Prime suspects sa PrimeWater? (Aired July 10, 2025)
Description
Ang PrimeWater Infrastracture Corporation na sinasabing pagmamay-ari ng pamilya Villar ay kasalukuyang umabot na sa pitumpu't pito ang kontrata sa iba't-ibang local water districts sa buong bansa.
Bago pa man ipinag-utos ng Pangulong Marcos Jr. ang malalimang imbestigasyon sa kanilang operasyon dahil sa katakot-takot na reklamo mula sa mga mamamayang apektado ng pangit nilang serbisyo, naglabas na ng audit report ang Commission on Audit (COA) kung saan nakasaad ang ilang obligasyon na hindi nasunod ng PrimeWater sa mga lugar na kanilang sineserbisyuhan.
Ilan lamang diyan ay ang hindi pagbibigay ng tuloy-tuloy na supply ng tubig, walang septage managemement plan, mataas na nasasayang na tubig o non-revenue water, mataas na pondong ginasta, at hindi pagpasa sa drinking water standards ng tubig sa kanilang mga gripo.
Nakaabang na ang bayan sa pagsasapubliko ng resulta ng imbestigasyon ng Local Water Utilities Administration (LWUA) at sa magiging imbestigasyon ng Kamara de Representante, habang nakakabingi ang katahimikan ng Senado.
Sa bandang huli, may mapapanagot nga ba sa pagdurusa ng mga mamamayan? O sa bandang huli ay wala na namang mangyayari at taong bayan pa rin ang magdurusa? Think about it.
#TedFailonandDJChaCha