'Bigong-Bigong Mamamayan' (Aired May 22, 2025)
Description
Upang matulungan ang mahihirap na Pilipino na makabili ng murang bigas, at tulungan na mabawasan ang stock ng bigas sa mga napupunong bodega ng National Food Authority (NFA), ipinanganak ang proyektong 'Benteng Bigas Meron na!'.
Pero hindi simple ang programang ito dahil para maibenta ng bente pesos per kilo ang NFA rice sa Kadiwa ng Pangulo, kakailanganin ng malaking pera para sa subsidiya. Ibig sabihin mag-aabono ang gobyerno kung saan ang buong bayan na naman ang magpapaluwal pero piling-piling grupo lamang ang puwedeng makinabang sa bente pesos na bigas.
Abala ang pamahalaan sa pagtupad sa pangakong bente pesos na bigas ng Pangulong Marcos noong 2022 Presidential campaign sa halip na tutukan ang pagpapaunlad ng agrikultura. Sa natitirang tatlong taon ng panunungkulan ng Pangulo, may aasahan pa kayang katuparan sa kanyang pangako maliban sa manaka-nakang Kadiwa, o tuluyan nang mabigo ang pag-asa ng mamamayan lalo na ng mga magsasaka? Think about it.
#TedFailonAndDJChaCha #ThinkAboutIt #DitoTayoSaTotoo #SaTrue #TrueFM #TrueTV