Muling Pagsilang
Description
Now there was a Pharisee named Nicodemus, a leader of the Jews. He came to Jesus by night and said to him, “Rabbi, we know that you are a teacher who has come from God, for no one can do these signs that you do unless God is with that person.” Jesus answered him, “Very truly, I tell you, no one can see the kingdom of God without being born from above.” Nicodemus said to him, “How can anyone be born after having grown old? Can one enter a second time into the mother’s womb and be born?” Jesus answered, “Very truly, I tell you, no one can enter the kingdom of God without being born of water and Spirit. What is born of the flesh is flesh, and what is born of the Spirit is spirit. Do not be astonished that I said to you, ‘You must be born from above.’ The wind blows where it chooses, and you hear the sound of it, but you do not know where it comes from or where it goes. So it is with everyone who is born of the Spirit.” Nicodemus said to him, “How can these things be?” Jesus answered him, “Are you the teacher of Israel, and yet you do not understand these things?
“Very truly, I tell you, we speak of what we know and testify to what we have seen, yet you do not receive our testimony. If I have told you about earthly things and you do not believe, how can you believe if I tell you about heavenly things? No one has ascended into heaven except the one who descended from heaven, the Son of Man. And just as Moses lifted up the serpent in the wilderness, so must the Son of Man be lifted up, that whoever believes in him may have eternal life.
“For God so loved the world that he gave his only Son, so that everyone who believes in him may not perish but may have eternal life.
“Indeed, God did not send the Son into the world to condemn the world but in order that the world might be saved through him.
John 3:1-17 (NRSVUE)
<figure class="wp-block-embed is-type-video is-provider-youtube wp-block-embed-youtube wp-embed-aspect-4-3 wp-has-aspect-ratio">
Tayo at si Nikodemo
Sa ating pagbasa, nakatagpo ni Hesus si Nikodemo sa gitna ng kadiliman. Si Nikodemo ay isang taong may mataas na katayuan ngunit may dalang mga tanong na hindi masagot ng kanyang tradisyon. Sinabi sa kanya ni Hesus, “Maliban na ang tao ay ipanganak na muli, hindi siya makakakita ng kaharian ng Diyos.”
Bilang isang Katoliko at Kristiyanong bakla, madalas kong nararamdaman na ako si Nikodemo. Sa Juan 3, pumunta siya kay Hesus sa ilalim ng takip ng gabi. Bakit gabi? Siguro dahil takot siya sa sasabihin ng kapwa niya Pariseo , o siguro dahil hindi pa niya kayang pangatawanan sa harap ng marami ang kuryosidad ng pananampalataya niya. Ganoon din ako; maraming tanong, maraming takot. Until now, hindi pa rin ako sigurado sa aking pananampalataya. Gayon din ang pakiramdam ko sa tuwing naririnig ko ang mga mapanghusgang salita sa paligid na nagsasabing mali ako, makasalanan ako, at hindi karapat-dapat. Ang mga salitang ito ay parang kadiliman na nagpapalayo sa akin sa liwanag ng Diyos.
Sa ating paglalakbay bilang mga LGBTQIA+ na mananampalataya, ang pag-uusap nina Hesus at Nikodemo ay tila isang salamin. Tulad ni Nikodemo, marami sa atin ang lumalapit sa Diyos sa gabi o sa gitna ng kadiliman , dala ng takot sa sasabihin ng iba , ng bigat ng ating pagkakakilanlan, at ng tanong na: “Tatanggapin ba ako? Karapat-dapat ba ako?”.
Ang Tunay na Ibig Sabihin ng Muling Pagsilang
Ang sagot ni Hesus ay hindi pagtataboy kundi isang paanyaya: “Kailangan kayong ipanganak na muli.” Ang muling pagsilang na ito ay hindi nangangahulugang kailangang burahin ang ating kulay. Sa halip, ito ay pagpapaubaya sa Banal na Espiritu na linisin ang ating paningin upang makita natin ang ating sarili ayon sa tingin ng Diyos : mahalaga, banal, at sapat.
Ang konsepto ng muling pagsilang ay madalas gamitin laban sa atin upang sabihing kailangan nating magbago o itatwa ang ating tunay na pagkatao. Ngunit sa mas malalim na espiritwal na pag-unawa, ang muling pagsilang na tinutukoy ni Hesus ay hindi pagpatay sa ating katotohanan, kundi pagyakap sa ating banal na pagkakakilanlan bilang mga anak ng Diyos at malaya sa tanikala ng mapanghusgang mundo.
Mahirap isabuhay ang gospel na ito sa mundong puno ng limitasyon. Ngunit dito pumapasok ang tunay na milagro ng Espiritu Santo. Aaminin ko, hindi madali. May mga araw na mabigat ang krus ng diskriminasyon at pagdududa. Subalit gaya ng hangin na binanggit sa bersikulo 8 na umiihip kung saan ito nais, ang Espiritu ng Diyos ay hindi nakakulong sa kahon ng tradisyon. Tuwing ako ay humihingi ng patnubay, ipinapaalala ng Diyos sa akin na ang Kanyang grasya ay sapat. Ang aking pagkatao ay hindi hadlang sa aking paglilingkod; ito ay aking natatanging paraan upang ipakita ang makulay at malawak na pag-ibig ng Maylikha. Hindi ako o tayo tinawag para maging perpekto ayon sa pamantayan ng tao, kundi para maging tapat sa ilalim ng biyaya.
Paglilingkod sa Pamilya at Trabaho
Ang paglilingkod ay hindi lamang ginagawa sa loob ng simbahan. Ito ay isinasabuhay natin sa bawat aspeto ng ating pang-araw-araw na pakikibaka.
- Sa Ating Pamilya: Madalas, sa pamilya tayo pinakahinahamon. Maraming mga kamag-anak na hanggang ngayon ay hindi pa rin tanggap ang iyong katotohanan , kung saan minsan ay kailangan pa nating patunayan ang halaga sa kabila ng ating pagkakaiba. Naririnig natin ang mga patama sa hapag-kainan o nararamdamang tila may limitasyon ang pagmamahal nila sa iyo. Subalit sa kabila nito, pinipili nating manatiling mapagmahal na anak, kapatid, o kamag-anak. Kapag tayo ang unang tumutulong sa oras ng pangangailangan , o nag-aalaga sa mga magulang na may sakit nang walang pag-aalinlangan, ipinapakita natin ang gospel in action. Pinapatunayan natin na ang pag-ibig ng isang LGBTQIA+ member ay hindi nababawasan ng kanilang panghuhusga. Kahit inaalipusta at sinasaktan ng mga mahal natin sa buhay , kung kailangan nila ng tulong o aruga , tayo ang unang tutugon kahit tayo ay nasasaktan. ‘Yan ang pag-ibig na kaya nating ibigay, at ang tawag diyan ay grasya.
- Sa Ating Trabaho: Madalas tayong kailangang magtrabaho nang doble upang patunayan sa ating mga kasamahan ang ating halaga. Ang propesyonalismo ay hinahaluan natin ng pagtitimpi at pagmamahal kahit sa mga hindi nakakaunawa sa atin. Hinaharap natin ang mga micro-aggressions o ang pakiramdam na kailangang itago ang ilang bahagi ng ating sarili upang hindi mapag-usapan. Ang ating katapatan sa trabaho at pagiging go-to person sa ating mga kasamahan ay isang porma ng ministeryo. Sa pamamagitan ng pagiging mahusay at mabuting katrabaho, binabali natin ang mga maling akala. Naglilingkod tayo sa pamamagitan ng pagbibigay ng dangal ayon sa ating propesyon , habang tahimik na nananalangin para sa mga kasamahang hindi pa bukas ang isipan.
Ang Tahanan Natin sa Open Table MCC
Lahat tayo—ako noon—ay takot at naghahanap ng isang community kung saan pwede tayong maging totoo sa ating pagkatao, kung saan tanggap tayo nang walang halong panghuhusga. Dito ako dinala sa simbahan ng Open Table MCC Manila pa noon, year 2000. (Kaya alam niyo na kung ilang taon na ako ngayon; siguro ako ang pinakamalapit nang maging ‘dalawang citizenship’) .
Nang sabihin ni Hesus na kailangang ipanganak na muli, hindi Niya ibig sabihin na burahin natin kung sino tayo. Ang muling pagsilang ay ang pag-iwan sa mga lumang paniniwala na ang pag-ibig ng Diyos ay limitado lamang sa iilan. Sa Open Table MCC, natutunan ko na ang aking pagkatao bilang LGBT ay hindi hadlang kundi isang bahagi ng aking paglalakbay. Ang muling pagsilang para sa akin ay ang pagtanggap na tayo ay nilikha ng Diyos nang may layunin , at ang Kanyang Espiritu ay umiihip kung saan Nais Niya. Hindi ito nakakulong sa mga tradisyong puno ng poot.
Dito sa ating komunidad, ang paglilingkod ay may ibang lalim. Ito ang ating tahanan kung saan ang pag-ibig ay walang pasubali. Dito natin nararamdaman na ang paglilingkod sa Diyos ay tunay na inklusibo.
Juan 3:16-17: Sandigan ng Ating Pananampalataya
Madalas gamitin ang Bibliya sa mga katulad natin para takutin tayo. Pero ang Juan 3:16-17 ang pinakamatibay nating sandigan. Actually, ito ‘yung gumising sa akin. Ito ‘yung nagbigay sa akin ng pundasyon na hawak ko until now , at sinasabi kong hinding-hindi ako magkakamali.
“Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan , pinadala Niya ang Kanyang Anak at kung sino man ang maniwala ay hindi Niya pababayaan at Kanyang ililigtas.” Hindi sinabi na gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa mga “diretso” ang buhay. Sinabi Niya, “sa lahat,” hindi lang sa iilan. Kasama ako doon, kasama ka doon, kasama tayong lahat. Ang salitang “sanlibutan” ay walang itinatangi; lahat ay yayakapin.
At ang pinakamahalaga para sa ating mga nakaranas ng diskriminasyon ay ang talatang 17 : “Sapagkat hindi sinugo ng Diyos ang Anak sa sanlibutan upang hatulan ang sanlibutan, kundi upang ang sanlibutan ay maligtas sa pamamagitan Niya.” Ang Diyos



