DiscoverThe Linya-Linya Show
The Linya-Linya Show
Claim Ownership

The Linya-Linya Show

Author: Ali Sangalang and Linya-Linya

Subscribed: 1,904Played: 24,558
Share

Description

Linya-Linya founder, Creative Director and former Presidential Speechwriter Ali Sangalang hosts this pun-filled variety podcast show on Filipino life, arts & culture. With solo segments and various guests mula sa iba’t ibang linya ng buhay– matututo ka, matutuwa, at matatawa. BOOM! Best pakinggan habang naghuhugas ng pinggan. Listen up, yo!
305 Episodes
Reverse
Naging usap-usapan ang pagkakaroon ng kurso o subject na pag-aaralan si Taylor Swift sa University of the Philippines Diliman. Nagbunyi ang Swifties at sabihin na lang nating "haters gonna hate."Pero sa episode na ito ng the Linya-Linya Show, kasama natin si Professor Iris Brillon na siyang magtuturo ng kurso tungkol kay Taylor Swift. BOOM!Tatalakayin natin ang kahalagahan ng background at kahalagahan ng kursong ito! Eto rin at sisilipin natin ang mundo ng Pop Culture at Celebrity Studies! …Ready for It? Listen up, yo!
Aw, aw, aw! I mean-- yo, yo, yo! Welcome sa isa na namang edition ng Daddy Diaries sa The Linya-Linya Show! Siyempre kasama natin si Daddy Rene C. Sangalang, at sa hindi inaasahang pagkakataon, napadpad ang kwentuhan sa mga minamahal nating alaga.  This episode is dedicated to all the pet lovers out there! Dito, inalala ni Ali at Daddy Rene si Nacho, Chancho, Sarah, Ginger, at iba pang doggos na nagdaan sa kanilang bahay at buhay. Dahil hindi lang sila basta alaga kundi part ng pamilya! Touching episode ito na mapapa-awww ka talaga. Kaya tara, listen up, yo!
Mabuhay! This ain’t no lie. Nandito na, sa wakas, ang isa pinakaaabangang guest natin: a multi-talented creative– standup comedian, actor, commercial model, host, podcaster, and a professional wrestler– Red Ollero! BOOM! Part 2 na! Mula sa simpleng kwentuhan, naging malalim-lalim ang napasarap nang usapan. Mga jokes na mahirap nang tawirin sa panahon ngayon, o ang level ng creativity para mai-deliver ang mga ito; ang papel ng standup comedy sa mundo ng politics; syempre, ang kanyang big break at milestone para sa Pinoy Standup, ang kanyang Netflix Special, at ang matinding collaboration with Linya-Linya. Magaang usapan, na may mga halong hirit at halakhak, hanggang sa bumigat na’t nagiging makabuluhan. Karangalang makasama natin si Red sa The Linya-Linya Show. Listen up, yo!
Mabuhay!This ain’t no lie. Nandito na, sa wakas, ang isa pinakaaabangang guest natin: a multi-talented creative– standup comedian, actor, commercial model, host, podcaster, and a professional wrestler– Red Ollero! BOOM! Part 1 pa lang, siksik na ang naging usapan. Mula sa usapang donut, napadpad kami sa usapin tungkol sa pagsuporta sa young creators (na hindi masyadong napapansin sa skwela), sa debateng Diploma vs. Diskarte, sa mundo ng wrestling, hanggang sa aming childhood dreams. Bilang unang podcast interview nya matapos ang launch ng kanyang Netflix Special na “Mabuhay is a Lie,” syempre, hindi natin pinalampas na kunin ang kanyang thoughts and feelings tungkol sa massive success na ito. Magaang usapan, na may mga halong hirit at halakhak, hanggang sa lumalalim na’t nagiging makabuluhan. Karangalang makasama natin si Red sa The Linya-Linya Show. Listen up, yo!;
Get ready sa isa na namang makulit na episode ng The Linya-Linya Show! Dahil ngayon, kasama natin sina Jed, Isha, at Mike ng Silly Gang sa Gabi the Podcast!Doble-kulit at doble-wisdom dahil crossover ito ng wit ni Ali at ng Silly Gang! Ang Silly Gang sa Gabi ay isa sa mahaharot na late-night podcasts at luckily, naging posible na kami ay magharap-harap.Sa episode na ito, nasagot ang mahahalagang tanong tulad ng, "Ano ang favorite mong sinigang?!" Napagkuwentuhan rin natin ang quirks at qualities ng Millenials at Gen Zs sa kasalukuyang panahon! Get ready dahil damay-damay na ng generations sa episode na 'to! Listen up, yo!
Ngayong Women's Month, dalawang magiting, matapang, at huwarang Pilipina ang tampok sa kauna-unahang Balik-tanaw episode ng The Linya-Linya Show. Dito, binalikan natin ang isang tula ni Lualhati Bautista -- isang premyadong manunulat na mas nakilala sa kanyang mga nobelang "Dekada '70," "Bata, bata... Pa'no Ka Ginawa?," at "Gapo."-- mula sa kanyang unang libro ng mga tula, na pinamagatang "Alitaptap sa Gabing Madilim." Binasa naman ito ni Etta Rosales, isang guro, lingkod-bayan, at dating chairperson ng Commission on Human Rights. Para sa kababaihan, para sa bayan, para sa lahat-- pakinggan at pagnilayan ang special episode na ito ng The Linya-Linya Show podcast, powered by PumaPodcast at Anima Podcast. Mabuhay ang panitikang Pilipino! Mabuhay ang kababaihan! Maaari ring makuha ang limited edition Linya-Linya x Lualhati Bautista BABAE AKO collaboration shirt dito: https://linyalinya.ph/products/linyalinyaxlualhatibautistababaeakoacidblack?_pos=2&_sid=f6f501269&_ss=r
Yo, yo, yo! Kaway-kaway sa hip-hop fans at sa mga malikhaing listenerz diyan! Sa pinakamainit at bagong episode ng The Linya-Linya show, kabatuhan natin ng Linya ang isa sa pinakamakulit at malikhaing battle rapper, ang “bae ng FlipTop,” mula pa Colorado, USA— walang iba, kundi si EJ Power! Kung naabutan mo si EJ Power sa Fliptop, baka tumatak sa 'yo ang battles nya laban kayna Jonas, LilJohn, Abra, at iba pang maaangas na emcee. Nagkaroon lang ng biglaang liko ang kanyang karera nang kinailangan niyang lumipat sa States kasama ang pamilya, kung sa'n nagtatrabaho siya ngayon bilang isang magiting na Emergency Medical Technician o EMT. Sa episode na ito, pinagkuwentuhan natin siyempre ang naging experiences at style niya sa battle rap, ang kanyang ang buhay niya ngayon, na siguradong may hatid na insight tungkol sa pagiging artist, hindi lang sa larangan ng hip-hop! Buong daigdig, siguradong mayayanig. Listen up, yo!
Anuman ang sini-celebrate mo this February 14, mapa-Valentine's Day o Singles Awareness Day, bagay sa iyo ang episode na ito. Kasama natin ang award-winning at bestselling author ng librong "How to Grieve" na si Jade Mark Capiñanes! BOOM! Sa episode na ito, bukod sa napag-usapan natin ang kuwento kung bakit at paano nagsusulat si Jade, madaraanan din natin ang iba't ibang experiences when it comes to love and grief, not just for one person… but for a whole country. Wiw.  Ready ka na ba sa #feels na hatid ng episode na ito? Listen up, yo!
Anuman ang sini-celebrate mo this February 14, mapa-Valentine's Day o Singles Awareness Day, bagay sa iyo ang episode na ito. Kasama natin ang award-winning at bestselling author ng librong "How to Grieve" na si Jade Mark Capiñanes! BOOM! Sa episode na ito, bukod sa napag-usapan natin ang kuwento kung bakit at paano nagsusulat si Jade, madaraanan din natin ang iba't ibang experiences when it comes to love and grief, not just for one person… but for a whole country. Wiw. Ready ka na ba sa #feels na hatid ng episode na ito? Listen up, yo!
Welcome to the... KoooooolPal-Linya Show! Mahigit 2 hours na kwentuhan, kwentahan, at katatawanan, na may halong sharing of wisdom at labasan ng sama ng loob (hahaha) kasama ang dalawa sa hosts ng The KoolPals podcast, at headliners ng Comedy Manila-- ang mga hinahangaan at mga kaibigang standup comedians na sina GB Labrador at James Caraan! Pepepe-BOOM!!!   Nirecord ito pagkatapos dumalo at mag-perfrom nina GB at James sa Thanksgiving Party ng Linya-Linya sa kanilang opisina. Expected mo nang sasakit ang tiyan at esophagus mo sa katatawa. Pero mabubusog din ang isip mo. Dito kasi, napag-usapan din nila ang nitty-gritty ng pagbuo ng business bilang isang creative. Malalaman niyo ritoo ang origins ng Linya-Linya at ng The KoolPals. Tanong nga ni James Caraan, gaano ba ka-grateful si Ali sa kinahinatnan ng Linya-Linya… at… isa pang surprise question. 😁    Ihanda na ang panga. Riot 'to! Listen up, yo!
Welcome to the... KoooooolPal-Linya Show! Mahigit 2 hours na kwentuhan, kwentahan, at katatawanan, na may halong sharing of wisdom at labasan ng sama ng loob (hahaha) kasama ang dalawa sa hosts ng The KoolPals podcast, at headliners ng Comedy Manila-- ang mga hinahangaan at mga kaibigang standup comedians na sina GB Labrador at James Caraan! Pepepe-BOOM!!!   Nirecord ito pagkatapos dumalo at mag-perfrom nina GB at James sa Thanksgiving Party ng Linya-Linya sa kanilang opisina. Expected mo nang sasakit ang tiyan at esophagus mo sa katatawa. Pero mabubusog din ang isip mo. Dito kasi, napag-usapan din nila ang nitty-gritty ng pagbuo ng business bilang isang creative. Malalaman niyo ritoo ang origins ng Linya-Linya at ng The KoolPals. Tanong nga ni James Caraan, gaano ba ka-grateful si Ali sa kinahinatnan ng Linya-Linya… at… isa pang surprise question. 😁    Ihanda na ang panga. Riot 'to! Listen up, yo!
Good day, mates! Eto kami, kababalik lang from The Land Down Under kung nasaan ang mga Kangaroo at Koala-- sa Australia!    Sa episode na ito, kasama ko ang matey na si Reich Carlos. Siya lang naman ang kasama ko sa paglalakbay-- hindi lang sa Australia-- pati na rin sa buhay. Eheee!    Marami kaming naranasan at napansin sa aming Australia trip—particular na sa Sydney at Gold Coast. Mainly may kinalaman sa pamumuhay ng mga Filipino doon, work culture, mga kalsada, at siyempre, ang food! At akalain mo nga namang may Fellow-22s pala sa Australia, at nagkaroon ng biglaang pagkikita! Excited kaming i-share sa inyo ang mga karanasang ito. Kaya naman, mates, listen up, yo! 
Di ba sabi ni Rico Blanco, bagong buhay ang hatid ng paglilipat-bahay? Bagong paligid, bagong paraan ng pag-iisip at pagharap sa mga bagong hamon.     Nagbabalak ka bang magsolo, mag-live in, o lumipat ngayong taon? O hinaharap mo ang challenges ng early adulthood? Swak sa 'yo ang kuwentuhang ito kasama ang events host at podcast personality na si Cara Eriguel!    Sa episode na ito, kinwento ni Cara ang experience niya sa paglipat ng bahay at pagtungtong sa edad na 30. Inspiring at eye-opening conversation ito. Game ka na ba?    Listen up, yo! 
Naaaral ba ang pagmamahal, natututuhan ba ang pag-ibig?  Bigat ng tanong, ano? Pero 'yan ang napagkuwentuhan natin sa episode na ito kasama ang award-winning educator at matalik na kaibigang si Teacher Sabrina Ongkiko.     Sa episode na ito, napag-usapan natin ang pag-handle sa problema ng mga mag-aaral, at kung paano nga ba maituturo sa loob at labas ng classroom ang mga skillls na katulad ng love, kindness, at empathy. Ito 'yung mga kuwentuhang masarap pakinggan habang ini-enjoy ang isang tasa ng kape. Heartwarming. Kaya magtimpla ka na!   Listen up, yo! 
Grabe ka, 2023! Ang dami mong pinaramdam at pinaranas sa amin. Hindi namin alam kung paano i-process ang feelings na 'to. Kaya ano pa ba ang better way, kundi kausapin ang isa sa mental health advocates na madalas sa show na ito. Walang iba kundi si Doc Gia Sison. Sa episode na ito, binalikan natin ang mga biggest pasabog ng taong 2023. Ang mga malalaking isyu na pinagkaguluhan sa loob at labas ng Pinas. At siyempre, pinaalala sa atin ni Doc Gia ang importance ng pagbabalik-tanaw para maitama ang direksyon ng ating 2024. Healing ang hatid ng episode na ito! Listen up, yo!
Bagong taon na! Sa episode na ito, salubungin natin ang 2024 nang may mainit na pasabog! Kasama natin ngayon ang isa sa pinakasikat na Adult Content Creator sa Pilipinas na si Salome Salvi.     Nagsimula si Salome sa pagpa-publish ng adult content sa iba't ibang platforms tulad ng Twitter. Ngunit ngayon ay lumabas na siya sa malalaking productions tulad ng Vivamax.     Sa "For Adults Only" na usapang ito, mas kikilalahin natin si Salome at aalamin ang kaniyang hottest takes sa kultura at ugaling Pinoy pagdating sa sex, porn consumption, at iba pa. Open minded ka ba sa ganitong usapan?     Happy new year, and listen up, yo!   
Sa totoo lang, what is “belongingness” and why is it important? Sa special episode na ‘to, kasama natin si Doc Gia Sison, content creator and mental health advocate. Pinag-usapan namin kung saan nga ba usually “belong” ang mga Pinoy, at kung ano ang positive impact ng belongingness sa atin individually, sa ating mental wellbeing, and collectively, bilang isang community.Na-discuss din ang partner brand natin sa episode na ‘to, ang Globe– how they, as a brand, are committed to empowering Filipino creators by providing access to unique resources that facilitate open discussions about personal experiences, fostering a supportive community and promoting overall well-being.Kaya sa fellow-creators, we are inviting everyone to check out the #GCreatorSeries and the GCreator Grant. For more information, visit https://www.globe.com.ph/g-day/creator-con.html. BOOM! Listen up, yo! Globe is committed to empowering Filipino creators by providing access to unique resources that facilitate open discussions about personal experiences, fostering a supportive community and promoting overall well-being. Reach your Creator Dreams with #GCreatorSeries and the GCreator Grant. For more information, make sure to check out⁠ https://www.globe.com.ph/g-day/creator-con.html
Sa episode na 'to, muli nating nakasama si PodMom, Saab Magalona!    Nagkuwento si Saab tungkol sa core memories ng kaniyang pagkabata, ng kinalakhang music, at ng karanasan sa kanyang magulang. Nagbahagi rin siya tungkol sa Puddy Rock Studios-- ang newly-opened inclusive play center sa Shangri-La Plaza, kung nasaan din ang café ng Linya-Linya, ang Kape-kape.     Samahan natin sina Ali at Saab na magkuwentuhan, kulitan, at tamang throwback sa kanilang kabataan, sa kanilang mga magulang, hanggang sa kanilang mga pinagkakaabalahan bilang business-"es" partners at magkaibigan. Magandang mabalikan ang kung paano tayo lumaki at pinalaki, at maganda ring mapagmunihan kung paano naman tayo magpapalaki ng mga bata.  Listen up, yo! 
Sa episode na ito, kasama natin ang OG ng acoustic OPM na si Johnoy Danao! Dala-dala ang kaniyang gitara at tagós to the bones na harana. Ibinahagi sa atin ni Johnoy ang experiences niya sa ginagawa niyang Café Tour. Tuloy-tuloy na nililibot ni Johnoy ang iba't ibang kapihan sa Pinas para umawit. In fact, target nya nang puntahan ang kabubukas lang na kapihan ng Linya-Linya, ang Kape-Kape. Napag-usapan rin nila ni Ali ang songwriting process ni Johnoy, ang mga impluwensiya niya, at ang kapangyarihan ng kantang bumuo ng solidong mga alaala. Tara na at makinig habang may hinihigop na kape! Listen up, yo!
Sa episode na ito, kasama natin ang OG ng acoustic OPM na si Johnoy Danao! Dala-dala ang kaniyang gitara at tagós to the bones na harana. Ibinahagi sa atin ni Johnoy ang experiences niya sa ginagawa niyang Café Tour. Tuloy-tuloy na nililibot ni Johnoy ang iba't ibang kapihan sa Pinas para umawit. In fact, target nya nang puntahan ang kabubukas lang na kapihan ng Linya-Linya, ang Kape-Kape. Napag-usapan rin nila ni Ali ang songwriting process ni Johnoy, ang mga impluwensiya niya, at ang kapangyarihan ng kantang bumuo ng solidong mga alaala. Tara na at makinig habang may hinihigop na kape! Listen up, yo!
loading
Comments (6)

Lia

one of the best podcasts ever... kapupulutan ng maraming aral... high hopes, and looking forward for more podcasts... 🎧💞...

Jul 3rd
Reply

Rye Rose

enhance your volume

Jun 3rd
Reply

Rodel Lachica

bakit po ganun yung audio? parang nag ba-buffer

Feb 18th
Reply

Julie Ann P Genio

The best!

Jun 10th
Reply

Carl Mendoza

Tawang tawa ako hahahahah.

Mar 30th
Reply

Edward Leader

💗

Mar 21st
Reply
Download from Google Play
Download from App Store