Finding Your Path Involves More Than Just Sight feat. Dr. Eva Wang
Description
Anumang linaw, labo, o kawalan ng paningin, kahit sino, pwedeng malikhain. At para patunayan ito, dumayo pa tayo sa La Union!
Samahan at kilalahin natin si Dr. Eva Marie Wang—ang founder at convenor ng HIRAYA Collective PH, isang komunidad sa La Union kung saan magkasamang lumilikha ang mga bulag at nakakakita. Since 2022, naghahatid ang HIRAYA ng mga multi-sensory workshop sa acting, songwriting, improv, spoken poetry, at marami pa. Goal nilang palakasin ang blind community sa pamamagitan ng sining. Dito, hinahamon ni Dr. Eva ang maling pananaw tungkol sa disability habang sinusuportahan ang talento at isinusulong ang accessibility at social change.
Kasama ang mahuhusay na convenors ng HIRAYA Collective PH, nag-record kami sa kanilang homebase sa La Union.
Sa episode na ito, tinalakay ni Dr. Wang ang pangangailangan para sa mga espasyong nagpapalago sa husay ng visually impaired, ang kanyang philosophy ng "wayfinding," at kung paano siya dinala nito sa La Union.












