DiscoverAng Daan ng KrusIkalabing-Isang Istasyon: Sina Maria at Juan sa Paanan ng Krus
Ikalabing-Isang Istasyon: Sina Maria at Juan sa Paanan ng Krus

Ikalabing-Isang Istasyon: Sina Maria at Juan sa Paanan ng Krus

Update: 2024-02-15
Share

Description

Sinasamba ka namin at pinasasalamatan, Panginoong Hesukristo. Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Mahal na Krus at Muling Pagkabuhay, iniligtas mo ang sandaigdigan.


Pagbasa (Jn 19: 25-27)


Nakatayo sa tabi ng krus ni Hesus ang kanyang ina at ang kapatid na babae nitong si Maria, na asawa ni Cleopas. Naroon din si Maria Magdalena. Nang makita ni Hesus ang kanyang ina, at ang minamahal niyang alagad sa tabi nito, kanyang sinabi, “Ginang, narito ang iyong anak!” At sinabi sa alagad, “Narito ang iyong ina!” Mula noon, siya’y pinatira ng alagad na ito sa kanyang buhay.


Pagninilay


Ang ating mga magulang ay larawan ng pagmamahal ng Diyos para sa atin. Sila ang unang nagpapadama sa atin ng pagmamahal at pagaaruga ng Diyos. Sa kanila tayo unang ipinagkatiwala ng Diyos. Sa ating buhay, ipinagkakatiwala din ng Diyos sa atin ang ibang tao ating nakakasalamuha. Nawa’y maipadama din natin sa kanila ang pagmamahal ng Ama, na siyang unang nagmahal sa ating lahat.


Panalangin


Panginoon, tulad din ng aming mga ina, walang sinuman ang umibig sa Iyo nang higit pa sa iyong Ina. Hindi niya marahil maintindihan ang Iyong pagpapasakit at kamatayan pero may malalim siyang tiwala sa pangako at kalooban ng Diyos. Sinamahan Ka ng Iyong Ina at nakibahagi sa iyong pagdurusa.Isa siyang huwaran ng pagtitiwala at pananalig sa Diyos. Naway maging tulad kami ni Maria, Ina Mo at Ina na rin naming lahat.


Maging mapagmahal nawa kami sa kanya tulad mo.


Paanyaya


Isipin at ipagdasal ang iyong mga magulang, kung kanino ka ipinagkatiwala ng Diyos.


Ama Namin… Aba, Ginoong Maria… Luwalhati…

Comments 
00:00
00:00
x

0.5x

0.8x

1.0x

1.25x

1.5x

2.0x

3.0x

Sleep Timer

Off

End of Episode

5 Minutes

10 Minutes

15 Minutes

30 Minutes

45 Minutes

60 Minutes

120 Minutes

Ikalabing-Isang Istasyon: Sina Maria at Juan sa Paanan ng Krus

Ikalabing-Isang Istasyon: Sina Maria at Juan sa Paanan ng Krus

TabellaPH