DiscoverAng Daan ng KrusUnang Istasyon: Ang Huling Hapunan
Unang Istasyon: Ang Huling Hapunan

Unang Istasyon: Ang Huling Hapunan

Update: 2024-02-15
Share

Description

Sinasamba ka namin at pinasasalamatan, Panginoong Hesukristo. Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Mahal na Krus at Muling Pagkabuhay, iniligtas mo ang sandaigdigan.


Pagbasa (1 Cor 11: 23-26):


Ang Panginoong Hesus, noong gabing siya’y ipagkanulo ay dumampot ng tinapay, nagpasalamat, at pinagpira-piraso ito, at sinabi, “Ito ang aking katawan na inihahandog para sa inyo.” Gayon din naman, matapos maghapunan ay hinawakan niya ang kalis at sinabi, “Ang kalis na ito ang bagong tipan na pinagtitibay ng aking dugo. Tuwing iinumin ninyo ito, gawin ninyo bilang pag-aalaala sa akin.

Sapagkat tuwing kakain kayo ng tinapay na ito at iinom sa kalis na ito ay ipinahahayag ninyo ang kamatayan ng Panginoon, hanggang sa muling pagparito niya.



Pagninilay



Sa huling hapunan, pinili ni hesus na isang piging ang kaniyang iiwang paalala ng kaniyang pagbibigay ng sarili para sa atin. Madalas hindi natin napapansin na tayo ay nabubuhay nang matiwasay dahil may mga taong nagbibigay ng kanilang sarili para sa ating kapakanan. Marami ring panahon na ipinagwawalang-bahala natin ang kabutihan ng ibang tao sa atin, lalo na kung iniisip nating bahagi ng kanilang trabaho ang maging mabuti sa atin. Katulad ni Hesus, ang kanilang pagbibigay ng buhay ang siya ring nagbibigay ng buhay sa atin. Sikapin nating makita na an gating tinatamasa ay bunga rin ng paghihirap ng iba. Tayo’y nabubuhay dahil sa pag-aalay ng sarili ng ibang tao. Nawa’y makita natin si Hesus na nagbibigay ng kaniyang buhay sa mga taong nagsasakripisyo para sa ating ikabubuti.


Panalangin


Panginoon, tulungan Mo kaming alalahanin na kami ay nabubuhay hindi lamang sa aming sariling pagsisikap. Turuan Mo kaming makita na hindi kami namumuhay sa pagsasarili. Turuan Mo kaming bigyan ng halaga ang nagbibigay ng kanilang mga sarili para sa aming kapakanan. Tulungan Mo kaming makita ka sa kanila, ikaw na unang nagbigay ng iyong sariling buhay para sa amin.


Paanyaya


Alalahanin at ipag-dasal ang mga taong nag-aalay ng kanilang sarili para sa ating kapakanan, lalo na ang mga taong patuloy na gimagawa kahit wala ni kapalit na pasasalamat lamang.


 


Ama Namin… Aba, Ginoong Maria… Luwalhati…

Comments 
00:00
00:00
x

0.5x

0.8x

1.0x

1.25x

1.5x

2.0x

3.0x

Sleep Timer

Off

End of Episode

5 Minutes

10 Minutes

15 Minutes

30 Minutes

45 Minutes

60 Minutes

120 Minutes

Unang Istasyon: Ang Huling Hapunan

Unang Istasyon: Ang Huling Hapunan

TabellaPH