DiscoverThink About It by Ted FailonMagpakahirap para sa mga korap (Aired December 4, 2025)
Magpakahirap para sa mga korap (Aired December 4, 2025)

Magpakahirap para sa mga korap (Aired December 4, 2025)

Update: 2025-12-05
Share

Description

Kulang ang pera ng gobyerno — iyan ang madalas sabihin ng mga opisyal ng pamahalaan kaya hindi mabigyan ng sapat na pananalapi ang mahahalagang proyekto at programa na totoong pakikinabangan ng mga mamamayan.Subalit lumabas sa mga pagdinig sa Senado kaugnay ng mga proyekto ng DPWH at flood control, at sa pagbubunyag ni Senador Ping Lacson, na trilyon-trilyong piso sa pinaghirapang pera ng mga Pilipino ang ninanakaw ng mga kawatan sa gobyerno nang walang kahirap-hirap at walang kapagod-pagod. At sa gitna ng napakakirot na katotohanan na ito ay kailangan pa nating mangutang para pondohan ang mahahalagang proyekto ng pamahalaan.Kailangan ding magpatupad ng mga Public-Private-Partnership para pondohan ang mga proyektong pangkalusugan, transportasyon at edukasyon na importante para sa mga Pilipino.Hindi lang pera o salapi ang ninanakaw sa atin ng mga magnanakaw sa gobyerno, kundi ang kalusugan, edukasyon, maayos na transportasyon at maunlad na bayan.Patuloy lang magpapagod at magpapakahirap magtrabaho ang pangkaraniwang manggagawa at middle class upang magkaroon ng ambag sa pagpapatakbo ng gobyerno, habang magpapatuloy lang sa pagpapayaman ang mga korap. Think about it.

Comments 
00:00
00:00
x

0.5x

0.8x

1.0x

1.25x

1.5x

2.0x

3.0x

Sleep Timer

Off

End of Episode

5 Minutes

10 Minutes

15 Minutes

30 Minutes

45 Minutes

60 Minutes

120 Minutes

Magpakahirap para sa mga korap (Aired December 4, 2025)

Magpakahirap para sa mga korap (Aired December 4, 2025)

105.9 True FM