10 Paraan para Maabot ang Iyong Unang Milyon
Description
Milyon-milyong Pilipino ang nangangarap na maging milyonaryo. Noon pa man, marami na ang tumataya sa lotto at umaasa na sa isang iglap ay mababago nito ang takbo ng kanilang buhay. Ngunit hindi lahat ay swerte sa mga ganitong pagkakataon; iilan lamang ang pinapalad na maging instant millionaire. Pero isipin man ng iba na nangangarap ka nang gising, ‘wag kang magpapaapekto dahil ang pagiging milyonaryo ay hindi imposible.
Sabi nila, ang Unang Milyon ang pinakamahirap kitain kumpara sa mga susunod. Kailangan mo ng commitment, courage, at tamang mindset. Pero hindi lang iyon, kailangan mo ring matuto na mag-take ng risk. So ano nga ba ang mga pwede mong gawin para maging isang milyonaryo? Alam mo na ba kung paano ka magsisimula? Kung hindi pa, make sure na panuorin mo ang buong video para malaman mo ang sampung paraan kung paano ka makakaipon ng isang milyong piso.




