DiscoverAng Daan ng KrusIkalabing apat na Istasyon: Ang Muling Pagkabuhay ni Hesus
Ikalabing apat na Istasyon: Ang Muling Pagkabuhay ni Hesus

Ikalabing apat na Istasyon: Ang Muling Pagkabuhay ni Hesus

Update: 2024-02-15
Share

Description

Sinasamba ka namin at pinasasalamatan, Panginoong Hesukristo. Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Mahal na Krus at Muling Pagkabuhay, iniligtas mo ang sandaigdigan.


Pagbasa (Mt 28: 1-6)


Makaraan ang Araw ng Pamamahinga, pagbubukang-liwayway ng unang araw ng sanlinggo, pumunta sa libingan ni Hesus si Maria Magdalena at ang isa pang Maria. Biglang lumindol nang malakas Bumaba mula sa langit ang isang anghel ng Panginoon, iginulong ang batong nakatakip sa libingan, at naupo sa ibabaw niyon. Ang kanyang mukha ay nakasisilaw na parang kidlat at kasimputi ng busilak ang kanyang damit. Nanginig sa takot ang mga bantay at nabulagtang animo’y patay nang makita ang anghel.

Ngunit sinabi nito sa mga babae, “Huwag kayong matakot; alam kong hinahanap ninyo si Hesus na ipinako sa krus. Wala na siya rito, sapagkat siya’y muling nabuhay tulad ng kanyang sinabi. Halikayo, tingnan ninyo ang pinaglagyan sa kanya.”


Pagninilay


Sa muling pagkabuhay ni Kristo, pinapawi ang ating takot sa kamatayan dahil nakasisigurado tayong may buhay na walang hanggan. Sa mga panahong lugmok tayo sa hirap ng buhay, nawa’y maging tanglaw ng pag-asa ang muling pagkabuhay ni Kristo. Naway mapaalalahanan tayo na ang ating buhay sa mundo ay patungo lamang sa buhay na walang hanggan kapiling ng Diyos.


Panalangin


Panginoong Hesus, tunay na Ikaw ang bukal ng pag-asa at buhay. Sa pamamagitan ng Iyong muling pagkabuhay, binigyan Mo kami ng pag-asa at lakas ng loob na harapin ang anumang pagsubok sa buhay. Pinagtibay Mo rin ang aming paniniwala na sa darating na panahon ay babangong muli kami sa kamatayan.


Paanyaya


Isipin ang mga mahal sa buhay na sumakabilang-buhay na. Alam nating sila’y kasama ni Kristo na muling nabuhay.


Ama Namin… Aba, Ginoong Maria… Luwalhati…

Comments 
00:00
00:00
x

0.5x

0.8x

1.0x

1.25x

1.5x

2.0x

3.0x

Sleep Timer

Off

End of Episode

5 Minutes

10 Minutes

15 Minutes

30 Minutes

45 Minutes

60 Minutes

120 Minutes

Ikalabing apat na Istasyon: Ang Muling Pagkabuhay ni Hesus

Ikalabing apat na Istasyon: Ang Muling Pagkabuhay ni Hesus

TabellaPH