang tatay na nagtatrabaho para sa magandang kinabukasan pero parang may kulang pa rin, baka ito ang episode na kailangan mong marinig.

06-12
47:28

Recommend Channels