Produktong Pinoy, inilunsad sa Tsina: patakaran ng bansa, malaking tulong sa mga dayuhang kompanya
Update: 2021-05-14
Description
Sa suporta ngKonsulado Heneral ng Pilipinas sa Shanghai, at Philippine Trade and Investment Center – Shanghai (PTIC-Shanghai), isang kaganapan ang idinaos kamakailan ng Pilipinongkompanyang Century Pacific Food Incorporatedsa naturang lunsod bilang paglulunsad sa bago nitong linya ng produktona tinaguriang UnMeat – karneng gawa sa gulay. Bilang alternatibo sa karne, angmga produktong nasa ilalim ng UnMeat ay hindi lamang berde at sustenable; hitsurang karne at lasang karne, kundi mayaman din sa protina, at walangnegatibong epektong karaniwang nakukuha mula sa karne ng hayop. Sa eksklusibong panayam sa China Media Group-Filipino Service (CMG-FS), sinabini Adrian Campillo, General Manager ng Century International China, sangay ng Century PacificFood IncorporatedsaTsina, na maytatlong produktong nasa ilalim ng linyang UnMeat, at ang mga ito ay burgerpatty, nugget, at sausage ...
Comments
In Channel