DiscoverKape’t Tsaa
Claim Ownership
Kape’t Tsaa
Author: Asia Wave
Subscribed: 29Played: 559Subscribe
Share
© Copyright @@ CRIonline
Description
Ang Kape’t Tsaa (KaT) ay pang-araw-araw na programang mula sa Beijing. Ang layon nito ay ipaalam sa mga Pilipino ang samu’t saring mga kaganapan at talakayan tungkol sa maiinit na isyung panlipunan ng Tsina; sining; showbiz at musika; at wikang Tsino, sa pamamagitan ng pamumuhay at pananaw ng mga Pilipino sa Tsina.
100 Episodes
Reverse
Upang maiging maipalaganap ang mga produktong Pilipino sa mas maraming mamimiling Tsino na naghahanap ng matataas na kalidad, malusog, at kombinyenteng produkto, pinasinayaan kamakailan sa Sentro Rizal ng Pasuguan ng Pilipinas sa Beijing, ang “Pambansang Pabilyon ng Pilipinas” sa JD.com, isa sa mga pinakamalaking business-to-consumer (B2C) e-commerce na plataporma ng Tsina.
Pitong taon nang nagtatrabaho sa Wuhan, Tsina si Chai Roxas. Assistant Manager siya sa trading company na Wuhan Wong Xing Gong Hui. Sa kasagsagan ng outbreak ng pandemiya ng COVID-19 pinili ni Chai na manatili sa Wuhan at hindi sumama sa mga OFW na nagbalik-Pilipinas sa pamamagitan ng repatriation ng pamahalaan. Sa okasyon ng unang anibersaryo ng pag-alis ng lockdown kontra COVID-19 sa Wuhan, kinapanayam si Chai ng Mga Pinoy sa Tsina.
Sa kauna-unahang pagkakataon, naibahagi kamakailan sa Rehiyong Awtonomo ng Tibet, Tsina ang Arnis o Eskrima, pambansang laro, sining pananggalang, at isa sa pinakamahalagang pamanang kultural ng mga Pilipino sa mundo. Upang maisalaysay ang kanyang karanasan sa pagbabahagi ng sining na ito sa mga estudyanteng Tibetano, at iba pa, lumahok si Rhio Zablan, mamamahayag ng Serbisyo Filipino ng China Media Group (CMG) sa programang Round Table ng CMG English Language Programming Center.
Beijing – Sa eksklusibong panayam ng China Media Group – Filipino Service (CMG – FS) kay Jose Santiago Sta. Romana, Embahador ng Pilipinas sa Tsina sa sidelines ng ASEAN Media Partners Forum, Hulyo 14, 2021, sinabi niyang napakahalaga ang nasabing kaganapan dahil ito ang magsusulong ng kooperasyon sa pagitan ng mga media ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at Tsina, lalo na sa larangan ng rehiyonal na pag-unlad at mutuwal na pagkakaunawaan. “Ito ay partikular na mahalaga, kasabay ng pagpo-promote ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP), mutuwal na kalakalan, at pag-unlad sa bawat bansa,”aniya. Di-mahahalinhang papel ng media sa pagpapasulong ng kalakalan, pagtitiwalaan at pagkakaunawaan Sinabi ni Sta. Romana, na ang papel ng media ay may di-matatawarang halaga sa pagsusulong ng pambansang kamalayan at importansiya sa pagpapabuti ng ekonomikong pag-unlad. “At kasali rito ang pag-promote ng kalakalan sa ibat-ibang trade partner; kaya naman, mahalaga ang kooperasyong pang-media, dahil kailangan nating isulong ang mutuwal na pagtitiwalaan, mutuwal na kompiyansa, at mutuwal na pagkakaunawaan,”anang embahador. Aniya pa, ang ASEAN at Tsina ay magkapit-bahayan at malapit sa isat-isa: may pinagbabahaginang karagatan at may pinagbabahaginang hangganang panlupa, kaya nararapat lamang na ang papel ng mga media ng kapuwa panig ay higit na mas malaki sa pag-u-ulat lamang ng mga balita tungkol sa kani-kanilang bansa, bagkus, kailangang maisiwalat nila ang mga pag-unlad na nangyayari sa ibat-ibang bahagi ng rehiyon tungo sa pagtatatag ng mas mainam na pagkakaunawaan. “Sa prosesong ito, hindi lang natin maipo-promote ang rehiyonal na pagkakaunawaan at istabilidad, kundi, maisusulong din natin ang rehiyonal na pag-ahon," diin ni Sta. Romana. Napapanahong pagpapalitan at pagtutulungan ng mga media ng Pilipinas at Tsina, hinihikayat Para naman sa mga media ng Pilipinas at Tsina, iminungkahi ng embahador na kailangang magkaroon ng napapanahong pagpapalitan ng impormasyon at balita. Bagamat mayroon pa ring pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), na naglilimita sa pagbibiyahe ng mga mamamahayag, sinabi ni Sta. Romana, na sa bawat lugar, mayroon pa ring mga diyornalista, at sila ang nakakapag-ulat kung ano ang nangyayari sa Tsina at Pilipinas. Mahalaga aniyang magkaroon ng malakas na kooperasyon ang dalawang bansa sa larangang ito. “Para roon ay magkaroon ng mas maraming balita na first hand, kung ano talaga ang nangyayari sa isang lugar, papaano kinokontrol ang pandemiya sa Tsina, papaano nagawa ng Tsina itong halos balik sa normal nang situwasyon, papaano nasugpo iyong virus. At sa [dako naman ng] Pilipinas, papaano matututo [mula] sa Tsina, at papaano rin mapapahusay pa ang trabaho sa Pilipinas,”dagdag ng embahador. Ipinagdiinan niyang kailangang magkaroon ng pagpapalitan ng karanasan at pagpapalitan ng balita, upang sa ganoon, hindi lamang mas malawak na pananaw sa isang komunidad ang maisusulong, kundi, mapapalawig din ang ating pagkakaunawa sa rehiyonal at internasyonal na lebel. “Partikular ngayong panahon ng pandemiya, ito ay may napakahalagang katuturan. Hindi man tayo maaaring magbiyahe, pero, sa pamamagitan ng media, mas maraming makikita ang ating mga mata, at mas marami tayong matututunan mula sa karanasan ng ibang bansa,”hayag ng embahador. Kaugnay nito, sa pag-uusap nina Sta. Romana at An Xiaoyu, Direktor Heneral ng Asian and African Languages Programming Center ng CMG bago magsimula ang porum, sinabi ni An, na may mga pribadong media sa Pilipinas na hindi direktang kumukuha ng impormasyon mula sa mga media ng Tsina, at sila ay dumedepende lamang sa mga kanluraning media. Dahil dito, ani An, naibabalita sa mga Pilipino ang ilang hindi aktuwal at hindi tamang impormasyon hinggil sa Tsina. Dagdag ni An, ang mga kanluraning media ay may maliwanag na pagkiling laban sa Tsina. Tungkol dito, sinabi ni Embahador Sta. Romana, na kailangan talagang mapalakas pa ang pagtutulungan ng mga media ng Pilipinas at Tsina upang maiwasan ang mga situwasyong nabanggit. “Ang mahalaga diyan ay mahusay na paraan ng pagbabalita. Kailangan din ay matuto tayo kung papaano mag-ulat sa paraan na makukuha ang interes ng mga tao – maiintindihan nila. Kaya, ito ang dahilan kung bakit mahalaga ang pagkakaroon ng mas maraming balita upang mas marami tayong matutunan, at mas itaas ang kakayahan ng mga mamamahayag at palawakin ang impluwensiya ng mga media ng dalawang bansa,” dagdag niya. Hindi aniya ito madaling gawin, at kailangan ang maraming pagpupunyagi at pondo, pero upang makamtan ang layuning ito, kailangang isagawa ang pagbabahaginan ng karanasan at mas maraming pagpapalitan. “Ang pinakamahalaga sa tingin ko ay mas malawak at mas matapat na pag-uulat. Ang lahat ay hindi perpekto, kaya kailangan lamang ay i-ulat ang mga pangyayari sa makatarungan at balanseng paraan,” saad ni Sta. Romana. Ang 2021 ASEAN Media Partners Forum ay idinaos bilang pagdiriwang sa ika-30 anibersaryo ng pagkakatatag ng dialogue relations ng Tsina’t ASEAN sa taong ito. Sa ilalim ng temang“Kooperasyon ng Media at Pagtutulungang Panrehiyon,”inilunsad ng CMG at mga ASEAN media organization sa porum ang mas pinalakas na partnership para maisulong ang kooperasyon sa pagpapalitan ng mga balita at materyales, magkasamang produksyon, magkasabay na pagtangkilik ng mga aktibidad, pagtutulungan laban sa COVID-19, at pagpapasulong ng kasaganaan ng Tsina't ASEAN. Bukod kay Embahador Sta. Romana, lumahok din sa pagtitipon si Martin Andanar, Kalihim ng Presidential Communications Operations Office (PCOO), at iba pang 100 panauhin mula sa mahigit 30 media at organisasyon. Ang 2021 ASEAN Media Partners Forum ay itinaguyod ng CMG.
Magandang magandang araw sa inyong lahat. Ito muli si Rhio Zablan, nagbabalik para saprogramang imported pa mula sa Beijing, na naghahatid sa inyo ng mgamakabuluhang impormasyon at sari-saring kaalaman tungkol sa Tsina at relasyongSino-Pilipino – ito po ang Dito Lang ‘Yan Sa Tsina (DLSYT). Kamakailanay pinalad po tayong makapaglakbay sa Rehiyong Awtonomo ng Tibet ng Tsina para magingisa sa mga pangunahing tauhang itatampok sa isang dokumentaryo hinggil sa pagbabahaging kulturang Pilipino at wikang Pilipino sa mga mamamayang Tibetano, atsiyempre, pagbabalita ng mga pangyayari roon.
“Naging creative, innovative at mas engaging ngayon ang Communist Party of China. Ang kanilang mga polisiya ay masasabi kong may maidudulot na kagandahan di lamang sa Tsina kundi pati na rin sa buong mundo.”Pinulsuhan ni Dr. Rommel Banlaoi, Pangulo ng Philippine Association for Chinese Studies (PACS), ang 100 taong pag-unlad ng Communist Party of China (CPC). Paliwanag ni Prof. Banlaoi, ang CPC sa kasalukuyan ay nagsusulong ng sustainable development, environmental protection, mitigating climate change at alleviating poverty. Nag-adapt ito sa mga nagaganap na pagbabago sa mundo at patuloy na nag-aadapt at nag-i-innovate. Hinggil sa mataas na tiwala ng mga tao sa CPC, ang dahilan nito sa palagay ni Prof. Banlaoi ay ang kakayahang maghatid ng mga pangangailangan ng mga mamamayan. “Nang ma-achieve ang national unity, ngayon nangako ang CPC na iahon sila (ang mga mamamayan) sa kahirapan. At na-achieve yan ng CPC,” pahayag ni Banlaoi. Performance politics ang sandigan kung bakit ang tiwala ng mga Tsino ay nasa partido, dagdag niya.Hangad ni Banlaoi na magpapatuloy ang diyalogo ng PDP-Laban ng Pilipinas at CPC para ang kagandahan ng ugnayan sa pagitan ng mga partido at pamahalaan ay mag-spill over sa people-to-people relationship.
Upang maipakilala sa
mga negosyanteng Tsino ang mga kapakinabangang maidudulot ng pagtatayo ng
negosyo sa Pilipinas matapos ang pandemiya ng Corona Virus Disease 2019
(COVID-19), idinaos kamakailan sa lunsod Xiamen, lalawigang Fujian, dakong
timogsilangan ng Tsina ang “Forum on Philippines-China Post-Pandemic
Economic Cooperation” at iba pang kaugnay na aktibidad.
Sa pangunguna ni Jose Santiago L. Sta. Romana, Embahador ng
Pilipinas sa Tsina; naglahad, nagtalumpati at nakipagtalakayan ang delegasyong
pang-ekonomiya ng Pilipinas sa mga negosyanteng Tsino mula sa Xiamen at
lalawigang Fujian, upang ipakita ang mga bentaheng maaaring idulot ng
pamumuhunan sa bansa.
Itinatag ni Carol Ong ang Bebebalm Skin
Care company sa Tsina noong 2018. Aniya, malaking tulong ng digital economy at
online platforms gaya ng WeChat, Taobao at Weibo para sa marketing ng kanyang
kompany lalo na sa gitna ng pandemya...
Noong 1992 puro talahib at tatlo lang ang internatonal hotels sa Pudong. Ngayong 2020, meron ng 300 international hotels at 600 local hotels at inns sa Pudong, financial hub at sentrong pang-inobasyon sa Shanghai, Tsina. Ganito inilarawan ni Rafaela “Apples” Chen ang napalaking pagbabago at mabilis na pag-unlad ng distrito sa Shanghai nitong tatlong dekadang nakalipas.Tatlumpu’t apat na (34) taon nang naninirahan sa Tsina si Apples Chen at kasalukuyan siyang General Manager ng International Hoteliers & Associates (Shanghai) Ltd. Sa panayam ng Mga Pinoy sa Tsina, nagbalik-tanaw ang hotel executive at ibinahaging noong Dekada 90 may 100 Pilipino lamang sa lunsod. Ngayon higit 8,000 na ang mga Pilipino na nagtatrabaho, nag-aaral at nagbukas ng sariling negosyo sa Shanghai.
May dalawampung taon na rin ang isinasagawang pag-aaral at pagpapakadulubhasa ni Dr. Rommel Banlaoi sa Tsina. Bukod sa walong taong pag-aaral sa Tsina, ilang beses rin siyang dumalaw sa bansa. Sa panayam ng China Media Group (CMG) Filipino Service ibinahagi ni Dr. Banlaoi na saksi siya sa malaking pag-unlad ng Tsina. Isa sa ikinabigla niya ay ang modernong mga imprastruktura gaya ng mga paliparan, tulay, daungan sa maraming mga lunsod gaya ng Guangzhou, Xiamen, Shanghai at Beijing. Bukod dito, napabilib siya sa pagbuti ng antas ng pamumuhay ng mga Tsino sa loob lamang ng dalawang dekada. “Natutuwa ako sa pagkakataon na ito na na-eradicate ang absolute poverty. Witness ako dyan dahil sa pag-aaral na ginawa ko. At sa confirmation ng World Bank, 800 milyon ang naalis sa kahirapan. Isang malaking contribution yan sa mga mamamayan ng buong mundo,”pahayag ni Prof. Banlaoi sa phone interview ng CMG. Pagdating sa poverty alleviation ng Tsina, kapansin-pansin ani Prof. Banlaoi ang epekto ng pagpapa-unlad ng imprastruktura. Sa tingin niya pag na-improve ang imprastruktura magkakaroon ng mabilis na kalakalan, matri-trigger ang economic activity. Sa mata ni Dr. Banlaoi, kung paano minordernize ng Tsina ang larangan ng agrikultura ay karanasang dapat aralin. Saad ni Dr. Banlaoi,“Dahil sa modern agriculture, kayang pakainin ng Tsina ang kaniyang mamamayan. Kaugnay din ng modern agriculture ay ang pagpapalakas ng research at ng science and technology.” Hinggil sa bagong target ng kaunlaran ng Tsina sa 2035, tiwala ang Pangulo ng Philippine Association for China Studies (PACS) na makakamit ito ng Tsina. “Ang Tsina lamang ang bansa sa buong mundo na naka-experience ng post-pandemic recovery. At mukhang masu-sustain ng China ang trend. Optimistic ako, at baka mas maaga pa, 2030 (maa-achieve ang target) kung magtutuloy-tuloy ang trend, ”dagdag niya. Inilabas ng Tsina sa taong ito ang Ika-14 na Panlimahang Taong Pambansang Planong Pangkabuhayan at Panlipunan (2021-2025) at Long-Range Objectives Through the Year 2035. Maaaring makinabang ang Pilipinas sa pag-unlad na ito. Paliwanag ni Prof. Banlaoi, ipinangako ni Pangulong Xi Jinping ang pagtulong sa mga developing economies. At kung magpapatuloy ang magandang relasyon ng Pilipinas at Tsina, magiging recipient ng mga ayuda ang Pilipinas. Umaasa rin si Prof. Banlaoi na sana ay maipatupad ang maraming mga kasunduang nilagdaan ng dalawang bansa sa mga larangang gaya ng agrikultura, agham at teknolohiya, food security at marami pang iba.
Sa panayam ng China Media Group Filipino Service, hangad ni Dr. Rommel Banlaoi, Pangulo ng Philippine Association for Chinese Studies na sa taong 2021, sana’y hindi matitinag ang pagkakaibigan ng Tsina at Pilipinas. Sa pakikibaka laban sa pandemiya ng COVID-19, pinasalamatan ni Dr. Banlaoi ang Tsina sa ibinigay na tulong sa Pilipinas. Aniya, “Sa mga bansang kinausap ng Pilipinas, ang Tsina lamang ang nagbigay ng immediate at adequate response sa mga pangangailangan ng Pilipinas sa vaccination, at kauna-unahang nagbigay ng kanilang medical assistance.”Isa aniya siya sa mga nabiyaan at kumpleto na ang kaniyang turok ng Sinovac. Saad niya, “Napakahalaga ng vaccination dahil gusto nating ma-achieve ang herd immunity para tuluyang magapi ang problema natin sa pandemya. At maibalik sa normal ang kabuhayan ng mga mamamayang Pilipino na katulad ng tinatamasa ng mga mamamayan sa Tsina na normal ang pamumuhay dyan at malaya nang nakakalabas ang mga tao.” Umaasa rin si Prof. Banlaoi na magpapatuloy ang mga pangkaunlarang kooperasyon ng dalawang bansa na nakapaloob sa Build Build Build Project. Binanggit niya ang ilan sa mga kooperatibong proyekto na nagtutuloy-tuloy sa gitna ng COVID-19, na gaya ng irigasyon at dam sa Mt. Province para mapaunlad ang agricultural productivity, at flood control project sa Maynila. Sinabi pa niya, sana ay patuloy ang pagpopondo ng Tsina sa mga proyektong pang-imprastruktura at pangkalakal. Dapat din ani Banlaoi na kasabay ng pagpapahigpit na pagpapalitan ng dalawang pamamahalan at mga politikal na partido, dapat palakasin ang people to people contacts upang maibsan ang mataas na anti-China sentiment sa Pilipinas. Diin ni Prof. Banlaoi, napakalawak ng ugnayang Pilipino-Sino. Hindi mai-define lamang ito ng alitang pandagat, siya lamang ang isyung nakakabahala sa dalawang bansa, pahayag pa niya. Mahalaga na magkaroon ng mapayapang solusyon sa isyu ng South China Sea ayon kay Dr. Banlaoi at isulong na magkaroon ng maigting na kooperasyon ang dalawang bansa sa South China Sea. Ang buong panayam ay mapapakingga sa podcast.
Sa suporta ngKonsulado Heneral ng Pilipinas sa Shanghai, at Philippine Trade and Investment Center – Shanghai (PTIC-Shanghai), isang kaganapan ang idinaos kamakailan ng Pilipinongkompanyang Century Pacific Food Incorporatedsa naturang lunsod bilang paglulunsad sa bago nitong linya ng produktona tinaguriang UnMeat – karneng gawa sa gulay. Bilang alternatibo sa karne, angmga produktong nasa ilalim ng UnMeat ay hindi lamang berde at sustenable; hitsurang karne at lasang karne, kundi mayaman din sa protina, at walangnegatibong epektong karaniwang nakukuha mula sa karne ng hayop. Sa eksklusibong panayam sa China Media Group-Filipino Service (CMG-FS), sinabini Adrian Campillo, General Manager ng Century International China, sangay ng Century PacificFood IncorporatedsaTsina, na maytatlong produktong nasa ilalim ng linyang UnMeat, at ang mga ito ay burgerpatty, nugget, at sausage ...
Sapagdating ni Fernando Magallanes, ang isla ng Mactan ay tahanan ng hindi lamangisa, kundi ilang barangay.Maybarangay na kung tawagin ay Bulaia o Bulillla o Buaia, may barangay Opon, atmay tatlong iba pang hindi napangalanan sa opisyal na ulat ng bigongekspedisyon ni Magallanes noong 1521. Isasa mga hindi napangalanang barangay ay pinamunuan ni Sula. Samantala,ang barangay Opon, na nasa gawing timogkanluran ng Mactan ay pinamunuan niLapulapu.Malibankay Sula, lahat ng mga datu ng Mactan ay kaalyado o napapailalim sa pamumuno niLapulapu, kaya siya ang kinikilalang pinakamataas na pinuno ng isla ng Mactan.Ayonsa matandang alamat ng Opon, may ilang kasamahan si Lapulapu na tulad ninaBali-alho, Kambakilig, Tindok-Bukid [datu ng Maragondon, isang kalapitbarangay], Umindig mula sa barangay Ibo, Sagpang Baha o Sampung Baha at BugtoPasan.Posiblengsila ay mga kamag-anakan ni Lapulapu ...
Sa pagdating ni Fernando Magallanes, ang isla ng Mactan ay tahanan ng hindi lamangisa, kundi ilang barangay.May barangayna kung tawagin ay Bulaia o Bulillla o Buaia, may barangay Opon, at may tatlongiba pang hindi napangalanan sa opisyal na ulat ng bigong ekspedisyon ni Magallanesnoong 1521. Isasa mga hindi napangalanang barangay ay pinamunuan ni Sula. Samantala,ang barangay Opon, na nasa gawing timogkanluran ng Mactan ay pinamunuan niLapulapu.Malibankay Sula, lahat ng mga datu ng Mactan ay kaalyado o napapailalim sa pamumuno niLapulapu, kaya siya ang kinikilalang pinakamataas na pinuno ng isla ng Mactan.Ayonsa matandang alamat ng Opon, may ilang kasamahan si Lapulapu na tulad ninaBali-alho, Kambakilig, Tindok-Bukid [datu ng Maragondon, isang kalapit barangay],Umindig mula sa barangay Ibo, Sagpang Baha o Sampung Baha at Bugto Pasan.Posiblengsila ay mga kamag-anakan ni Lapulapu ...
Sa pagdating ni Fernando Magallanes, ang isla ng Mactan ay tahanan ng hindi lamang isa, kundi ilang barangay.May barangay na kung tawagin ay Bulaia o Bulillla o Buaia, may barangay Opon, at may tatlong iba pang hindi napangalanan sa opisyal na ulat ng bigong ekspedisyon ni Magallanes noong 1521.Isa sa mga hindi napangalanang barangay ay pinamunuan ni Sula.Samantala, ang barangay Opon, na nasa gawing timogkanluran ng Mactan ay pinamunuan ni Lapulapu.Maliban kay Sula, lahat ng mga datu ng Mactan ay kaalyado o napapailalim sa pamumuno ni Lapulapu, kaya siya ang kinikilalang pinakamataas na pinuno ng isla ng Mactan.Ayon sa matandang alamat ng Opon, may ilang kasamahan si Lapulapu na tulad nina Bali-alho, Kambakilig, Tindok-Bukid [datu ng Maragondon, isang kalapit barangay], Umindig mula sa barangay Ibo, Sagpang Baha o Sampung Baha at Bugto Pasan.Posibleng sila ay mga kamag-anakan ni Lapulapu ...
Sa eksklusibong panayam sa China Media Group-Filipino Service, Marso 6, 2021 sinabi ni Jose Santiago Sta. Romana, Embahador ng Pilipinas sa Tsina, na ang pagbubukas ng Liang Hui o Dalawang Sesyon sa nakatakdang iskedyul ngayon taon ay nagpapakita ng tagumpay ng Tsina laban sa pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) ...
Patuloy
na bumubuti ang ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at Tsina. Pero hindi pa rin
nawawala ang ang ilang mga problema at hamon. Sa ikalawang bahagi ng interview
ni Mac Ramos kay Ambassador Jose Santiago Sta. Romana, natatanaw na bang silver
lining sa mga usaping pinagtatalunan ng dalawang bansa? Ano ang mga
mahahalagang bungang natamo sa 2019 at ano naman ang prospects ng bilateral
ties ng dalawang bansa sa taong 2020? Lahat ng mga ito sa programang Mga Pinoy
sa Tsina.
Para
sa New Year's special ng Mga Pinoy sa Tsina, aming panauhin ay walang iba,
kundi ang ating Mahal na Embahador, Jose Santiago Sta. Romana. Kanyang
ibinahagi ang dapat asahan sa darating na 2020, lalo't ipagdiriwang ng ika-45
taong anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong Pilipino-Sino. Bukod dito,
lumalaki na rin ang bilang ng mga Pilipino sa Tsina. Nagbigay rin ng update si
Ambassador Sta. Romana hinggil sa pagtatrabaho ng 2000 mga gurong Pilipino Sa
Tsina. Iginiit din niya na sa ngayon, walang anumang labor agreement ang
nararating ng Pilipinas at Tsina hinggil sa pagbibigay trabaho sa mga domestic
helpers. Pakinggan din sa programa ang pahayag ni Ambassador Sta. Romana
tungkol sa mga nakabilanggong OFW sa Tsina.
Winter
na sa Beijing pero sa kabila ng maginaw na panahon, ipinadama ng mga miyembro
ng The Filipino Teachers (TFT) ang init ng pagkakaisa at diwa ng kapatiran sa
pamamagitan ng Pasko Na Naman-A Christmas Dinner for a Cause.
Top Podcasts
The Best New Comedy Podcast Right Now – June 2024The Best News Podcast Right Now – June 2024The Best New Business Podcast Right Now – June 2024The Best New Sports Podcast Right Now – June 2024The Best New True Crime Podcast Right Now – June 2024The Best New Joe Rogan Experience Podcast Right Now – June 20The Best New Dan Bongino Show Podcast Right Now – June 20The Best New Mark Levin Podcast – June 2024
United States
thumbs up