Panginoong Hesus, napagnilayan naming ang daan ng inyong krus. Samahan mo sana kami sa pagpasan sa aming mga krus, sa pagsunod sa iyo. Alam naming hindi kami nag-iisa dahil sa muli mong pagkabuhay, binabago mo rin ang aming buhay. Naway makita ka namin sa aming paggawa ng kabutihan sa aming kapwa. Amen. Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.
Sinasamba ka namin at pinasasalamatan, Panginoong Hesukristo. Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Mahal na Krus at Muling Pagkabuhay, iniligtas mo ang sandaigdigan. Pagbasa (Mt 28: 1-6) Makaraan ang Araw ng Pamamahinga, pagbubukang-liwayway ng unang araw ng sanlinggo, pumunta sa libingan ni Hesus si Maria Magdalena at ang isa pang Maria. Biglang lumindol nang malakas Bumaba mula sa langit ang isang anghel ng Panginoon, iginulong ang batong nakatakip sa libingan, at naupo sa ibabaw niyon. Ang kanyang mukha ay nakasisilaw na parang kidlat at kasimputi ng busilak ang kanyang damit. Nanginig sa takot ang mga bantay at nabulagtang animo’y patay nang makita ang anghel. Ngunit sinabi nito sa mga babae, “Huwag kayong matakot; alam kong hinahanap ninyo si Hesus na ipinako sa krus. Wala na siya rito, sapagkat siya’y muling nabuhay tulad ng kanyang sinabi. Halikayo, tingnan ninyo ang pinaglagyan sa kanya.” Pagninilay Sa muling pagkabuhay ni Kristo, pinapawi ang ating takot sa kamatayan dahil nakasisigurado tayong may buhay na walang hanggan. Sa mga panahong lugmok tayo sa hirap ng buhay, nawa’y maging tanglaw ng pag-asa ang muling pagkabuhay ni Kristo. Naway mapaalalahanan tayo na ang ating buhay sa mundo ay patungo lamang sa buhay na walang hanggan kapiling ng Diyos. Panalangin Panginoong Hesus, tunay na Ikaw ang bukal ng pag-asa at buhay. Sa pamamagitan ng Iyong muling pagkabuhay, binigyan Mo kami ng pag-asa at lakas ng loob na harapin ang anumang pagsubok sa buhay. Pinagtibay Mo rin ang aming paniniwala na sa darating na panahon ay babangong muli kami sa kamatayan. Paanyaya Isipin ang mga mahal sa buhay na sumakabilang-buhay na. Alam nating sila’y kasama ni Kristo na muling nabuhay. Ama Namin… Aba, Ginoong Maria… Luwalhati…
Sinasamba ka namin at pinasasalamatan, Panginoong Hesukristo. Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Mahal na Krus at Muling Pagkabuhay, iniligtas mo ang sandaigdigan. Pagbasa (Mt 27: 57-60) Bago magtakipsilim, dumating ang isang mayamang taga-Arimatea, na ang ngala’y Hose. Siya’y alagad din ni Hesus. Lumapit siya kay Pilato at hiningi ang bangkay ni Hesus. Iniutos naman ni Pilato na ibigay ito sa kanya. Kaya’t kinuha ni Jose ang bangkay at binalot ng bagong kayong lino. Inilagay niyo ito sa sariling libingan na di pa nalalaunang ipinauka niya sa bato. Pagkatapos, iginulong niya sa pintuan nito ang isang malaking bato, saka umalis. Pagninilay Ang Panginoon ang nagbigay, ang Panginoon ang bumawi. Purihin ang Panginoon. Masakit ang mawala sa atin ng mga taong pinakamamahal natin. Masakit mawalay sa mga taong laging nariyan sa ating tabi, mga taong naging bahagi na ng ating buhay at pagkatao. Ang kanilang paglisan ay tila pag-lisan din ng bahagi ng ating buhay, ng bahagi ng ating pagkatao. Sa ganitong mga panahon, masakit man at di man natin maintindihan, bumaling tayo sa Diyos. Bumaling tayo sa Diyos kahit may luha sa mata, at may hinanakit sa puso. Bumaling tayo sa diyos na siyang nagpapahilom ng mga puso, na nagpapatuyo ng mga luha. Panalangin Hesus, inihimlay Ka sa libingan na hiram lamang sa pamamagitan ng kagandahang loob ni Jose ng Arimatea. Nung ipinganak Ka sa mundo, inilagay ka sa sabsaban. Panginoon, maraming salamat po dahil sinamahan Mo kami sa aming karukhaan. Sa pag-alay mo ng Iyong sarili para sa aming kaligtasan, binigyan Mo kami ng pag-asa at lakas ng loob na magsakripisyo at magtiis dahil alam namin na kasama mo kami sa aming kahirapan hanggang sa aming kamatayan. Paanyaya Isipin at ipagdasal ang mga mahal natin sa buhay na pumanaw na. Alalahanin natin ang pagmamahal na ating nadama sa kanilang piling at ipagpasalamat sa panginoon na nabigyan tayo ng pagkakataong maranasan ang kaniyang pagmamahal sa pamamagitan nila. Ama Namin… Aba, Ginoong Maria… Luwalhati…
Sinasamba ka namin at pinasasalamatan, Panginoong Hesukristo. Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Mahal na Krus at Muling Pagkabuhay, iniligtas mo ang sandaigdigan. Pagbasa (Jn 19: 28-30; Lu 23: 44-46) Nang mag-iikalabindalawa ng tanghali, nagdilim sa buong lupain at nawalan ng liwanag ang araw hanggang sa ikatlo ng hapon. Sinabi ni Hesus, “Nauuhaw ako!” May isang mangkok doon na puno ng maasim na alak. Itinubog nila rito ang isang espongha, ikinabit sa sanga ng isopo at idiniit sa kanyang bibig Nang masipsip ni Hesus ang alak ay kanyang sinabi, “Naganap na!” Sumigaw nang malakas si Hesus, “Ama, sa mga kamay mo’y ipinagtatagubilin ko ang aking espiritu!” At pagkasabi nito, nalagot ang kanyang hininga. Pagninilay Sa paanan ng krus ni Hesus, nakatingala ang lahat sa Diyos na piniling maging tao katulad natin, at nakisangkot sa masalimuot nating buhay, hanggang sa ating kamatayan. Panalangin Panginoon, inako Mo ang aming kasalanan at ikaw ang nagdusa para sa amin. Inalay Mo ang Iyong buhay dahil sa labis na pagmamahal Mo sa amin. Panginoon, tanggapin Mo ngayon ang aming pagmamahal sa iyo kahit kadalasan kami ay nagkukulang. Turuan Mo kaming magmahal ng kapwa tulad ng pagmamahal Mo sa amin at mag-alay ng aming buhay sa iba. Paanyaya Manahimik at damhin ang pag-ibig ni Kristo para sa atin, na handang magbigay ng sarili para sa atin. Ama Namin… Aba, Ginoong Maria… Luwalhati…
Sinasamba ka namin at pinasasalamatan, Panginoong Hesukristo. Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Mahal na Krus at Muling Pagkabuhay, iniligtas mo ang sandaigdigan. Pagbasa (Jn 19: 25-27) Nakatayo sa tabi ng krus ni Hesus ang kanyang ina at ang kapatid na babae nitong si Maria, na asawa ni Cleopas. Naroon din si Maria Magdalena. Nang makita ni Hesus ang kanyang ina, at ang minamahal niyang alagad sa tabi nito, kanyang sinabi, “Ginang, narito ang iyong anak!” At sinabi sa alagad, “Narito ang iyong ina!” Mula noon, siya’y pinatira ng alagad na ito sa kanyang buhay. Pagninilay Ang ating mga magulang ay larawan ng pagmamahal ng Diyos para sa atin. Sila ang unang nagpapadama sa atin ng pagmamahal at pagaaruga ng Diyos. Sa kanila tayo unang ipinagkatiwala ng Diyos. Sa ating buhay, ipinagkakatiwala din ng Diyos sa atin ang ibang tao ating nakakasalamuha. Nawa’y maipadama din natin sa kanila ang pagmamahal ng Ama, na siyang unang nagmahal sa ating lahat. Panalangin Panginoon, tulad din ng aming mga ina, walang sinuman ang umibig sa Iyo nang higit pa sa iyong Ina. Hindi niya marahil maintindihan ang Iyong pagpapasakit at kamatayan pero may malalim siyang tiwala sa pangako at kalooban ng Diyos. Sinamahan Ka ng Iyong Ina at nakibahagi sa iyong pagdurusa.Isa siyang huwaran ng pagtitiwala at pananalig sa Diyos. Naway maging tulad kami ni Maria, Ina Mo at Ina na rin naming lahat. Maging mapagmahal nawa kami sa kanya tulad mo. Paanyaya Isipin at ipagdasal ang iyong mga magulang, kung kanino ka ipinagkatiwala ng Diyos. Ama Namin… Aba, Ginoong Maria… Luwalhati…
Sinasamba ka namin at pinasasalamatan, Panginoong Hesukristo. Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Mahal na Krus at Muling Pagkabuhay, iniligtas mo ang sandaigdigan. Pagbasa (Lu 23: 39-43) Tinuya siya ng isa sa mga salaring nakabitin, at ang sabi, “Hindi ba ikaw na gMesiyas? Iligtas mo ang iyong sarili, pati na kami!” Ngunit pinagsabihan siya ng kanyang kasama, “Hindi ka ba natatakot sa Diyos? Ikaw ma’y pinarusahang tulad niya! Matuwid lamang na tayo’y parusahan nang ganito dahil sa ating mga ginawa; ngunit ang taong ito’y walang ginawang masama.” At sinabi niya, “Hesus, alalahanin mo ako kapag naghahari ka na.” Sumagot si Hesus, “Sinasabi ko sa iyo: ngayon di’y isasama kita sa Paraiso.” Pagninilay Maraming nakakagawa ng mali sa atin. Totoo, madalas mahirap magpatawad lalo na kung malalim ang nagawang sakit ng tao sa atin. Inaanyayahan tayo ng Panginoon na maging mapagpatawad, na mahalin ang ating mga kaaway, na ipagdasal ang mga humushusga sa atin, taliwas sa nakasanayang kultura ng mundo, ang kultura ng paghihiganti. Matuto nawa tayong patawarin ang iba, humingi ng tawad, at patawatin din ang sarili, dahil tayo ang unang minahal at pinatawad. Panalangin Hesus, kami rin po ay katulad ng magnanakaw na lumalapit sa Iyo ng buong pagsisisi sa aming mga kasalanan. Ilang beses naming ipingako na magbagong buhay at iwasan ang kasalanan subalit paulit ulit kaming dumadapa. Maraming salamat sa walang-sawang pagpapatawad at pagmamahal. Turuan Mo din kaming humingi ng tawad sa ibang tao na nasaktan namin at magpatawad sa mga nagkasala sa amin. Paanyaya Isipin at ipagdasal ang mga taong kailangan nating patawarin at hingan ng tawad. Lalong lalo na ang mga mahirap patawarin. Ama Namin… Aba, Ginoong Maria… Luwalhati…
Sinasamba ka namin at pinasasalamatan, Panginoong Hesukristo. Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Mahal na Krus at Muling Pagkabuhay, iniligtas mo ang sandaigdigan. Pagbasa (Lu 23: 33-35) Nang dumating sila sa dakong tinatawag na Bungo, ipinako nila sa krus si Hesus. Ipinako rin ang dalawang salarin, isa sa gawing kanan at isa sa gawing kaliwa. sinabi ni Hsus, “Ama, patawarin mo sila, sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa.” At nagsapalaran sila upang malaman kung alin sa kanyang kasuutan ang mapupunta sa isa’t isa. Ang mga tao’y nakatayo roon at nanonood; nililibak naman siya ng mga pinuno ng bayan. Anila, “Iniligtas niya ang iba; iligtas naman niya ngayon ang kanyang sarili, kung siya nga ang Mesiyas, ang hinirang ng Diyos!” Pagninilay Pagkatapos, nang dumating sila si Golgotha, ipinako nila sa krus si Hesus kasama ang dalawang nagnanakaw. Si Hesus ay hinusga, pinagpasakit, pinagpasaan ng krus, at ipinako parang isang kriminal. Si Hesus na gumawa ng kabutihan, nagpagaling ng maysakit, nagturo ng pagpapatawad ay hinatulan ng kamatayan. Panalangin: Panginoong Hesus, ikaw na gumawa ng kabutihan, nagpagaling ng maysakit, nagturo ng pagpapatawad ay pinagtaksilan ng kaibigan, iniwanan ng kasamahan, hinusgahan, at hinatulan ng kamatayan. Hindi po malayo sa Iyo ang aming mga paghihirap at pagsubok sa buhay, Panginoon. Subalit pag-ibig ang naghatid sa iyo sa amin, pag-ibig Mo sa amin. Paanyaya Isipin ang mga karanasan kung saan ikaw ay gumawa ng mabuti subalit ikaw pa ang lumabas na masama. Ama Namin… Aba, Ginoong Maria… Luwalhati…
Sinasamba ka namin at pinasasalamatan, Panginoong Hesukristo. Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Mahal na Krus at Muling Pagkabuhay, iniligtas mo ang sandaigdigan. Pagbasa (Lu 23: 27-31) Sinusundan si Hesus ng maraming tao, kabilang ang mga babain nananaghoy at nananambitan dahil sa kanya. Nilingon sila ni Hesus at sinasabi sa kanila, “Mga kakabaihan ng Jerusalem, hiwag ninyo akong tangisan. Ang tangisan ninyo’y ang inyong sarili at ang inyong mga anak. Tandaan ninyo: darating ang mga araw na sasabihin nila, ‘Mapapalad ang mga baog, ang mga sinapupunang hindi nagdalantao, at ang mga dibdib na hindi nagpasuso.’ Sa mga araw na iyo’y sasabihin ng mga tao sa mga bundok, ‘Gumuho kayo sa amin!’ at sa mga burol, ‘Tabunan ninyo kami!’ Sapagkat kung ganito ang ginagawa sa kahoy na sariwa, ano naman kaya ang gagawin sa tuyo? Pagninilay Sa harap ng iba’t-ibang mukha ng kahirapan sa mundo, minsan wala tayong makitang paraan upang maibsan ang mga ito. minsan pinipili nating hindi na lang tingnan ang mga ito dahil iniisip nating wala naman tayong magagawa. Unang hakbang ng ating pagkilos laban sa kahirapan ng mundo ang hayaang pukawin nito ang ating damdamin. Matuto nawa tayong tumangis para sa mundo. Nawa’y ang ating pagtangis ay magbunga ng mga hakbang upang maibsan ang mga ito, kahit sa mga maliliit na paraan na ating makakaya. Panalangin Hesus, tulad ng ang pagdadalamhati ng mga babae ng Jerusalem para sa iyo, naway kami rin ay makakaramdam ng pagdadalamanhati sa hindi makatarungang pagpapahirap sa mundo. Turuan Mo kaming magkaroon ng awa at pagmahahal sa lahat ng nagdurusa, Bigyan Mo ng pusong tulad Mo, Panginoon. Paanyaya Isipin ang lahat ng kasamaan sa mundo, ang mga pang-aabuso, pangungurakot, digmaan, at pang-aapi sa mahihina. Ano ang nararamdaman mo? Kausapin ang Panginoon. Ama Namin… Aba, Ginoong Maria… Luwalhati…
Sinasamba ka namin at pinasasalamatan, Panginoong Hesukristo. Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Mahal na Krus at Muling Pagkabuhay, iniligtas mo ang sandaigdigan. Pagbasa (Mc 15:21) Nakasalubong nila ang isang lalaking galing sa bukid, si Simon na taga-Cirene, ama nina Alejandro at Rufo. Pilit nilang ipinapasan sa kanya ang krus ni Hesus. Pagninilay Lumalaking kultura na ang kultura ng pagkakanya-kanya. Dahil sa hirap ng buhay, natututo tayong mabuhay ng para sa ating sarili lamang. Natututo tayong parating unahin ang sarili. Bahala na ang iba, basta ang sarili ay matiwasay. Matuto nawa tayong makita ang krus na pasan ng ibang tao. Matuto nawa tayong makita na sa ating buhay, si Kristo ang ating kaibigan na kabalikat natin sa ating mga pasaning krus sa buhay. Makita nawa natin si Kristo sa mga taong naghihirap. Panalangin Panginoon, pinasan Mo ang bigat ng krus ng aming pagkakasala. Ikaw ang pumasan sa krus na aming dapat pasanin. Makita nawa naming ang Iyong mukha sa mga taong naghihirap. Mapukaw nawa ang aming damdamin na tumulong ding pasanin ang krus ng iba, dahil Ikaw ang unang pumasan sa aming krus. Paanyaya Isipin ang mga taong pumapasan sa hirap ng ibang tao. Ama Namin… Aba, Ginoong Maria… Luwalhati…
Sinasamba ka namin at pinasasalamatan, Panginoong Hesukristo. Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Mahal na Krus at Muling Pagkabuhay, iniligtas mo ang sandaigdigan. Pagbasa (Juan 19:16-17) Habang sumusuray ang hakbang ni Hesus patungo sa Kalbaryo halos madurog si Hesus sa bigat ng Krus na kanyang pasan-pasan. Higit pa marahil, napuspos si Hesus sa panunuya at panlilibak ng mga tao na para bagang siya ay isang kriminal. Halos igupo ng pagod dahil sa kawalan ng tulog sa magdamag at pagpapahirap na kanyang dinanas, si Hesus ay nalugmok sa bigat ng Krus at pag-aalipusta na kanyang dinanas. Pagninilay Mahirap ang buhay. Marami tayong naririnig sa balita ng mga taong sumusuko na dahil sa hirap ng buhay. “Panginoon, bakit ako pa?” Malaking katanungan kung bakit pinababayaan ng Panginoon na makaranas tayo ng kahirapan. Mahirap isipin na hahayaan tayong makaranas ng kahirapan ng Diyos ng pag-ibig. Sa panahon ng kahirapan, madalas nating makalimutan ang pangakong binitiwan ng Panginoon, na hinding hindi niya tayo iiwan, lalo na sa oras ng kagipitan. Matutong tumayo muli mula sa pagkakalugmok, ng may pananalig at pag-asa sa pangako ng panginoon na kaagapay natin siya sa bigat ng krus ng buhay. Panalangin Panginoon, napakarami din sa amin ang nadarapa at napapasubasob dahil kahirapan sa buhay. Samahan Mo kami sa tuwing kami ay lugmok sa problema. Bigyan Mo kami ng lakas ng loob na tumayo muli at pasanin ang aming mga Krus. Alam namin Panginoon na hinding hindi Mo kami pababayaan. Paanyaya Isipin at ipagdasal ang mga taong nabibigatan sa hirap ng buhay. Ama Namin… Aba, Ginoong Maria… Luwalhati…
Sinasamba ka namin at pinasasalamatan, Panginoong Hesukristo. Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Mahal na Krus at Muling Pagkabuhay, iniligtas mo ang sandaigdigan. Pagbasa (Mt 27:31) At matapos kutyain, kanilang inalisan siya ng balabal, sinuutan ng sariling damit, at inilabas upang ipako sa krus. Pagninilay Masarap magmahal. Masarap magmahal kahit na may kaakibat na pagpapakasakit at pagsasakripisyo ang ating pagmamahal. Dahil sa pagmamahal, handa tayong magsakripisyo. Kahit mahirap, handa tayong piliing patuloy na magmahal. Dahil sa pagmamahal, kusang-loob na tinanggap ni Hesus ang kaniyang krus. Dahil sa pagmamahal, pinili ni hesus na sundin ang kalooban ng Ama. Alam niyang mahirap. Alam niyang masakit. Ngunit di alintana ang hirap at sakit dahil sa kaniyang pag-ibig para sa atin. Panalangin Panginoon, inaalala naming ngayon ang Iyong pagibig sa amin, na handang piliing umibig, kahit may kaakibat na kahirapan, kahit mahirap kaming mahalin. Turuan mo kaming makita ka sa mga taong aming minamahal. Turuan Mo kaming piliing maging mapagmahal kahit may hirap itong kaakibat. Paanyaya Isipin yung ang mga tao sa buhay mo na mahirap mahalin. Ipagdasal at ipag ubaya sila sa Panginoon. Ama Namin… Aba, Ginoong Maria… Luwalhati…
Sinasamba ka namin at pinasasalamatan, Panginoong Hesukristo. Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Mahal na Krus at Muling Pagkabuhay, iniligtas mo ang sandaigdigan. Pagbasa (Mt 27:22-30) Sinabi sa kanila ni Pilato, “Kung gayon, ano ang gagawin ko kay Hesus na tinatawag na Kristo?” Suamgot ang lahat, “Ipako sa krus!” “Bakit, anong masama ang ginawa niya?” tanong ni Pilato. Ngunit lalo pa nilang isinigaw, “Ipako sa krus!” At ipinahagupit si Hesus at ibinigay sa kanila upang ipako sa krus. Si Hesus ay dinala ng mga kawal ng gobernador sa pretoryo, at nagkatipon ang buong batalyon sa paligid niya. Naglikaw sila ng halamang matinik at ipinutong sa kanya, saka pinaghawak ng isang tambo sa kanyang kanang kamay. At palibak siyang niluhud-luhuran at binati: “Mabuhay ang Hari ng mga Hudio!” Pagninilay Biktima si Kristo ng kultura ng paggamit ng kapangyarihan upang makalamang sa kapwa. Kahit sa ating panahon ngayon, maraming mga tao ang pinagmamalabisan, hindi lamang sa paraang pisikal, kundi sa emosyonal at spiritual na paraan din. Nagiging kultura na ang pagsasamantala upang makalamang lang sa kapwa. Makita nawa natin ang Panginoon sa mga taong pinagmamalabisan, mga taong biktima ng kapangyarihan ng iba. Panalangin Panginoon, matuto nawa kaming gamitin ang aming mga kakayanan upang makagawa ng mabuti sa aming mga kapwa. Bigyan Mo kami ng lakas ng loob na ipagtanggol ang mga naaapi at mahihirap. Paanyaya Isipin at ipagdasal ang mga taong naghihirap dahil sa pagmamalabis ng iba, ang mga taong naghihirap dahil sa pagmamalabis natin. Ama Namin… Aba, Ginoong Maria… Luwalhati…
Sinasamba ka namin at pinasasalamatan, Panginoong Hesukristo. Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Mahal na Krus at Muling Pagkabuhay, iniligtas mo ang sandaigdigan. Pagbasa (Lu 22: 39-45): Tumindig ang pinakapunong saserdote sa harap ng kapulungan, at tinanong si Hesus, “Ikaw ba ang Mesisyas, ang Anak ng Kataas-taasan? “Ako nga,” sagot ni Hesus. “At makikita ninyo ang Anak ng Tao, na nakaupo sa kanan ng Makapangayarihan sa lahat. At makikita ninyong siya’y dumarating, nasa alapaap ng langit.” Winasak ng pinakapunong saserdote ang sariling kasuutan, at sinabi, “Hindi na natin kailangan ang mga saksi! Kayo na ang nakarinig ng kanyang kalapastanganan sa Dios! Ano ang pasya ninyo?” Ang hatol nilang lahat at kamatayan. Kinaumagahan, nagpulong agad ang mga punong saserdote, ang matatanda ng bayan, ang mga eskriba, at ang iba pang bumubuo ng Sanedrin. Ipinagapos nila si Hesus, at dinala kay Pilato. Pagninilay Namamayagpag ngayon ang kultura ng panghuhusga. Marami ang hinuhusgahan ng lipunan dahil hindi sila sumusunod sa kung ano ang nakasanayan na. Marami sa mga hinuhusgahan ang wala man lang nangangatwiran para sa kanila. Higit pa rito, tayo rin ay nanghuhusga ng iba. Nanghuhusga tayo base sa panlabas na anyo, kulay ng balat, sa antas ng napag-aralan, sa katayuan sa buhay, sa pananamit, sa pananalita. Nawa’y mamulat tayo sa katotohanang kahit na may pagkakaiba man sa ilang mga bagay, tayo’y pare-pareho sa harapan ng Diyos. Nawa’y makita natin sa ating mga kapwa si Kristo, na hinusgahan din sa kaniyang kapanahunan. Panalangin Panginoon, madalas din kaming manghusga ng ibang tao. Nawa’y matuto kami sa Inyong halimbawa ng pakikisalamuha ng walang pinipili, magsisilbi at nagmamahal ng walang sukatan. Nawa’y makita Ka naming sa bawat taong hinuhusgahan sa lipunan, ang magkaroon ng lakas na baguhin ang kultura ng panghuhusga sa aming mumunting mga paraan. Paanyaya Isipin at ipag-dasal ang mga taong hinuhusgahan sa lipunan, ang mga taong atin ding hinusgahan. Ama Namin… Aba, Ginoong Maria… Luwalhati…
Sinasamba ka namin at pinasasalamatan, Panginoong Hesukristo. Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Mahal na Krus at Muling Pagkabuhay, iniligtas mo ang sandaigdigan. Pagbasa (Lu 22: 39-45) Gaya ng kanyang kinaugalian, umalis si Hesus at nagtungo sa Bundok ng mga Olibo; at sumama ang mga alagad. Pagdating doo’ys sinabi niya sa kanila, “Manalangin kayo, nang hindi kayo madaig ng tukso.” Lumayo siya sa kanila nang may isang pukol ng bato, saka lumuhod at nanalangin. “Ama,” wika niya, “kung maaari’y ilayo mo sa akin ang kalis na ito. Gayunma’y hindi ang kalooban ko ang masunod, kundi ang kalooban mo.” Tigib ng hapis, siya’y nanalangin nang lalong taimtim; tumulo sa lupa ang kanyang pawis na animo’y malalaking patak ng dugo. Tumindig siya pagkapanalangin at lumapit sa kanyang mga alagad. Naratnan niyang natutulog ang mga ito dahil sa tindi ng dalamhati. Pagninilay May mga panahong tila gusto na nating sumuko, dahil sa bigat ng ating mga pasanin sa buhay. May mga panahong parang wala na tayong ibang maasahan. May mga panahong ang mga taong inaasahan nating nariyan lagi para sa atin ay naglalaho kung oras na ng kagipitan. Sa mga panahong wala na tayong makapitan, alalahanin natin na hinding hindi tayo iiwan ng panginoon. Hinding hindi tayo susukuan ng paginoon. Makita nawa natin bilang halimbawa ang pagbaling ni kristo sa Diyos sa panahon ng paghihirap. Maari tayong lumapit at kumapit sa kaniya kailan man. Panalangin Panginoon, humantong Ka sa panahong wala Kang ibang makapitan at walang ibang malapitan kundi ang iyong amang nasa langit. Kahit ang iyong mga kaibigan na minamahal at inaasahan ay naglaho. Turuan mo kaming matutong kumapit at lumapit sa Ama, na siyang tanging makakapitan at malalapitan sa oras ng kagipitan. Paanyaya Isipin at ipag-dasal ang mga taong walang ibang makapitan, ang walang ibang malapitan kundi ang Diyos. Ama Namin… Aba, Ginoong Maria… Luwalhati…
Sinasamba ka namin at pinasasalamatan, Panginoong Hesukristo. Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Mahal na Krus at Muling Pagkabuhay, iniligtas mo ang sandaigdigan. Pagbasa (1 Cor 11: 23-26): Ang Panginoong Hesus, noong gabing siya’y ipagkanulo ay dumampot ng tinapay, nagpasalamat, at pinagpira-piraso ito, at sinabi, “Ito ang aking katawan na inihahandog para sa inyo.” Gayon din naman, matapos maghapunan ay hinawakan niya ang kalis at sinabi, “Ang kalis na ito ang bagong tipan na pinagtitibay ng aking dugo. Tuwing iinumin ninyo ito, gawin ninyo bilang pag-aalaala sa akin. Sapagkat tuwing kakain kayo ng tinapay na ito at iinom sa kalis na ito ay ipinahahayag ninyo ang kamatayan ng Panginoon, hanggang sa muling pagparito niya. Pagninilay Sa huling hapunan, pinili ni hesus na isang piging ang kaniyang iiwang paalala ng kaniyang pagbibigay ng sarili para sa atin. Madalas hindi natin napapansin na tayo ay nabubuhay nang matiwasay dahil may mga taong nagbibigay ng kanilang sarili para sa ating kapakanan. Marami ring panahon na ipinagwawalang-bahala natin ang kabutihan ng ibang tao sa atin, lalo na kung iniisip nating bahagi ng kanilang trabaho ang maging mabuti sa atin. Katulad ni Hesus, ang kanilang pagbibigay ng buhay ang siya ring nagbibigay ng buhay sa atin. Sikapin nating makita na an gating tinatamasa ay bunga rin ng paghihirap ng iba. Tayo’y nabubuhay dahil sa pag-aalay ng sarili ng ibang tao. Nawa’y makita natin si Hesus na nagbibigay ng kaniyang buhay sa mga taong nagsasakripisyo para sa ating ikabubuti. Panalangin Panginoon, tulungan Mo kaming alalahanin na kami ay nabubuhay hindi lamang sa aming sariling pagsisikap. Turuan Mo kaming makita na hindi kami namumuhay sa pagsasarili. Turuan Mo kaming bigyan ng halaga ang nagbibigay ng kanilang mga sarili para sa aming kapakanan. Tulungan Mo kaming makita ka sa kanila, ikaw na unang nagbigay ng iyong sariling buhay para sa amin. Paanyaya Alalahanin at ipag-dasal ang mga taong nag-aalay ng kanilang sarili para sa ating kapakanan, lalo na ang mga taong patuloy na gimagawa kahit wala ni kapalit na pasasalamat lamang. Ama Namin… Aba, Ginoong Maria… Luwalhati…
Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen. Panginoong Hesus, nais Ka naming samahan ngayon sa daan ng iyong krus. Sa pagninilay naming sa iyong pagpapakasakit at pag-aalay ng buhay, naway mabigyan kami ng lakas na harapin ang bawat araw ng aming buhay, habang nananabik sa makasama Ka sa aming muling pagkabuhay, ikaw na Panginoon naming muling nabuhay.
Samahan natin ang Panginoong Hesus sa Kanyang paglalakbay sa bundok ng kalbaryo. Ang tradisyon ng pagdarasal ng daan ng Krus ay malaking tulong sa ating mga mananampalataya na panatilihing nakaugat sa Krus ng Panginoon ang ating mga sakripisyo sa buhay. Inyong mapakikinggan sa Playlist na ito ang magandang tinig ni Norman Dequia na gagabay sa atin tuwing araw ng Biyernes sa pagdarasal at pagninilay sa Daan ng Krus.