24 Oras Podcast: Discaya names officials in kickback allegations, Senate Presidency — Chiz Escudero out, Tito Sotto in, Garma off to ICC
Update: 2025-09-08
Description
Narito ang mga balitang ating tinutukan ngayong Lunes, September 8. 2025:
- Ilang kongresista at ilang taga-DPWH, pinangalanan ng mag-asawang Discaya na humingi umano ng kickback
- Ilan sa mga isinangkot na mambabatas, itinanggi ang alegasyon ng mga Discaya
- 19-anyos na wanted sa panggagahasa umano ng menor de edad, arestado; sangkot din umano sa iba pang kaso
- Garma na kababalik lang ng Pilipinas, umalis naman pa-Malaysia para makipagpulong sa mga kinatawan ng ICC
- Banta umano ng LGU employee sa negosyante --- Di bibigyan ng bldg permit kung 'di kukunin ang niretong kumpanya
- Proteksyon sa testigo kaugnay sa katiwalian kontra-baha, 'di ipagkakait kung may ebidensya ayon sa Palasyo
- Sen. Tito Sotto, pinalitan si Sen. Chiz Escudero sa pagka-Senate President
- Jong Madaliday, itinanghal na Grand Champion ng 'The Clash 2025'
- Insertions o mga singit na budget ang source ng katiwalian -- Ex-DPWH Secretary
- Karamihan sa luxury cars ng mga Discaya, 'di raw nabayaran ng buwis; puwedeng hatakin – BOC
- Zero ang budget ng flood control projects sa 2026 – PBBM
- May higit P13.8B budget insertion sa bicam sa mga proyekto ni Rep. Co -- Rep. Tiangco
- Kalakaran ng hiraman ng lisensiya ng mga kontratista, ibinunyag; mismong DPWH officials umano ang nag-utos
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Comments
In Channel