S3E2: Economic Repercussions, Social Relations, and #COVID19PH
Description
Geographer Mylene Hazel De Guzman discusses the social and spatial dimensions of the pandemic along with the various dimensions of being “healthy” (2:25 ); inequalities and access to healthcare (11:19 ); social and physical distancing (13:25 ); and the intertwined aspects of human ecology, spaces/places and health (16:07 ). Economist JC Punongbayan tackles the economic dimensions of the crisis noting the macro and micro-economic impacts of the lockdown (21:52 ) and the economic stimulus package that the government intends to implement (27:17 ). JC and Hazel reflect on good practices so far and possible ways forward (33:00 ).
S3 E2: Ekonomiya, Ugnayang Panlipunan at ang Covid-19 sa Pilipinas
Para sa aspektong may kinalaman sa ugnayang panlipunan, binigyang-diin ni Mylene Hazel De Guzman ang ilang aspektong panlipunan kaugnay ng isang pandemya at ang kaakibat na mga usapin ng pakahulugan sa pagiging “malusog” (2:25 ). Tinalakay rin niya ang usapin ng access sa serbisyong medikal (11:19 ) at ilang pananaw kaugnay ng social/physical distancing (13:25 ). Mahalaga rin aniyang pagtuunan ang magkakakawing na elemento ng human ecology, espasyo/lugar, at kalusugan (16:07 ). Ibinahagi naman ni JC Punongbayan ang ilang bagay kaugnay ng ekonomiya at paano ito naapektuhan ng krisis sa antas na micro at macro (21:52 ). Ipinaliwanag rin niya ang stimulus package bilang isang tugon ng pamahalaan sa hamong pang-ekonomiya na dala ng isang krisis (27:17 ). Nagbahagi rin si JC at Hazel ng ilang pananaw kaugnay ng mga susunod hakbang na maaaring bigyang tuon (33:00 ).