DiscoverThink About It by Ted FailonBaliktarin na ang bandila? (Aired September 16, 2025)
Baliktarin na ang bandila? (Aired September 16, 2025)

Baliktarin na ang bandila? (Aired September 16, 2025)

Update: 2025-09-18
Share

Description

Mahigit 10 ghost at questionable projects na ang nadiskubre sa distrito ni dating Bulacan 1st DEO District Engineer Henry Alcantara na isa sa mga tinaguriang "BGC BOYS" o Bulacan Group of Contractors na ibinunyag ni Senator Ping Lacson na nagpapatalo umano ng milyon-milyon at nagpapapalit umano ng bilyon-bilyong piso sa mga casino. Pero kahit klaro na ang mga ebidensiya ay hindi pa rin sila pwedeng damputin at ikulong dahil kailangan nilang dumaan sa due process.


Ang mag-asawang Curlee at Sarah Discaya naman ay umamin na ang kanilang siyam na construction companies ang naglalaban-laban sa mga bidding ng government projects kung saan ay nagbibigay sila ng hanggang 30 porsyento bilang komisyon sa proyekto para sa mga taga DPWH at ilang opisyal ng gobyerno. Pero kailangan pa nating maghintay na pormal silang makasuhan para magsimula na ang due process.


Oo nga at nakapagbuo ng Independent Commission on Infrastructure ang Pangulong Marcos Jr., subalit ang lahat ng kanilang impormasyon, dokumento, testimonya, ebidensya at rekomendasyon ay babagsak pa rin sa Ombudsman kung saan maaaring abutin ng ilang linggo, ilang buwan, ilang taon bago sila magdesisyon. At sakali mang makarating sa Sandiganbayan ang kaso, ay posibleng abutan din ng ilang mga taon o dekada ang paglalabas ng hatol. 


Umiiral ang due process para sa mga tulisan, mga magnanakaw, mga mangungulimbat, mga mandarambong sa perang pinaghihirapan ng bayan, habang ikaw na pangkaraniwang manggagawang Pilipino ay tuloy-tuloy lang sa pagtatrabaho at pag-aambag sa buwis na napupunta sa gobyerno na siya namang kinakamal ng mga diablo. Think about it.

Comments 
00:00
00:00
1.0x

0.5x

0.8x

1.0x

1.25x

1.5x

2.0x

3.0x

Sleep Timer

Off

End of Episode

5 Minutes

10 Minutes

15 Minutes

30 Minutes

45 Minutes

60 Minutes

120 Minutes

Baliktarin na ang bandila? (Aired September 16, 2025)

Baliktarin na ang bandila? (Aired September 16, 2025)

105.9 True FM