Ikalimang Istasyon: Tinanggap ni Hesus ang Kanyang Krus
Description
Sinasamba ka namin at pinasasalamatan, Panginoong Hesukristo. Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Mahal na Krus at Muling Pagkabuhay, iniligtas mo ang sandaigdigan.
Pagbasa (Mt 27:31 )
At matapos kutyain, kanilang inalisan siya ng balabal, sinuutan ng sariling damit, at inilabas upang ipako sa krus.
Pagninilay
Masarap magmahal. Masarap magmahal kahit na may kaakibat na pagpapakasakit at pagsasakripisyo ang ating pagmamahal. Dahil sa pagmamahal, handa tayong magsakripisyo. Kahit mahirap, handa tayong piliing patuloy na magmahal. Dahil sa pagmamahal, kusang-loob na tinanggap ni Hesus ang kaniyang krus. Dahil sa pagmamahal, pinili ni hesus na sundin ang kalooban ng Ama. Alam niyang mahirap. Alam niyang masakit. Ngunit di alintana ang hirap at sakit dahil sa kaniyang pag-ibig para sa atin.
Panalangin
Panginoon, inaalala naming ngayon ang Iyong pagibig sa amin, na handang piliing umibig, kahit may kaakibat na kahirapan, kahit mahirap kaming mahalin. Turuan mo kaming makita ka sa mga taong aming minamahal. Turuan Mo kaming piliing maging mapagmahal kahit may hirap itong kaakibat.
Paanyaya
Isipin yung ang mga tao sa buhay mo na mahirap mahalin. Ipagdasal at ipag ubaya sila sa Panginoon.
Ama Namin… Aba, Ginoong Maria… Luwalhati…




