24 Oras Podcast: Torre—no hard feelings for PBBM, Discaya luxury cars, Taylor Swift and Travis Kelce engaged
Update: 2025-08-27
Description
Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras ngayong Miyerkules, August 27, 2025.
- Torre, walang tampo kay Pres. Marcos na nag-utos na alisin siya bilang PNP Chief
- Rekomendasyon ni DILG Sec. Remulla, tinanong ni PBBM; Sagot niya: Patibayin ang PNP at itama ang dating mali
- Rigodon na iniutos ni Torre, ipapawalang bisa ni acting PNP Chief Nartatez gaya ng utos ng NAPOLCOM
- Tumangay sa scooter at kasabwat umanong taxi driver, arestado; isa pa nilang kasama, tinutugis
- Lifestyle check sa lahat ng opisyal ng gobyerno, ipinag-utos ni PBBM; sisimulan sa DPWH
- P6M karneng baka, nabistong nakaw mula Australia; 3 arestado
- Taylor Swift, engaged na sa kanyang boyfriend na si Travis Kelce
- Access sa records tungkol sa Duterte drug war, bubuksan ng PNP
- Disenyo ng mga imbakan ng tubig na gustong ilagay sa UST grounds at Camp Aguinaldo golf course, pinasilip
- DA, pinuna ng Senado dahil wala umanong napaparusahang big-time smugglers
- Pagbawi ni Pirena sa brilyante ng apoy, ipinagbunyi ng Encantadiks; Glaiza, natuwa sa reaksyon
- Baha at mga pagguho, naranasan sa iba't ibang panig ng bansa
- MMDA at MTPB, nag-alis ng mga sagabal sa kalsada; mga sasakyan ng mga taga-DPWH, kabilang sa sinita
- 'Squad Game' episode ng 'Daig Kayo ng Lola Ko', panalo sa 5th SineBata Awards; lalaban din sa Southeast Asia Video Festival for Children sa Thailand
- Babaeng pulis, minolestiya umano ng 2 kabaro
- Low Pressure Area na nasa Silangan ng Luzon, nalusaw na; panibagong LPA, nabuo sa Kanluran ng bansa
- Rep. Leviste: Ang pinalitan ko bilang congressman ang pumipili ng papanalunin sa bidding ng DPWH
- 40 luxury cars ng mga Discaya, iimbestigahan kung legit import at bayad ng tamang buwis
- Sen. Hontiveros: Iisa si Joseph Sy at Tsinong si Chen Zhong Zhen batay sa kanilang fingerprints at litrato sa PHL passport at alien certificate
- David Licauco, sasabak sa action para sa 'Never Say Die' kasama si Jillian Ward
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Comments
In Channel