24 Oras Podcast: Pres. Marcos drug allegations, Myanmar scam hubs, Iglesia Ni Cristo rally ends
Update: 2025-11-18
Description
Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras ngayong Martes, November 18, 2025.
- Palasyo sa alegasyon ni Sen. Marcos na nagdo-droga ang kapatid na pangulo—Desperada, walang basehan at nakakahiya
- 'Di magbibitiw sa pwesto si Pres. Marcos; 'di rin kakasa sa hamong hair follicle test ng kapatid—Malacañang
- Zaldy Co, ilang opisyal ng DPWH-4B at mga opisyal ng Sunwest Corp., sinampahan ng kaso ng Ombudsman sa Sandiganbayan
- Totoong may P100B budget insertion sa 2025 budget pero ginamit ng ilang opisyal ang pangalan ni Pres. Marcos—Sen. Lacson
- Waynona Collings at Reich Alim, malungkot sa maikling journey sa Bahay ni Kuya pero grateful sa suporta ng fans
- 346 Pinoy na gagawing scammer sa Myanmar, nasagip; 3 sa kanila na itinuturong recruiter, inaresto
- Malulubog sa tubig ang 30% ng NCR sa 2040 dahil tumataas na lebel ng dagat—Climate Change Commission Projection
- Apat na na weather system, magpapa-ulan sa iba't ibang bahagi ng bansa
- Freelance model, dead on arrival sa ospital nang isugod ng ex-bf; walang senyales ng pananakit base sa inisyal na imbestigasyon—PNP
- Ikatlong araw ng kilos-protesta ng INC, hindi na itinuloy ngayong araw
- 3 patay sa palitan ng putok ng baril sa Quezon City
- Alden Richards, nagbahagi ng kaalaman sa financial literacy at tips sa pagnenegosyo sa Fin-Ed Congress ng BSP
- Operator ng iligal na pagawaan ng paputok na sumabog, tukoy na
- Halos 70kg ng karneng baboy na 'di nasuri bago katayin, kinumpiska at inilibing
- Libreng sakay, ipinatupad sa MRT-3 dahil sa technical glitch kaninang umaga
- Nagbebenta umano ng matataas na kalibre ng baril, arestado
- Pag-soft launch ni Carla Abellana sa kaniyang special someone, kinakiligan
- Christmas display sa Teresa, Rizal, gawa sa recycled materials gaya ng goma, plastic bottle, sirang takip ng electric fan atbp.
- Babae, arestado dahil sa pagpapakalat ng malalaswang larawan ng babaeng pinaghihinalaan niyang ka-relasyon ng kanyang mister
- Eman Bacosa Pacquiao, kabi-kabila ang guestings; inaming crush si Sparkle star Jillian Ward
- Presyo ng ilang gulay, nagmahal o 'di kaya ay nagkakaubusan dahil sa mga nagdaang bagyo
- Mosyon ni ex-Pres. Duterte at Sen. Dela Rosa na layong pilitin si Ombudsman Remulla na ilabas ang umano’y kopya ng arrest warrant laban sa senador, ibinasura ng Korte Suprema
- Networth ni Pres. Marcos at First Lady, nasa mahigit P389M base sa kanilang joint SALN; P1.375B naman kung pagbabasehan ang report ng pribadong appraiser
- Tatlong kwento ng "KMJS Gabi ng Lagim The Movie," mapapanood na sa November 26
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Comments
In Channel









