‘Bugok na regulatory board?’ (Aired March 12, 2025)
Description
Naglabas ang LTFRB ng Memorandum Circular 2024-040 na inoobliga ang lahat ng mga driver at konduktor ng lahat ng pampublikong sasakyan na sumailalim sa labing-anim na oras na lecture at training na ibibigay ng LTFRB-accredited driving schools. P2,000 ang Minimum Prescribed Fee para sa naturang lecture-training.
Dagdag gastos na naman ito para sa mga drayber at konduktor, maging mga operator.
Ang problema, magpapatupad ng isang programa na napakaraming manggagawa sa sektor ng transportasyon ang apektado nang hindi man lang sila muna kumonsulta sa apektadong sektor. Malinaw na ang programang ito ng LTFRB, sa ilalim ng DOTr, ay isa na namang kaso ng “implement now, plan later.” “Implement now, consult later.”
Hanggang kailan magiging ganito ang uri ng pamunuan sa LTFRB? Nasaan ang bagong Pilipinas sa sistema ng ahenshang ito na mistulang nagiging bugok na regulatory board? Think about it.
#ThinkAboutIt #TedFailonandDJChacha #DitoTayoSaTotoo #SaTrue #TrueFM #TrueTV