DiscoverAng Daan ng Krus – Tagalog Stations of the CrossIka-13 Istasyon – Si Hesus ay Inilibing
Ika-13 Istasyon – Si Hesus ay Inilibing

Ika-13 Istasyon – Si Hesus ay Inilibing

Update: 2011-04-15
Share

Description


<figure class="wp-block-embed-youtube wp-block-embed is-type-video is-provider-youtube wp-embed-aspect-16-9 wp-has-aspect-ratio">


</figure>



Sinasamba ka namin at pinasasalamatan, Panginoong Hesukristo.
Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Mahal na Krus at Muling Pagkabuhay,
iniligtas mo ang sandaigdigan


Pagbasa (Mt 27: 57-60)



Bago magtakipsilim, dumating ang isang mayamang taga-Arimatea, na ang ngala’y Hose. Siya’y alagad din ni Hesus. Lumapit siya kay Pilato at hiningi ang bangkay ni Hesus. Iniutos naman ni Pilato na ibigay ito sa kanya. Kaya’t kinuha ni Jose ang bangkay at binalot ng bagong kayong lino. Inilagay niyo ito sa sariling libingan na di pa nalalaunang ipinauka niya sa bato. Pagkatapos, iginulong niya sa pintuan nito ang isang malaking bato, saka umalis.



Panalangin


Panginoong Hesus, binalot ka ng kadiliman ng kamatayan. Ang tangi mong maliwanag na tanglaw ay ang malambing na pagmamahal ng iyong Ina, ang katapatan ni Juan, ang pakikipagkaibigan ni Jose ng Arimatea, at ng ilan pa. Inihimlay ka sa libingan tulad ng isang napagkahalagang kayamanang itinago sa baul, tulad ng isang butil na ibinaon sa lupa.


Binigyan ng kahulugan at pag-asa ng iyong libing ang aming libing. Salamat sa iyo, naging isang mapayapang pamamahinga ito sa kandungan ng inang lupa, na naghihintay ng isang masayang paggising sa pagdating ng bukang-liwayway na muling pagkabuhay na wawasak sa mga tanikala ng kamatayan magpakailanman.


Ama Namin…
Aba, Ginoong Maria…
Papuri…

Comments 
loading
00:00
00:00
1.0x

0.5x

0.8x

1.0x

1.25x

1.5x

2.0x

3.0x

Sleep Timer

Off

End of Episode

5 Minutes

10 Minutes

15 Minutes

30 Minutes

45 Minutes

60 Minutes

120 Minutes

Ika-13 Istasyon – Si Hesus ay Inilibing

Ika-13 Istasyon – Si Hesus ay Inilibing

Jeric Peña