DiscoverSalaysáyan: Mga Talakay sa Araling PilipinoEko-pagsasalin ng “Ang Bahaging Ginampanan ng Paggawa sa Transisyon mula Unggoy patungong Tao” (1876) ni Friedrich Engels
Eko-pagsasalin ng “Ang Bahaging Ginampanan ng Paggawa sa Transisyon mula Unggoy patungong Tao” (1876) ni Friedrich Engels

Eko-pagsasalin ng “Ang Bahaging Ginampanan ng Paggawa sa Transisyon mula Unggoy patungong Tao” (1876) ni Friedrich Engels

Update: 2024-02-17
Share

Description

Nilalayon ng papel na ito na isalin ang sanaysay na “The Part Played by Labour in the Transition from Ape to Man” (1876) ni Friedrich Engels (28 Nobyembre 1820 – 5 Agosto 1895) mula sa salin nito sa wikang Ingles tungo sa Filipino. Kilala si Engels bilang katuwang ng pilosopo’t ekonomistang pampolitika na si Karl Marx. Gayunman, hindi matatawaran ang ambag niya sa mga larangan ng antropolohiya, kasaysayan, pilosopiya, at ekolohiya. Isa na rito ang isinasaling sanaysay kung saan niya ipinaliwanag ang mapagpasyang bahaging ginampanan ng paggawa sa pagpapaunlad ng utak, pandama, at mga organo ng pagsasalita ng tao na naging giya ng pagtataguyod ng mga unang lipunan. Isinasalin ko ang sanaysay na ito bilang “Ang Bahaging Ginampanan ng Paggawa sa Transisyon mula Unggoy patungong Tao.” Hinuhubog ang proyektong ito ng dalawang oryentasyon sa pagsasalin: una, ang di-tuwirang pagsasalin, at ikalawa, ang tinatawag na “eko-pagsasalin.” Isinisiwalat ng pinagsamang pagsusuring-salin at akdang-saling ito ang proseso sa likod ng di-tuwirang eko-pagsasalin batay sa salin sa Ingles ni Clemens Dutt at sa konteksto ng wika ng Kilusang Pambansa-Demokratiko. Ipinapalagay na sa pagsasalin ng mga akdang teknikal tulad ng kay Engels, mapapalawak pa lalo ang leksikon ng ating pambansang wika at ang kaalaman ng mga Pilipino hinggil sa pilosopiya ng ekolohiya sa panahon ng tumitinding krisis sa klima at kalikasan.

Comments 
In Channel
loading
00:00
00:00
1.0x

0.5x

0.8x

1.0x

1.25x

1.5x

2.0x

3.0x

Sleep Timer

Off

End of Episode

5 Minutes

10 Minutes

15 Minutes

30 Minutes

45 Minutes

60 Minutes

120 Minutes

Mon Sy